ANIKA’S POV
Andito na kami sa van, nasa may likod kami ni Cade nakaupo. Malamang magkatabi kami diba? -___- Nasa may window side ako tapos si Cade, then si James, then sa may harap namin si Joem at Cheska, tapos si Warren and Shinaki tapos si Ate Bea, Tita Therese then yung driver. Road trip kami going to Batangas, Punto Fuego actually ;). 3 days lang daw kami don. Okay lang lubos lubusin na summer vacation namin. Its been, 4 months pa since nakilala ko sila no. and sa 4 months na yon nagkaron ako ng family. Im really thankful na I have met them :)
“Psst, anong iniisip mo diyan. Nakangiti kang mag-isa? Para kang baliw.” Sabi ng magaling na si Cade, langya sinira yung moment ko magreminisce ng memories eh. Amf. Nagsimula na namang mang-asar.
“Wala kang pakeelam” sabi ko ng masungit. Aba naman, bumalik na naman ang Cade na over mang-asar. Tss. May paweakness weakness pa siyang nalalaman kanina tapos ngayon, mang-iinis. >.< Arrgh! Bipolar ata tong si Cade.
“I care… coz I love you…” sinabi niya mahina pero narinig ko. At ang init ng aking headache ay nawala >.< Binabawi ko na sinasabi ko. Amf. Kinikilig na naman ako. Epal talaga tong si Cade!
“Che!” sabi ko na lang. napansin kong lumapit pa sakin si Cade, tapos hinawakan niya yung kamay ko. Nilalaro pala niya. Kinikilig ako shemayness!!
“Nakow, pinapapak ako ng langgam dito” biglang hirit ni James, kaya kinalas ko yung kamay ko. Napatingin samin yung iba. Si Cade naman biglang binatukan si James. Haha! Kawawa na talaga si James, ginawang punching bag. Tapos si Joem at Cheska, hmmm I smell something Electric! :)) may spark sila. Maintriga nga mamaya itong si Cheska.
“Tell me what your thinking…” sabi ni Cade, lazy yung boses niya tapos pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.
“Wala naman, 4 months na pala tayong magkakilala no. Malapit na mag June. Hehe.” Sabi ko naman. Napaangat yung ulo ni Cade, then parang naging serious yung mukha niya. Ano meron?
CADE’S POV
“Wala naman, 4 months na pala tayong magkakilala no. Malapit na mag June. Hehe.” Biglang sabi ni Anika. 4 months, malapit na nga pala matapos yung summer no. Magjujune na ulit. Mag one year na rin ng namatay ang first love ko, si Anya. 4 months na ang nakakalipas since binago ni Anika ang buhay ko. Almost 1 months na rin pala akong nanliligaw sa kanya.
“Yeah, almost one month na din akong nanliligaw sayo…” pagpapaalala ko sa kanya.
“Wow Cade, yan pa talaga inalala mo ah. Amf. “ sabi na lang niya. Para siyang bata. Ang cute niya haha!!
“Halika nga, nabanggit ko lang. I can wait. Don’t worry.Tulog muna tayo mahaba pa ang byahe natin eh.” Tapos niyapos ko ulit siya then natulog na kami.
_____________________________________
Beach House
ANIKA’S POV
Ang ganda dito, may sariling island sila Ate Bea? Yaman talaga. Andito ko sa may veranda ng kwarto namin. Magkasama kami ni Cheska and Shinaki sa room, tapos si Ate Bea and Tita naman ang magkasama sa isa pang room.
“Girl, baka maubos yung hangin dito sa Batangas kakalanghap mo niyan. Haha! “hirit ni Cheska habang pumupunta sa akin.
“Ang ganda kasi dito eh. Ang yaman talaga nila Ate Bea, may sarili silang island?” sabi ko naman
“Oo nga eh. Top 2 richest sila sa Asia eh. Pero sila James din may Island eh, sa Palawan. Haii, mayaman din ang mahal ko--.” Hirit ni Shinaki, ay sus buking na gusto niya si James. :))
“Mahal mo si James??!! May goshness, Alam na!!! Kaya pala kanina kinilig ka nung lumipat si James sa tabi mo! Now I know!!! Masabi nga kay James! HAHAHA!!!” sabi naman ni Cheska
“Loko ka Cheska, wag kasi. Parang kanina hindi kayo sweet ni Joem! Masyado kayong close, if I know. Tss.” Sabi naman ni Shinaki. Ako? Nakikinig lang.
