C.M.V.D CORP
GENERAL'S PROVERBS
Patuloy pa ring nakipaglaban ang mga Elementian at ang Bathalang Emre ss mga alagad na Halimaw ni Ether sa sobrang dami ng bilang ng mga halimaw ay umabot na sa punto na may nasugatan na sa mga kawal tapos sa gitna ng labanan ay may naramdaman sila ng pagyanig sa lupa at mga ungol ng mga higanteng halimaw na nagmula sa kabilang dako.
EMRE:Pashnea,malakas ang kutob ko na patungo ang mga ito sa gusali ng mga diwata(Sambit niya sa isipan)
Saka naglabas ng napakalakas na kapangyarihan ang Bathala na siyang naging dahilan na malusaw ang lahat mga halimaw.
OTIS:Maraming salamat Bathalang Emre.
EMRE:Walang anuman Kamahalan at puntahan mo sina Liam upang matulungan natin ang mga diwata.
OTIS:Masusunod(Saka naglaho patungo sa kinaroroonan nila Liam)
T.M.S.N CORP
Hindi nga inaasahan ng mga diwata na may nilikhang mga higanteng kubor si Ether di lang ito dalawa kundi anim na halimaw.
PIRENA:Pashnea..
AMIHAN:Pashnea nga.
ETHER:Tila gulat na gulat kayo sa inyong mga nakikita,sabagay hindi niyo inaasahan ang mga bagay na ito HAHAHA!😈
AMIHAN:Iyan ba ang iyong paraan para manalo sa labanan na ito na iba ang lalaban para sa iyo?!
ALENA:Masyado mo yatang ipinahalata ang iyong kaduwagan Ether!(Pang-aasar ng Hara)
DANAYA:Sinabi mo pa kapatid ko,naduduwag siyang harapin tayo!
ETHER:Sino kayo upang lapastanganin niyo ang isang Bathaluman?!
PIRENA:Isa ka lang namang Bathaluman na maraming atraso sa amin kaya nararapat lang sa iyo iyan!
MINEA:Di ka na nakuntento sa ginawa mong paninira noon at ngayon ay dinagdagan mo pa!
ETHER:Mga Pashnea!,mga alagad puksain silang lahat huwag kayong titigil hanggat di nauubos ang kanilang hanay!(Saka nag-ivictus)
CASSIOPEA:Mabuti pang tawagin niyo na ang mga gabay ng inyong kapangyarihan mga Sangre upang ang mga halimaw.
Tumango naman ang mga Sangre bilang pagsang-ayon at lumabas naman mula sa mga brilyante si Draco,Saphira,Aqua,at Yasha saka lumabas naman si Ice mula sa kapangyarihan ni Lira at si Phyra mula sa kapangyarihan ni Mira.
SA KABILANG DAKO
Sa di kalayuan ay nakita din nila Paopao,Angelo,Esmeralda,at Demetria agad nagtungo ang mga Ila ng mga Sangre upang tulungan silang labanan ang mga kubor naisipan din ni Paopao na tawagin si Jahed na lumabas sa aking brilyante sa nilabas ni Angelo ang kanyang mga pakpak nang saganon ay may sapat siyang pwersa upang labanan ang mga kubor.
SA TIMOG BAHAGI NG GUSALI
Ang kinakaharap ni Amihan at Alena ay ang halimaw na gawa sa lavanea,kay Pirena at Danaya ay ang halimaw na gawa sa niyebe,kay Angelo at Mira ay ang halimaw na gawa sa puno,kay Paopao at Lira ang ay halimaw na gawa sa tubig,kay Cassiopea at Minea ay ang halimaw na may sungay,samantalang ang kinakaharap ni Esmeralda ay Demetria ang halimaw parang aso at tatlo ang ulo.
Nilalabanan nila ito gamit ang kanilang mga sandata at kapangyarihan samantalang ang mga Sangre at si Paopao ay sinakyan nila ang kanilang mga dragon upang makalaban sa mga halimaw.
Habang ang iba nilang kasamahan ay patuloy pa rin ang pakikipaglaban sa mga kawal niyebe ilang sandali lang ay dumating na si Emre at ang mga Elementian tapos tumulong agad sila upang puksain ang mga kalaban.
Si Emre bilang makapangyarihang Bathala ay nagbitiw siya ng napakalakas na kapangyarihan kagaya ng kanyang ginawang pagtulong sa mga elementian na siya ring maging dahilan na malusaw ang mga Kawal Niyebe at manghina ang mga halimaw.
