D-Lair Trilogy #1: Rovan Vese...

By MsButterfly

327K 10.8K 897

Pakiramdam ni Eliana Azarel ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Sunod-sunod ba naman kasi ang k... More

D-Lair Trilogy #1: Rovan Veserra
Author's Note
Synopsis
Chapter 1: Light
Chapter 2: Red
Chapter 3: Unworldly
Chapter 4: Offer
Chapter 5: Bad
Chapter 6: Deal
Chapter 7: Essence
Chapter 8: Fated
Chapter 9: Surprise
Chapter 10: Own
Chapter 11: Reveal
Chapter 12: Eyes
Chapter 13: Truth
Chapter 14: Celebrate
Chapter 15: Effect
Chapter 17: Dream
Chapter 18: Burn
Chapter 19: Memories
Epilogue
Author's Note
Rovan and Eliana's Final Ending
Special Chapter

Chapter 16: Roots

8.9K 351 29
By MsButterfly

CHAPTER 16

Sinag ng araw na tumatama sa nakapikit niyang mga mata ang gumising kay Eliana. Imbis na dumilat ay sumiksik lang siya sa mainit na bagay na nakabalot sa kaniya at komportable na nanatili siyang nakapikit para makabalik sa pagkakatulog.

Hindi iyon nangyari nang makaramdam siya ng pagkilos sa tabi niya. Kaagad siyang napamulat nang maalala niya na hindi nga pala siya nag-iisa sa kwarto niya. Pares ng mga mata na nakatuon na sa kaniya ang sumalubong sa kaniya.

"Good morning."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya nang marinig niya ang mahinang boses ni Rovan. Umangat ang kamay ng binata at marahang hinawi ang buhok niya na tumatabing sa kaniyang mukha.

Kaya pala komportable na komportable siya ay dahil nakakulong siya sa mga bisig nito. Bukod sa kampante siya kapag malapit siya rito ay nasanay na ang katawan niya sa mainit nitong temperatura. Mataas kasi talaga ang takbo ng temperatura ng binata na sabi nito ay nagsimula nang maging ganap itong inkubo. Kaya lagi nitong tinataasan ang air conditioning sa bahay nito na ipinagtataka niya noon dahil sobrang lamig na lamig na siya.

"Kanina ka pa gising?" tanong niya.

"Yeah."

"Dapat ginising mo ako."

"Then I wouldn't be able to watch you sleep."

Ngiti na lang ang nagawa niyang maisagot sa sinabi nito. Nanatiling nasa kaniya ang mga mata nito at pinaglalakbay ang mga iyon sa kabuuan ng mukha niya. Tila malalim ang iniisip ng binata sa paraan ng pagkakatingin nito sa kaniya.

Nagsimula iyon kahapon sa convenience store na pinuntahan nila. Naging tahimik lang ito at hinahayaan lang siya na magkuwento rito pero pakiramdam niya ay nasa malayo ang isipan nito. Nang tanungin niya ito ay nagdahilan lang ito na iniisip lang daw nito ang magaganap na surgery.

Hindi naman niya nagawang usisain pa ito dahil pagkatapos ng hapunan nila kasama ng nanay niya ay umalis na ito para pumunta sa ospital. Hindi na nga niya alam kung anong oras na ito nakabalik. Hindi rin niya inaasahan na magigising siyang katabi ito dahil ang alam niya ay umaga na rin natapos ang surgery nito.

"Hindi ka pa natutulog no?" tanong ko sa kaniya.

Nakumpirma niya ang sagot sa sariling tanong nang hindi ito sumagot at sa halip ay may ngiti lang sa mga labi na nakatingin sa kaniya. Napapabuntong-hininga na inangat niya ang katawan niya para umupo at naniningkit ang mga matang tinignan niya ito.

"Kailangan mong matulog. Umuwi ka muna kaya para makapagpahinga ka?"

Hinila siya nito palapit dito dahilan para mapadapa siya sa ibabaw nito. Hindi alintana ang bigat niya na mahigpit lang siyang niyakap ng lalaki habang ang mukha nito ay nakasubsob sa buhok niya. "Later."

