No title

By Dieeeena

63.2K 2K 169

This is a girl to girl story. If you're not comfortable, kindly find another story. More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
12
13
14
15
16
17
18
19
Epilogue
Untold Story - Special Chapter

11

2.2K 98 5
By Dieeeena

Jema's POV

'Baby'


"Huy mareng Jema! Tulala ha." Napabaling ang tingin ko kay kyla. Libero namin. Kakatapos lang ng training namin. Nagsnack lang kami now dito sa apartment habang nagmomovie marathon.



Kakarecieve ko lang ng message ni Deanna. Kapag tinatawag niya kong 'baby' matik may kailangan yan sakin. Baka naghahanap na naman ng affection pero kapag di niya ko kailangan walang paramdam yan. Tanga ba?






"Ay! Nagtext pala si baby." Sabi niya pagsilip sa phone ko.



"Nako jema. Ayaw mo pangreplyan? Ayaw niyang pinaghihintay siya di ba?" Napabuntong hininga naman ako bago bitawan ang phone ko at pumikit. Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko. Habang si kyla ay nakaupo na nanonood.



Noong one week palang yung deal namin may situation na hindi ko agad siya nareplyan kaya nainis siya sakin. Hindi siya nagrereply sa mga message ko. Hindi siya nasagot sa mga tawag ko. Pinuntahan ko siya sa dorm nila hindi niya ko nilabas, hindi siya nagpakita.



Ngayon ay isang buwan na simula ng deal namin.




Kapag siya may kailangan andyan siya agad. Ang sweet niya. Ang bait niya. Pero kapag ako naman kailangan ko siya, wala siya. Ang dami niyang excuses sakin. Sabi niya kapag gusto ko rin ng affection sabihin ko lang sakanya, na andyan siya para sakin dahil yun ang deal namin. Pero bakit ganon? Sa limang yaya ko ata sakanya isang beses lang siya pumayag.


Nakapaunfair naman nun wong.




Punyeta naman oh! Pinaglalaruan mo lang talaga ako. Bakit ba kita hinahayaan?







"Shh. Naman kasi e. Bitawan mo na kasi yang si bata." Sabi ni kyla habang tinatap ang shoulder ko.





Shit naman kasi tong luhang to. Di na naman mapigilan.





Tanda ko pa nung umiyak ako kasi puro na naman excuses sakin si wong, yun yung last time ko siyang niyaya, e kailangan ko siya nun. Three days ago lang yun. Kailangan ko ng taong masasandalan. Kailangan ko siya dahil napagalitan ako ng coaching staff sobrang bigat sakin nun kasi puro errors ako tapos wala, wala siya. Hindi siya nagpakita.





Buti nalang dumating si Mafe nun. Kahit inaasar niya ko dahil ang panget ko daw umiyak nun okay lang at least may napaglabasan ako ng bigat na nararamdaman ko. Iniyak ko kay Mafe. Hinayaan niya ko ilabas lahat. Salamat kasi dumating yung kapatid ko nung panahong kailangan ko si wong.





Tumunog na naman ang phone ko. Pinunasan ko muna ang luha ko bago kunin ang phone ko.


'I need my baby right now. Let's cuddle.'




Pinagmasdan ko ulit ang message. Itutuloy ko pa ba?



After a minute another message coming from her again.




'I'm outside. Pakibukas ng apartment mo.'







"Kyla." Tawag pansin ko sakanya. Agad naman siyang lumingon sakin.



"Andito si Deanna. Nasa labas ng apartment." Pagpapatuloy ko. Siya naman ngayon ang napabuntong hininga bago tumayo at kunin ang mga gamit niya.


"Sorry ha." Sabi ko habang naglalakad kami papuntang pintuan.

Huminto naman siya bago pa niya buksan ng gate. Humarap muna siya sakin.


"Wala e. Priority mo yun. Numero uno mo yun. Napakarupok mo talaga mareng jema. Support kita hanggang sa matauhan ka." Sabi niya bago ako yakapin para magpaalam.


Pagbukas ko ng pintuan ay nakatayo sa harapan si Deanna. Tumingin siya sakin at kay kyla.

"Hi deanna!" Bati sakanya ni Kyla. Bumati naman siya pabalik tsaka nagpaalam samin si kyla.

