Road to your Heart: Starting...

Autorstwa Kristinoink

2.2K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... Więcej

Road to your heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 43

46 1 0
Autorstwa Kristinoink

Kabanata 43

Us

I was so stressed the next day. Nag announce kasi ang school na mas mapapaaga ang quarterly exam namin. Instead na sa susunod pang linggo, nilipat iyon ngayon. Tatlong araw ang exam at mula thursday hanggang sabado ang akin. Masyado pang maraming gawain na kailangan tapusin para mapirmahan ang clearance ko. Ang usapan ay bago ang namamahala sa school kaya nagkaroon kami bigla ng sembreak kahit na wala naman talaga dahil august ang pasukan namin. Unfortunately, walang sembreak ang college.

Xander offered to help me. Pumayag ako pero yung madadali lang. Gusto niya rin sana na dito sa bahay niya gagawin ang nga bagay na nagpapatulong ako pero sinabi kong huwag na. Isa pa, nag aaral rin siya. I don't want to be a nuisance to him.

Kasabay ng stress na natatamo ko sa school ay ang stress rin kay Vaughn. Ever since that night he started avoiding me. Nilapitan lamang niya ako nung tuesday para magsorry. Napaka bilis lang noon at dahil awkward rin ay agad siyang umalis. I somehow think that this is for the better. Hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya sa gusto niyang halaga kaya okay na rin ito.

Pero parang kay Krisha ay hindi. Mula din nun ay naging mailap na siya. I even saw some tweets from her account. Hindi ako ignorante kaya alam kong para sa akin iyon. Sinabi lang sa akin iyon ni Margou dahil sinasabayan ni Chloe ang pagpaparinig ni Krisha. Naunang mag post si Krisha sa gabi mismo kung saan nalasing si Vaughn. Agad iyon sinundan ni Chloe.

@Krishbish: Ungrateful bitch.

Hindi man siya tinag ay alam kong para kay Krisha ang tweet ni Chloe.

@Clawie: uncultured bitch.

Naging usapan iyon sa group chat namin magpipinsan. Nung una ay sa group chat na kasama ang boys naging usapan iyon pero dahil babae si Krisha at ayaw nilang patulan hindi na sila masyadong nagkukumento.
Nalipat ang usapan sa group chat naming mga babae. Doon napuno ng trashtalk para kay Krisha pero masyado akong busy para pag tuunan ng pansin ang mga iyon.

Lumipas ang mga araw at talagang natambakan kami ng gawain. Ang natatanging oras na nakakapag usap kami ni Xander ay tuwing hinahatid sundo niya ako. Nag uusap din kami sa tawag sa gabi pero kundi ko mapapansin iyon sa dami ng ginagawa ay nakakatulugan ko naman.

"Hayyyyyy. Buti na lang at talagang memorization lang sa EALS. Kundi babagsak ako dun. Nakapag review ka na sa Philo?" padarag na umupo si Evan sa katabing upuan ko.

1st day of exam namin at last na exam na ang susunod para sa araw na ito. Nakapag review naman na ako pero nag rerecall lang ako ng ilang mga nakakalimutan ko pa.

Binalingan ko ang kaibigan kong nakatanaw rin sa notes ko.

"Oo. Nag review ako kahapon ng pang second day,"

Pinag taasan niya ako ng kilay.

"Aba sipag! Talagang baliwala ang mga trashtalk ni Krisha sayo ha?"

I sigh.

"Wala naman akong magagawa kung galit siya sa akin. Her brother apologized. Ayos na kami..." sort of.

Umirap siya.

"Ngayon ko lang napagtanto na napaka bitter pala ni Krisha. Ekis na dapat siya. Spreading bad vibes..."

Di kalaunan ay dumating na ang teacher namin parasa huling exam sa araw na ito. Sinundo rin agad ako ni Xander at mabilis na hinatid sa bahay. I'm really thankful for his patience. Halos di ko siya mabigyan ng atensyon kakareview ko. Nakatulugan ko na nga ulit siya sa tawag namin nang gabing iyon. Hindi man lang ako nakapag goodnight sa kanya. Kinaumagahan ay nagising ako sa alarm ko. Good morning text ni Xander ang bumungad sa akin.

