Chapter 26 - Antiphrasis
May 25, 2019
"Sobrang ganda! Oh my god. I'm so proud of myself." Malakas na sabi ni Mizzy nang matapos ang pagme-make up niya kay Lee na ngayon ay deadpan pa rin ang mukha, hindi makapaniwala na napapayag siyang gawin 'yun.
"Hindi ba sobra naman?" Naasiwang tinignan ni Lee ang sarili niya sa salamin. Dati pa naman kasi, hindi na siya pala-make up. At sa dami pa ng nangyari sa buhay niya, hindi na rin niya nagawa ang mga ganung bagay kahit na ngayong nagtatrabaho na siya.
"Anong sobra? Napaka-light nga niyan. 'Yan 'yung tinatawag nila ngayong glass skin. Ewan ko ba. Feeling ko kung 'di ako brand ambassador ngayon, make-up artist ako eh."
Ngumiti ng mapakla si Lee. Napansan naman agad ito ni Mizzy kaya mabilis niya nang kinuha ang camera niya at kumuha ng mga ilang litrato.
Para kasi talaga ito sa bagong facebook profile na gagawin niya para kay Lee at iko-connect niya sa Tinder nito. She is trying to curate a good account for her.
"Pagtapos nito, magpalit ka pa ng damit doon. 'Yung halter naman
yung next para sexy."
"Kailangan ba talaga?" Lee said helplessly.
"Oo. Hindi pwedeng isang attire lang. Mapagkamalan pang poser 'yung account mo."
"Eh... kasi hindi naman ako naghahanap ng ka-date eh."
Nakapamewang na si Mizzy nang lumingon si Lee.
"Kanina pa kita pinapapili, dadalhin kita kay Doc Odi para mag-usap kayong dalawa, o gagawan kita ng Tinder— Tinder pinili mo, tapos ngayon aayaw-ayaw ka."
Lee kept quiet. Ito naman talaga ang rason kung bakit pumapayag siya sa kung ano-anong mga pinapagawa ng kaibigan.
"H-hindi ba pwedeng walang pilliin?"
"Hindi pwede."
"Miz..." Lee sighed. Talagang wala siyang takas sa pangungilit ng kaibigan.
"Eh 'di... kausapin mo na kasi si Odi. Hindi naman kita pinipilit na makipagbalikan. Just say you're sorry."
Hindi sumagot si Lee.
"Aren't you sorry for him?"
"I am!"
"'Yun naman pala eh. Bakit hindi mo ipaliwanag what happened. Tell him the whole truth."
Lee smiled bitterly.
"You know what I told you wasn't the whole truth."
At alam din naman 'yun ni Mizzy. She knew from the very beginning that what she learned weren't everything. With the gaps and details, alam niyang mas marami pang nangyari kay Lee na kahit sa kanya, hindi nito magawang maikuwento.
"But it's still the truth, right?"
"But still... not saying everything is lying. Withholding something is lying. Omission of some truth is still lying."
Sumasakit na ang ulo ni Mizzy. She thought that maybe, the thing Lee is withholding holds so much weight than the explanations she received before. But still, she thought that maybe if Odyssey will learn even the bits and pieces that she knew, maybe there is still hope for reconciliation. Pero dahil ngayong wala rin siyang alam sa mga iba pang pangyayari, she can just keep mum.
"O siya! Sige na, sige na! Tinder nga lang. Sabi ko nga eh."
"Tapos anong mangyayari? Makikipag-date ako? Ayaw ko."
"Ita-try mo lang!"
"Pero..."
"Walang pero-pero. Eh 'di sige. Huwag ka munang makipagdate. Try mo lang mag-swipe swipe ganyan. Kapag bet mo, swipe right, kapag hindi, swipe left."
"Paanong bet? Eh puro pictures lang naman 'yan."
"May mga makikita ka ding ibang info. Basta!"
"Pero on the surface lang naman 'yung mga makikita mo diyan. Paano mo magugustuhan."
"Pota naman, Lee. Huwag ka munang mag-overthink for once. Laro-laro ka lang dito. Hindi ka naman magpapakasal agad-agad."
"Pero—"
"Wala ng pero-pero! Ikaw nga mahal mo si Odyssey at hindi lang 'yun on the surface pero ayaw mo pa rin. Huwag mo sabihing hindi chrue?"
Natahimik si Lee. Nagtuloy-tuloy na lang tuloy ang kanilang mini-photoshoot habang inaayos ni Mizzy ang facebook account at ang tinder nito. Nang matapos, panay swipe na lang siya para sa kaibigan.
