The Things I Hate About You

Par ceresvenus

166K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... Plus

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 33

3.1K 103 13
Par ceresvenus

TOSCA

It was hard adjusting to a single life again. There were no I love you and I miss you messages before I sleep at night and I wake up in the morning. Wala na ding nag hahatid sundo sa akin sa mga lakad ko. Nagulat nga ako nang hindi na pala ako sanay na matulog ng walang katabi. Aaminin ko naman na namimiss ko siya pero normal lang naman ito sa bagong break up.

Matapos ang naging tagpo namin ni Scor noong nakaraang linggo ay hindi niya tinantanan ang pag tetext at pag tawag sa akin. Puro pa text ng 'I miss you' at 'Let's talk' pero tiniis ko ang lahat ng iyon.

Ilang araw ding ganon ang mga sumunod na nangyari hanggang sa siya na lang din ata ang napagod at sa wakas ay tinantanan na niya ako. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Dapat ba matuwa ako dahil tahimik na ang buhay ko o malungkot ako dahil ganon kabilis niya lang akong sinukuan?

Hindi ko namalayang ilang linggo na rin pala ang lumipas. Baon din ako sa mga guesting at endorsements. Palagi akong may pictorial sa iba't ibang klase ng brands. Pinapagod ko nalang din ang sarili ko dahil alam ko namang di ko kailangang itodo ang pagiging influencer na ito. Who knew you could earns such money by posting a single picture on instagram?

At ngayon nga ay on the way ako sa isang convention. Lahat ng mga sikat na personalidad na makikita sa youtube at sa iba pang social media platform ay nagtitipon doon. I was lucky to get invited but I really didn't want to come. Masyadong toxic ang industriyang ito. Kaya nga mas pinili kong maging pribado. Hindi ko naman ginagawa ito para kumita ng pera dahil may mga negosyo naman ako.

"Hi miss Tosca! Pwede po magpa picture?" Sabi sa akin ng isang teen ager na fan.

"Sure!" Sabi ko.

Nag selfie kami ay saglit niya akong kinausap.

"Ano pong secret niyo? Bakit ang ganda at ang sexy niyo pa?" Excited niyang tanong sa akin.

Napaka dali lang ng tanong niya pero nahirapan akong sumagot. Bakit nga ba? Natigilan ako pero hindi ko ipinahalata sa kanya iyon. Instead, I composed myself and smiled at her.

"You just have to love yourself enough to make yourself better, dear. Better inside and out." Sa wakas ay sagot ko.

That's it! That is exactly what I lost when I loved Scor. Bago siya dumating sa buhay ko, maayos naman ako eh. Masaya ako. Tanggap ko kung sino ako. Pero nung dumating siya, nagkaroon ako ng ilusyon na dapat ay maging ganito o ganyan ako para lang magustuhan at mahalin niya din ako.

But now that he's gone, I can finally love myself more than before. I don't need a man in my life. Nakalimutan ko kung gaano ako kasaya noong wala pa siya. Nakalimutan ko na kung gaano ko katanggap ang sarili ko noon. I just want that now. Self love and acceptance is the key for me to move on.

Kaya ganoon nga ang ginawa ko. I focused more on myself. Namili ako ng mga bagong damit na gusto ko. Pabangong gusto ko. Ang sarap mag bihis nang walang restriction na iniisip. Ito ako eh. Ang motto ko, pwede nilang makita pero bawal nilang hawakan. Wala namang masama kung ifo-flaunt ko kung anong meron ako diba? I posted a few pictures on my instagram while trying on my new bikini. Tube ang top noon at pa thong ang cut ng pang ibaba. My butt was highlighted because of the cut.

Wala pang limang minuto ay binabaha na ng notification ang phone ko. It was mostly comments from guys. It was all sexualizing and a little below the belt. Okay lang naman sa akin iyon pero ewan ko ba. I guess I am just not having their bullshits today. Binuksan ko ang cellphone ko at dinelete ang litrato.

It was already dinner time but I didn't have the appetite to it. Naisip kong mag gym nalang dahil wala din naman akong gagawin sa bahay. Gusto kong mag work out hanggang sa inaapoy na sa sakit ang mga kalamnan ko. Nag jogging ako patungo sa kalapit na gym ng unit ko. Regular na ako dito kaya ilang mga tao din ang bumati.

Una akong pumwesto sa treadmill at binilisan kaagad ang settings noon. Tumakbo ako hanggang sa naghahabol na ako ng hininga at halos bumigay na ang legs ko. Di ko alam kung gaano ako katagal mag work out pero noong napagod ako ay naupo muna ako sa isang tabi habang umiinom ng tubig.

"Tosca?" Tawag sa akin ng isang pamilyar na lalaki.

Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Who is this guy again? Ugh! Think, Tosca!

"It's Basti. Scor's friend."

I snapped my fingers on my mind. Oo! Naalala ko na. Kasama namin siyang mag Iloilo noon. And if I remember it correctly, Basti is a professional race car driver. How can I forget him?!

"H-hi! How is it going? Dito ka din pala nag gi gym." Hilaw na sabi ko.

Ngumiti ako kahit medyo awkward. Napahiya na kasi ako kanina dahil nga hindi ko siya naalala.

