The Beast He Became

By SaviorKitty

4M 159K 40.1K

"Have you ever tried to sacrifice your happiness for other people?" Lauren's only goal is to make her father... More

AUTHOR'S NOTE
SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Hidden Chapter

Chapter 26

71K 3.1K 3.7K
By SaviorKitty

C H A P T E R 2 6
━━━━༺❀༻━━━━

Napaawang ang aking labi nang maramdaman ko ang kaniyang gitnang daliri, para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa ginawa niya. Inipon ko ang buong lakas ko upang itinulak siya palayo sa akin kaya naalis kami sa gano'n posisyon.

Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Zayn. Itinikom ko ang aking hita kahit ramdam kong basang-basa ako roon.

"W-What the hell?!" bulalas ko.

Nagpalinga-linga ako. Wala si Charles. Anong oras na? Oh God, bakit nandito siya? Paano siya nakapasok? Paano niya ako nahanap?

Nakita ko kung paano siya ngumisi at umupo sa sofa kung nasaan ako kaya bahagya pa akong umusog palayo sa kaniya. He looked at me with an amusement. He couldn't hide his amusement to me. Bahagya pang tumabingi ang kaniyang ulo bago dahan-dahan itaas ang kaniyang kanan kamay.

"See? You want me so much," manghang aniya bago dalin ang daliri sa kaniyang bibig at sipsipin iyon.

My jaw dropped because of what he did in front of me, I could feel my body begin to sweat. Nakaramdam ako ng matinding kaba at hiya.

"Bakit mo 'yon ginawa?! Bakit ka nandito?!" sigaw ko para itago ang pagkapahiya ko.

"Baby, I miss you so much. I gave you a week to think, to come back. Now, I'll get you back to me, come home with me baby," malumay na wika niya.

He looked at me, like there was something in me worth looking at.

"Don't call me baby!"

"Bakit?!" sumama ang mukha niya.

Because you are not Zayn... You're Baron.

"Si C-Charles?" kinakabahang tanong ko. Baka kung ano na naman mangyari kapag nagpang-abot ang dalawang 'to.

Mas tumalim ang tingin niya sa akin. "Puro ka Charles, iniwan ka nga niya rito! Saka badtrip ako sa mukha ng mokong na 'yon. Baka mabalatan ko siya ng buhay, and he fucking bite your neck!" Nanlaki pa ang mata niya.

Napangiwi ako at tumayo, inayos ko ang suot ko.

"Baron, umalis ka na!" singhal ko.

"I'm Zayn, sumama ka na sa akin pauwi. Engagement party natin bukas dapat ako ang kasama mo at hindi kung sinong poncio pilato lang!" Napailing pa siya at tumayo rin.

"Hindi ako sasama sa'yo." Umiling-iling ako. Hindi ako sasama, kakausapin ko pa si Charles, hindi ko iiwan si Charles ng gano'n lang.

Hinawakan ni Baron ang dalawa kong balikat. "You accepted my ring," he pointed out.

Hindi ako sumagot at umiwas ng tingin sa kaniya, naguguluhan na ako. Ayokong saktan si Charles, pero may isang parte sa loob na gustong sumama kay Baron. Ni hindi ko nga rin alam kung si Zayn ba ito o si Baron.

Mariin akong pumikit nang ilapat niya sa mukha ko ang dalawa niyang palad at pilit akong pinapatingin sa kanya.

"Love please look at me," Baron... Sabi ko na nga ba.

Hindi pa rin ako tumingin sa kanya,  natatakot akong makalimutan ko kung ano ang dapat kong gawin kapag nagtama ang aming mata. Nagulat ako nang kabigin niya ako at mahigpit na yakapin animong natatakot siyang pakawalan ako.

"Maybe I'm too late to be your first, but right now I'm preparing myself to be your last." He whispered. Kumabog ang dibdib ko hindi ko alam kung naramdaman niya iyon sa sobrang lakas. Lintek. Hindi ako kumilos sa kinakatayuan ko hinayaan ko lang siyang yakapin ako.

Nang kusa siyang humiwalay sa akin ay nagpakawala siya ng malakas na buntong-hininga.

