Bad Girl for A Girlfriend (1...

By Chelsea_13

9.9M 122K 25.3K

Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick... More

BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND (#BGFAG)
⚠️This is important: PLEASE READ⚠️
Season 1 |2|#TheBitch
Season 1 |3|#TheFirstCall
Season 1 |4|#TheUnHolyTrinity
Season 1 |5|#AngProbinsyanoSaBar
Season 1 |6|>>#OnlyHope
Season 1 |7|>> HappyBirthdayKen!
Season 1 |8|>> #Pagsisimula
Season 1 |9| >> #JadeAndGem
Season 1 |9| >> #JadeAndGem (Part Two)
Season 1 |10| >> #WillYouSignTheContract?
Season 1 |11|>> #MyTemporaryGirlfriend
Season 1 |12|>> #LetTheGamesBegin
Season 1 |13| >> #FirstLesson
Season 1 |14|>> #AngGwapongBabaero
Season 1 | 15| >>#TastesLikeChocolates
Season 1 |16|>> #Papabebe
Season 1 |16|>>#Papabebe (Part two)
Season 1 |17| >> #Kundiman
Season 1 |18| >> #AngMalandingBakla
Season 1 |18| >> #AngMalandingBakla (PART TWO)
Season 1 |19| >>#NewBeginningsAndLies
Season 1|20|>>#ThousandSunsets
Season 1|21| >>#PanlolokongInako
Season 1|22| >>StillInLove (Part One)
Season 1|22| >>StillInLove (Part Two)
Season 1 |23| >>#MagTiwalaKaSaAkin
Season 1 |24|>>#GayLove
Season 1 |25|>> #TheGameIsOn
Season 1 |26|>>#Beldrick (Part One)
Season 1 |26| >>#Beldrick (Part Two)
Season 1 |27| >>#AngBabeNgBayan
Season 1 |27| >>#AngBabeNgBayan (Part Two)
Season 1 |28| >>#QuantumLoveAffair
Season 1 |29|>>#ILoveHimNotYou
Season 1 |30|>>#LetUsDoVanilla (Part One)
Season 1 |30|>>#LetUsDoVanilla (Two)
Season 1 |31|>>#OneYear
Season 1 |32|>>#UglyBarbie
Season 1 |33|>>#SleepOver
Season 1 |34|>>#PlayingWithHisPopsicle
Season 1 |35|>> #JustOneKiss
Season 1 |36|>>#ILoveTheWayYouLie
Season 1 |37|>>#FckBuddies
Season 1 |38|>>#Taken
Season 1 |39|>>#TheCheater
Season 1 |40|>>#GoodNightKiss (Part One)
Season 1 |40|>>#GoodnightKiss (Part Two)
Special Chapter #1 (Justin's Back story)>>#StayBreatheLove
Special Chapter #2 (Leo&Jesse's Back story) >>#LoveIsADangerousGameToPlay
Special chapter #3 (Nico's Backstory) >>#TheOtherSideOfLove (Part One)
Special chapter #3 (Nico's Backstory) >>#TheOtherSideOfLove (Part Two)
SEASON 2
Season 2 | A |>> #OneChance
Season 2 | B |>> #Babo
Season 2 | C |>> #HugsAndKisses
Season 2 | D |>> #MeAndMyJealousy
Season 2 | E |>> #AkinLangSiya
Season 2 | F |>>#MgaNgiti
Season 2 | G | >> #MakasalanangMgaLabi
Season 2| H | >> #MakingMeBreathless
Season 2 |H| >> #MakingMeBreathless (Part Two)
Season 2 | I |>> #SecretsAndRevelations
Season 2 | I | >> #SecretsAndRevelations (PART 2)
Season 2 |J |>> #EnemyFromTheStart
Season 2 |K | >>#JeepneyLove
Season 2 |L | >> #FamilyDrama
Season 2 |M|>> #MyPossesiveBoyToy
Season 2 |M| >>#MyPossessiveBoyToy (PART TWO)
Season 2 |N| >> #The Adventures of YOLO King and Queen
Season 2 | Γ±|>> #First Love, Frenemies, Promises & Other Bullsht
Season 2 | NG|>> #It'sOver (PART ONE)
Season 2 | NG|>> #It'sOver (PART 2)
Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 3)
Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 4)
Season 2 Chapter | O | >> #IStillLoveYou (PART ONE)
Season 2 Chapter |O| >>#IStillLoveYou (PART TWO)
Season 2 |P| >> #TalkDirtyToMe
Season 2 |Q| >> #TheTruthAboutUs (PART ONE)
Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART TWO)
Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART THREE)
Season 2 | Q | >> #TheTruthAboutUs (PART FOUR)
Season 2 | Q | >> #TheTruthAboutUs (PART FIVE)
Season 2: Chapter | R |>> F.U. (PART ONE)
Season 2 | R | >> #F.U (PART TWO)
Season 2 | R | >> #F.U (PART THREE)
Season 2 | S | >> #HitMeHard
Season 2 | T | >> #TheLastWomanStanding
Season 2 | U | >> #ChooseMeLoveMe
Season 2 |U| >>#ChooseMeLoveMe (PART TWO)
Season 2 | V | >>#AngUnggoyAtAngAso
Season 2 | W |>> #Ignorance,Love,Revenge,Goodbye
Season 2 | X |>> #GlorienneJadenSilva (PART ONE)
Season 2 | X |>> #GlorienneJadenSilva (PART TWO)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART THREE)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART FOUR)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART FIVE)
Season 2 | Y| >>#AsLongAsYouLoveMe
Season 2 |Z |>>#Always&Forever| BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND | #BGFAG
Season 2 | Z |>>#Always&Forever| | #BGFAG (part two)
Season 2 | Z |>>#Always&Forever| | #FHBGFAG (part three)
Season 2 |Z |>>#Always&Forever|#BGFAG (Part four)
Season 2 | Z | #Always&Forever | #BGFAG (part 5)
BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND: LAST CHAPTER #BGFAG
Author's Note
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART ONE) #TheOneThatGotAway
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART TWO) #TheOneThatReturned
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART THREE) #TheOneThatGotHerHappyEnding
BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND (SPECIAL CHAPTER #4 ) >> #LoveIsASacrifice
[Special Chapter : Christmas]
BGFAG playlist | 13 Facts
Bad Girl For A Girlfriend UPDATE!
THANK YOU NOTE <3 Updated!
New Story: The Ugly Club of Brent University
New Story: Destroy Me