“Sige tatahimik ako basta wag niyo sasabihin yung kay Joem okay? Haii… Love Love Love…. Pero teka, nananahimik ka Anika, ikwento mo samin si Cade, di na kayo mapaghiwalay ah. Kayo na ba?” tanong ni Cheska.
“Ha? Hindi pa no. hehe.” Sabi ko naman ng nahihiya.
“Hindi pa meaning soon. Haha!” sabi naman ni Shinaki.
Nagtuloy tuloy kami sa asaran naming tatlo.
*tok tok* pinagbuksan ko ng pintuan, si Ate Bea and Tita, wow complete ang girls.
Nagsimula na naman ang kwentong lovelife namin. Haha!! Nakaupo kami sa may sahig.
“Anika dear, Im oh so boto talaga sayo kay Cadey, ngayon ko na lang ulit nakitang ganyan siya kasaya ever since nung nangyari kay Anya.” Sabi ni Ate Bea, nag-agree naman yung iba.
“Kamusta na ba status niyo? I mean still ligaw process, planning na bang sagutin or what?” tanong ni Cheska
“Ligaw parin no. hindi ko pa alam eh, pero having him around, I feel safe, na walang mangyayaring masama sakin.” Sabi ko naman sa kanila
“Oo naman, kapatid ko yon eh. Haha!” sabi ni Ate Bea.
Nagtuloy sa kwentuhan, tumayo ako para magcr. Nagwash ako ng kamay. Nagulat ako ng may kumatok tapos binuksan ko yung pinto ng Cr. Si Tita pala.
“So yung kay Cade? His your first kung nagkataon, and I can see all his efforts sa panliligaw niya sayo, so what’s your plan, do you love him?” biglang tanong ni Tita. And dahil hindi naman ako nagsisinungaling sa tita ko sinabi ko na.
“I think tita I love him, Yes! I know in my heart I love him, maybe Im just waiting for the right time. Papayag ka ba?” tanong ko naman with sincerity in my voice.
“Sino ba naman ako para pigilan ang puso mo, and besides, Ive known there family since then and I know your in good hands, but remember Anika, mahal kita, just don’t let him hurt you kapag nagkataon.” Sabi ni Tita, niyakap ko na lang si Tita
“Dalaga na talaga ang baby ko.” Bulong ni tita habang nakayakap sa kanya. Napangiti ako.
Pagkalabas namin ng banyo ni Tita, bumaba na yung iba then naghahanda na ng food, nakita kong si Joem at Warren ang nag-iihaw, tapos nakisama na si Cheska sa kanila. Ito talagang si Cheska oh dumadamoves? Haha!! Si Shinaki, Ate Bea at James, lumabas para bumili daw ng kung ano.
Nakita ko si Cade, nakaupo sa table habang umiinom ng beer. Lalapitan ko na sana kaso inutusan ako ni Warren na tumulong sa may kusina eh kaya pumunta na ko don.
CADE’S POV
Andito na kami at naghahanda ng dinner sa may pool area sa may likod, actually sila lang. Nakaupo lang ako eh, si Anika naman tumutulong din. Mamaya ko na lang lalapitan yon.
Its been awhile since nakabalik ako dito. The last time I went here, I was with Anya. Bawat lugar din na puntahan ko may memories siya no. I guess, She really is my first love.
Habang nagmumuni muni ako nagulat ako ng biglang lumapit si Ate Therese sakin.
“Hi Cade, hindi pa tayo nag uusap ng as in conversation, Kamusta?” sabi naman ni Ate Therese. Napangiti lang ako.
“Oo nga eh. Okay lang.” sagot ko naman.
Nagkaron kami ng awkward silence, kelangan kong magpaalam kay Ate Therese sa panliligaw ko kay Anika, Im planning to ask if payag siya, biglang guardian ni Anika, wow parang kasal lang diba =___= naging bad memories yon. Haii. Anyway, lalakasan ko na ang loob ko.
“Therese”
“hmmm” bigla niya kong tiningnan.