Globe: Good morning, baby. Nakatulog ka kagabi. Eat your breakfast first bago ka mag review. I'll pick you up later. I love you.

It was sent earlier at 7 am. 9 na ngayon at mga 10 ay susunduin na niya ako. Sa library kasi ako nag rereview dahil ayoko rin malate.

Napangiti ako at saglit na nawaglit sa utak ang napaka raming rereviewin. Nireplyan ko siya bago ako nagpasya na bumaba na at mag breakfast.

I'm expecting silence from the whole house dahil inisip kong kami na lang ni Kuya Ken ang narito at baka tulog pa siya pero nang nasa kalagitnaan ako ng hagdan ay nakarinig ako ng pag uusap na tingin ko ay nag mumula sa dining room.

Nung una at si daddy lang ang natatanaw ko pero nang tuluyan na akong pumasok ay nakita ko na ang lahat ng naroon.

Tita Loraine, Tita Marianna, Tita Irene and Tita Kriselle crowded the whole room. Naka upo sa kabisera si Daddy at nakatingin sa mga papel na nakalatag sa lamesa. Magkatabing nakaupo si Tita Marianna na mama nila Margou at si Tita Kriselle. Si mommy naman ang katabi ni Tita Irene na mama nila Kier.

"Good morning, anak," si mommy nang nakita ang pag pasok ko.

Binati rin ako nila Tita Irene at Tita Marianna. Huling lumingon si Tita Kriselle sa akin bago ako malamig na binati. Mommy eyed her kaya sapilitan akong ngumiti at bumati rin ng good morning sa kanila. Anong meron dito? Bakit narito sila? Wait... Paano kung abutan nila ang pag sundo ni Xander sa akin dito?

Nag uumpisa na akong mag panic.

"Sa bar ka na kumain ng breakfast anak. Makalat na dito at pinag uusapan namin ung wedding anniversary ni mamu," si Mommy.

Tumango na lang ako at nakayuko nag tungo sa bar. Nakita na ako ni manang kaya nag umpisa na siyang maghanda ng pagkain ko. Umupo ako sa stool. Binilisan ko lang ang pagkain ko. Agad din akong nakiraan sa kanila at mabilis na umakyat sa taas patungo sa kwarto ko at tinawagan agad si Xander.

"Relax, baby. Hindi na lang ako bababa para hindi makita ni Tita Kris." pag alu ni Xander sa akin.

It really freaks me out to think that Tita Kriselle is here. Bahay lang kasi namin ang pinaka safe na lugar para sa akin. Iyon ang tumatak sa akin mula nang bata ako. Pag may occasion at sa bahay ginaganap hindi ako naaaway ni Chinky dahil may yaya kami noong bata kami.

Maybe I'm just freaking out. Hindi rin naman siguro magiging malaking issue na si Xander ang mag hahatid sa akin. Malapit lang ang bahay niya sa amin. Tulog pa si Kuya Ken. Wala na si Kuya Marcus. It's convenient too. Hindi naman siguro magiging problema iyon diba.

Pilit kong pinapagaan ang nararamdaman ko. Xander is trying to calm me but I don't want to stress him out kaya sinabi kong ayos na ako. Mabilis lang akong naligo at nag bihis. Tingin ko nga ay nakalimutan ko na lahat ng inaral ko dahil sa kung anu-anong naiisip ko. Kung hindi ako tatanungin, hindi ko sasabihin na si Xander ang susundo. Right. Chill, Jessica.

I took a deep breath before taking a step down the stairs. Wala akong magawa kundi kausapin ang sarili ko. Ni hindi ko na nareplyan si Xander nang sabihin niyang naka parada na siya sa street namin. Kung nasa dining room pa sila pwede naman na dumiretso na lang ako sa pinto at humiyaw na lang ng pagpapaalam. Busy rin naman sila at hindi na ako tatawagin pa.

Planado na sa utak ko ang gagawin ko pero gumuho iyon nang naaninag ko na sila sa sala. Pare parehong naka upo sa mga sofa namin. Si Mommy at Tita Kriselle lang ang tanging tumingin sa akin.