"Rovan."

"I want to stay here with you for awhile."

Bago pa siya makapagprotesta ay nakarinig siya ng ingay sa labas ng kwarto niya na mukhang nangagaling sa ibaba. Tinignan niya ang orasan na nakapatong sa bed side table at nanglaki ang mga mata niya nang makita niyang alas otso pasado na. Siguradong kanina pa gising si Nanay! Maagang nagigising 'yon eh.

"Wala bang nakakita sa'yo na umakyat dito? Saka paano ka nakaakyat?" sunod-sunod na tanong niya.

Nasa pangalawang palapag ang kwarto niya at kahit pa sabihin na may puno sa tabi ng bahay ay hindi ibig sabihin magiging madali ng makapasok sa kwarto niya dahil malaki rin ang pagitan ng mga iyon kaya imposibleng matalon nito ang pagitan na iyon.

"Walang nakakita sa akin at hindi ako umakyat. I have duplicates."

Napanganga siya nang kunin nito sa bulsa ng pantalon ang susi at ipinakita sa kaniya. Hindi niya alam kung kailan nito napakopya iyon pero hindi na siya nagtataka. Maparaan masyado si Rovan. Malamang bago pa sila nakalipat ay may susi na ito ng bahay.

"Eliana! Nakahanda na ang almusal!"

Napapitlag siya nang marinig niya ang boses ng nanay niya. Marahil ay nasa may hagdanan ang ina niya para mas marinig niya ang pagtawag nito. Hindi na siya magtataka kung aakyat ito kapag hindi pa rin siya tumayo.

Sa isipin na iyon ay kaagad siyang bumangon mula sa pagkakadapa kay Rovan na nagpakawala ng ungol ng protesta. Marahan niyang tinapik ang matigas nitong tiyan bago siya tumayo na. Kahit pa sabihin na nasa tamang edad na siya ay hindi ibig sabihin no'n komportable siya na mahuli ng nanay niya na may lalaki sa kwarto. Baka kahit sa edad niya ay mapalo pa siya ng wala sa oras.

"Pag hindi ako bumaba aakyat si Nanay panigurado. Bumangon ka na dali!" mahina niyang bulong sa binata.

Kita ang amusement sa mga mata na sumunod naman na ito. Kaswal na lumapit ito sa kaniya habang siya ay hindi mapakali sa kinatatayuan habang panay ang takbo ng mga isipin sa utak niya kung paano makakalabas si Rovan ng bahay ng hindi nakikita ng nanay niya.

Napaangat siya ng tingin nang maramdaman niya ang mga braso ni Rovan sa bewang niya. Nanglalaki ang mga matang tinignan niya ito nang makita niya na bumababa ang ulo nito para siguro halikan siya. "Rovan! Mahuhuli na tayo ni Nanay!"

Mahina itong napatawa bago mabilis siyang hinalikan. Nang bitawan na siya nito ay kaagad siyang lumapit sa pintuan para sana silipin kung nasaan ang nanay niya. Kailangan niya itong ilayo para makapuslit si Rovan ng alis.

"Baba ako tapos dadalin ko sa kusina si Nanay. Lalakasan ko ang boses ko para alam mo kung kailan ka na pwedeng lumabas- Rovan!"

Napatutop siya sa bibig niya hindi lang dahil sa napalakas ang boses niya kundi sa nakita niyang pagtalon ng lalaki sa bintana. Mabilis niyang tinakbo ang distansiya palapit sa bintana habang tila dumadagundong ang kabog sa dibdib niya. Pero imbis na lasog-lasog na katawan ni Rovan ang matanaw niya ay namataan niya ito na nakangiting kumakaway lang sa kaniya bago naglakad ang lalaki para tahakin ang maikling daan papunta sa bahay nito.

Nakahinga ng maluwag na napasandal siya sa bintana. Kahit ano pa kasi talagang sabihin hindi pa rin siya sanay sa mga bagay na kakabit na ng pagkatao ni Rovan.

"Eliana?"

"Gising na ako, Nay! Bababa na ko!"