Nang matapos, nakakuha ng maraming match ang account ni Lee sa ilalim ng mga daliri ni Mizelea.
"Naks! Mabenta ang lola mo!"
"Paano ba nagkaka-match diyan? Ibig sabihin marami din akong na-like na lalaki?" Lee can't still wrap her head around the idea of Tinder.
"Okay lang 'yun. 'Yun naman essence nitong Tinder. Hindi naman ibig sabihin fvckgirl ka na. Basta like mo lang. No harm done. Ikaw na bahala kung gusto mo makapagchat. Tapos kapag okay kayo, makipag-meet ka?"
"Ayoko." Lee immediately put the idea down.
"Sipain kita diyan eh. Try mo lang. Kapag bored ka."
"Marami akong ginagawa..."
Lumaki ang mga mata ni Mizzy nang makareceive ng ilang notifications.
"Oh my god ang dami ng nagchat sa'yo."
"Baka kasi lahat naman ng lalaki na-swipe right mo?!"
"Hindi ah! Akala mo naman sa'kin? Alam ko mga tipuhan mo kahit matagal tayong 'di nagkita."
Napailing na lang si Lee.
"Hay nako. Bahala ka nga. Makikipag-set na lang ako ng meeting with Odi—"
"Ako na. Sige na. Ako na nga mag-chat eh." Kinuha agad ni Lee ang telepono niya as she kindly replied to some of the messages. To keep Mizzy behaved, she diligently answered some of the questions and maintained the small talk, hoping for the other party to see her off as someone who is boring. Para hindi naman siya masyadong lumubog sa hukay ng swipe-right generation.
Napangiti na lang si Mizzy as she tinkers her own phone.
Sabay na-konsensya.
Dahil ang totoo, nagsisinungaling siya. Kahit na pinapipili niya si Lee between meeting Odyssey and using Tinder, alam naman niyang ang huli ang pipiliin nito.
Hence she take it into her hands to also set her up with Odi. Kaya kahit ayaw ng lalaki, she is still trying to orchestrate some meetup.
Nako-konsensya man, for giving Lee's address away, she clearly have no choice. Kinakabahan ng kaunti because she's risking Lee's wrath into this, and their friendship. Pero mababaliw na si Mizzy kapag hindi pa talaga siya gumawa ng paraan.
Tatawa-tawa na lang siya sa harap ng telepono niya. Because even though it looks like Odyssey is acting indifferent from his text messages, the fact that he replied takes everything into a positive note.
"Alis tayo mamaya? Party-party?" Maya-mayang yaya ni Mizzy kay Lee nang hindi na nagreply si Odi.
"Alam mo namang hindi ako mahilig sa party eh."
"Hindi ka iinom. Sasama ka lang sa'kin?"
"Sa ibang araw na lang. May gagawin ako ngayon. Sabado 'di ba?"
Ngayon lang na-realize ni Mizzy na importante nga pala ang bawat Sabado ng hapon kay Lee kaya tumigil na rin siya sa pangungilit. Kaya nang dumating ang alas-kuwatro, matapos nilang kumain ng pina-Food Panda niyang Milk tea at cheeseburger, umalis na rin siya.
"Huwag mo nang burahin 'yang make-up mo. Ganyan ka na pumunta doon. Trust me. Hindi naman masyadong makapal eh..."
Ngumiti lang ulit si Lee.
"Baka hindi na talaga ako makilala ng nanay ko niyan eh..."
Mizzy pressed on Lee's shoulders bago niyakap ito.
"Hindi 'yan..."
"Salamat ulit... Pati sa food..."
"Ang arte! Kayang-kaya ko yun ubusin lahat. Shineshare-an lang kita para di ako masyadong tumaba."
Isa pa uling huling yakap bago tuluyang umalis si Mizzy. Sinundan na lang ni Lee ng mga mata niya ang kotse nito bago isinara ang mga bintana at pintuan.
Ang totoo, nagprisinta pa si Mizzy na ihatid siya sa kung saan man siya pupunta, but shen she declined, hindi na ito nagpumilit pa. Alam niyang naiintindihan naman ng kaibigan kung bakit hindi na siya nagpahatid pa.
Nang mai-lock ang apartment, naglakad na siya sa kabilang direksyon.