"Alright, I'll leave you here not because I'm give you up. Bibigyan kita ng oras magpaalam sa mokong na 'yon dahil alam kong nahihirapan ka rin pero Lauren, may usapan na tayo. Pumayag ka na rin sa kagustuhan ng Ama mo. Wala ka ng magagawa kung hindi tanggapin ako sa buhay mo. Last na 'to, this will be the last time that I will let you with another man, dahil pagkatapos ng gabi na 'to kahit hibla ng buhok mo wala ng puwedeng humawak. Sa akin ka lang tandaan mo. Hihintayin kita bukas, I will wait love, huwag mo akong ipahiya." Ramdam ko ang diin ang lungkot sa kaniyang boses.

Ibinukas ko ang aking ibig para magsalita pero wala naman doon lumalabas kaya itinikom ko na lang iyon ulit. Nakakamangha na kaya niyang iparamdam sa akin ang nararamdaman niya gamit lang ang salita niya.

Sandali niya ako tinitigan, suminghap ako nang palihim nang yakapin pa niya ako sandali bago naglakad papunta sa pintuan animong pamamahay niya ito, bago tuluyan makalabas ay lumingon pa siya sa akin.

"You taste so sweet, Love." Kumindat siya bago tumalikod.

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Mabilis ang kilos na sinundan ko siya sa pintuan. Naabutan ko siyang naglalakad papunta sa nakaparadang kotse sa hindi kalayuan. Sobrang dilim na sa labas, pero nakikita ko sila dahil sa maliit na ilaw sa kalsada.

Kasama niya si Uno at Mat. Nakita kong tinapon ni Uno ang lollipop stick bago kumaway sa akin at pumasok sa kotse. Si Mat naman ay pinagbuksan ng pinto si Zayn na nakasimangot, kitang-kita ko kung paano siya nag 'fuck you' kay Mat bago pumasok sa loob. Tumango pa si Mat sa akin bago sumakay sa driver seat.

Napakurap-kurap ako hanggang maka-alis sila. Is it Zayn or Baron? Nakakagulo. Pakiramdam ko kanina si Baron ang kaharap ko, pero pakilala niya ay Zayn. Tapos kasama niya sila Uno, ayos na ba sila?

Napailing ako bago isara ang pintuan pero hindi ko iyon nilock dahil baka dumating si Charles.

Doon ako nakaramdam ng lungkot nang ako na lang maiwan mag-isa. Dumeretsyo ako sa kwarto bago nahiga, ilang minuto pa akong napatitig sa kisame bago dalawin ng antok.

•••

Nagising ako kinabukasan dahil sa amoy ng almusal, kaagad akong naghilamos at nag-ayos ng sarili bago lumabas. Naabutan ko si Charles na nagtitimpla na ng kape.

Ang kaniyang singkit na mata ay mas lalong naging singkit dahil sa bahagyang pamamaga.

Umiyak ba siya buong gabi? Saan siya galing?

Lumapit ako sa kaniya at tumikhim upang kunin ang atensyon niya.

"Charles..."

Nag-angat siya ng tingin sa akin, ang akala ko ay hindi niya ako kakausapin pero nagulat ako ng salubungin niya ako ng matamis na ngiti.

"Good morning sweety!" masiglang bati niya.

Napapatitig ako sa kaniya, walang halong peke ang kaniyang mga ngiti. Is he okay? "Umupo ka na sweety, nagluto ako ng carbonara."

Pinaghila niya pa ako ng upuan.

"A-Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

Humalakhak siya. "Of course!"

Nakakamiss makita 'yong ganyan ngiti niya at sigurado akong mas mamimiss ko pa iyon sa mga dadating na buwan.

Nagsimula kaming kumain, na parang walang nangyaring alitan at sigawan kagabi.

Napaka-daldal niya, iyong parang noong nagsisimula pa lang kami. Panay ang biro at tawa niya hanggang sa maghugas siya ng pinggan at tumambay kami sa sala ay nakahawak lang siya sa akin kamay animong sinusulit na niya ang oras.

"Alam mo bang noon ay hindi talaga kita type? Bukod sa magkaibigan tayo ay ayoko sayo dahil mukha kang mahina. You looked fragile and sweet." Natatawang kwento niya habang pinaglalaruan ang aking daliri.

Ngumiti ako. "Ah gano'n e bakit mo ako niligawan ha?"

Nagkunwari siyang nag-iisip. "Hmm. Noong una trip ko lang. Hahahaha. Kasi nga ayoko sa'yo pero habang tumatagal doon ko napatuyan na hindi ka mahina, you are the most strongest woman I've ever met. You are wonderful. The epitome of beauty," sinserong aniya.