Mabilis ang kilos na tinungo niya ang banyo sa kwarto niya para maghilamos at sipilyo. Nang matapos siya ay pumanaog na siya at naabutan niya ang nanay niya na nag-iintay na sa kaniya sa dining table kung saan nakahanda na ang almusal. Nakaupo na rin doon si Pearl na nginitian siya biglang pagbati.

Dumaan siya sa likod ng nanay niya at hinalikan ito sa pisngi bago siya umupo sa bakanteng upuan. Kaagad siyang kumuha ng pandesal na hindi niya alam kung saan nakuha ng mga ito at kaagad niyang ipinalaman doon ang hotdog na niluto ng nanay niya.

Saktong namumualan ang bibig niya sa pagkain nang magsalita ang nanay niya. "Bakit hindi mo inaya mag-almusal si Rovan?"

Napahawak siya sa leeg niya nang tila bumara ro'n ang kinakain niya. Nagmamadaling inabot niya ang baso ng tubig sa harapan niya at uminom habang kinakalma niya ang sarili niya. Malamang wala namang ibig sabihin ang nanay niya sa tanong nito. Baka ang ibig lang nitong sabihin ay dahil kapitbahay naman nila ang binata ay dapat inaya niya na ito na mag-almusal.

"Kauuwi lang ata ni Rovan, Nay, galing sa surgery niya. Umaga na natapos kaya baka nagpapahinga na iyon."

Tumango-tango ang nanay niya na mukhang nakuntento naman sa naging sagot niya. Tahimik na nagpatuloy sila sa pagkain at hindi niya mapigilan na hindi pagmasdan ang ina niya na ngayon ay magana sa pagkain. Hindi aakalain na napakatagal nitong naospital na dumating na sa punto na hindi niya alam kung magagawa niya itong mailabas pa.

Ang dami ng nangyari sa kaniya sa nakalipas na mga linggo at sa kabila ng walang kasiguraduhan sa nag-iintay na hinaharap ay panatag ang loob niya na magagawa niya iyon lahat basta lang nasa tabi niya ang nanay niya. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya kung nagkataon na iniwan na siya nito.

Alam niya naman na dadating ang panahon na iyon pero masaya siya na nabigyan sila ng pagkakataon na magkasama pa.

"Nakausap ko sa telepono kagabi si Lita. Umuwi na pala si Mila sa probinsiya."

Natigilan siya nang marinig niya ang pangalan na matagal na niyang hindi naririnig. Wala na siyang maramdaman na galit sa ginawa nito na pagtangay sa pera niya sa kabila ng kundisyon ng ina niya noon. Alam nito na kailangan na kailangan niya ng pera. Mas nasasaktan siya na isipin ang ginawa nito kesa ang magalit pa rito. Hindi niya kasi maintindihan kung paano iyon nagawan sa kaniya ng dating kaibigan.

"Buntis daw." muling sabi ng ina nang hindi siya umimik.

Napaatda siya sa narinig. Ang alam niya ay wala itong nobyo at nakikipagdate lang. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nito kinuha ang pera niya.

"Kasama ho ba iyong tatay ng bata?" tanong niya.

"Sabi ni Lita hindi raw. Basta umuwi na lang daw. Pero ang balita daw ng anak ng kaibigan ni Lita ay mayaman daw ang tatay ng bata. Katrabaho raw ni Mila sa opisina 'yung anak ng kaibigan ni Lita kaya lagi niyang nakikita na may sumunsudo na magara ang sasakyan."

Kung mayaman ang boyfriend ng babae ay hindi niya maintindihan kung bakit pa nito nagawa sa kaniya na magnakaw. Maliban na lang kung ginawa nito iyon para mabili ang mga bagay na gusto nito para mag pa-impress sa lalaki.

Minsan na rin nitong ginawa iyon dati. Halos maubos ang savings nito sa pagbili ng mga magagarang mga damit dahil nang mga panahon na iyon ay may-ari ng restaurant ang ka-date nito. Lagi itong kumakain sa restaurant na iyon kahit pa sabihin na masyado iyong mamahalin. Nakilala lang naman nito ang lalaki dahil sa isang company lunch out. Kaya hindi malabong isa iyon sa maaaring dahilan ni Mila kung bakit siya nito nagawang pagnakawan. Marahil ay mas mayaman pa ang lalaking natipuhan nito.