"P-papasok na po ako," kay mommy lang ako tumingin.

"Sige, anak. Mag ingat ka," ibinalik ni mommy ang atensyon niya kay Tita Irene.

Diretso na akong lumabas kahit alam kong nakasunod ang mga mata ni Tita Kriselle sa akin. Nakahinga lang ako ng malalim nang nakalabas ako ng gate at tinanaw na ang sasakyan ni Xander na nakaparada sa di kalayuan.

Half-running kong tinungo ang sasakyan niya. Hindi nawala ang pangamba ko hanggang sa tuluyan na kaming nakalagpas sa bahay at nasa high way na. Kumalma na ako kaya nang ibaba ako ni Xander ay medyo ayos na ako. Ayaw pa niya sana akong hayaan na bumaba pero naalala ko ang exam ko mamaya kaya ipinilit kong ayos na ako. May pasok din siya at ayokong masyado siyang mag compromise.

Ibang ang direction ng library at room ko. Sa bahay lang kasi nag rereview si Evan kaya mamaya pa siya papasok. May hawak na akong maliit na reviewer habang tinutungo ang library. Bago pa ako makaliko sa pasilyo patungo roon ay may nabunggo na akong kung sino. Nahulog ang cellphone at reviewer ko.

"Nako, sorry..." sambit ko habang pinupulot ang mga gamit na nahulog.

I look up to the person and to my surprise it's Krisha and Jelina. Jelina looks so worried while Krisha is staring coldly at me.

"Krisha, Jelina," ngumiti ako pero wala akong natanggap na bati pabalik.

"Pwede ba tayong mag usap?" si Krisha.

Sinulyapan ko ang wrist watch ko. 1 pa ang exam ko pero 11 na ng tanghali. May jsang subject pa ako na hindi nirereview at ayoko nang mag review 30 minutes before the actuall exam. Kung pag bibigyan ko siya aabot ako sa time limit kk pero kailangan mabilis lang ang pag uusap namin.

Huminga ako ng malalim at binulsa ang reviewer at cellphone ko.

"Sige pero saglit lang ako dahil-"

"Pinag lalaruan mo ba ang kapatid ko?"

I blinked multiple times at her question. Say what?

"Ha? Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo, Krisha..."

Nanliit ang mata niya at humakbang palapit sa akin.

"He's been courting you for years, Jessica. It's not that yiur parents are strict about you having relationships. Kilala ng parents mo ang kapatid ko. And you don't have anyone to mess with kaya bakit hanggang ngayon manliligaw lang ang kapatid ko? Do you like this chasing game so much?"

Wow. I feel attacked. Di ko alam na pag nanligaw, yung nililigawan pa dapat ang mapressure. Bakit parang kasalanan ko? Bakit parang ako pa yung may mali dito?

"Teka lang, Krisha. Kaibigan ko si Vaughn. And I understand that you're worried about him pero matagal ko nang nilinaw sa kanya na hindi na lalamang sa pagkakaibigan ang tingin ko sa kanya-"

"Why?" She advanced again. Kinawit na ni Jelina ang kamay niya sa braso ni Krisha lara pigilan ito.

"Tama na, Krish. Tara na," bulong bulong ni Jelina habang tinitignan ang paligid. I'm aware of the attentiom we're catching.

Hinawi lang ni Krisha ang kaibigan niya at nagpatuloy.

"What do you like in a man ba, Jessica? Is my brother not enough? Is he not enough that he can't make your heart soft for him ever after these years?"

I bit my lip. Magkapatid nga talaga sila. Bakit lumalabas na obligasyon ko pa ang mararamdaman nila, ni Vaughn? Sila ba ang may mali o sadyang hindi lang ako aware sa ganitong bagay?

"Hindi naman sa ganon. I just think that I shouln't accept his feelings just because he has feelings for me too. Sa pagkaka alam ko dapat mutual iyon..." kalmado kong sagot. Sumulyap ako sa relo ko.

"Then why don't you try! Try so you'll know if it's mutual! Try instead of making him suffer like this!"

Nanlaki ang mata ko sa taas ng boses niya. Okay wow. Just wow.