Nang makaalis na si kyla ay naiwan naman kami ni Deanna ng tahimik habang nakatingin sa isa't isa. Lumambot naman ang facial expression niya.




"Baby." Bigkas ni Deanna.


"Pasok ka." Sabi ko bago mag give way sakanya papasok. Agad naman siyang sumunod tsaka ko sinara ang gate bago sumunod sakanya. Nagdaredaretso siya hanggang kwarto. Sinundan ko lang siya hanggang sa makita ko siyang humiga sa kama ko.




"Tabi ka sakin. Tara." Yaya niya. Dahil namiss ko siya ay sumunod na rin ako. Sa dalawang linggo niyang walang paramdam sakin ay sobrang namiss ko siya.



Agad naman niya kong kinulong sa yakap niya. Naiiyak ako pero pinipigilan ko habang nakayakap din ako sakanya ng mahigpit. Nasa leeg niya ang mukha ko habang nakapikit.

Katahimikan



Namamayani ang katahimikan samin. Wala niisa ang balak magsalita.








Hindi ko na napigilan ang mga luha ko ng maramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

Patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko habang nakalapat pa rin sa noo ko ang labi niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sakin.



Nacoconfuse na ko deanna. Ano ba talaga? Kung kailan gusto ko ng bumitaw bigla kang magpaparamdam ng ganito sakin? Bakit parang mahal na mahal mo pa rin ako? Laro nalang ba talaga to sayo o ano? Seryosohin nalang kasi natin to. Tayo nalang kasi ulit.



























Deanna's POV

Pinagmamasdan kong matulog sa tabi ko si Jema. Halatang pagod siya siguro ay dahil sa training nila kanina.


"Natatakot ako." Bulong ko habang nakatitig sakanya.




*Flashback

'Deanna san ka?'

'Deanna samahan mo naman ako now.'

'Deanna punta ka dito sa apartment ngayon.'

'Baby kailangan kita'


Yan yung mga message niya sakin pagkatapos ng laban nila.


'Jema may groupwork kami now. Di ako pwede.' Yan ang dahilan ko na reply ko sakanya pero wala talagang groupwork. Hindi na siya nagreply.






Natalo sila. Nakita ko kung gaano siya kawala sa focus. Kitang kita ko dahil pinanood ko siya ng live. Nasa upperbox ako habang nakashade at hat para di ako makilala.












Bago pa ang laban nila ay iniinvite na niya ko manood sakanila. Sa lahat naman ng laban niya simula ng deal namin ay lagi na niya ko iniinvite pero never akong pumayag sakanya. Lagi ko siyang palihim na sinusupportahan. Bakit nga ba? Bakit palihim? Ayoko, ayokong umasa siya kapag nalaman niyang lagi akong nanonood. Baka umasa siya sa ginagawa ko kapag nalaman niya.





Durog pa ko e. Hindi pa nagheheal yung sugat na iniwan niya. Dinurog niya ko nung nagbreak kami. Naghiwalay kami noon dahil sa sobrang pagmamahal namin sa isa't isa na naging toxic na. Na nakakasakal na. Na nakakulong na kami sa isa't isa. Pero kahit gaanong katoxic yun, andun yung mahal namin yung isa't isa kaya sobra akong nadurog nung inend namin yung relationship.




Mutual, oo. Mutual yung decision pero siya ang naunang nagdecision. Kaya masasabi kong iniwan niya ko nung panahong toxic na kami, noong panahong toxic na ko sakanya.




Ngayon sa deal na to. Nararamdaman kong unti unti na naman akong nabubuo. At yun ang nakakatakot. Natatakot akong na sa panahong buo na ulit ako baka mabasag na naman niya ko kapag di na niya kaya.






Habang pinagmamasdan ko ang mga messages niya na kailangan niya ko ay gusto ko siyang puntahan. Gustong gusto ko pero may naghoholdback sakin. Vulnerable siya ngayon. Kahinaan ko ang mga luha niya. Ang hikbi niya. Baka magtrigger yun sakin para ikeep siya, para alagaan siya. Ayoko.




Kaya ang ginawa ko ay pumunta sa taong pwedeng makatulong sakin.