"Bakit umuwi sa probinsiya eh malayo masyado sa opisina? Pinahinto na ba siya no'ng lalaki na magtrabaho?" usisa niya sa ina.

"Hindi raw. Napilitan daw mag resign si Mila kasi sumugod 'yung asawa ng kasintahan niya sa opisina at tinakot iyong kompanya na aalisin ang investment nila kung hindi sisisantehin si Mila."

Napanganga siya sa sinabi ng ina. Hindi siya makapaniwalang gano'n kalala ang nangyari sa babae. Hindi niya masasabing hindi nito kasalanan dahil kahit ano pang sabihin ay mali na pumatol sa may asawa na. Maliban na lang kung hindi nito alam iyon at biktima ito. Pero sa pagkakakilala niya kay Mila ay alam niyang kaya nitong gawin lahat makuha lang ang gusto. Isa pa hindi rin niya naman akalain na magagawa nito ang mga ginawa nito sa kaniya pero nangyari pa rin ang mga bagay na iyon.

Hindi mo pala masasabi talaga na kilala mo ang isang tao dahil minsan iyong taong pinagkakatiwalaan mo pa ang makakagawa sa iyo ng mali.

"Nako, Nay. Hayaan niyo na lang sila. 'Wag na tayong makisama sa problema nila."

Mukhang nagtaka ang nanay niya sa naging reaksyon niya. Alam naman kasi nito na malapit sila sa isa't-isa ni Mila. Kung tutuusin nga ay para na rin nitong naging anak ang babae. Sa kabila niyon ay hindi iilang beses siyang sinabihan ng nanay niya tungkol kay Mila. Lagi rin nitong pinaaalalahanan ang dating kaibigan na mukhang hindi naman nito inintindi base na rin sa nangyayari sa babae ngayon.

Hindi na nagtanong pa ang ina niya na mukhang nararamdaman na hindi siya komportable sa pinag-uusapan. Sa halip ay iniba na nito ang paksa, "Pagkatapos mo diyan tulungan mo akong magluto ng tanghalian. Tapos dalan mo si Rovan at paniguradong hindi pa iyon kumakain ng almusal."

"Sige, Nay." napapangiting sabi niya.

"Sabihan mo rin na sa susunod kumatok na lang siya. Hindi ko alam kung saan siya dumaan papasok at palabas ng bahay pero siguradong walang iba 'yon kundi sa bintana. Mamaya ma-disgrasya pa siya."

Tuluyan na siyang nabulunan sa narinig niyang sinabi ng ina. Inihit siya ng sunod-sunod na ubo bago naluluhang kinuha ang inaabot ng nanay niya na baso ng tubig. May ngiti sa mga labi nito na para bang naaaliw sa kaniya.

Kahit hindi nito sabihin ay nararamdaman niya ang tiwala na ibinibigay nito hindi lang kay Rovan kundi pati na sa kaniya. Dahil hindi kababakasan ng galit ang mga mata nito at sa halip ay pagtanggap lang ang naroon na para bang hindi na ibang tao para rito si Rovan. Kasi mahal ni Nanay lahat ng taong mahal ko.




NAPAPAHIKAB na tumingin siya sa labas ng sasakyan. Puro puno ang nakikita niya at mukhang pataas ang dinadaanan nilang lugar. Gusto kasing ituloy ng binata ang naudlot nilang lakad noon. Ipinaalam pa nga siya nito sa nanay niya dahil gusto ng lalaki na manatali sila roon ng ilang araw.

Inaasahan na niyang tatanggi ang nanay niya pero sa pakagulat niya ay hindi nito iyon ginagawa. Sinabihan lang nito si Rovan na ingatan siya habang ang lalaki naman ay nangako na isasama si Nanay sa susunod.