Habang nanghihina ang mga halimaw ay sinamantala na ng mga diwata ang pagkakataon na gamitin ang kanilang pinakamalakas na pwersa upang mapatumba ang mga kubor.
MALACAÑANG PALACE
Habang abala ang mga diwata sa pakikipaglaban ay sinamantala na nila Ether ang pagkakataon na lusubin ang Malacañang kasama ang isang pulutong na mga kawal niyebe.
Mahigpit ang seguridad ng lugar pagkat pinalibutan ito ng mga sundalo at mga pulis ngunit hindi nagpatinag sina Ether pagkat mga mortal lamang ang mga ito.
Sinubukan silang labanan ng mga sundalo at pulis ngunit napatumba agad nila ang mga ito kaya nakapasok agad sila Ether sa loob at nadatnan nila ang presidente nagpupulong kasama ang mga cabinete at mga senador na nagpupulong.
Bakas sa mga mukha ng mga nasa loob ang takot na nakita nila sina Ether.
AGATHA:Batid ko na nakaramdam kayo ng takot ng makita niyo kami hindi kayo mapapahamak kung ibigay niyo ang aking nais!
PRESIDENT:Ano ang iyong hiling,ibibigay namin sa iyo basta huwag niyo lang kaming saktan.(Pagmamakaawang sabi nito)
AGATHA:Simple lang naman ang aking hiling magbigay kayo ng inyong katapatan sa akin at hayaan niyo akong mamuno sa inyo!
PRESIDENT:Patawad pero hindi ko kayang ibigay ang iyong hinihiling.
ANDORA:Kung hindi niyo kayang ibigay ang nais ng aming Reyna ay gawin natin ito sa ibang pamararaan!
Hinila ng Hera ang isang miyembro ng cabinete at sinaksak ito tapos nagsisigawan ang mga tao sa loob.
ETHER:May napaslang na sa inyong mga kasama hindi ka pa rin ba papayag mahal na presidente?!
PRESIDENTE:Pwede bang iba nalang ang hilingin niyo kahit ano basta huwag lang iyong mamuno!
AGATHA:Sige paano kung hilingin ko na paslangin mo ang iyong mga kasama at ang iyong sarili kaya mo ba?!
PRESIDENTE:Hindi ko kayang magtaksil sa aking mga kasama dahil para ko na rin pinagtaksilan ang aking bayan!
AGATHA:Naaalala ko tuloy sa iyo ang mga diwata,kung ganon man ay mga kawal paslangin silang lahat!
Tapos ginawa na nga ng mga kawal ang inutos ni Agatha na patayin ang presidente,mga senador,at mga cabinete sa pamamagitan ng espada.
SA TAHANAN NI ENUO
ENUO'S PROVERBS
Natapos ko na ang aking mga gawain kaya naisipan ko munang manood ng T.V at pagbukas ko ng telebisyon ay bumungad ang balita tungkol sa naganap na kaguluhan sa labas.
BREAKING NEWS
REPORTER:May malaking kaguluhan na naganap sa gusali ng T.M.S.N corp at ng C.M.V.D corp na halos madamay ang buong maynila sa pangyayari dahil sa laki ng gulo ay halos buong kamaynilaan ay nadamay na,base sa nakita natin ay ang naganap ngayon ang digmaan ng mga Enkanto ang pinagtataka ng mga taong bayan ay kung paano sila napunta dito sa ating mundo,sa laki ng pinsala ay imposible na yata itong maayos..
BACK TO ENUO'S PROVERBS
May sasabihin pa sana ang reporter ngunit inilipat ko na ito sa ibang chanel upang tingnan kung mayroon ba bang ibang balita tungkol dito at meron nga talaga.
BREAKING NEWS
REPORTER:Malacañang Palace ay sinugod ng mga enkanto na siyang naging dahilan sa pagkamatay ng ating presidente at mga senador ang sabi ng mga nakakita ay pinalibutan ng mga sundalo at pulis ngunit makapangyarihan ang mga nilalang na ito kaya napasok nila ang loob ng palasyo at pinatay nila ang Presidente natin at ang ating mga Senador ,ang ibig bang sabihin nito mga kababayan ay sasakupin na tayo ng mga Engkanto,sinong pipigil sa kanila may magtatanggol pa kaya sa atin?
ENUO:Kailangan malaman ng mga diwata ito..(sambit ko sa isipan)
Ilang segundo lang ay pinatay ko na ang T.V at lumabas na upang kunin ang kotse.
ITUTULOY...