C H A P T E R 2 9
━━━━༺❀༻━━━━
"Wae Noona?"
Napanganga ako habang nakatingin kay Zayn, nakasalampak na siya ng upo habang may dalawang hawak na bola sa magkabilang kamay.
Napatulala ako sa kaniya, maliit ang kaniyang boses at animong nagbo-boses bata siya. Pati ang pagparaan kung paano siya kumurap-kurap ay parang bata, walang-wala na kung paano kumilos si Zayn.
"Z-Zam..."
Pag-uulit ko sa pangalan niya.
Pilit na pino-proseso ang nangyari, paano 'to nangyari? Ano bang nangyari sa banyo?
Bahagya pang tumabinggi ang kaniyang ulo animong pinag-aaralan ang aking mukha.
Lumunok ako at dahan-dahan lumapit sa kaniya, hindi ko na pinansin ang mga mapangghusgang matang nakatingin sa amin, kailangan ko siyang maialis dito.
"Y-Your n-name is Z-Zam right?" nauutal na tanong ko.
Mabilis siyang tumango-tango. "Why po?"
"K-Kilala mo ba ako?"
Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay at naningkit ang mata animong pinag-aaralan ang aking mukha.
"You're ate Lauren!" sigaw niya at nanlaki pa ang mata.
Mas nanlaki rin ang mata ko dahil hindi ko inaasahan makikilala niya ako! Never pa kami nagkakilala ni Zam, hindi ko inaasahan kilala niya ako.
Muntik na ako mapatumba nang bigla siyang lumapit sa akin at sinapo ang pisngi ko, parang manghang-mangha sa nakikita niya.
Malakas naman kumabog ang puso ko. Ano bang ginagawa niya?
"Woah! Ang ganda mo po ate! Tama nga po ang sabi niya ang ganda niyo po!" manghang wika niya.
Napakurap-kurap ako dahil mas nilapit pa ni Zam ang mukha sa akin halos maduling ako.
"Sabi n-niya? N-Nino?"
Humiwalay siya at napanguso. "Kuya Zayn!" Napangiwi pa ako dahil ang tinis ng boses niya.
Letche, bakit ngayon pa kung kailan nasa public place kami. Hindi siya pwedeng makita rito ng ganyan baka may ibang makakitang kakilala niya.
Hindi pwede.
"N-Nakakausap mo si Zayn?"
Pwede ba 'yon?
Mabilis siyang tumango.
"Kahit? S-Saan? P-Paano?" naguguluhan tanong ko.
"Uhm, I don't know..." kunot-noong sagot niya animong hindi niya alam paano ipapaliwanag ang bagay na 'yon.
Ilang segundo pa ako napatitig kay Zayn. Ano bang gagawin ko? Iuwi ko na ba siya? Sasama kaya 'to sa akin?
"Hmm, Zam uwi na tayo." Inilahad ko ang kanan ko sa harap niya, tiningnan niya iyon bago bumalik ang tingin sa akin.
"Why?"
"H-Ha?"
"Why? I don't want to go home yet," ungot niya.
"Hindi tayo puwede rito, kasi masyado marami tao. Uwi na tayo noh? Ipagluluto na lang kita sa bahay..." hindi pala ako marunong "hmm fried lang."
Nakita ko nilagay niya ang kamay sa baba animong nag-iisip bago tinanggap ang aking kamay.
"Okay Noona." Nakangiting pahayag niya.
Inalalayan ko siyang tumayo, napakagat ako sa ibabang labi ko habang naglalakad kami at hawak kamay dahil para siyang batang maglakad. Kumakandirit pa siya, 'yung tumatalon-talon habang naglalakad at kung minsan ay mapapahinto pa kapag may nadadaanan kaming shop.
Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya, natatakot akong baka bigla siyang tumakbo at mawala na naman.
Marami na rin tumitingin sa amin. Sana lang talaga walang makakita.