Halos mag dadalawang linggo na rin na hindi sila kasi nakakalabas ni Rovan. Busy kasi ito sa trabaho habang siya naman ay maraming tinatapos na komisyon. Malapit na kasi ang Anime and Cosplay Expo kaya ang dami rin talagang nagpapagawa para sa advertisement at ang ilan naman ay kailangan ng designs para sa paggawa ng merchandise na ibebenta sa bazaar.

"Malapit na tayo?"

Saglit na tinapunan siya ng tingin ng lalaki bago sumagot, "Mga twenty-minutes pa siguro."

Muli siyang napahikab. Ilang beses siyang nakaidlip sa byahe pero parang kulang na kulang pa rin ang tulog niya. Ang dami niya rin kasing tinapos kagabi na trabaho para magawa niyang makapagbakasyon ng ilang araw kasama si Rovan. Hindi naman siya nagrereklamo kahit ang daming trabaho. Kailangan niya rin kasi talaga ang perang makukuha niya para sa nanay niya.

Kahit kasi pinagtalunan nila ni Rovan ang tungkol sa mga gastusin ay ayaw niyang iasa talaga rito lahat. Kaya nga nagpasa na siya ng mga resume sa mga kompanya na maaari niyang pagtrabahuhan. Kahit pa kasi sabihin na kaya ni Rovan ito na ang bahala sa kanila ng nanay niya ay ayaw niya naman na abusuhin ang kabaitan nito sa kanila.

Isa pa hindi naman kasi siya iyong klase ng tao na kayang mabuhay na walang ginagawa. Iyon nga lang mas komportable talaga siya na sa bahay lang nagtatrabaho. Kaya nga nagkasundo sila ni Rovan na hahayaan siya nitong magtrabaho basta home-based lang iyon.

"Pwede ka pang umidlip."

Umiling siya at bahagyang umusog pakaliwa bago siya sumandal patagilid dito. Mukhang hindi naman nito alintana ang ginawa niya at hinayaan lang siya. Sinigurado na lang niya na hindi niya matatamaan ang kambyo ng kotse.

"You're sweet when you're sleepy."

Pinaikot niya ang kaniyang mga mata, "Sweet naman talaga ako na tao. Hindi lang halata kasi mula ng magkakilala tayo mas lamang ang pagiging problemado ko."

"Then I'm glad you're happy enough now that you can give me sweet."

Napangiti siya sa sinabi ng lalaki. Isa naman ito sa dahilan kung bakit siya masaya ngayon. Sa maikling panahon parang ang dami nitong ipinaranas at ipinakita sa kaniya. Pero higit sa lahat dahil kay Rovan ay ang dami niyang natuklasan sa sarili niya.

Natuto siyang malaman kung anong gusto niya at sundin ang puso niya para makuha kung ano ang nagpapasaya sa kaniya. Dati nasanay na siyang pigilan ang sarili niya na abutin ang mga bagay na gusto niya kasi natatakot siya na baka umasa na naman siya. Iyong bang mahahawakan na niya at akala niya ay kaniya na pero biglang sa huli ay maaagaw iyon ng iba. Pakiramdam niya kasi buong buhay niya ay ganoon lang ang nangyayari sa kaniya. Umaasa lang.

Kaya nasanay siyang magpatalo sa buhay. Tinanggap niya na kung nasaan siya. Nakalimutan niya na tao lang din siya. Tao lang siya na gusto rin na maging masaya.

Nang dumating sa buhay niya si Rovan natuto siya na hindi manatiling talo. Tinuruan siya nito na hindi lang harapin ang nilalatag na buhay sa kaniya ng tadhana at pinakita rin nito sa kaniya kung paano manalo.

Muli siyang bumalik sa kasalukuyan nang mapatingin siya sa labas ng bintana. Napadiretso siya at namamanghang tinignan niya ang paligid. Napakataas ng kinaroroonan nila habang ang dinadaanan nila ay maraming kurba. Kung hindi lang siya tiwala sa pagmamaneho ni Rovan ay baka natakot siya sa tinatahak nilang daan. Kung magkakamali kasi ang magmamaneho rito ay tiyak bangin ang sasalubong sa mga iyon.

