Chapter 27 - Family Affair
May 27, 2019
Nagulat si Lee nang ibinagsak ni Derick ang isang folder sa table sa cubicle niya. Mabuti na lang at hindi na-sanggi ang kape niya.
"Ano po ito?"
"That's your performance rating."
Natahimik si Lee. She knew it was that time of the year for their performance evaluation, at alam niyang dalawa ang mage-evaluate sa kaniya. Si Derick na chief-of-staff, at si Cynthia mismo na talagang boss niya.
Kadalasan naman, mabait sa kanya si Derick, kaya hindi niya alam ngayon kung bakit parang intense ito. Nawala tuloy ang isip niya sa ginagawa niyang pagtatanggal ng notification sa Tinder. Kanina pa kasi ito tunog ng tunog kapag may nakaka-match siya kaya gusto niyang tanggalin pero hindi niya mahanap kung paano.
"Ano 'yan? Nagti-Tinder ka?"
Parang napahiya si Lee at itinago ang telepono.
"A-ah... Wala po. 'Yung friend ko kasi ginawan ako ng Tinder."
"Jusko. Okay lang 'yan. Wala namang nakakahiya sa pagti-Tinder. Pero huwag mo na lang ipaparinig kay Cynthia 'yung notifcations mo kasi alam mo naman 'yun."
Napayuko na lang si Lee.
"Anyway. Did you know that Cynthia can choose to let you go? Pwede niyang babaan ang rating niya sa'yo sa kahit ano dito. And even I can't save you..."
Ngumiti lang si Lee. She knew it better than everyone else here. Kung papaalisin siya ni Cynthia katulad ng sinasabi nito kapag hindi siya nakakuha ng meeting kay Julius Javier, kaya nitong gawin. She can use this chance to safely fire her without alerting Labor.
Pero anong magagawa niya? She is already doing her best to connect with her schoolmate, pero wala talaga. Isa lang naman kasi siyang hamak na secretary. Eh 'yung mga bosses nga nila at iba pang executives, hindi makakuha ng schedule dito, siya pa kaya?
Naisip niya na lang na pinagbubuntunan lang talaga siya ng stress ni Cynthia dahil wala talagang makapag-commit na meeting from the Javier's side.
"Salamat Derick ah... Kapag natanggal ako, kapag hindi na ako na-renew, sana magkaibigan pa rin tayo."
"Baliw." Kinuha ulit ni Derick ang folder at saka tinitigan siya ng masama. "Sinasabi ko 'to sa'yo para mamotivate ka na gawin pa rin 'yung task mo kay Mr. Javier. Hindi para magpaalamanan tayo."
"Kung sakali lang naman..."
"Tse! May developer's meeting daw sa La Renta ngayon. I'm sure Julius is coming. Kulitin mo na ulit 'yung secretary niya! Go!"
Dahil sa tip, binantayan na naman ulit ni Lee ang schedule ni Julius. Dahil sa pangungulit ng ilang linggo, medyo nakuha niya na rin naman ang loob ni Arlene, ang secretary ni Julius.
("Alam mo 'yung second floor sa La Renta? Doon ang meeting ng mga developers. Hindi ba overlooking 'yung tables nun sa bar sa baba.") Ani Arlene na kausap niya sa telepono, giving her tips on how to meet her boss.
"Hindi eh... Hindi pa ako nakakapunta sa bar na 'yun." She wanted to say na wala na siyang ibang napupuntahang bar at ang mga alam niya noong high school pa siya ay nagsara na.
("Okay basta. Sa taas lang naman kasi 'yung private tables. Sa baba, sa dance floor open to public. So babalaan na lang kita kapag nandiyan na siya para masabayan mo si boss sa pagakyat ha?")
"Sige. Salamat Arlene ha."
("Nako. Basta huwag kang aakyat doon agad-agad ha? Malalagot ako kapag nalaman na tinutulungan kita. Baka sabihin kino-compromise ko ang schedule niya. Buti, announced naman in public 'yung meeting ngayon kaya makakapagdahilan ako.")
"Oo. Naiintindihan ko." Lee is very grateful to her. Alam naman niyang trabaho din nito ang nakasaalang-alang sa gagawin niya.
But she just wants to do her best. She'll just consider this as her last hurrah bago makarating kay Cynthia ang performance evaluation. At least, kung matatanggal man siya doon, she can say to herself that she tried everything.
Lasing na lasing si Perseus nang gabing 'yun. Kanina pa nag-uwian ang mga barkada niya pero nagpasya siyang mag-isa para uminom pa ng ilang shot ng vodka.
"Isa pa." Sabi niya sa bartender kahit ang sakit-sakit na ng tiyan niya. Nag-away kasi sila ng girlfriend niyang si Monique. Hindi niya alam kung bakit maliit na bagay kasi, pinapalaki nito. Na parang gusto lang may mapag-awayan sila para suyuin niya. Paulit-ulit na lang.
"Ahh.." Masakit na ang ulo niya at alam niyang hindi niya na kakayaning magmaneho pauwi.
Una niyang tinawagan ang kuya niya.