“I really need to ask you this, Alam niyo naman na Im courting your niece and that its been almost 1 months since I started courting her. I am planning to ask her kasi dito sa Batangas to be my girl, if that’s okay with you.” Sabi ko. Shocks! Kinakabahan ako =_=
“Hmmm…. Actually Cade, I know naman that, and wow ha Im really impress with your effort sa pagcocourt kay Anika, talagang pati sakin kelangan magpaalam. Cade, I love Anika, I was with her until she grew up and I want what makes her happy. Ive never seen Anika, as blooming as she is now especially when she’s with you, she’s independent and she can decide on her own, Im here to support her so the answer about you asking her to be your girl is in her. ;)” sabi naman niya. Alam niyo yung gusto kong tumalon sa sinabi ni Therese.
“Thank you. I wont hurt her, I promise.” Sabi ko naman.
“Yes, just don’t hurt her ha. I’ll keep those words.” Sabi niya naman.
Nagnod ako naman ako, biglang sumulpot si Anika.
“Sige iwan ko muna kayo okay.” Sabi ni Therese na nakangiti. Ako hindi ko maialis ang ngiti ko. Haha!
Nagsimula ng kumain at kanya kanyang usapan ang barkada.
“Hoy Zamora!” sigaw niya. Makasigaw parang ang layo namin sa isat isa.
“Dalawa kaming Zamora dito.” Sabi ko naman. Haha! Asarin ko nga.
“Fine, Cade!” sabi niya ulit.
“Hmmm…”
“Mukha kang tanga diyan.” Sabi niya. Ako tanga? =_=
“Ako tanga? Bakit naman.”
“Kanina ka pa nakangiti diyan mag-isa. Nangyari sayo may sanib lang?” sabi niya sakin. =___=
“Masaya ako eh. Hehe! Kasi… andito ka sa tabi ko lagi.” Sabi ko naman. Wow ang sweet ko. Kinikilig siya kasi namumula siya eh. Haha!
Naglakad lakad muna kami, malayo sa kada.
“Ikaw talaga Cade, para kang may sanib kapag nagsasabi ka ng cheesy lines. So not you.” Sabi niya. Napangiti ako.
“Ako to no. sayo ko lang naman pinapakita yung sweetness ko eh. So masanay ka na ha?” sabi ko naman.
“Ayan ka na naman eh. Kaya ako nafall sayo eh.” Sabi niya ng parang bata. Ang cute niya
“Eh di mafall ka, wag kang mag-alala sasabayan kitang mafall din. Para mutual diba ;)” haha!!! Bumabanat na naman ako.
Tumigil muna kami, nasa may garden area kami ng beach house. Tapos umupo sa may swing. May swing kasi don. Tumingin kami sa stars.
“Cade, ano ang buhay mo noon after Anya’s death and before you met me?” tanong niya sakin. Anya? Naging serious na ang mukha ko.
ANIKA’S POV
“My life was miserable, I felt like namatay din ako. I prefer to be alone, I cant move on sa past, Anya was my first love, I sometimes go out and drink then I ended up fighting sa bar, minsan naging reckless driver na rin ako and nadala ako sa hospital non, Eliza was so angry with me, sabi niya Am I trying to kill myself, I never intended to kill myself na parang Romeo and Juliet, pero aminado naman ako I felt dead, until you came in my life and change everything.” Sabi niya. Nakikita ko yung pain habang sinasabi niya yon, ganon niya minahal si Anya. Napangiti na lang ako.
“Ngayon ba Cade, nakamove on ka na sa past? Honest answer.” Sabi ko naman. Hindi ko alam kung bakit bigla kong natanong pero whatever answer na ibigay niya I’ll accept it.
“Do you think liligawan kita kung hindi pa ko move on? You put colors to my dull life Anika, and please dito ka lang sa tabi ko. I cant afford loosing someone I love again.” Sabi niya ulit habang niyayakap niya ko.
“Cade….. I promise I wont leave you, Just promise me also, no matter what happens, stay by my side. Stay. Coz I know you’re my safest place.” Sabi ko naman. I really love this guy and that I cant afford also to loose him.
“I promise no matter what happen I’ll stay by your side my Anika.” Bulong niya. Napangiti ako.
Saktong pagkasabi niya non biglang may dumaan na shooting star.
Cade, stay by my side, coz you’re the one who taught me what love is and I cant live without you by my side now. I know in my heart… I love Cade Zamora.