SA DASMARIÑAS TAHANAN NG MGA CRUZ
EMMANUEL'S PROVEBS
Hindi na nga mapipigilan ang digmaan bukas tapos na kaming maghapunan at nasa sala kami ngayon nag-uusap para sa kaganapan bukas.
ALENA:Mayroon na tayong plano para sa labanan na magaganap bukas katulad ng napag-usapan natin ay doon natin patutuluyin ang mga Diwani at Rehav sa hotel ngayong gabi.
MEMFES:Oo,siya nga pala ay inanunsyo na namin nila Azulan sa mga empleyado na hindi sila papasukin bukas.
AQUIL:sinugarado na rin namin na walang makakadaan sa mga kalsada na malapit sa ating gusali upang walang mapapahamak na inosente.
AZULAN:Sigurado akong ma-news tayo nito bukas at malalaman ng mga tao ang tungkol sa atin.
YBRAHIM:Siyang tunay at kahit anong pigil natin ay lalabas at lalabas din ang totoo.
KEVA:Magagawan pa siguro ng paraan upang hindi malalaman ng mga mortal ang tungkol sa atin.
CASSIOPEA:Nakatadhana na ang nakatadhana Hara sa aking nakikita ay malalaman ng mga mortal ang tungkol sa ating pagkatao ang iba sa kanila ay ibibigay ay kanilang katapatan sa mga kalaban.
AVA:Hindi naman siguro mangyayari iyon kung mananalo tayo sa labanan.
ANGELO:Sa katunayan ay hindi natin masasabi kung ano ang mga nakatadhana pagkat may mga posibilidad na maari itong magbago.
EMMANUEL:Matanong ko lang po,ang ibig sabihan ba niyan ay may posibilidad na matalo tayo?
CASSIOPEA:Oo may posibilidad.
DANAYA:Kung ganon man ay gagawin natin ang ating makakaya upang hindi iyon mangyayari.
JACINTHA:Tama ka,Hara durye Danaya kung kailangan lang nating manalig.
FAST FORWARD..
Pagkatapos ng ilang sandali ay inihatid na kami ng aming mga magulang sa hotel tapos ay umuwi na sila sa kanilang kanya-kanyang tahanan.
LE ROYAL SUITES E IL GOLF(THE ROYAL SUITES AND GOLF)
Andito kami ngayon sa aming hotel room well ang presidential suite ang kinuha namin kasi madami kami of course separate ang room namin at room ng mga girls.
Well we are in our room siyempre nakakapagod itong araw na ito pagkatapos maghalf-bath tulog agad.
KINABUKASAN
T. M. S. N CORP.
CASSIOPEA'S PROVERBS
Hindi na nga mapipigilan kung ano ang nakatadhana anditosa timog bahagi ng gusali kasama ko ang Rama at Hara ng Sapiro,ang kinikilalang Hara at Rehav ng Lireo na si Minea at Raquim,Rama ng Avila na si Daragit,at ang isang pulutong na Kawal Celestia at Kawal Mulawin.
Sa hindi kalayuan ay kitang-kitang ko ang mga tauhan nina Ether na nagmamartsa patungo sa gusali.
MINEA:Tila hindi ko nakikita ang mga pinuno ng kanilang grupo.
AMIHAN:Inaasahan na namin iyon Yna at hindi nga kami nagkakamali na binago nila ang kanilang stratehiya.
YBRAHIM:Sabi na nga ba isasama nila ang ilang miyembro ng mga awtoridad na kanilang nabihag.
CASSIOPEA:Walang miyembro ng awtoridad diyan Rama sa katunayan ay mga bilanggo lang iyan na kanilang pinatakas sa nakikita ko ay di pa ang totoong laban.
DARAGIT:Meron pala silang mga pangunahing pain,tama?
CASSIOPEA:Oo Rama.
SA KANLURANG BAHAGI NG GUSALI
PIRENA'S PROVERBS
Tama nga ang aking kutob na merong mga pangunahing pain ang mga kalaban inakala siguro ng mga pashnea na malalansi nila kami sa kanilang ginagawa sa aming hanay bukod sa aking asawa,Almiro, at kay Deshna kasama namin ang isang batalyon na nga Kawal Mulawin.
AZULAN:Hindi nga tayo nagkakamali Mahal may binago nga ang mga ashtading ito.
PIRENA:Sinabi mo pa natitiyak ko na plano nilang lansihin tayo at saka na susugod sina Ether kapag naubos na natin ang kanilang pain.
DESHNA:Sa tingin ko ay binago nila ito pagkat sila ay nagbakasakaling manalo dahil ni isa sa mga labanan ay palagi nalang silang talo.
ALMIRO:Siyang tunay Deshna,kaya dahil diyan ang maghanda na tayo pagkat papalapit na sila.
AZULAN:ESTASECTU!