Kitang-kita niya ang mga naglalakihang mga puno na nagkalat sa paligid at ang asul na langit na para bang ang lapit na sa kanila. Di kalayuan din sa kanila ay tanaw ang maliit na bulkang Taal. Ang sarap sigurong tumira sa ganitong lugar. Kung siya ay gigising araw-araw na ganito ang makikita na tanawin ay malamang sobrang ganda ng bawat araw niya.

"Ang ganda." bulong niya. Kulang na lang ay idikit niya ang mukha niya sa bintana ng sasakyan sa sobrang pagkamangha sa nakikita sa labas.

Bahagya siyang napapitlag nang bigla na lang bumukas ang bintana. Nakangiting nilingon niya si Rovan na naaaliw na napapatingin sa kaniya. Muli niyang ibinaling ang mukha sa bintana at pumikit habang tumatama sa mukha niya ang malamig na hangin.

Muli siyang lumingon kay Rovan, "Alam mo bagay kang tumira dito. Natural na malamig ang hangin."

"Kaya nga may bahay ako rito."

Hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Kung noon ay nagtataka pa siya kung bakit kaya nitong gumastos na lang basta-basta kahit sabihin pa na doktor ito ay ngayon mas naiintindihan niya na. Malaki man ang sweldo nito sa ospital ay paniguradong higit pa roon ang meron ito dahil na rin sa tagal nitong nabubuhay sa mundo.

Kung tutuusin kasi ay hindi naman ito nagtatagal sa trabaho ng sobra. Kinakailangan nitong umalis pagkalipas ng ilang taon lalo na kapag dumating na sa punto na nakakapagtaka na ang edad nito. Halimbawa na lang ngayon na sa edad nito na thirty six. Kung magtatagal pa ito sa ospital ay hindi na nito maaaring paabutin iyon kapag supposed to be ay fifty na ito. O higit pa roon. Dahil paniguradong magiging questionable iyon sa mga tao sa paligid nito. Pero parehas silang umaasa na hindi na iyon darating sa punto na iyon. Na magiging normal na rin ang lahat sa kanila.

"Nandito na tayo."

Pumasok ang sasakyan sa isang gate kung saan nang makita ang plate number ni Rovan ay inangat na agad ng guard ang nakaharang sa daraanan nila. Pinagpatuloy ni Rovan ang pagmamaneho kung saan tinatahak nila ang daan na paaba na sa pagkakataon na ito.

Magkakalayo ang mga bahay pero parehas ang mga iyon ng itsura. Lahat may sinusunod na tema. Mukhang malalaking mga cabin ang mga iyon na bagay sa kapaligiran na puro mga puno at nagagandahang halaman. Para iyong paraiso.

Bumagal ang takbo ng sasakyan nang makarating sila sa dulo ng mga kabahayan kung saan mas malapit sa may kasukalan ng mga matataas na puno. Isang malaking bahay ang mas malayo sa karamihan ang naroon.

"Loner ka rin talaga no?" biro niya rito.

"Hindi na ngayon." makahulugan nitong sabi bago ko siya nginitian.

Iginarahe nito ang sasakyan sa loob ng carport sa tabi ng bahay. Nang magawa nitong iayos iyon ay nauna na itong lumabas ng kotse. Hindi na siya nagtangka pa na unahan ito dahil alam niyang iikot ito para pagbuksan siya. Na siya nga nitong ginawa.

Naramdaman niyang pumalibot ang kamay ni Rovan sa kamay niya at pinagsalikop ang mga iyon bago niya ako iginaya papunta sa bahay. Hindi binibitawan ang kamay niya na kinuha nito ang susi sa bulsa at binuksan ang pintuan.

Kung nagagandahan na siya sa bahay sa labas pa lang ay mas lalo siyang bumilib nang makita niya ang loob. Angat ang kagamitan doon na gawa sa kahoy para panatiliin ang natural colors no'n. Sa kabila niyon ay kakikitaan pa rin ng bahagyang pagiging moderno ang lugar.