Season 1 |1|#TheBreak-Up

231K 3.7K 1.5K
By Chelsea_13




Kendrick's POV


"Kendrick naman eh, pati ba naman ang humalik hindi ka marunong?"

"Ka-kasi..."

"Kaya ako pa lang ang nagiging girlfriend mo kasi wala kang kwenta!"

Ang sakit.

Alam ko namang wala akong kwenta eh, kailangan pa bang ipagdikdikan sa akin yon?

"Jesse..." tawag ko sa kanya.

Nandito kasi kami sa kwarto niya, nakahiga. Wala kasi ang parents niya dahil nag out-of-town kaya pinapunta niya ako dito kahit late na. May sasabihin daw kasi siyang importante sa akin. Hindi ko naman alam na ito ang gagawin namin.

Don't get me wrong. Hindi ako bakla. Syempre gusto ko din naman 'to. Lahat naman ng lalaki sa mundo gusto nito. Pero hindi ko kaya...Kabanas para tuloy akong bading na nakahiga dito katabi si Jesse. Nakakainis!

"Shut up. Ayoko na sayo, buti pa si Leo marunong humalik at hindi tumatanggi sa ..."

Bigla na lang nandilim ang paningin ko. Ewan ko ba nung marinig ko ang pangalan ng hayup kong bestfriend na binaggit ng girlfriend ko, bigla na lang kumulo yung dugo ko.

Hindi naman maikakaila na hamak namang mas gwapo at mas may dating sa akin si Leo e. Bestfriend ko siya since bata pa lang kami at nakatira sa probinsya. Pero langhiya naman, alam ng lahat na simula ng dumating si Leo dito sa Maynila naging babaero na siya pero pati ba naman ang girlfriend ko gagaguhin niya?

"Tangna naman Jesse! Ano yun, ginagago niyo ba ako ni Leo pag nakatalikod ako?"

Alam ko naman yung sagot sa tanong ko eh. Alam kong oo. Hindi naman ako manhid at bulag para hindi mapansin na sa tuwing wala ako, sila lagi ang magkasama at pag nandyan naman ako hindi nila ako kayang titigan sa mata at halatang kabado sila. Hindi din naman ako bingi para hindi ko marinig yung mga chismosang mga kaklase namin na pinaguusapan sila.

Gago at tanga lang talaga ako at nakuha kong tiisin si Jesse. Ano ba naman ang magagawa ko kung mahal ko talaga siya? At isa pa, siya lang ang sumagot sa torpe at jologs na katulad ko, kaya ayaw ko siyang pakawalan kahit na alam kong laro lang ito sa kanya.