"Look, Krisha. I'm on my way to the library para mag review. Maybe we can talk some other time. Yung kalmado ka na hindi yung ganito. We attract so much attention-"

"Yun naman ang gusto mo diba? Attention? Attention ng lahat?"

Yung totoo, saan ba nang gagaling lahat ng hininakit niya? Is it still about his brother?

Umiling ako. "No. What I want is a time to review. So please excuse me,"

Nilagpasan ko na siya bago pa siya may maidagdag. There's just too much emotional stress for this day. Ni hindi pa nga nag tatanghali tapos ang dami nang nangyayari.

Kahit na nahihirapan mag focus ay pinilit ko. I managed to finish everything before 12:30 pm. Nagtungo na ako nun sa room namin.

Magkatext kami ni Xander pero hindi ko pa binabanggit ang pag uusap namin ni Krisha. I just find it hilarious na ako pa ang sinisisi sa pambabasted kay Vaughn. Dapat nga ay matuwa pa sila. Atleast I'm not faking my feelings for him. Mas mahirap naman kung pinaplastik ko lang siya. Isa pa, masyado na ako maraming iniisip para dagdagan pa ng isang bagay na dapat ay hindi na pinapalaki.

Umuwi rin ako ng gabing iyon. Hinatid ako ni Xander at hindi ko pa rin sinabi ang tungkol kay Krisha. Tumulong ako sa pag liligpit ng pinagkainan dahil last day na ng exam bukas at nareview ko naman na ang mga ieexam. Masama rin kasi ang pakiramdam ni manang kay si mommy lang ang mag isang gumagawa sa kusina. Nasa harap na siya ng lababo habang ibinababa ko ang mga baso nang tanungin niya ako.

"Anak, kumportable ka na ba kay Xander?"

Bumagal ang pagbaba ko ng baso. Hindi naman nakatingin sa akin si mommy dahil sa mga platong hinuhugasan nakatuon ang pansin niya.

"Uh... Oo, mommy. Medyo okay naman na po,"

Hilaw siyang ngumiti.

"That's good. But it took you years to finally open up to him, ha. He must've done something para gumaan ang loob mo sa kanya..."

I feel like this is a trap. Pero hindi ako pwedeng basta na lang mag assume. Act cool.

"Hindi naman po. Naisip ko lang na matanda na kami para mag sungitan pa... Isa pa, si Chinky naman po ang may ayaw sa akin at... hindi si Xander," kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

Nagtaas siya ng kilay at nilingon ako.

"W-well... That's good to know, anak," aniya.

Wala na siyang sunod na sinabi kaya umalis ako at binalikan ang iilang pang natira sa lamesa. At nang bumalik ako ay nagtanong siyang muli.

"Wala ka bang nagugustuhan, anak? I mean your dad would prefer you to have a boyfriend after 18. Pero ayos lang kung may nagugustuhan ka,"

Tumikhim ako. This looks like a normal conversation but why do I think that it's not. Bakit para may ibang ibig sabihin?

"W-wala naman po. Wala pa sa.. ngayon.."

"Talaga? Perhaps, Vaughn? Matagal na siyang nanliligaw diba?"

Umiling ako.

"Kaibigan ko lang po si Vaughn, my. Alam naman po niyang iyon ang tingin ko sa kanya,"

"You don't want to give him a chance? Give yourself a chance too. Maybe it will work out?"

Xander wouldn't like that.

"I don't want to risk that, mommy. Walang kasigiraduhan kung magugustuhan ko siya kaya mas mabuting wag na..." I honestly answered.

Natahimik siya ilang sandali.

"You know anak, if you like someone else I will support you wholeheartedly..." Pinatay niya ang faucet at hinarap ako. "I will support you as long as it's right. As long as hindi mo sinasadyang masaktan ang kahit sino. I will support you, anak. I trust you and I trust you that you know what is right..." hilaw siyang ngumiti. Her eyes sparkled when the light pass through. Is that tears?

I swallowed hard. So hard that I think it's my heart that I swallowed.