Nag-antay siya ng medyo matagal-tagal bago dumating ang bus na sasakyan. Hindi naman kalayuan ang byahe, pero inabot din siya ng isang oras dahil sa trapiko kahit na Sabado naman. Nang makababa sa bus, dumaan muna siya sa isang fruit stand at bumili ng iilang mansanas at ponkan.
Nang sumakay siya ng tricycle, hindi niya alam na sumakay rin pala sa kasunod na tricycle ang lalaking kanina pang sumusunod sa kanya.
Si Odyssey.
The truth is, the moment that he received Mizzy's text about where she lives, he immediately and completely left everything that he's doing— to Eliseo's horror. Isang board meeting pa naman para sa articles of incorporation ang ginagawa nila para sa bago nilang kumpanya.
Pero wala siyang magagawa. Tulak siguro ng bibig, kabig talaga ng dibdib.
Ang totoo ay sisilip lang naman dapat siya. Idadaan niya lang ang sasakyan to look into it.
He has been lurking around the apartment like a madman. He didn't know why she's living like this. Tandang-tanda niya pa noon how intimidated he was of Lee's house. It was one hell of a mansion.
Pero bakit dito ito nakatira ngayon.
And then so many other questions flooded his mind. Doon niya lang naisip na nakapila si Lee sa terminal ng UV Express. Compared to the sheltered young lady who had her own driver, the Lee now is very different from before.
Kaya ang sinabi niyang silip, ay naging matagal na pagmamatyag na kahit siya, hindi niya rin namamalayan. Kasabay nang pag-iisip kung ano nga bang nangyari kay Lee, napako na lang siya sa kinauupuan niya, hanggang sa makita ang paalaman ng dalawa.
Buong akala niya ay ihahatid lang ni Lee si Mizzy palabas, pero nagtaka siya ng umalis din ito.
He didn't realize that like a fool, he's following kahit pa nang sumakay ito ng bus. Bumaba para bumili ng mga prutas, hanggang sa pumasok sa isang maliit na kalye. Doon na siya napilitang bumaba to follow her on foot.
"Manong, pwede paki-sundan 'yung tricycle na 'yun."
Napatingin ang tricycle driver sa kanya. This felt like deja vu. It was the same stare from the taxi driver the first night that he followed her.
"G-girlfriend ko 'yan... Nag-away lang kami. Hindi ako stalker." He even brought out his wallet and showed her a picture of a young Lee.
He just blurted out a simple excuse and thanked the heavens that all of the drivers he encountered, they were vigilant enough to be wary of possible stalkers. And that there were still kind people in this world.
Ilang minuto lang ang byahe nang bumaba si Lee.
Dahan-dahan ding nagbayad at bumaba si Odyssey para sundan ito.
Walang kamalay-malay, mabilis na pumasok si Lee sa isang establisyimento dala-dala ang isang supot na prutas. Hindi niya alam na naiwan ang lalaki sa labas na titig na titig sa karatula.
Binati siya ng halos lahat ng makakasalubong.
"Mukhang blooming po yata tayo ah?" Ani ng isang babae na nagpapasok sa kanya.
"Nako... napaglaruan lang." Halos mamula si Lee sa hiya. Naalala niyang naka-postura nga pala siya ngayon.
Hindi pinapalis ang ngiti sa labi, nakarating naman agad siya sa isang kwarto.
Nakatalikod ang upuan. Cartoons ang pinapanood sa TV.
Binati agad siya ng helper.
"Hi, po."
"Hi.... Kamusta siya ngayong araw?"
Umiling ang babae bago iniharap ang wheelchair.
Puting-puti ang buhok, pero bakas ang ngiti sa mga labi ng isang may edad na babae.
Niyakap agad ni Lee ang babae.
"Hi, mommy." Hindi na niya agad mapigilan ang luha sa mga mata. "Kilala mo ako?
"S-sino ka?"
"Ako 'yung anak mo..." Hindi niya alam kung ilang beses niya nang nasabi ang mga salitang ito.
Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakikilala. Her mom was reduced into this state. Pero kahit paulit-ulit, kahit sabihin na hindi na siya nito maalala dahil sa Alzheimer's nito, hinding-hindi siya magsasawang sabihin dito na siya ang anak nito.
"Mommy kita... Ikaw ang nanay ko..."
"Bakit ka umiiyak?"
"Kasi mahal kita..."
Niyakap niya ito ng mahigpit.
Sa labas, nanatiling nakapako ang atensyon ni Odyssey sa panaflex.
|Dela Cerna Aged Care Nursing Facility|
*later*