Chapter Ten
"Alam mo yung mahirap? Ayun yung di mo magawang maging masaya kasi di mo man literal na nararamdaman yung bigat pero mas higit pa dun yung nangyayari na kahit sa salita di mo alam kung pano ma-explain." Tweet ni @itsvengelynpio.
Mabilis siyang nag Log-out.
--
8 days .. And 1 Month. Ganyan katagal na akong buhay pero patay.
Ganyan katagal na rin siyang wala . Noong una malakas pa yung pag-asa ko na babalik siya. Na baka may nangyari lang. I wait for him. Lagi ko siyang minemessage sa Twitter.
Lagi kong tinetext kahit alam kong iniwan niya yung phone niya at until now eh unattended pa rin.
If you were in my case what would you feel?? Yung lalaki na nagpadama sayo ng sinseridad.. yung lalaki na hindi mo akalaing mamahalin ka eh minahal at tinanggap ka?
Gusto ko siyang hanapin, kasi nag-aalala ako na baka may masamang nangyari sa kanya.
Ang problema hindi ko alam kung saan at paano??
Hindi ko alam yung bahay nila. Wala akong kilala kahit isang tao na associated sa kanya. Wala kahit isa.
Saan ako magsisimula?
Hindi ko alam kung pano pa ko nakakahinga.
Gabi-gabi umiiyak ako.
Litong-lito na ako. Mahal na Mahal ko siya. Nararamdaman ko pa rin yung kiss niya.
Naamoy ko pa rin yung amoy niya. Naiwan sakin lahat ng magagandang ala-ala.
Walang pangit eh lahat maganda.
Walang sablay.
8 days and 1 month. Ano na kayang nangyari sa three days niya?
Lord, I never ask you to give someone as loveable as him. Alam ko po hindi ako perpektong tao but I just want to know kung deserve ko ba to? Ang masaktan ng paulit-ulit ? Nagmahal lang naman ako. Yung una..Pangalawa .. Lahat yun kinaya ko. Mahirap po pero nakita niyo kung gano ako nagpilit para lang makabangon.. Please po Lord! Tulungan niyo naman ako. Sana pag gising ko bukas andito na ulit siya .. Sana mahawakan ko na ulit ng mahigpit ang kamay niya..
--
Hinayaan lang ni Vench na maglandas ang luha sa pisngi niya.
HINAYAAN niyang kumawala lahat ng sakit na nararamdaman niya.
"Hhhhkkkk! hhkkkk!"singhot ni Vench.
Nakaupo siya sa bench sa Luneta park. Same bench kung saan umupo sila nila Lester dati bago ito magpaalam sa kanya.
Nanariwa sa isipan niya yung lahat ng ala-alang yun..
Nagsunod-sunod ulit ang patak ng luha niya. Habang mapait na nakatingin siya sa malayo.
Napatigil siya sa pagmuni-muni ng biglang may tumabi sa kanya.
Nagmamadali siyang humarap sa katabi sabay bigkas sa pangalan ni Lester."Lester!"
Nagulat siya dahil si Rr ang nakita niya.
May kinuha ito sa bulsa sabay abot sa kanya ng panyong grey.
"May mabigat na pinagdadaanan ka na pala hindi mo man lang sinasabi sakin, samin."seryosong sabi nito.
Napipilitang kinuha niya ang panyo at pinunasan ang luha niya.
"Problema ko to. " stubborn na tugon ni Vench at nagbawi ng tingin.
"Hindi ko naman inaangkin eh. Pero kung ganyang nag-iiiyak ka na palang mag-isa dito.. Sana sinabi mo. Mas gagaan kapag sinasabi at nailalabas mo yan." sabi pa ni Rr.
Tumawa ng pagak si Vench."Bakit pa? Masaya ka na sa bago mong GF Rr. BUHAY KO TO hindi na kelangang maapektuhan ka pa."
"Stop that."matigas ang tinig na sabi nito."Yes I admit. May gf na ko. Mahal ko si Saltik. Masaya na ako sa bago ko. Alam ko rin na nasaktan kita dati. Pero di ba bago ang lahat ng yun naging kaibigan at kaklase mo rin naman ako."Rr said.
"Okay lang ako Rr. Tsaka ano bang ginagawa mo dito? Labas ka na sa problema ko. "galit na tanong ni Vench.
"ANO KA BA VENCH? UMAYOS KA NGA! HINDI LANG NAMAN IKAW ANG TAONG NASASAKTAN SA MUNDO. HINDI LANG IKAW ANG NAKAKARANAS NG PROBLEMANG GANYAN! MAY MGA KAIBIGAN KA NA NAG-AALALA SA KALAGAYAN MO. WAG MONG IPAGTULAKAN ANG MGA TAONG NANDYAN PARA DAMAYAN KA. WAG KANG MAG PAKAMISERABLE NG GANYAN!"buo ang tinig na sabi ni Rr habang pilit siyang inihaharap sa sarili nito.
