What's After Happy Ending? (S...

Von peachay

22.7K 955 273

The reality after happy ending.. Mehr

2. My First, My After Happy Ending (1)
2. My First, My After Happy Ending (2)
3. His First, His After Happy Ending, Their Ending

1. My First, My Happy Ending

12.3K 292 65
Von peachay

Warning: Libreng sabaw. XD

---

           

Hindi siya perfect. Hindi rin siya ang ideal type ko.            

But he was..            

 

My first.            

***      

Ours is a typical story. Parati kaming nagbabangayan. Aawayin nya ko; aawayin ko rin siya--sabay hampas o bato ng kung anong bagay na hawak ko. Pagtataasan niya ko ng boses, sisigawan ko siya sa tenga. Pagtatawanan niya ko, lalaitin ko siya. Pag may sinabi ako-- kokontra siya, ipagtatanggol ko ang sarili ko-- sasagot na naman siya, hanggang sa maubusan kami ng sasabihin sa isa't isa--na hinding-hindi pa nangyayari.            

Ganyan ang routine namin sa araw-araw-- almusal, pananghalian, at hapunan. Minsan may kasama pang snacks sa umaga at meryenda sa hapon. Swerte na lang at di na niya ako pinapa-midnight snack ng specialty nyang tukso at inis. Mula high school hanggang college ganyan kami. Sabi nga ng mga kaklase namin, matured daw kami sa maraming bagay pwera lang sa pakikitungo sa isa't isa. Minsan, napapaiyak niya ako. Madalas, napipikon ko siya. Walang tigil na bangayan.            

He is not perfect. He is not even my ideal type of guy.            

I had this list of qualities na dapat i-posess ng taong magugustuhan ko. Ideal qualities I'd look for in a guy. Ni isa wala siyang taglay.            

 

A guy with sense of humor. Hindi siya pala-tawa. Hindi marunong kumilala ng joke. Madalas nang-iinis pero sya naman ang madalas na napipikon. Sa gitna ng pag-aaway namin bigla siyang titigil at tatahimik. Tapos biglang aalis. Pikon!            

 

A guy who cares and understands. Parati niya akong tinutukso. Parati niya akong inaasar, iniinis. Madalas sa harap ng maraming tao. Hindi niya naiintindihan ang mga ginagawa ko. Minsan sinabihan niya pa akong plastik.            

 

A guy who comforts me. Hindi niya ako sinasabihan ng "okay lang yan" pag alam niyang may problema ako. Hindi sa nag-eexpect ako. Pero konsiderasyon naman di ba? Ilang beses na ba niya ko pinahagulgol nung umiiyak na ako? Minsan sinabihan niya pa akong "iyakin". Tama ba yon?            

 

A guy who is supportive. Never niya akong sinabihan na tama o maganda ang ginagawa ko kahit yon ang mga sinasabi ng karamihan. Hindi niya ako ine-encourage o sinasabihan ng kahit "kaya mo yan" man lang. Siya ang bukod tanging walang bahid ng suporta.            

 

A guy who is intelligent. Parati siyang absent-minded sa klase. Parating late. Late sa pagpasok, late sa pagsubmit ng requirements. Hindi sumasagot pag tinatawag ng teacher. Mababa ang scores sa exams. Madalas tulog. Kung hindi, binabato ako ng eraser o papel na ipinambalot ng chewing gum.            

 

A guy who is kind and respectful. Hindi siya mabait. Hindi siya magalang. Sisigawan niya ang gusto niyang sigawan. Kahit teacher. Mas malala pa siya sa matandang dalagang malapit na mag-menopause sa dalas ng paninigaw niya.            

 

And a guy who will stay by my side. Siguro ito ang exception niya. Parati siyang nasa tabi ko. Unfortunately, either tinatawanan ako o iniinis ako.          

He isn't all of these. Siya yata ang opposite ng mga qualities na gusto ko.          

Yet, I fell in love with him..            

He is not perfect. He is not  my ideal type of guy.              

Unang pagkikita namin pinagtawanan niya ako dahil natalsikan ako ng putik sa mukha dahil umuulan, wala akong payong, at wala pang masasakyan na jeep. Pinanlisikan ko siya ng mata pero napatawa na lang din ako dahil nakita kong puno rin ng putik yung bandang pwetan ng shorts niya. Pareho kaming nagmukhang gusgusing baliw sa tabi ng kalsada at nagtatawanan dahil wala kaming masakyan sa ilalim ng malakas na ulan.            

