GENERAL'S PROVERBS
Nagmamadaling nagmamaneho si Enuo patungo sa gusali ng mga diwata para ibalita na nilusob nila Agatha ang mga diwata pagdating niya doon ay naabutan niya si Danaya,Lucas,Ava,Cassiopea at Emre na nasa loob na ng gusali ginamot ang mga sugatang kawal habang ang iba ay kinumusta ang kalagayan ng iba.
ENUO:Mabuti nalang na naabutan ko pa kayo dito!(Sabi niya habang papalapit sa kanila)
DANAYA:Ama,bakit ka napatungo dito?
ENUO:Nagtungo ako dito para ibalita sa inyo na sinakop nila Ether ay Malacañang at pinaslang ang buong miyembro ng Cabinete,Senador,at ang Presidente.
ALENA:Pashnea,nagawa pa talagang mandamay ni Ether ng mga taong walang muwang-muwang sa mga pangyayari!
EMRE:Sinabi mo pa!
PIRENA:Meron pa tayong kawal ma malala ang kalagayan(Sabi ng Hara habang papalapit nila Danaya)Ba't ganyan ang mga mukha niyo may problema ba?(Pagtatakang tanong ng Hara)
CASSIOPEA:Ako ng bahala sa mga sugatan,mabuti pa na puntahan niyo sina Ether habang maaga ba.
EMRE:Sasama ako.
ALENA:Avisala eshma Bathala
PIRENA:Ano bang nangyayari?
DANAYA:Sinugod nila Ether ang Malacañang at pinatay ang mga pinuno dito.
PIRENA:Tanakreshna! kaya tayo na magtungo doon.
AMIHAN:Sasama din ako.(Sabi niya habang papalapit sa kanila)
Tumango naman ang sina Pirena at Emre saka nag-ivictus
LIRA:Tito Enuo saan nagpunta sina Inay?
ENUO:Sa Malacañang pagkat nasakop na ito ng mga kalaban.
MIRA:Kaya pala nagmamadaling umalis sina kasama si Emre.
MALACAÑANG PALACE
AGATHA'S PROVERBS
Sa wakas nakuha ko na ang aking nais na maging Hara ito na ang simula ng aking pamumuno HAHAHA!😈😈pagkatapos paslangin ng aking mga kawal ang mga walang silbing mortal ay inutusan ko si Lucio na gawing abo ang mga katawan ng mga ito pagkat wala akong panahon para iligpit ang mga iyan.
Kay sarap sa pakiramdaman na pagkatapos ng ilang daang taon at ilang buwang pagplaplano ay natupad na rin ang aking pinapangarap na maging Hara.
LUCIO:Hindi mapagkaila ang iyong kasiyahan Hara!
AGATHA:Siyang tunay labis-labis akong nasisiyahan pagkat natupad na rin ang aking pinapangarap!
BERTO:Anong plano mo ngayon na ikaw na naging totoong Reyna ka na?
AGATHA:Saka na natin pag-usapan iyan sa ngayon ay madiwang muna tayo.
ANDORA:Magandang mungkahi iyan Hara.
Nang biglang lumapit sa amin ang isa sa aking mga kawal na mukhang may dalang masamang balita.
KAWAL NIYEBE:Mahal na Hara nilusob tayo ng mga diwata!
AGATHA:Tanakreshna! paano nila nalaman na andito tayo?
KAWAL NIYEBE:Poltre ngunit hindi ko batid.
ETHER:Kami na ni Lucio ang bahala sa mga diwata.
AGATHA:Avisala eshma Bathaluman.
Saka nag-ivictus sila patungo sa labas.
LUCIO'S PROVERBS
Pagdating namin ni Ether sa labas ng palasyo ay nadatnan namin na malapit ng maubos ang aming mga alagad ng mga diwata pagkat kasama nila ang kanilang Bathala na lumaban sa mga kawal.
ETHER:Kay lakas ng loob niyong magtungo dito!
PIRENA:Hindi ka ba kayo nasanay na pinipigilan kayo Ether?!
LUCIO:Kahit na anong pigil niyo ay hindi niyo kami mapipigilan sa aming nais na maghari!
AMIHAN:Kahit kailan ay hindi kayo maghahari!
ETHER:Mga lapastangan!
LUCIO:Ako na ang bahala sa mga iyan Bathaluman!
ETHER:Siguraduhin mong mapapaslang ang mga Sangre!
ALENA:Mangarap ka lang Ether pagkat hindi niyo kami mapapaslang!
DANAYA:Kahit naman siguro sa panaginip mo ay di niyo kami madadaig!