"OKAY NGA LANG KASI AKO DI BA? KAYA KO TO! KINAYA KO DATI, MAS KAKAYANIN KO NGAYON KASI SANAY NA AKO! BUKAS MAKALAWA MAKAKA MOVE-ON DIN AKO. TATAWA GAYA NG DATI. HINDI KO KAILANGANG IPAKITA SA INYO KUNG GANO AKO KAMISERABLE."pasigaw na sagot ni Vench at dirediretsong tumayo at naglakad palayo.
Nanlulumong napatayo na lang si RR.
**
"Anong sabi ni Vench??" nag-aalalang tanong ni Alyssa.
Personal na kinausap nila si Rr at ipinagtapat ang kalagayan ni Vench.
"Ayaw makinig sakin eh. " malungkot na sabi ni rr.
"Ayyyrrrraar! Di na namin alam ang gagawin eh. Pano ba to? Di rin nakikinig samin."sambulat ni Vielka.
"Bakit kasi hindi natin hanapin si Lester?"suggest ni Jbelle."Kung ayaw niyang hanapin tayo ang maghanap. Para naman hindi tayo nangangapa sa dilim."
"Saan nga kasi natin hahanapin? Kung siya nga clueless tayo pa kaya?"nababadtrip na singhal ni Alyssa.
"Andyan na si Vench." sabay turo sa papalapit na kaibigan.
Walang ekspresyon na naupo ito sa table nila. Nasa bleacher sila ng main building sa school.
"Anong meron?"walang buhay na tanong nito.
"Vench naman.." alanganing simula ni Vielka."Magsalita ka naman samin. Nahihirapan din naman kami para sayo,nag-aalala."
"Ha? Bakit?"patay batang bawi nito.
"Ano ba Vench! Umayos ka naman . Hindi ka naman ganyan dati nung nasaktan ka ahh.Oo wala ka ring buhay nung mga panahong yun.. Pero hindi naman kagaya ngayon, Look at yourself, kelan ka ba huling nanalamin ha? Walang kakulay kulay yang mukha mo. Nangangayayat ka na rin. Ano ba? Nagpapakamatay ka ba??" sermon ni Jbelle.
"Stop that." maikling tugon nito at nanatiling nakatingin sa malayo.
"Hindi. Hindi ako titigil hangga't ganyan ka! Akala mo naman titigil sa pag-ikot ang mundo dahil dyan sa dinadala mo. Ano ka ba?? lalaki lang yan o. problema yan. oo mahirap pero wag ka namang magpakamiserable. Madami pang Lester sa mundo at----"doon pinutol ni Vench ang paghihimutok niya.
Humarap ito sa kanila.
Isa-isang tiningnan ng malungkot si Rr,Alyssa, Vielka at Jbelle.
"Oo lalaki lang yun."malungkot at mapait na sabi ni Vench at tumingin kay Jbelle."Lalaki lang yun at alam ko na maraming Lester sa mundo. Pero wala ka sa lugar ko para maramdaman yung eksaktong sakit na nararanasan ko.Kasi hindi ikaw yung paulit-ulit na nasaktan. Hindi ikaw yung nakakaranas ng bigat at hapdi sa dibdib. Hindi ikaw yung binabangungot gabi-gabi. Hindi ikaw yung nakakaalala ng mga ala-ala na meron kami dati. Hindi ikaw yung nagtatanong ng maraming katanungan na walang sagot. Hindi ikaw yung nagmahal at nagmamahal Belle. Ako. Ako yun. alam mo yung pakiramdam na gusto kong tumawa. Bumangon. Mag-move-on gaya ng mga nagawa ko na dati.. pero iba siya eh. Alam niyo yun. alam niyo yung epekto niya sakin.Akala niyo ba gusto kong maging miserable?? Paulit-ulit Akong naghihintay. Naghihintay kahit alam kong wala na. Malabo na siyang bumalik. " humahagulhol na si Vench.
Sobrang sikip ng dibdib niya sobrang sakit.
Niyakap siya ng tatlong kaibigan.
"Sorry."sambit ni Jbelle.
"Hindi na kasi namin alam ang gagawin sayo eh." sabi pa nito.
Patuloy sa paghagulhol si Vench.
Nakaupo lang si Rr. Awang-awang nagmamasid sa apat.
Maaga pa at walang mga estudyante sa bleacher maliban sa kanila.
==========================================================================
Alam naman nating lahat na ang kalungkutan at problema ay parte ng buhay maging ng isang relasyon . Right?
Wala lang gusto ko lang magdrama at magpaiyak ng reader. Wutt. :P
R-V-C.
-KimEanSukJ.♥