"Oo bakit? Masama ba yon, ha? Masakit bang marinig na gusto ko yang bestfriend mo? Masakit bang marinig na mas magaling siya sa'yo?"

"Pe-pero..."

Bakit ba ako nauutal? Bakit ba kasi kailangan ako pa yung niloloko? Bakit ako pa yung kinakaliwa? Nakakabanas! Siya lang ang taong minahal ko ng ganito, tapos ginago pa ako. Pati ang pag- aaral ko minsan napapabayaan ko na para lang masunod ang bawat hiling niya tapos ito lang ang gagawin niya sa akin? Ipagpapalit ako basta basta pagkatapos ng dalawang buwan na naging kami tapos sa matalik ko pang kaibigan?

Tumayo siya at isinuot yung blouse niyang hinubad niya kanina.

"Alam mo kung bakit mas magaling si Leo sa'yo?"

"Please...Please Jesse...wag mo nang sabihin sa akin yan..."

"Ken, kailangan mo itong marinig..."

"Ayoko. Jesse, ayusin natin ito. Pinapatawad na kita kung may namagitan sa inyong dalawa ni Leo. Basta wag ka lang mawala sa akin." pagmamakaawa ko.

Alam kong para na akong bakla dito na nagmamakaawa sa babaeng mahal ko pero hindi ko kayang marinig yung sasabihin niya sa akin...hindi ko kayang mawala siya sa akin...

"No,Ken. You need to hear this, para namang mabuhusan ka dyan ng malamig na tubig at malaman ang totoo. Alam mo kaya hindi kita magawang mahalin? Because you will never be like Leo. Siya gwapo, mayaman, magaling humalik at higit sa lahat hindi ako tinatanggihan pag nag alok akong gawin namin ito."

Tama nga siya para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi niya.

Hinding hindi ako magiging katulad ni Leo. Ni humalik nga para akong timang na hindi gumagalaw, para akong babae na hindi malaman ang gagawin sa tuwing nagyaya si Jesse na pumunta kami sa kwarto niya, kaya paano ko siya mapapantayan?

"Just need somebody to love.

(Somebody to love)

I don't need nothing else

I promise girl, I swear.

I just need somebody to love."

Tumunog yung phone ni Jesse kaya kinuha niya ito at tumalikod siya sa akin. Gusto ko sanang umiyak sa sobrang sakit, wala na akong pakielam kung tawagin akong bakla o iyaking bata, gusto ko lang talagang ilabas yung sakit na nararamdaman ko.

Kahit alam ko kung sino ang tumawag sa kanya hindi ko pa din napigilan ang sarili ko na tumayo at yakapin siya mula sa likod.

"Hello?" sinabi niya.

Hinigpitan ko naman ang yakap ko sa kanya, sana kahit sa ganitong paraan malaman niyang mahal na mahal ko siya.

"Leo? Oo free ako ngayon, wala akong kasama pwede kang pumunta dito." Tapos tumawa siya.

Kala ko ang pinakamasakit na mangyayari sa akin ay nung iniwan kami ng mom ko at sumama sa ibang lalaki...kala ko hindi na ako masasaktan pa...kala ko hindi na ako iiyak pa dahil sa isang babae mang iiwan sa akin...akala ko...

"Sige bye, Leo. I love you too..."

Hindi ko na kaya, unti-unti ko nang binitawan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Jesse..."

Humarap siya sa akin na may ngiti pa sa kanyang mga labi.

"Ano?"

"Sabihin mo nga sa akin...ni katiting ba minahal mo ako?"

"You want to hear the truth?"

Nang hindi ako sumagot tumawa lang siya na parang nang-aasar.

"Ha! Never Ken. I never loved you or even liked you. Pinakiusapan lang ako ni Leo na sagutin ka. Kasi sabi niya patay na patay ka daw sa akin at para naman daw hindi ka na tawaging bakla ng mga classmate natin. Napaka jologs at panget mo kasi kaya walang nagkakamaling magkagusto sa'yo."

Tiningnan ko siya sa mata at hindi ko nang magawa pang tigilan ang mga luhang kanina pang gustong lumabas. Tangina! Bakit ako nasasaktan ng ganito?

" Dapat nga magpasalamat ka pa sa amin ni Leo, dahil kung hindi baka mamatay kang wala ka pang nahahalikan no, ang panget mo kasi. At malamang napipilitan lang ang mga kaklase nating kausapin ka dahil akala nila girlfriend mo talaga ako at bestfriend mo si Leo."