"May pa-iyak-iyak ka pa nga noon sinagot kita.

Ginulo niya ang buhok ko, "Kasi ang sarap sa pakiramdam no'n na 'yong pinaghirapan mo, nakuha mo na. Iyon 'yong pinaka masarap na pakiramdam bago pumasok sa relasyon." Tuma-tango-tango pang wika niya.

"Thank you for everything Charles." sinserong wika ko.

Lumipas ang oras na nasa gano'n kaming posisyon. Nang tanghali na ay naligo ako, habang nasa banyo ay hindi ako mapakali, naiisip ko iyong nangyari kagabi.

'I will wait..."

Tsk.

Inis na tinapos ko ang paliligo ko bago lumabas. Naabutan kong may hawak si Charles na paper bag, nang makita niya ako ay iniabot niya iyon sa akin.

"Ano 'to?"

"Open it."

Napamaang ako ng makita ang isang pulang off shoulder dress at itim na heels.

"Para sa akin?"

Tumango siya ngumiti. "Sukat mo binili ko 'yan."

"P-Pero hindi ko naman birthday."

"Birthday lang ba pwede magregalo? Sige na sukatin mo na."

Naguguluhan man ay sinunod ko siya. Bumalik ako sa banyo para suotin ang binigay niya. Ano na naman kaya plano ng lalaki na 'yon?

'I will wait...'

'I will wait...'

"Ugh! Nakakainis!"

Inilugay ko lang ang buhok ko bago lumabas. Napalingon kaagad sa akin si Charles at sumilay ang masayang ngiti sa kaniyang labi.

"Ang ganda mo naman."

"Oo naman yes!" lumapit ako sa kaniya sa tabi ng sofa at naupo. "Saan pala tayo pupunta?"

Tumaas ang dalawa kong kilay ng tinitigan niya lang ako na para bang kinakabisado ang buo kong mukha.

Tapos ay hinaplos niya ang ibaba kong labi gamit ang hinlalaki.

Charles...

"Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko, hindi ko pinagsisihan na niligawan kita, na minahal kita kasi sa loob ng mga taon na magkasama tayo kahit hindi tayo legal sa ama mo naging masaya ako. You are my first love at mananatili iyon na gano'n," humalakhak siya pero mahina kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang kaliwang mata. "Ayoko na...pinapalaya na kita."

Nangilid ang luha ko, bahagyang napabukas ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

Naiiyak ako kasi alam kong nasasaktan siya, nasasaktan ko siya pero ang hindi ko maintindihan bakit hindi ako nasasaktan dahil ayaw na niya.

"C-Charles..."

Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. Bago kunin ang susi at ilagay iyon sa palad ko.

"Go to him, he needs you. He's waiting for you," lumuluhang wika niya.

Pinunasan niya ang kaniyang luha tapos ay huminga ng malalim.

"Alam ko ayaw mo lang ako iwan kasi nasanay ka na sa akin, kasi sinasabi ng isip mo na dapat ako. Kasi ako naman talaga ang boyfriend mo pero Lauren, kung puro isip ang papairalin mo hindi ka magiging masaya. Kung pinipigilan mo ang sarili mo hindi ka sasaya, kaya kahit mahirap sige titiisin ko hindi dahil hindi kita mahal. I love you so much and I'm willing to let you go, ayaw na kitang pahirapan."

Niyakap ko si Charles ng sobrang higpit. Sana tama ang gagawin ko.

"I-I'm so sorry Charles..."

"Shh. It's okay, sana lang tama itong desisyon ko." Ngumiti siya ng maghiwalay kami sa pagyakap. "Pero puwede ba ako makahingi ng pabor?"

Kinabahan ako. "A-Ano?"

"Maging masaya ka, huwag mo ng isipin 'yong dinidikta nila sa'yo kung ano 'yong gusto mong gawin ay gawin mo. Malaman ko lang na masaya panatag na ako."

Lumuluhang tumango ako.

"S-Sorry Charles."

Kahit ata million beses ako humingi ng kapatawaran ay kulang pa sa sakit na naidulot ko sa lalaking ito. Sobra siya kung magmahal at hindi ko na kayang suklian pa iyon. Hindi ko rin alam kung kailan nawala, dahil tinatak ko sa isip ko na mahal ko siya nakalimutan kong iba nga pala ang ginagawa at iniisip lang.