"Hello ate Deanna. Naligaw ka?" Bati sakin ni Mafe pagbukas ng gate ng dorm niya. Dinayo ko talaga siya dito sa UST.

"Hi Mafe. Pwedeng makahingi ng favor? Promise lilibre kita ng gusto mo kapalit nito." Napanatili namin ni Mafe ang friendship and closeness namin kahit na nagbreak kami ng ate niya. Lumalabas labas din kami minsan.


"Hmmm. Last time na nanghingi ka ng favor is about kay ate. Ay always pala! Always kapag nanghihingi ka ng favor is laging about kay ate. So anong favor mo para kay ate?" Nakikita ko na ngayon yung mapang asar na ngiti ni Mafe.


"Pwede bang puntahan mo siya now? Ako na maghahatid sayo." Daretsong sabi ko sakanya. Naging seryoso naman siya ngayon.


"Bakit? Bakit kailangan kong puntahan si ate?" Tanong niya. Halatang wala pa siyang alam sa naging resulta ng laban ng ate niya. Kakauwi lang ata niya sa training nila.



"Kailangan niya ng kasama." Walang tanong tanong na agad naman siyang nagpaalam na babalik sa loob ng dorm nila para kunin ang wallet at phone niya.





Kung hindi man ako ang pupunta kay jema ay alam kong pamilya niya ang higit na kailangan niya ngayon. Ang pwede niyang masandalan.


Bago pa man kami dumaretso sa apartment ni Jema ay bumili muna ako ng ice cream at pizza para sakanila.




"Ate Deanna, bakit mo ulit ginagawa to?" Tanong sakin ni Mafe pagkapark ko malapit sa apartment ni Jema. Isang bahay bago ang apartment.



Hindi ako makasagot kay Mafe. Hindi ko alam.



"Ate, please ako na nakikiusap. Bilang Mafe na kapatid ni ate Jema hindi bilang Mafe na kaibigan mo. Nakikiusap ako na kung wala na kayong chance ni ate, itigil mo na to. Ayokong pareho na naman kayong masaktan. Na magkasakitan na naman kayo emotionally. Ayokong nasasaktan ka. Lalong ayokong nasasaktan ang ate ko." Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagpaalam na siya at dumaretso na sa tinutuluyan ng ate niya.

*End of flashback





"May ikwekwento ako sayo. Yung kaklase ko si Rayveen hinihingi yung number mo sakin. Ilakad ko daw siya sayo. Mabait yun. Matalino rin. Torpe lang. Never pa daw siya nagkakagirlfriend. Gusto ka daw niya. Sakin talaga siya hihingi ng tulong no?" Natawa nalang ako. Bakit ang sakit?




"Wag ka dun baby. Panget yun! Hindi yun yung right one sayo." Napasimangot tuloy ako. Ano satingin niya magugustuhan siya ni Jema? Tsk!





"Gago ba siya? Sakin talaga? Baby, natatakot ako pero ayokong sa iba ka pero kung may darating man na maglalakas loob na ligawan ka ---" Hindi ko na napigilan umiyak ng tahimik at ipagpatuloy ang pagbulong ko sa kwento ko.





"Ang gulo gulo ko. Sorry baby. Nagmamadamot na naman ako sayo. Buti nalang di mo alam kasi baka masakal ka na naman. Baka isipin mo ang toxic ko, baka iwan mo ulit ako."





'Deanna, balik ka ng dorm. Reshuffle ngayon ng dormmates.' Text message galing kay Ponggay. Muntikan ko pang makalimutan. Ngayon nga pala yun.






"Happy One month baby." Sabi ko bago kumawala sa yakap niya. Bago pa man akong tuluyang umalis ay humalik muna ako sa labi niya. Smack lang dahil natutulog pa rin siya.






Sinigurado kong nalock ko lahat bago ako sumakay sa kotse at nagdrive pabalik ng dorm.








Jema's POV



Nagising ako na wala ng Deanna Wong sa tabi ko. Lagi naman kapag nakakatulog kami ng magkasama, laging paggising ko wala na siya. Bakit ba di pa ko masanay?

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 271 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
515K 13.8K 85
Try ko lang po toh no hate po. :)
176K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
111K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...