Pagpasok ng bahay ay second floor kaagad ang sumalubong sa kanila na may dalawang pintuan na sa tingin niya ay mga kwarto. Mula sa kinatatayuan ay kita nila ang baba kung saan naroon ang sala na nasa malapit sa fireplace. Hindi nakakapagtaka ang istraktura ng lugar dahil nasa gilid iyon at pababa ang lugar.

"Come."

Inalalayan siya ni Rovan na makababa sa mataas na hagdanan. Imbis na iikot siya sa kabahayan ay dumiretso sila sa isang sliding door. Binuksan iyon ni Rovan para makalabas sila sa malawak na patio kung saan mas kita ang tanawin. Ngunit hindi rin sila huminto roon at sa halip ay tinunton nila ang isa pang hagdanan kung saan may trail papunta sa likurang parte ng bahay ni Rovan.

Nagtataka man ay sumunod na lang siya rito. Nararamdaman niya kasi ang kaimportantehan ng pinuntahan nila ngayon at may hinuha siya na hindi lang basta bakasyon ang pinunta nila rito.

Ilang sandali pa silang naglakad hanggang sa naramdaman niya ang pagbagal ni Rovan. Huminto sila sa tapat ng dalawang puno na naiiba sa mga punong nagkalat sa lugar. Sa hindi kasi malamang kadahilanan ay animo magkayakap ang dalawang puno. Magkadikit ang mga iyon habang tila nakayuko sa isa't-isa.

"Pinagawa ko ito." sabi ni Rovan at may itinuro.

Dalawang wooden plaque iyon. Tig-isang nakapako ang mga iyon sa dalawang puno. Sa isa ay nakasulat ang pangalan na Ramon at sa isa naman ay Ada. Walang kahit na anong nakalagay sa mga kahoy maliban sa mga pangalan na iyon.

Puno ng katanungan ang mga mata na nag-angat siya ng tingin kay Rovan. Masuyo siya nitong tinignan bago marahang inipit ang buhok niyang tinatangay ng hangin sa likod ng tenga niya.

"Gusto kitang ipakilala sa mga magulang ko kaya kita dinala rito."

Napatingin siya sa dalawang puno. Ilang taon na ang nagdaan. Nasaksihan na ng mga punong ito ang paglipas ng panahon at ang mga pagbabagong naganap sa mundo habang ang mga ito ay nanatili sa kung saan nagsimula ang lahat. Nananatiling magkasama.

"There used to be nothing here back in the days. Except this two trees. They're the oldest here." Itinuro nito ang lugar di kalayuan sa kanila. "Doon nakatayo ang maliit na bahay namin dati. Wala masyadong bahay na malapit sa amin. Iyon kasi talaga ang gusto ng mga magulang namin. Malayo at tahimik."

Nanatili siyang nakikinig dito at hindi nagsasalita. Pero sa loob niya ay tila nagririgodon ang puso niya. Tila kasi nakikita niya kahit silip lang ang nakaraan nito. Tiyak na napakaimportante ng lugar na ito sa binata.

"We were just a normal family then. It was one of the good days. Masaya lang kami kahit hindi sobra-sobra ang meron kami. Kasi meron kami ng pinakaimportante sa lahat at iyon ay ang isa't isa. Dito sa puno na 'to, dito laging pumupumunta ang ama ko noon. Mas matanda pa ang mga ito sa akin, sa nanay ko, o maging sa mga magulang ni ina. Pero ito ang lugar ng ama ko. Dito siya pumupunta para mag-isip."

"My father had lived countless of years. He was the second creation from Asmodeus' after all. Dahil nilikha siya ng unang sukubo. Iisa lang ang buhay na alam niya at iyon ay ang buhay kung saan siya minulat. At sa lumipas na mga panahon ang tanging lugar lang kung saan siya napapanatag ay sa lugar na ito. Kahit mag-isa lang ay payapa siya rito. Hanggang sa isang araw na napadpad siya sa lugar na 'to ay natagpuan niya ang isang babae na natutulog sa ilalim ng paborito niyang mga puno. That was my mother. She was young, carefree, and she had the purest heart. Nakita iyon ng ama ko kaya ginusto niyang lumayo. Because she's pure in the way that he was not. But eventually they realized that they can't stop themselves. O mas tamang sabihin ay hindi mapigilan ng ama ko ang aking ina. My father said he don't deserve her but my mother made sure that he will understand that it's not about who's deserving or not. It's about believing that you are and proving it."