"At isa pa... Ayaw na kitang makita ulit." Mariin siyang pumikit.

Kumabog ang dibdib ko.

"Iyon na lang ang natitira sa akin, last na pagkikita na natin ito. Hindi ko alam baka umalis ako ng bansa, baka kasi kapag nakita kita kasama ng iba baka hindi ko makaya lumuhod ako sa harapan mo para lang bumalik ka," madamdamin aniya.

"T-Thank you for everything C-Charles..."

"No, thank you. Mahirap 'to sa akin iniyakan ko ito buong gabi para nga akong bakla hahaha though nakapag-isip na ako, ito siguro ang makakabuti hindi naman lagi ay kailangan lumaban 'di ba? Minsan ay kailangan mo magpaubaya."

"Magiging m-masaya ka rin Charles."

Ginulo niya ang buhok ko, "Oo naman, pero sa ngayon magpapaka-selfish muna ako. Sarili ko muna ang mamahalin ko. Hahaha."

Sa huling pagkakataon ay niyakap ako ng mahigpit ni Charles.

"Sorry..."

"I sacrifice my happiness for your happiness, so be happy."

Tumayo ako habang mahigpit ang hawak ko sa susi. Hinatid niya pa ako sa pinto na may ngiti sa labi. Sinapo ko ang kaniyang mukha at pinunasan ang medyo basa pang pisngi bago ko siya halikan sa noo.

"You will always be my sweety, thank you for everything. Sana maging masaya ka. Sa susunod natin pagkikita sana may ipapakilala ka na sa akin."

Tipid siyang ngumiti bago tumango.

Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar iyon. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang lalaking naging parte ng buhay ko.

Nakayuko niya habang gumagalaw ang balikat. Napahikbi ako. Kung pwede ko lang pigilan ang sarili ko at manatili sa tabi mo ay ginawa ko na pero para akong walang buhay dahil malayo ako sa kaniya.

I'm sorry Charles...

Apat na oras akong nagdrive, Ala-singko na noong dumating ako sa bahay ni Zayn kung saan gaganapin ang engagement party namin.

Nalula ako sa dami ng sasakyan sa harap ng bahay. May malakas na musika rin na nagmumula sa garden. Mabilis akong naglakad papunta sa garden sa likod. Hindi ako gano'n pansinin alam ko naman iyon, hindi naman nila alam ako ang pakakasalanan ni Zayn.

Madaming tao, mayayaman.

Mabilis kong iginala ang paningin malapit sa stage, may mga nagbubulong-bulungan dahil late na ako.

Nagkakagulo na ata sila.

Hinanap ng mata ko si Zayn. Nakita ko sila Daddy at mga kapatid niya sa kabilang mesa kasama ang asawa nito at kapatid ko sa ama.

Nakaupo si Zayn sa gilid habang blanko ang mukha at nakakuyom ang kamay. Inabutan siya ng tubig ni Mat pero tinabig niya lang ito, si Uno naman ay may ibinubulong sa kaniya para pakalmahin siguro siya.

Lalapit na sana ako at aalis sa kumpulan ng mga tao ng napukaw ang atensyon ko sa malakas na tawa ng isang matandang lalaki.

"This is unbelievable! Engagement party pero walang bride-to-be? Baka naman nag-iimahenasyon ka na naman Zayn Anak?" tumatawang usal ng matanda.

Napa-awang ang labi ko, Daddy ni Zayn. Oh my God.

Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Zayn at malalim na paghinga na animang oras ay sasabog na siya.

"Oh siya, magsi-uwi na kayo! Uwi na!" sigaw nito sa bisita na may nakakalokong ngiti sa labi.

Lalong lumakas ang bulong-bulungan. Bakit ba nandito pa iyan? Tsk.

Hindi ko na natiis at naglakad ako papalapit kay Zayn, nakuha na ang atensyon ng iba at napatuon sa akin.

Napalunok ako na huminto sa harapan niya. Gulat siyang napatingin sa akin animong hindi inaasahan ang pagdating ko.

Inilahad ko ang kamay ko.

"Tara? May party pa tayong aasikasuhin."

Ang gulat sa mukha niya ay napalitan ng ngiti, napatayo siya at mahigpit akong niyakap. Hmm ang bango naman nito.

"T-Thank you."

Tinapik ko ang balikat niya. Hindi ko alam kung dahil sa speaker o talagang malakas ang kabog ng dibdib niya.

