Oh-Mingle World (CHAT SERIES...

By Dreamerearth

5.3K 197 32

Herschelle is an introvert who joined the "Oh-Mingle World" online dating site, where everyone is looking for... More

N O T E
000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030

010

121 6 2
By Dreamerearth

04-15-2020

Gilberto

: Hoooy

: Hindi na kita na-chat kahapon dahil masaya lang ako

Hers

: So, ganoon kapag masaya ka na makakalimutan mo na ako?

: Joke lang.

: Ayos lang naman. So, ano balita?

Gilberto

: Umamin na ako't pumayag siyang ligawan ko.

Hers

: Sana all magkaka-love life na

Gilberto

: Sus! Baka may love life ka na nga diyan!

Hers

: Hindi. Single kaya ako hinihintay ko lang crush ko

Gilberto

: Sino ba crush mo?

Hers

: Basta tao siya

Gilberto

: Tapos may mata, ilong, tainga, kilay at bibig?

Hers

: Oo, ba't alam mo?

Gilberto

: Siyempre. Tao rin crush ko.

Hers

: O, maiba ang usapan. Bakit ka nag-chat?

Gilberto

: Ayaw mo na ako?

Hers

: May sinabi ba akong ayaw na kita?

Gilberto

: Para kasing ayaw mo na akong kausap, e. Nagsasawa ka na ba?

Hers

: Tanga, nasasaktan
ako | Delete

: Hindi kaya, gustong-gusto
nga kitang kausap, e.

: Palaging may update
sa love life mo
kaya nakaiinggit.

Gilberto

: Gusto mo hanapan kita?

Hers

: Ayaw. Kuntento na ako sa pasulyap-sulyap sa crush ko

Gilberto

: Noong kinausap ko si Shaina natakot pa ako nang kaunti sa best friend niya dahil parang ayaw iwan best friend niya noong mga oras na iyon

: Tapos naging nakakaawa ang mata niya

: Medyo mabait din naman pala siya dahil sumunod agad sa sinabi ko. Haha

: Pero nakakatakot talaga ang aura niya

Hers

: Paano kung kilala
mo pala ako?

Gilberto

: And that's great

Hers

: Change topic.

: Kumusta naman kayo?

Sumulyap ako sandali sa bakanteng upuan sa tabi ko. Wala si Shaina at wala rin si Gilbert. Alas dies na, at kanina pa nagsimula ang klase sa major subject namin at tila hindi na papasok ang dalawang iyon. Ibinalik ko ang atensyon sa professor naming nakaupo sa harap. Saglit lamang ang discussion na ginawa niya at may ipinapasagot na activity. Mas gugustuhin kong bumalik sa junior high, kung saan idi-discuss nang mabuti. Hindi katulad sa college na, ikaw na ang bahalang umintindi sa libro. Minsan napapakunot-noo na lang ako sa pag-intindi, mahirap kasing intindihin ang ilang malalalim na salita.

Gilberto

: We're dating

Hers

: Okay. Enjoy!

Gilberto

: Hindi pa kami nagd-date. Susunduin ko pa lang siya sa tapat ng university

: Hindi na kasi kami pumasok.

Hers

: Huwag mo na akong i-chat. Bilisan mo na para
masundo mo na at mag-date kayong dalawa.

: Bawal ang babagal-bagal sa unang date ninyo.

Gilberto

: Actually hindi naman literal na date ito. Napag-isipan lang naming huwag pumasok para magliwaliw

: Para makilala ang isa't isa

: At saka sabi naman ni Shaina si Herschelle na ang bahala sa mga sagot, at kahit hindi kami papasok ngayon papasa kami dahil ibibigay niya mga sagot.

Hers

: Sana all mabait kahit kinkatakutan ano?

Gilberto

: Bye. Chat you again.

Naikuyom ko ang maliit kong kamao sa inis. "Tanga, ako kausap mo. Sagot lang pala kailangan ninyo sa akin!" nanggigigil kong sigaw habang nakaharap sa salamin. Nakakainis. Nakapanlulumo.

"Bahala kayo!"