Balisa akong umakyat sa kwarto ko. Tuloy tuloy akong humiga sa kama ko. Di na inalintana ang mga kailangang reviewin. Wala nang umikot sa isipan ko kundi lahat ng sinabi ni mommy.

"As long as hindi mo sinasadyang masaktan ang kahit sino."

"You know what is right."

Nakakaramdam na ba sila? Baka nakita ako ni Tita Kriselle na sumakay sa sasakyan ni Xander? Hindi naman pwedeng random lang iyon. Na naisipan lang ni mommy kaya niya ako kinausap tungkol dun. And why would she suggest to give Vaughn a chance?

Kung may alam sila then... I'm fucked up?

And that means I will have no one but kuya Marcus and Margou... Mommy will not support me. Because I know that we will get caught whether we like it or not. And that we will need to fight if that's what it takes. Day by day I depend on Xander too much that I don't think I can continue a day in this house and in this city without having him. They will seperate us. And it will be harder because they are my family. I love them so much. I owe them everything. I owe everything to my parents.

Dumapo ang kamay ko sa kwintas na nakasabit sa aking leeg. What if I live with my real parents? Ganito rin ba? Of course not. Walang magiging problema. I'll only have to worry about the common rules in having a relationship.

But will I meet Xander if that's the case? Hindi ko nga alam kung taga cabanatuan nga ba ang totoo kong mga magulang.

There's really no short cut for this.

Hindi na ako nakapag review. I texted Xander that I can't talk to him in call tonight. Ginawa kong palusot ang pag rereview but the truth is I'm crying. And his thoughtfulness about my situation made me cry even more.

I woke up the next morning feeling dry and empty. Text lang ni Xander ang nag bigay sa akin ng energy. And I think he'll know that I cried the whole night for how swollen my eyes are.

Ginawa ko ang pangkaraniwang routine ko. Sinundo ako ni Xander nang mag 10 at napansin nga niya ang pamamaga ng mata ko. Sinabi ko na lamang na napuyat ako kaka review at maaga rin nagising kaya kulang ako sa tulog. I'm not sure if he bought it. Pero wala naman na siyang sinabi nang bumaba na ako ng sasakyan niya. Maybe I should ask him na huwag muna akong susunduin. Sembreak ko na next week. Walang sembreak ang college kaya ibig sabihin ay tuloy tuloy ang pasok niya. I'll be home by the whole week.

Tinapos ko ang huling exam at gusto ko na lang matulog sa dami ng iniisip ko. Pagod na ang utak ko sa lahat. Feeling ko anytime sasabog na ito.

Magkasabay kami ni Evan na naglalakad pababa sa building nang mabanggit niya ang tungkol sa Hydro Cabanatuan na gaganapin next week. Naisip kong huwag masyadong lumabas sa sembreak. Maybe I can make that as a cover. Hindi ako kailangan sunduin ni Xander and although I'll miss him we will need this. Kung alam ko lang na namove ang exam namim edi sana hindi kami nagmadali noon na magpunta sa Dipaculao.

"Magkaka ubusan sa ticket pero si kuya na raw ang bahala. Nirequest ng producer na mag front act si kuya sa first day kung saan puro DJ pero ayaw ni kuya. That means we are all galing second day... Nakikinig ka ba bakla?"

I snapped because of his question. Tamad na lang akong tumango.

"Friday ng gabi yun. Sabi ni Ayana matagal naman na raw silang nagpaalam kaya sasama sila. Bakit ba ang lamya mo?"

Inakbayan ako ni Evan at niyugyog nang niyugyog. Kahit na tinatamad ay medyo nangiti ako. Ganito ang ginagawa niya pag nakikita niyang wala ako sa mood. Sana pwede ko na lang sabihin sa kanya lahat. Everything will be less heavy with his reactions for sure.

"Pagod lang..."

"Hmm. Kung sa bagay ako rin..." bahagya niyang inangat ang braso niya at nag inat bago binalik muli ang pagkaka akbay. "Magpa massage kaya tayo? Spa!"

Ngumiti lang ako at umirap. I'm sure a massage or spa can never take the tiredness I feel.

Tinanggal lang niya ang braso niya sa balikat ko nang namataan na namin si Xander na nakahalukipkip at nakasandal sa pick up niya habang tinatanaw kami.