Humiwalay siya sa akin at pinagsiklob ang aming daliri.

Hinarap namin ang bisita. Kita ko ang talim ng mata ng ama ni Zayn sa amin katabi 'yong esmeralda. Tinaasan ko sila ng kilay.

"And now the big moment, Ladies and Gentleman, our couple please all welcome, Lauren and Quvenzhane!" malakas na anunsya ng emcee kasunod ng palakpakan.

Hindi ko na nasundan ang program, kapag pinapatayo kami ay sumusunod na lang ako, si Zayn naman ay hindi maalis ang kamay sa akin. Kung hindi nakaakbay ay nakahawak sa kamay o kaya sa beywang.

Nang matapos ang party, maraming nag-congratulate akala mong close kung makayakap sa amin ni hindi ko nga alam mga pangalan nila. Basta ngumingiti lang ako sa kanila.

Kaagad umalis ang asawa ni Daddy at anak. Okay na sa akin ang dumalo sila kahit hindi ako kausapin masaya na ako doon kahit papaano ay naglaan sila ng oras kahit na hindi ako kabilang sa pamilyang tinatawag nila.

"Baby are you okay?" Napalingon ako kay Zayn.

Nakangiti siya habang nakatitig siya sa akin. Mas kumabog ang dibdib ko, gusto ko iyon sapuhin para pakalmahin kaso ang daming tao baka iba ang isipin. Tsk.

Tumikhim ako pinagsaklob ko ang daliri namin. "Yes, I'm okay. Ikaw?Masaya ka ba? May masakit ba sa'yo?" sinserong tanong ko.

Nagulat ako ng bigla siyang humalakhak ng malakas. Napatingin pa sa amin ang iba.

"Mahal mo na rin ako noh? Nag-aalala ka na sa akin ah!" biro niya.

Napangiwi ako pero napangiti rin. I'm not sure Zayn. I'm not sure. Kailangan ko pa ng panahon.

Dinala niya sa labi niya ang kamay ko at masuyo iyon hinalikan.

"Akala ko hindi ka na dadating."

"Yung pumunta sa pangasinan si Baron ba 'yon o ikaw?" gusto ko matawa sa sinabi ko. Tss. Isang tao lang sila pero hindi ko alam pero iba talaga ang feeling kasi kapag nagsu-switch sila. Parehong mukha pero iba ang pakiramdam.

Nag-iwas siya ng tingin. "S-Si B-Baron.."

Tumaas ang kilay ko. "Eh bakit ka nauutal?"

Tumayo siya bigla. "Kukuha muna kita ng salad, dyan ka lang."

Kunot-noong sinundan ko siya ng tingin. Napasandal ako sa upuan ko habang pinapanuod ang madaming tao.

"Hindi na ako magtataka kung bakit ka nagustuhan ng anak ko, ang bango mo."

Napaigtad ako ng may magsalita sa gilid ko. Nakatayo doon ng Daddy ni Zayn ay nandoon na naman ang nakakaloko at nakakainis niyang ngisi.

Ngiti pa lang niya mukhang matandang manyakis na.

Mabilis akong tumayo at bahagyang lumayo sa kaniya.

Parang natuwa siya sa inasta ko.

"Magaling ba sa kama ang anak ko? Ako ang nagturo---"

"Fuck you po." madiin usal ko.

Napatigil siya at tumalim ang tingin sa akin. "W-What?!"

"Fuck you po." ulit ko.

"Aba't bastos kang bata ka!"

"Mas bastos ka, pinagmamalaki mo pa sa akin ang kahayupan pinaggagawa mo sa sarili mong anak? Ang kapal naman po ng mukha mo magpakita rito. Hindi ho ako bastos pero nagiging bastos ako depende sa kaharap ko." Kita ko ang pagngitngit niya sa kaniyang ngipin.

Gumalaw ang panga niya. Napaigtad ako ng hawakan niya ako sa braso, hindi ko alam kung may nakakakita sa amin.

"Hindi sa akin uumbra iyan tapang mo!" sigaw niya sa mukha ko.

Naamoy ko ang amoy alak at sigarilyo niyang hininga. Gusto kong masuko at pilit kong binabawi ang kamay ko.

"Bitawan mo ako!"

"Baka nakakalimutan mong ama pa rin ako ng lalaking papakasalan mo!"

"Hindi ko ho nakakalimutan pero wala rin ho ako pakielam sa'yo! Bitawan mo ako!" inis na usal ko.