Imbes na dumiretso ako sa susunod naming klase ay lumiko ako't tinahak ang daan palabas ng university. To make it fair, hindi na rin ako papasok. Kahit sabihin kong hindi ako pumasok, may magsasabi na pumasok ako. Pipilitin niya akong ibigay ang sagot, at dahil mapilit siya bibigay ako.

Nang matanaw ko na ang gate palabas ng university ay nagdalawang-isip ako. "Kung hindi ako papasok, sayang ang attendance ko at sayang ang mga gagawin. At saka alam naman nilang ako halos ang gumagawa." Tumango ako sa isinambit sa sarili. Pumihit ako paharap, babalik para pumasok sa susunod naming klase.

Habang nagmamartsa ay napasulyap ako sa hawak kong cellphone. Nakabukas pala ang data connection niya at wala akong message sa kahit anong social medi nan naka-log in ako. Lalo na iyong Oh-Mingle World app, wala akong notification galing doon na nagsasabing may new message ako. Isa lang ang ibig sabihin n'on. Nag-e-enjoy siya kasama ang babaeng gustong-gusto niya.

Napangiti ako nang mag-isa at tiningnan ang eksaktong oras. “11:40 in the morning.”

Kaswal akong naglalakad habang hinahanap ang classroom namin. Alas dose pa naman ang susunod kong klase kaya ganito ako kakampante, hindi aligaga sa paghahanap subalit may isa akong problema. Hindi pa ako kumakain. Nagugutom ako.

“Herschelle!” Lumingon ako sa tumawag sa akin. Naningkit ang mga mata ko nang mapagsino ang tumawag.

“Shaina?” bulong kong sambit sa pangalan niya. Natanaw ko sa likod niya ang isang bulto, at walang iba kundi si Gilbert.

“Ano'ng ginawa ninyo sa major?” nakangiting salubong niya sa akin. Lumipat ang mata ko kay Gilbert na naiilang itong nagbigay ng ngiti sa akin.

“Nag-discuss lang... tapos activity.” Ibinalik ko ang tingin kay Shaina. Ayos  na ayos siya ngayon, pati ang dating simpleng make-up niya sa mukha ay hindi na ganoon kasimple pagdating sa akin.

Ganito ba talaga kapag nag-crush back ang crush mo?

“Sigurado ka? Puwede pa bang mag-special activity?” ngiwing tanong nito.

“Hindi ko lang alam.” Kibit-balikat ko.

Niyugyog niya ang magkabilang balikat ko nang hawakan niya ito. “I-please mo nga si ma'am, bes. Sayang kasi ang points.”

Kahit hindi ko tapunan ng tingin si Gilbert sa tabi niya, napapansin ko ang pagpapa-cute rin nito. Ginagaya si Shaina para bumigay ako sa pilit kong pagmamatigasan sa kanila.

“Ah... eh... ikaw na lang ang kumausap kay ma'am,” sabi ko.

“Nahihiya ako, e.” Ngumuso itong nakasimangot.

“Mas nahihiya rin naman ako,” balik-sagot ko.

“Friendship over na ba this?”

Inis kong hinawi ang kamay niyang hawak ang magkabilang balikat ko. “Oo na, itatanong ko na. Tanga.”

Tumalon ito sa tuwa at niyakap ako. “I love you!”

Sa pagngiti ni Gilbert ay napangiti na rin ako sa kabila ng inis na nararamdaman. Ewan ko sa sarili ko. Hindi ako marunong tumanggi. Nahihirapan ako dahil natatakot akong mapagsabihang madamot kapag tumanggi ako.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 33 11
Crush (n) An extreme feeling over someone who you find so special Have you experienced being in love with someone? With someone who was just a strang...
18.7K 567 33
𝙎𝙤𝙤𝙣 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 CHAT SERIES #2 ---- "Segundo at minu-minuto kitang minahal at seryoso ako ngunit bakit ilang oras mo lang ako...
1.3K 49 20
You were hurt and played with. Ever since that day, you never believed. What if one day, someone will cross your path and slap you with the reality t...
14.9K 490 32
What will you do if you fell in-love with your Best friend? Are you willing to do anything just to make sure you'll be in a Relationship? Are you wi...
Wattpad App - Unlock exclusive features