"Yeah! I live nearby. I heard about you and Scor by the way. I'm sorry about that." He said in an apologetic manner.

"That's okay. It's no one's fault. Talagang hindi lang ng work." Nahihiyang sabi ko.

Ayoko namang ako pa mismo ang magkalat kung bakit kami nagkahiwalay no? What would I say? That I was a rebound? Sampal na nga sa akin iyon, ihaharap ko pa ba ang kabilang pisngi ko?

"Yeah, it's a shame... Scor is devastated you know." Nahimigan ko ang pag-aalala sa kanyang tinig.

Nagiwas ako ng tingin at nilunok ang bara sa aking lalamunan. Really? He's devastated? Ang hirap naman paniwalaan.

"I'm sure he'll get over it." Tumayo ako at kinuha ang maliit na gym bag at ang lalagyan ko ng tubig.

"Anyways, I'm sorry for crowding you. Hindi ko lang inasahan na makikita kita dito." Dumapo sa batok niya ang palad niya at nahihiyang tumingin sa akin.

"It's okay! I have to go though, kakatapos ko lang eh."

"Alright. Mag-ingat ka." Paalam niya.

Tumango ako at isang beses na humakbag pero nagsalita pa ulit siya.

"I really hope you can give him a chance, Tosca. He loves you." Sabi niya at tuluyan na akong tinalikuran.

Gusto kong maniwala. But then again, he doesn't really know the real deal. Baka ang akala nila ay simpleng break up lang ito na walang matinong rason.

But my reason, it's far too deep. Hanggang kailan ba ako masasaktan na ginawa akong panakip butas sa isang taong patay na? Ni minsan ay hindi ako na insecure sa hitsura ko. Hindi ako na insecure sa katawan ko at sa sarili ko. Pero nang malaman ko ang lahat ng iyon, bumaligtad ang prinsipyo ko.

Ganoon ba niya minahal ang Cheska na iyon para pilitin niyang buhayin sa akin ang pagkatao niya? Why can't he accept me for what I am? Isang tanong na kahit kailan ay hinding hindi niya masasagot.

Umuwi ako ng bahay at nag handa ng pwede kong makain. I won't starve myself. Parang feeling ko, nag-sisimula na ang proseso ng pag mu move on ko. Jumbo hotdog ako kaya kaya ko ito.

It's 11 o'clock already. Ganon pala ang itinagal ko sa gym? Baka nga kung hindi ko nakita si Basti doon ay nag-tagal pa ako. I decided to watch a movie since it's a sunday tomorrow. Wala naman akong gagawin kaya pwede akong mag-puyat.

Nasa kalagitnaan ako ng panononood namg tumunog ang cellphone ko. Someone's calling me! Akala ko naman ay may emergency dahil sunud sunod ang tunog noon pero si Scor lang pala ang tumatawag. Anong problema niya? Why is he calling me now? Napa irap ako sa kawalan at ni reject ang call niya. Initsa ko iyon sa tabi ko at nanood nalang ulit ng movie.

Maya-maya, tumunog nanaman yung phone ko! Naiirita na ako dahil hindi ako makapag focus sa pinapanood ko. Ayoko namang kausapin siya kaya tinext ko nalang siya.

Scor

|Stop calling me!|

|Answer the phone.|

|No! I'll block your
number.|

|I miss you so much.|

|Fuck I'm so drunk.|

|I drank to forget u
but it just made me
miss u even more|

Tumawag ulit siya at ilang sandali ko pang pinanood na nag ri ring ang cellphone ko hanggang sa tumigil ang tawag. Wala akong maisip na ireply kaya tinitigan ko lang ang cellphone ko at paulit ulit na binabasa ang message niya sa akin. Nag vibrate ng sunod sunod ang phone ko at lumabas ang mga panibagong message mula sa kanya.

Scor

|Please answer the
phone.|

|Bumalik ka na sakin.|

|I'll be good I swear|

|No one can replace u
Tos. Lahat sila walang
panama sayo. Come back
to me pls. I love u|

Mayroong kirot sa dibdib ko habang binabasa ko iyon pero natatakot na talaga akong sumugal sa kanya.

Alam ko namang iniisip niya na mababaw na babae lang ako. Na ganito ganito lang ako. Pero mahal na mahal ko talaga siya at nasaktan ako sa ginawa niya. He lied to me, kept things away from me. Who knows what else is he hiding from me?

Alam niya ba na naninikip ang dibdib ko sa tuwing iiwasan at kaiinisan niya ako? And now that I gave him his own medicine, he's going to text me like this? Akala niya kasi ganoon kadali niya lang akong makukuha pabalik.

I love him. I do! But I am just starting to find myself again and I'd be damned if I lose me again. I'm too scared to give in to him and lost myself once more because I might lose myself for good if that happens.

A/n: thank you guys for patiently waiting. please vote and leave a comment below to raise the rating of TTIHAY. I'll be posting a new story soon so watch out for it and make sure you follow me.Xoxo

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

39.9M 1M 49
She's pregnant and... a virgin.
25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
Every Line Crossed Par jeil

Fiction générale

8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...