Wala na akong kayang sabihin pa, kung ikaw ang nasa posisyon ko ngayon may maiisip kaba na sagot sa mga sinabi niya? Para akong pinatay ng paulit- ulit nung malaman ko na niloko lang nila akong dalawa paano pa kaya ngayon nang nalaman kong hindi pala ako mahal ng kaisa-isang babaeng minahal ko ng tunay?

Lecheng buhay na'to. Ang sarap magpakamatay.

"Aalis na ako..."

"Dapat lang...Baka maabutan ka pa ni Leo, at ano pa ang isipin nun."

Kinuha ko na yung gamit ko, pero bago ako umalis tiningnan ko muna siya at sinabing,

"Sa susunod na magkita tayo, ikaw naman ang magmamakaawa sa akin na makipagbalikan sa akin."

Ngumiti lang siya at sinabing, "Kung mangyayari yun."

Hindi naman talaga ako ganito. Hindi ko ugali na magbanta lalo na sa isang babaeng mahal ko, pero hindi ko na kaya ang sakit na pinaranas niya sa akin ngayon. Ginawa ko ang lahat para lang sumaya siya. Minahal ko siya ng todo. Pero ano ang nakuha ko? Wala! Pag tataksil lang.

Ganito ba ang lahat ng babae? Manloloko? Kung ganito lang naman ang mga babae hindi na dapat sila respetuhin pa at mahalin. Para saan pa? e lahat naman sila manloloko at gagaguhin ka lang sa dulo.

Pumasok na ako sa kotse ko at dumeretso sa...saan nga ba? Ayoko pang umuwi baka makita ko na naman yung mga babae ng Dad ko. Simula ng yumaman kami at iwanan kami ng mom ko nagkalecheleche na buhay ko. Ewan ko ba pinanganak na ata akong malas.

Hindi ko namalayan dumeretso pala ako sa isang sikat na bar.

Naalala ko, dinala ako ni Jesse dito nung isang araw kahit na ayoko. Mas gusto ko kasing magkulong sa kwarto at mag- aral kaysa uminom. KJ diba? Kaya siguro nagsawa sa akin agad si Jesse dahil KJ ako at walang kwenta.

Pag pasok ko, malakas na tunog at nagbuubungguang mga katawan na nagsasayawan ang sumalubong agad sa akin. Umupo ako at tinawag yung bartender.

"What's your drink sir?" Tanong niya

"Yung pinaka malakas nga."

"Wait sir,"

Habang hinihintay ko yung order ko, tinanggal ko muna yung eyeglasses ko. Para kasing may basag sa gilid ng frame kaya nilapag ko muna dun sa table.

"Sir here's your drink. The Long Island Ice Tea."

"Ito na ba yung pinaka malakas ninyo?"

"Hindi sir, pero wag po kayo mag alala malakas din yan,"

Parang may sasabihin pa yung bartender pero hindi ko na siya pinakinggan at ininom ko na ng diretso yung drink ko. Hindi ko na mabilang kung nakakailang shots na ako pero parang sa pang pito pa ata gumana yung epekto ng alcohol kasi bigla na lang umikot yung paligid ko at may lumapit sa akin na isang babae.

Tanginang Jesse na yan! Dahil sa kanya kung bakit ako nagkakaganito ngayon!

"Hey, Stop it. You are already drunk." Sabi nung babae. Hindi ko makita yung itsura niya kasi bwisit na salamin hindi ko na nasuot matapos kong tanggalin kanina idagdag mo pa na umiikot na yung paligid ko.

"Huh?" sabi ko naman.

Tumawa lang ng mahina yung babae, grabe parang anghel yung tawa niya...

"Here let me help you." sinabi niya sa akin at kinuha niya yung baso ko tapos siya yung umubos.

Hanep tong babaeng ito ah, kahit hindi niya kilala kinakausap niya.

Sasabihin ko sana na umalis na siya sa harapan ko at baka kung ano pa ang gawin ko sa kanya nang bigla na lang umikot ulit yung paligid ko at lahat ay nag dilim.

Langhiyang buhay na to. Jesse at Leo talagang magbabayad kayo sa akin.


Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 44.7K 48
Halimaw sa banga ang bansag ng makulit na si Anne Reyes sa kanyang guwapo pero grumpy boss na si Hunter dela Merced. Masungkit kaya niya ang puso nit...
105K 3.9K 22
Magpapatuloy ang labang kanilang sinimulan. Nabunyag na ang mga lihim. Lumabas na ang mga sikreto. At ngayon, maghaharap-harap na ang bawat proyekto...
234 80 36
What is the sentiment of life?