Nagagalit ako, naiisip ko pa 'yong itsura ni Zayn noon nagbreak down siya dahil sa kahayupan nito kumukulo ang dugo ko. Parang ang sarap maging kriminal.

Mas humigpit ang hawak niya, napalingon ako sa paligid nagbabakasaling humingi ng tulong. Nakita ko si Daddy na nakatingin lang. Walang kwenta.

Gusto ko umiyak pero ayoko. Hindi dito.

Bago ko pa ulit mahatak ang braso ko ay may tumilapon na tray sa mukha ng ama ni Zayn.

Nanlaki ang mata ko.

Nabitawan niya ang kamay ko at napasapo sa mukha niya. Dumugo ang ilong niya, nataranta naman ang mga body guards nito.

Kaagad akong napalingon sa gilid, sa bumato no'n.

Nanlaki ang mata ko makita si Zayn na may hawak na salad.

"Oppss sorry dad nadulas sa kamay ko, sakto tumama sa mukha mo." seryosong aniya tapos ay lumapit sa akin. "Baby ito na lang buco salad, wala ng fruit salad e." parang batang sumbong niya sa akin.

Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa niya.

Nagulat ako ng kwelyuhan ng ama niya si Zayn. Napasinghap ang mga tao nandoon.

Blanko ang mukha ni Zayn pero nanginginig ang kamay niya.

"Anong pinagmamalaki mo Zayn? Baka nakakalimutan mo ako lang ang nakakaalam kung nasaan ang kapatid mong babae! Ako lang ang nakaalam!" sigaw niya tapos ay nakangising bumaling sa akin.

Kinalibutan ako. Bakit? Bakit ka sa akin nakatingin hayop ka.

"Get your filthy hands off me, old man."

Binitawan siya ng ama niya, lumapit kaagad ako kay Zayn upang pakalmahin siya.

Nanginginig siya.

"Malalaman ko rin kung nasaan ang kapatid ko, malalaman ko rin at kapag nangyari 'yon puwede na kitang patayin. Paunti-unti kitang papatayin tandaan mo 'yan." Mas kinabahan ako sa sinabi ni Zayn.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paalis sa lugar na 'yon.

Dere-deretsyo kami pumasok sa bahay niya hanggang makarating sa loon ng kwarto niya.

Nabitawan niya ang kamay ko at dahan-dahan napaupo sa sahig.

"Z-Zayn..."

"N-Natatakot pa rin ako Lauren... Takot na takot pero kailangan ko labanan. Kailangan ko iligtas ang kapatid ko.." tumingin siya sa akin habang nangingilid ang luha.

Parang pinipiga ang puso ko. Lumunod ako sa harapan niya.

"M-May kapatid ka palang babae," bulong ko.

Malungkot siyang tumango.

"Hindi ko pa siya nakikita, nilayo siya noong baby pa siya. Anak siya ng mommy ko sa ibang lalaki, nang manganak daw si Mommy ay iniwan nito sa lalaking nakalaguyo ng mommy ko. Hanggang mawala si Mom hindi ko na siya nakita, bata pa ako no'n. S-Simula no'n galit na si Daddy. Nagloko sa kaniya si Mom parang sa akin niya binunton l-lahat. K-Kasalanan ko ba 'yon?" tuluyan siyang napaluha. "Kailangan kong makita ang kapatid ko," hinaplos niya ang aking pisngi. "Baka nga kasing edad mo na siya ngayon. Paniguradong kasing ganda mo rin siya."

"H-Hahanapin natin siya."

Mariin siyang pumikit bago ako yakapin. "Huwag mo akong iiwan, ikaw lang lakas ko."

***

Continue Reading

You'll Also Like

333 110 22
(Writer × Bassist) (Completed) Armed with writerly wisdom, Crisanta Marie broke from tradition to chase music, despite her family's disdain. A sister...
13.6M 244K 57
||RATED R|| Scenes may not be suitable for very young and innocent audiences. Phoebe Madrigal has a dark past na gustong gusto na niyang takbuhan...
1.7M 6.7K 2
Erania has a peaceful and simple life in the orphanage. Lumaki siya na kasama ang mga madre at katulad niyang pinagkaitan ng kumpletong pamilya. Sa l...
3.2M 127K 44
"I shouldn't love you, but here I am anyway, standing in the middle of the fire, holding our burning secret." When eighteen-year-old Ash...