"Ayan pala si bebe ko," bulong bulong ni Evan sa gilid ko habang tinutungo namin si Xander.

"Bro..." maglahad ng kamay si Evan. Tinignan iyon ni Xander bago tumingin sa akin. Buti na lang at pinaunlakan niya ang kaibigan ko sa high five na hiningi nito.

"Let's go, Jes," malamig na sabi ni Xander.

Tumango ako at nilingon si Evan.

"Pa spa tayo next week ha..." aniya at ngumiti.

"Basta libre mo," ngumiti rin ako.

"Oh, sure," he smirked. Mayabang.

Pag bubuksan sana ako ni Xander ng pinto pero inunahan ko siya.

"We're in public," at sumakay na.

He pouted at what I did. Hindi rin naman siya nag tagal at umikot na rin para maka sakay sa sasakyan niya. He began driving the ranger through rhe campus' exit gate.

"Hindi ka ba... pinopormahan ni Evan?"

I really thought that he's too silent today. Natanto kong talagang may dahilan ang pagkakatahimik niya dahil sa tanong na iyan. And I almost smile but I stopped myself from doing it dahil sinulyapan niya ako.

"No. He's really just a friend. We're friends for so long, Xander," magaan kong sinabi dahil iyon ang totoo.

Hindi na siya nag salita pa. Now that we're here. This will be my last day with him until the sembreak begin. I'll try to lie low. Hindi muna kami mag kikita. We'll talk through text and calls of course but we have to minimize our meetings. Mas hindi kataka taka kung aabot ng linggo at di kami mag kikita.

"Xander, it's my sembreak next week,"

Ngumuso siya at tumango.

"I'm gonna miss you..." he croaked out. I smiled. I will, too.

"I'll miss you too. But I think we'll miss each other more..."

Kunot noo siyang lumingon sa akin at tila walang kaalam alam sa gagawin ko.

"Well... After sembreak I want us to lie low,"

Kahit na nag mamaneho ay paulit ulit ang sulyao niya na para bang tarantang taranta.

"What do you mean? Wag mong bitinin, Jessica,"

Tumawa ako. I was so drained the whole day only to be energized when I'm with him. Damn his effect on me.

"What I mean is hindi na muna ako mag papahatid sundo-"

"Why?"

"Let me finish, Alexander," I eyed him before continuing.

"I just want to lie low for a bit. It will be less suspicious kung hindi muna tayo magkikita next week. Hindi na rin muna ako ganong mag papasundo. I can commute. O kaya sasabay ako kay kuya. Pwede naman yun diba?"

His lips protruded.

"Pwede, Jes. But why? I can always pick you up."

I sigh. I want to have time with you too, okay? But we need this too.

"I just told you. Hindi naman natin tatanggalin ang communication. Pwede ka rin dumalaw na lang sa bahay pero huwag lagi. It'll be easier now na alam na ni Kuya Marcus,"

Hindi na siya nagsalita matapos ang ilang sandali. Pabalik balik tuloy ang tingin ko sa kanya. Alam kong papayag rin naman siya. Hindi niya naman ako matatanggihan but I just want him to understand.

"Why is it suspicious? May nagsususpetsa ba?"

Hindi ako makatingin sa kanya. Pero umasta akong normal lang ang lahat. Wala pa naman. Hindi naman din ako sigurado kung nakakahalata nga ba si mommy. But with the incoming family event gusto kong walang maging problema.

Umiling ako.

"Please get my point. It's for us too," Tangi kong sinabi at ngumiti para itago ang pagsisinungaling

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

707 30 2
Kageyama nods and asks, "Will I die if I jump from here? Because it hurts when I tried to cut my hand." Oikawa didn't believe what he heard. He wasn'...
32.3K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
18.8K 573 57
(Do-Over Series #1) Since then, Siena has been good at obeying her parents' will―may it be from the clothes that she wears up to the man that she sho...
5.9K 356 36
- L O N G D A L E S E R I E S # 1 - Chris did not expect the changes in her life right away until she met Val, a very mysterious boy at first who is...