Pagdating namin sa parking lot ay huminto ako. "Nasaan ang susi, Zam?"
Kaagad niyang kinapa ang bulsa niya. "Hmm susi...susi...susi..." paulit-ulit niyang bulong tapos ay nag-angat ng tingin sa akin. "What is susi?"
Napakurap-kurap ako. "Susi, the key for the car." Tinuro ko pa ang kotse niya.
Napailing ako bago ako na mismo ang kumapa no'n sa bulsa niya. Pinagbuksan ko pa siya ng pinto bago ako sumakay sa driver seat. Panigurado naman hindi 'to marunong magdrive baka hindi na kami maka-abot ng buo kung hayaan ko 'to. Ni hindi nga alam ang susi. Tsk.
Bago ko ini-start ang kotse ay sinuotan ko muna siya ng seatbelt habang siya naman ay apura pindot sa kung ano man makita niya sa loob ng kotse.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko, kinakabahan ako.
Para akong nag-aalaga ng bata, inilabas ko ang aking telepono. Tatawagan ko sana si Mat pero naalala ko ang nakita ko sa kusina kanina, I can't trust him now. Hindi ko pa sigurado pero kailangan ko mag-ingat.
Instead of Mat, I dialed Uno's number. Kinuha ko ang number niya noon kung sakaling may emergency.
Tatlong ring bago siya sumagot.
"Hello, Doctor Vweuzry Falcon speaking, who's this?" napataas ang kilay ko at napatingin pa sa screen ng cellphone ko.
Baka kasi mali e, pero number 'yon ni Uno.
Seryoso ang boses ng lalaki sa kabilang linya, hindi ko kaagad nakilala.
"Hello? Uno?" pagsisigurado ko.
"Yes? Sino 'to?" mukhang hindi niya rin ako nakilala.
Amp! Doctor Vweuzry Falcon pala name niya, e saan nanggaling uno do'n?
"This is Lauren." Sumulyap pa ako kay Zayn, tinabig ko ang kamay niya ng makitang kinakagat niya ang kuko niya.
Sandali siyang natahimik. "Oh! Lauren what happened to Zayn?!"
"I met Zam today," sabi ko na hindi inaalis ang tingin kay Zayn. Tinuro niya pa ang sarili niya dahil narinig ang sinabi ko.
Narinig kong sunod-sunod na nagmura si Uno, "Where are you?"
"Mall."
"Shit, kaya mo ba siyang iuwi? Sumama ba sa'yo? Uto-utoin mo lang, aalis na ako. Bye!" Narinig ko pa bahagya hingal niya bago namatay ang tawag.
"Where's kuya Mat?" tanong niya.
Sinumulan ko naman magdrive.
"Nasa bahay."
"Why?"
"Kasi l-labas sana kami ni Zayn." Ikaw 'yon.
"Hmm why?"
"Kasi hindi pa kami madalas kumain sa labas, bonding namin."
"But why?" napalunok ako sa kakulitan niya.
"Para makilala pa namin ang isa't-isa."
"Why?"
"Kasi sandaling panahon pa lang kami magkasama, s-saka engaged na kami. Gusto ko sana mas makilala pa siya."
"What is engaged?"
"U-Uh? It's like--ahm---an agreement, we agreed to marry each other." Leche, tama ba english ko rito? Nakakaintindi naman ata 'to ng tagalog.
"You are engaged with kuya Zayn? Why?"
Anak ng.... Ang kulit naman nito.
"Hmm, because he l-loves me?" hindi ako sigurado sa sagot ko. Sinulyapan ko si Zam pinapanuod niya ang mga nadadaanan namin sa labas.
"He loves you? Why?"
"I d-don't know," mahinang wika ko.
Sandali siyang natahimik kaya sinulyapan ko siya, naabutan ko siyang inosenteng nakatingin sa akin.
"But kuya Zayn doesn't love you, Kuya Baron loves you."