He isn't the guy with sense of humor. Pero sa mga piling pagkakataon na masama ang araw ko.. siya ang lalaking napapatawa ako, at napapatawa ko rin.            

May panahong nagkaroon ako ng problema sa mga 'kaibigan' ko, Madalas nila akong iwanan sa ere dahil may bago silang kaibigan. Pinilit kong maging matatag kahit na sobra akong nasasaktan. Pinilit kong ngumiti kahit na gustong-gusto kong umiyak. Pinilit kong maging kalmado kahit na galit na galit ako. Isang araw nilapitan niya ako at sinabing alam niya ang feeling. Sinabihan niya pa ako na ang plastik ko dahil nakangiti pa rin ako sa kabila ng lahat. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, pero sigurado akong wala akong pinagsabihan.            

He isn't the guy who cares for me and understands me. Pero sa mga oras na down na down ako at feeling ko mag-isa ako, he is the guy who could see the anger behind my calmness, and the sadness behind my smiles.            

Noong nasa retreat kami, finally naglabas ako ng sama ng loob sa mga 'kaibigan' ko. Pero nagalit lang sila at pinagkaisahan ako. Maaga akong pumasok sa kwarto at doon nag-iiiyak. Kinaumagahan, namaga ang mga mata ko. Tinanong ako ng mga kaklase ko, sinabi kong nasobrahan lang ako ng tulog. Buti na lang naniwala silang lahat.. Pwera sa kanya.            

He isn't the guy who comforts me. But he is the guy who does not believe that I got swollen eyes because I overslept.

 

Bandang October, nagkaroon ng Regional Competition. I was representing the school at ang lakas ng pagpe-pressure ng teachers sa akin. Lahat sila, teachers, school mates and classmates, ine-encourage ako, sinasabihan na kakayanin ko. I was expecting na may sasabihin siya para palakasin ang loob ko. Pero wala siyang sinabi. Instead, tiningnan niya lang ako at nginitian. Nung nanalo ako I said to him, " I did it!" and his reply was, "As I've expected. I knew all along." and hugged me.            

He isn't the guy who is supportive. But he is the guy who does not encourage me, but has faith in me.            

Monday morning, galit na galit ang teacher sa di namin malaman na dahilan. Late na naman siya pumasok. Siya tuloy ang napagbuntungan ng galit. Pinasagot siya ng Calculus problem na hindi niya masagot-sagot; wala naman talagang makasagot sa amin dahil Basic Algebra ang subject na yon. Sa sobrang galit ng teacher, pasigaw niya kaming sinabihan ng "mga bobo, mga walang silbi!" at saka nambato ng libro na saktong tumama sa mukha ng isa naming kaklase. Nagulat at natakot kaming lahat. Pero siya, tumayo at sinigawan rin ang teacher, "At sa tingin mo sign ng pagiging matalino at edukado ang pinapakita mo sa amin ngayon Sir?! Kung talaga hong mas intelehente kayo, edi sana na-realize niyong Character is higher than Intellect." sabay alis ng room para magsumbong. Kasabay ng pag-alis niya ang paghabol sa kanya ni Sir.



He isn't the guy who is smart, kind, and respectful. Siya ang taong hindi intelligent pero full of wisdom, hindi kind and respectful pero totoo sa sarili.



From high school to college, he was always with me. Hindi lang para inisin at tawanan ako. He has been the guy who has stayed by my side, in good times and in bad.



***

Pag nagmahal ka, minamahal mo yung kabuuan ng tao. Hindi mo siya mahal dahil lang mabait siya, maganda o gwapo, matalino, mayaman, at kung ano pang magagandang katangian na meron siya. Mahal mo pareho yung maganda at pangit niyang side. Mahal mo kung ano siya at kung ano'ng hindi siya. Mahal mo siya dahil siya ay siya.



Kahit gaano man siya ka-opposite ng mga hinahanap ko sa isang lalaki..



I fell for him.









Luckily, he was already in love with me.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
27.6M 702K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...