EMRE:Kaya kung ako sa inyo ay itigil niyo na ito habang may pagkakataon pa kayo!
ETHER:Kahit kailan ay hindi kami susunod sa inyong nais!Lucio gawin mo na ang kailangan mong gawin!
LUCIO:Masusunod Bathaluman!
Saka lumikha ako ng mga kalaban gawa sa aking kapangyarihan at nilusob ang mga diwata at kanilang Bathala dinamihan ko ito para siguraduhin na mapapaslang sila.
PIRENA:Sa dami ng mga kalaban sa tingin ko di natin ito makakaya!(Sambit ng Hara ng Hathoria habang nakikipaglaban)
ALENA:Tama ka Edea mabuti pang umatras nalang tayo!
AMIHAN:Sige umalis na tayo!
Saka sila naglaho,nang makaalis na sila bumalik na ako sa loob,upang puntahan ang aking mga kasama at nadatnan ko silang nag-uusap.
AGATHA:Bathaluman di ba mas maganda kung lalagyan natin ng pananggalang ang lugar na ito nang saganon ay hindi makakapasok ang mga diwata.
ETHER:Iyan sana ang aking gagawin ngunit biglang sumugod ang mga diwata!
LUCIO:Bathaluman,Hara paumanhin kung naputol ko ang inyong pag-uusap nais ko lang ipaalam sa inyo na umalis na ang mga diwata.
AGATHA:Hindi mo sila napaslang?!
LUCIO:Hindi Hara ngunit may iba pa tayong pagkakataon upang gawin iyan.
ETHER:Tama si Lucio,ang importante ngayon ay naging Hara na si Agatha at kagaya ng ipinangako ko sa iyo dati Lucio ay magiging Hari ka heto na iyon.
ANDORA:Ang ibig sabihin ba nito Bathlaluman na Agatha at Lucio ang mamumuno?
ETHER:Oo.
LUCIO:Avisala eshma Bathaluman,Agatha di muna kailangan maghanap ng Hari pagkat andito na ako.
AGATHA:Natutuwa ako para sa iyo Lucio.
T.M.S.N CORP
GENERAL'S PROVERBS
Nang matapos na gamutin ni Cassiopea ang mga sugatang Kawal ay naisipan ng Bathaluman na pabalikin muna sila sa kanilang mga tahanan nang saganon ay makapagpahinga habang sina ang mga natitirang mga diwata at elementian ay naispang manatili sa gusali upang antayin ang mga magkakapatid na Sangre.
LIRA:Pashnea talaga ang Ether na iyan pinlano niya talagang mabuti ang lahat ng ito!
CASSIOPEA:Heto na ang katuparan ng propesiya maaabutan pa ng ilang taon bago pa makakalaya ang mundong ito mula sa mga kamay ng kasamaan.
MIRA:Pero may paraan para mapigilan sila di ba Bathaluman?
CASSIOPEA:Oo,at maghihintay lang tayo ng tamang panahon.
KHALIL:Ang ibig bang sabihin ba nito Bathaluman na maghihirap muna ang mga tao?
CASSIOPEA:Mangyayari ang nakatakdang mangyari.
ANGELO:Tama si Yna ngunit dadating ang panahon na babagsak ang panig Ether na ang mangyayari sa kanila ay higit pa sa inaasahan.
PAOPAO:Ngunit ang isipin natin sa ngayon ay kung paano sila mapipigilan malakas ang kutob ko na hihilingin nila Ether ang katapatan ng mga malalaking tao.
AZULAN:Tama ka diyan sa sinabi mo kagaya ng ginawa ni Hagorn dati at sigurado ako na papaslangin nila kung sino man ang hindi luluhod sa kanila.
CASSIOPEA:Tama ka doon Rama.
Ilang segundo lang ay dumating na ang apat na Sangre at si Emre.
YBRAHIM:Avisala eshma na ligtas kayo,kumusta ang pagtungo ninyo doon?
AMIHAN:Hindi naging mabuti,pagkat hindi kami nakapasok sa loob mismo ng Palasyo.
MEMFES:Ang mabuti pa ang pagplanuhan nating mabuti kung paano natin sugurin sina Ether.
AQUIL:Tama ka doon Rehav ngunit ipagpabukas na natin iyan dahil kailangan din nating magpahinga nang saganon ay makakalaban pa tayo.
CASSIOPEA:Tama ka doon Aquil ngunit magtungo muna ako sa gusali ng mga Elementian upang lagyan ulit ng pananggalang ito.
OTIS:Avisala eshma Bathaluman!,at ayusin na rin namin ang mga nasira sa digmaan.