Hah?
"A-Ano?"
Medyo binagalan ko ang pag-dadrive dahil sa sinabi niya. Kita ko sa gilid ng mata ko pinaglalaruan niya ang mga daliri niya pati ang mga tattoo sa braso niya ay tinutusok-tusok niya.
"Kuya Baron told me."
Ano ba pinagsasabi nito? Zam I don't understand.
"Kailan sinabi ni Baron iyan?"
Gusto ko sumigaw, hindi ako galit nakakalito lang at nakakaputang-ina na iisang tao lang ang kausap ko pero iba-iba ang tinutukoy ko.
"Hmm, I can't remember Noona," humikab pa siya.
Sakto naman ay pagpasok ko sa village kung saan nakatira si Zayn.
Hindi na ako nagsalita, hanggang makarating kami sa bahay. Wala pa rin si Uno pero alam kong papunta na iyon.
Nakakapit si Zayn sa aking braso ng pumasok kami sa bahay niya. Kaagad tumama ang mata ko kay Mat na nasa gawing hagdanan at may kausap sa cellphone, nang makita kami nito ay kaagad nitong binaba ang tawag.
Nagsalubong ang noo ko sa ginawa niya.
Bumitaw si Zayn sa akin at patakbong lumapit kay Mat na sumulyap muna sa akin bago bumaling sa amo.
"Kuya Mat! Kuya Mat! Let's play!"
Hindi nagulat si Mat, para bang inaasahan na niya ang bagay na iyon, inaasahan niyang makikita niya si Zam.
Ginulo niya ang buhok ni Zayn bago ngumiti. "Alright let's play."
Tipid akong ngumiti kay Mat nang senyasan niya akong aakyat muna sila ni Zayn sa itaas. Nang mawala siya sa paningin ko ay nawala ang ngiti sa aking labi.
Bakit hindi ka nagulat na si Zam ang kasama ko at hindi si Zayn? Bakit parang alam mo na mangyayari 'to?
Nanlaki ang mata ko at mabilis naglakad papunta sa kusina.
Pinapanalangin ko na mali ang naiisip ko. Sana hindi totoo, kasi kung gano'n nga, ayokong mawalan ng isang kaibigan si Zayn.
Lumuhod ako sa harap ng basurahan, "Leche!"
Naikuyom ko ang kamao ko nang wala ng laman ang basurahan, napalitan na ang plastic na nandoon. Tsk.
Magaling!
Huminga ako ng malalim bago ikalma ang sarili ko.
Kilangan ko umisip ng plano, baka kaya kinuha ako ni Zayn para magkatiwalaan ako sa ganito, sa panahon na wala siya. Kasi kung tutuosin may butler siya at nandyan ang psychiatrist niya. Hindi na ako kailangan bukod sa business niya. Baka isa ito sa dahilan, na alam niya o nakakaramdam siya ng iba kapag wala siya.
Naagaw ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone ko sa bulsa, akala ko ay si Uno iyon kaya kaagad kong sinagot.
"Hello?"
Hindi kaagad nagsalita pero rinig ko ang hinga sa kabilang linya.
"Hello?!" medyo nilakasan ko na, tiningnan ko ang numero, hindi si Uno. Sino ba 'to?
"Sino 'to?"
Ilang segundo ang lumipas bago ko marinig ang boses ng isang ginang.
"Lumayo ka sa kaniya hanggat maaga pa, hanggat kaya mo pang iligtas ang sarili mo ay lumayo ka na."
"S-Sino 'to?! Ano bang sinasabi mo?!"
"Hindi ko alam na pagkikitain pa rin kayo ng tadhana pagkaraan ng maraming taon."
"Prank ba 'to?! Sino ho ba kayo?!" inis na sigaw ko.
Mahina siyang tumawa. Kinilabutan ako.
"Too much love can kill you, Lauren. And you will be the death of him."
**