SA SILANGANG BAHAGI NG GUSALI.
DANAYA'S PROVERBS
Patnubayan nawa kami ng pinakamataas na Bathala at ano ito? mga bagong alagad ni Ether? nga naman nagpadala pa ng mga pain upang manlansi mabuti pang e anunsyo ko ito sa mga kawal.
DANAYA:Mga kawal nais kong ipaalam sa inyo hindi pa ito ang totoong laban pagkat mga pain lang ang mga pinadala ni Ether!
AQUIL:Tama si Danaya ginawa nila Iyan upang lansihin tayo kaya ihanda niyo na ang inyong mga sarili pagkat magiging mahaba ang labanan na ito!
MGA KAWAL:Masusunod Masha,Hara durye!
ESMERALDA:Panibagong stratehiya?gagawin talaga nila Ether ang lahat upang manalo.
DEMETRIA:Siyang tunay hindi sila titigil na hangga't di nakukuha ang kanilang nais.
ANYA:Kahit ano pa ang gagawin nila ay hindi magtatagumpay ang kasamaan.
DANAYA:Sana ay magkakatotoo ang iyong sinabi Anya.
ANYA:Manalig lang po tayo.
DANAYA:Tama ka Anya,manalig lang tayo.
SA HILAGANG BAHAGI NG GUSALI
ALENA'S PROVERBS
Kauna-unahang digmaan sa mundo ng mga tao at natitiyak ko na hindi pa ito ang magiging huli, ngunit umaasa ako na mapipigilan namin ang mga kalaban.
ALENA:Umaasa akong hindi magtatagumpay ang mga kalaban.
MEMFES:Huwag kang mag-alala Mahal malalagpasan natin ito.
ALENA:Avisala ehsma sa pagpapagaaan mo sa aking loob Mahal.
KHALIL:Basta magkakasama tayo,walang laban sina Ether.
PAGASPAS:Siyang tunay kahit ano pa ang gagawin ng kasamaan ay babagsak din sila sa huli.
SA BASEMENT
MIRA'S PROVERBS
Hindi na ako nagtataka kung bakit wala ang mga pinuno sa panig nila Ether pagkat natitiyak ko na unang pain palang ito tama nga ang aming sapantaha na may babaguhin ang mga kalaban.
MIRA:Kailangan natin talasan ang ating pakiramdam pagkat maaari tayong atakihin sa likod!
MGA KAWAL:Masusunod mahal na Diwani!
ANGELO:Tandaan niyo hindi pa ito ang totoong laban ngunit natitiyak ko na makakaya natin ito!
LAWISWIS:Maghanda na tayo pagkat malapit na ang mga kalaban!
MIRA:Estasectu!
SA ROOFTOP
LIRA'S PROVERBS
Wala pa mang mga kalaban dito ngunit inahanda na namin ang aming mga sarili dahil posibleng maglikha sa Ether na lumilipad na mga pashnea na maari kaming atakihin na hindi namin nalalaman kahit na may pananggalang itong aming gusali ay maari itong masira kapag malakas at makapangyarihan ang mga kalaban.
LIRA:Talasan niyo ang inyong paningin pagkat maari tayong sugurin ng mga kalaban ano mang oras!
PAOPAO:Talasan niyo din ang inyong pakiramdam tandaan niyo magkasama tayong lalaban at makakaya natin ito!
LIRA:Walang mahirap kapag sama-sama tayo hindi pa ito ang huli nating laban ngunit natitiyak ko na malalagpasan natin ito!
PAOPAO:Papalapit na nga ang mga kalaban,Estasectu!
Saka naghanda ang mga kawal.
SA CAVITE TAHANAN NILA ETHER
ETHER'S PROVERBS
Nandito kami ngayon sa sala at pinanood ang mga kaganapan nakakatuwa talaga ang mga diwata talagang pinaghandaan nila ang labanan na ito ngunit hindi nila batid na may sopresa ako sa kanila sa pamamagitan ng sopresang iyon ay may dadanak na dugo at maraming mapapaslang sa kanilang hanay WAHAHAHA! 😈😈😈
AGATHA:Kay gandang panoorin Bathaluman.
ETHER:Siyang tunay Hara kahit na pinaghandaan nila ito ay madadaig pa rin natin sila!
BERTO:Huwag nga kayong maunang magdiwang diyan hindi niyo ba nakikita na makapangyarihan ang mga diwata!
ANDORA:Pashnea,sino ba ang kakampi mo dito Berto?!
AGATHA:Oo nga Berto saan ba ang katapatan mo sa mga diwata o sa akin?!
BERTO:Siyempre sa inyo ang akin lang huwag kayong masyadong kampante.
Sagad na sagad na talaga ako sa pashneang Bertong ito pasalamat siya na may silbi pa siya sa amin sa ngayon!
ITUTULOY