"At pinatunayan niya." mahina niyang sabi.

"Yes. And he proved it more by becoming a mortal. He lived and spent his days with her, grow old with her, and when she died he soon followed. Now here they are. Magkasama pa rin sila."

Muli siyang nginitian ng lalaki bago humarap sa mga puno habang mahigpit na hawak ang mga kamay niya. Hindi niya magawang tumingin sa harapan niya at sa halip ay nanatili siyang nakatingin sa lalaki. Dahil binabalot ito ng emosyon na ilang beses niyang naramdaman sa kaniyang sarili.

"Ama, Ina, gusto kong makilala niyo si Eliana. Katulad ng ibig sabihin ng pangalan niya ay siya ang kasagutan sa mga panalangin ko na akala ko ay hindi na magagawang sagutin. Siya ang taong matagal ko ng hinihiling na mahanap ko. Gusto kong malaman niyo na gagawin ko lahat para maging masaya kasama siya dahil iyon ang pinakita niyo sa akin buong buhay ko."

Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata niya habang nakatingin sa lalaki. Noon ay tinatawanan niya ang ibig sabihin ng pangalan niya. God has answered. Noon pakiramdam niya ay isang biro iyon sa klase ng buhay na meron na siya. Buhay na puno ng kamalasan. Pero ngayon ay naririnig niya kay Rovan kung paanong hiniling nito na mahanap siya. Siya na akala niya ay napaka liit ng papel sa mundo.

Bago pa niya mapigilan ang sarili ay bumitaw siya sa lalaki para magawa niyang ipalibot sa bewang nito ang mga braso niya. Kaagad namang yumakap sa kaniya ang lalaki kasabay na naramdaman niya ang pagdampi ng mga labi nito sa ibabaw ng ulo niya.

"Hello po." bati niya sa mga magulang ni Rovan. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki bago muling tumingin sa harapan niya. "Salamat po na pinalaki niyo si Rovan bilang mabuting-tao. Maalaga, maalalahanin, at matatag. Kaya pinapangako ko po na hindi na siya mag-iisa ngayon."

"Eliana..."

Pinahid niya ang luha sa mga mata at muli niyang ibinalik ang tingin kay Rovan. "Dito lang ako sa tabi mo kaya sana manatili ka rin na kasama ko. Kasi mahal kita."

Kita niya ang pamamasa ng mga mata ng binata. Hindi nito hinayaan na tumulo ang sariling luha ngunit kita niya ang pinagsamang saya at sakit sa mga mata nito. "Kahit na anong mangyari nandito lang ako para sayo, Eliana. Kahit dumating sa punto na maligaw tayo at magkahiwalay, hahanapin kita. Hanggang sa mahanap ulit natin ang isa't isa. Kahit na gaano pa katagal. Dahil mahal kita higit pa sa akala kong kaya kong ibigay. Mahal kita higit pa sa akala kong pwede kong maramdaman."

At doon sa harapan ng mga magulang ni Rovan, sa lugar kung saan naging saksi ng mga panahon na nagdaan, sa lugar kung saan unang nagtagpo ang dalawang tadhana na pinaglalayo ng langit at lupa...sa pangalawang pagkakataon doon ay dalawag puso ang muling naging isa.



______________________End of Chapter 16.

Continue Reading

You'll Also Like

Stay with me By Cher

General Fiction

2.5M 86.7K 22
Walang ideya si Antonio Birada sa mayayamang pamilyang nakapalibot sa Pilipinas. He's just a simple man, living his dreams of being a restaurant owne...
2.2M 55.9K 25
TEASER: When you are hurt... just cry. When you are too much in pain... just smile. When you fall in love with someone who hurt you... don't cry, it'...
1.2M 12.8K 14
Warning: Mature Content | Restricted | SPG | R-18
156K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?