"Kuya? Sunduin mo naman ako. Dito ako sa La Renta. Nakainom ako eh. Kung matatagalan ka pa. Aantayin kita kahit kailan ka dumating."
Napailing na lang si Odyssey nang malamang naglasing na naman ang kapatid. Wala sa bokabularyo niya ang mangialam, pero alam niyang dahil na naman ito sa girlfriend nito. Dahil mayroon pang tinatapos na trabaho sa university, he dialled Monique's number.
He told her about Perseus' whereabouts.
"Can you guys act as adults?" Aniya sa babae na tahimik lang sa kabilang linya. "Mag-ayos kayong dalawa." Ayaw na ayaw niyang nanghihimasok sa relasyon ng iba, pero ayaw niya ring pabayaan ang kapatid niya na maglasing mag-isa.
Nangako naman si Monique na susunduin nito si Perci sa bar at makikipag-ayos, ayon ay kung gusto rin naman daw ng kapatdi niya na makipagbati.
Odyssey sighed because of anxiousness. He clearly has doted on his brother so much that he is still a kid up until now.
Nagbalik lang siya sa ginagawa nang may mga pumasok na mga estudyante na magpapasa ng late requirements.
"Sorry, sir Lee..." Nagkukumpulan ang tatlong babae sa opisina niya with their sorry faces. Ito lang naman ang inaantay niya para hindi niya maibagsak ang mga ito.
Panay naman ang higit ni Lee sa damit niya. As usual, nanghiram na naman siya kay Mizzy ng damit. Maluwag ito sa kanya ng kaunti dahil mas malaki sa kanya ang kaibigan pero maikli pa rin ito to her liking.
It's a monochrome cold shoulder dress na may mababang V-neckline. Nagsuot siya ng tube top sa loob para hindi naman ganoong revealing and at the same time, maitago pa rin niya ang necklace sa loob ng damit.
Nagtext sa kanya si Arlene na paparating pa lang daw sila ni Julius at traffic sa labas. Naisip niya na baka ugali na nito na magpa-late dahil noong reunion din naman, he even made a grand entrance for showing up hours later. She isn't sure kung sinasadya ba nitong hindi dumating ng maaga, and too bad, there was a person who came much later than him, and it's Odyssey.
Napailing si Lee, trying to keep Odi out of her mind, when she spotted someone who looked a lot like him.
And he also spotted her.
"Perci?" She whisphered habang lumalapit ang lalaki sa kanya. He's obviously a little drunk.
"Ate Lee? Oh my god!" Niyakap siya nito. She can't believe this guy has grown up well. Sobrang tangkad na din nito like his older brother. Parang natatandaan niya lang dati, maliit pa ito and has an awkward pre-pubescent face.
Pero ngayon, he even looked more manly than Odi.
Maybe his brother has the aura, but he has the charm.
"Na-miss kita ate." Nilagay pa ni Perci ang baba niya sa balikat ni Lee, leaning down to reach her height.
"Lasing ka?"
"Kanina... ngayon medyo okay-okay na." Tumayo ito ng maayos and held her hand.
"Ikaw baby ka pa, naglalasing ka na..."
"Hindi na ako baby. Dati pa lang, hindi na rin naman ako baby." Sagot nito na abot tenga ang ngiti. "Payakap nga ulit."
Lee extended her arms wide at hinayaan ang nakababatang kapatid ni Odyssey na yakapin siya. After Odyssey, si Perci ang isa sa mga tao na nagkaroon din ng matinding koneksyon sa buhay niya.
Naramdaman niyang hinalikan din siya ni Perci sa pisngi.
"I'm not sure what happened, but you will always be my life-saver, ate." Bulong nito, still hugging her.
Pero bigla na lang naramdaman ni Lee na may humila sa kanya mula sa pagkakayakap ni Perci.
Pagkatapos, isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi niya.
The pain was so blinding that she can't even see the girl who did that to her.
"Monique!" Sigaw ni Perci. Mabuti na lamang at maingay ang music at magulo ang mga tao sa bar kaya kaunti lang ang nakapansin.
"So ganito pala!?" Monique is unreconciled. Akmang susugurin niya si Lee and she instinctively put her hands in front of her as if making it a shield, when she was pulled again by another arms.
"Perci ayusin mo 'yang girlfriend mo."
It's Odyssey. He also came.
Lee felt her body tensed up. She can clearly feel Odi's hands wrapped around her wrist.
But suddenly, her phone is ringing. Sabay nakita niya si Arlene na kumakaway mula sa entrance ng stairwell papunta sa 2nd floor private tables.
This is her chance.
And despite Odyssey's firm grip, nakakawala siya. Hindi iniinda ang sakit sa pisngi and that apparent hand print, tumakbo siya paakyat.
Odyssey is left with his eyebrows on a knot.
Hindi na tuloy alam ni Perci ang gagawin. But he is more concerned on her brother's mood. Hindi niya kasi alam kung bakit nakarating si Monique dito. Ang alam niya, kuya niya ang pinapapunta niya but all of this happened!
"Fvck you, Monique! Break na tayo." Sigaw niya sa babae.
*later*