Saka nag-ivictus ang mga elementian kasama si Cassiopea habang ang hari ng mga mulawin naman ay lumipad na patungong Avila.
ALENA:Pumarito muna kaming magkakapatid para na rin ayusin ang mga nasira.
PIRENA:Tama si Alena kailangan muna namin pumarito
MINEA:Sigurado ba kayo diyan mga anak?
DANAYA:Oo Yna,kaya na namin ito.
EMRE:Ikalulungkot ko man sabihin ito ngunit kailangan ko ng magbalik ng Encantadia kasama nila Hara Minea pagkat kailangan kami doon huwag kayong mag-aalala makakasama niyo pa rin siya Cassiopea at kung kailangan niyo kami ay magpadala lang kayo ng mensahe.
PIRENA:Nauunawaan namin Bathala at avisala eshma sa niyong tulong hanggang sa muli nating pagkikita.
Bago pa umalis si Emre kasama nila Minea ay niyakap muna nila ang kanilang mga mahal sa buhay sa nag-ivictus pabalik ng Encantadia kagaya nila Emre ay niyakap muna nila Mira't Lira ang kanilang mga Yna at mga Ashti habang sila Azulan,Ybrahim,Memfes,at Aquil ay hinalikan nila sa labi ang kanilang mga minamahal saka sila nag-ivictus pabalik sa kanilang tahanan.
Pagkatapos ay inilabas ng magkakapatid na Sangre ang kanilang mga brilyante upang ayusin ang mga nasira sa digmaan saka nag-ivictus na rin sila pauwi.
KINABUKASAN
LE ROYAL SUITES E IL GOLF(THE ROYAL SUITES AND GOLF)
VANESSA'S PROVERBS
Pagkatapos namin mag-agahan ay naisipan namin manood ng T.V at pagbukas ko ng telebisyon ay ang bumungad sa amin ay ang mukha ni Agatha kasama nila Ether ano kaya ang plano ng mga ito?
DASHA:Pashnea!,ang aga-aga mukha agad nila Agatha ang nakikita sa TV!
ALANA:I know right and I'm sure na tatakutin nila ang mga taong bayan.
VANESSA:Sinabi mo pa at sa tingin ko ay merong mga taong madadala sa mga sasabihin ni Agatha.
CASSANDRA:Guys manahimik muna tayo para marinig natin kung ano ang sasabihin ng warkang Agatha na iyan.
TV BROADCAST CHANEL 21
Kagaya nga ng inaasahan namin ay nagbibigay nga ng banta ang nagreyna-reynahang si Agatha.
AGATHA:Batid niyo naman na napaslang na ang inyong presidente at ang iba pa niyang mga kasama na nagpapatakbo sa inyong bayan pagkat di nila nabigay ang aking hiling na mamuno ngunit wala ng saysay kung magsasabi pa ako tungkol sa kanya sa hindi pa ako nakikilala ay ako si Agatha sa simula ng araw na ito ay ako na ang inyong Reyna kaya dapat niyo akong sundin kung anuman ang aking nais!
LUCIO:Ako naman si Lucio ang bago niyong Hari kagaya din ni Agatha ang kailangan niyo din akong sundin sa lahat ng mga tao,mayaman,mahirap,kilala o hindi kilala ng mga taong bayan ay kailangan niyong sumumpa ng katapatan sa amin ni Agatha kung sino mang hindi sumunod sa aming nais ay mapapaslang!
Agad namang pinatay ni Adam ang T.V dahil sa inis.
ADAMUS:Tanakreshna talaga ang mga nilalang na iyan! narinig ba nila ang kanilang mga sarili masyado na silang nahihibang!
JUNO:Sinabi mo pa bro at sigurado ako na ang magbibigay katapatan sa mga iyan ay ang mga kriminal!
ARGO:Sinabi mo pa,so kailangan may gagawin tayo kaysa nakatunganga lang dito!
EMMANUEL:Naiintindihan ko kayo guys pero huwag tayong magpadalos-dalos baka mapahamak tayo niyan!
ADAMUS:Tama si Eman Argo na huwag tayong padalos-dalos baka mapahamak tayo.
ARGO:Sabagay,sana ligtas ang mga magulang natin.
ALANA:Speaking of mga magulang natin,how about tawagan natin sila?
JUNO:Mabuti pa nga.
Mapipigilan pa kaya ang kasamaan ni Agatha na ngayon ay siya na ang nagreyna-reynahan habang si Lucio ay naghari-harian?Abangan sa mga susunod na kabanata.
ITUTULOY..