The Bad Boy's Love (Published...

By blue_maiden

88.2M 2.1M 751K

[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo... More

Prologue
Chapter 1: City of love
Chapter 2: Dream or love?
Chapter 3: J's Graduation
Chapter 4: And she's back
Chapter 5: Long time no see
Chapter 6: Papa Jeydon
Chapter 7: Inuman session
Chapter 8: Going back
Chapter 9: The party
Chapter 10: Hello wedding bells
Chapter 11: Under the moon
Chapter 12: Job hunting
Chapter 13: First Night
Chapter 14: If only
Chapter 15: For a change
Chapter 16: Bridal Shower
Chapter 17: Dark past
Chapter 18: One step closer
Chaptet 19: Stag Party
Chapter 20: Changes
Chapter 22: Day to Forever
Chapter 23: The Wedding
Chapter 24: Secret House
Chapter 25: Premonition
Chapter 26: Best Friends
Chapter 27: Sayang
Chapter 28: Hindi itinadhana
Chapter 29: Welcome
Chapter 30: Bye Jeydon
Chapter 31: Durian
Chapter 32: In laws
Chapter 33: Hongkong Part 1
Chapter 34: Hongkong Part 2
Chapter 35: My boo
Chapter 36: Come back home
Chapter 37: Welcome home
Chapter 38: Someone like you (Part 1)
Chapter 39: Someone like you (Part 2)
Chapter 40: He's coming
Chapter 41: Being a daddy
Chapter 42: The Player's wedding
Chapter 43: The Fighter's battle
Chapter 44: Rest in Peace.
Chapter 45: Goodbye and Hello
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note
TFBBAM BOX SET PRE-ORDER

Chapter 21: Hold on

1.4M 39.6K 14.2K
By blue_maiden

TAHIMIK LANG KAMING dalawa ni Jeydon na nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ang mga bituin. Ipinasadya niya sa kuwarto namin ang malaking bintana sa itaas para makapag-stargazing kami gabi-gabi rito. Gusto niya kasing palaging may nakikitang bituin.

Siguro isang oras na kaming nakahiga rito at pareho kaming hindi umiimik. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko.

Pinikit ko lang ang mata ko habang si Jeydon hawak ang kamay ko. Gusto kong kalmahin ang sarili ko pero hindi ko talaga maiwasan na magalit sa sarili ko. Ang sama kong tao. Palagi na lang akong nagdudulot nang hindi maganda. Ilang beses ko na bang ipinapahamak si Jeydon?

Hindi ko naiwasan na maiyak muli. Agad namang napansin 'to ni Jeydon.

"Sabi ko 'wag kang iiyak, hindi ba?" sambit niya at hinila niya ako palapit sa kaniya at saka niya pinahid ang mga luha sa mata ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya. "Ang mahalaga buhay pa rin ako. Ang mahalaga, magkasama tayo ngayon. Candice, magiging maayos pa rin ang lahat."

Niyakap ko siya nang mahigpit. "Sana nga maging maayos ang lahat, Jeydon. Sana magkaroon ng himala at makalakad ka pa kasi sobrang sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa 'yo."

"Huwag mong sabihin 'yan, Candice."

"Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko, Jeydon. Kung hindi dahil sa 'kin, sana hindi 'yan nangyari sa 'yo. Kung hindi lang sana ako nagsabi ng mga masasakit na salita sa 'yo, sana hindi ka nagkaganyan. Kasalanan ko lahat ng 'to." Hindi ko pa rin mapigilan na maiyak. "I'm sorry. Sana ako na lang ang nabaldado at hindi ikaw."

"Shh." Hinaplos niya ang buhok ko. "Walang may gusto ng nangyari. Alam kong ayaw mo akong mapahamak. Isa pa, mas gugustuhin ko na ako ang masaktan kaysa ikaw. Huwag mo nang isipin 'yon. Malalagpasan natin 'to."

"Jeydon, I love you," sambit ko. Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap niya iyon sa kaniya at saka niya ako hinalikan sa labi ko.

Hindi ko pa rin mapigilan na maiyak pero pinahid naman agad ni Jeydon ang mga luha na galing sa mata ko. Tinitigan niya ang mga mata ko na para bang hinihila niya ako palapit sa kaniya. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "Mahal na mahal din kita, asawa ko." Sa hindi ko malaman na dahilan, nagsitaasan ang balahibo sa katawan ko.

"Nakakamangha na puwede pa lang may magmahal sa akin nang ganito . . . nang sobra sobra," sambit ko.

Ngumiti siya at niyakap muli ako. "Kahit ako namamangha. Hindi ko akalain na makakapagmahal ako nang ganito, 'yong higit pa sa sobra-sobra. Pakiramdam ko 'yong puso ko malapit nang sumabog dahil sa matinding pagmamahal ko sa 'yo, Candice."

Unti-unting naglapit ang mukha namin at hinayaan ko lang siya na halikan ulit ako. Habang tumatagal, mas lalong dumidiin ang paghalik sa akin ni Jeydon at gano'n din ako sa kaniya. Sa bawat halik ay ang matinding pagmamahal namin para sa isa't isa. Tama nga si Jeydon, 'yong puso ko parang sasabog sa sobrang pagmamahal sa kaniya. Kumalas ako sa halik niya nang kulangin na ako sa hangin. Pareho kaming nakangiti habang tinititigan niya ako.

"That was . . . romantic," bulong ni Jeydon. Nagsitaasan muli ang mga balahibo sa katawan ko.

This bad boy is driving me crazy.

"Gusto kong kumain, Candice," sambit niya habang nakangisi siya. Nakatingin lang ako sa kaniya na may blankong ekspresyon. Maya-maya lang ay tumawa siya. Anong nakakatawa? "Kumain na tayo sa baba," aya niya.

Siguro nakaisip na naman siya ng kalokohan kanina kaya siya tumawa.

Hinanda ko ng pagkain si Jeydon. Nakaupo lang siya sa wheelchair niya habang pinagmamasdan niya ako.

Inilapag ako ang pagkain namin at sa hindi ko malaman na dahilan ay nakatitig lang siya sa akin.

"May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko.

"Sobrang ganda mo kasi kaya hindi ko maiwasan na mapatitig sa 'yo," sagot niya. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Sa simpleng salita na 'yon ni Jeydon, kinilig ako muli na parang katulad lang dati. "Ang suwerte ko talaga sa 'yo, Candice."

"Suwerte rin naman ako sa 'yo, Jeydon. Wala na akong hihiling pa." Ngumiti ako at tiningnan ko siya habang patuloy pa rin siya sa pagtitig sa akin. "Kumain ka na," alok ko.

Tumango siya at kinuha niya ang pagkain na hinanda ko. Sinabayan ko siya sa pagkain niya pero, all the time, nakatingin lang ako sa kaniya.

Alam ko na napakahirap ng situwasyon ngayon ni Jeydon. Alam ko na nahihirapan at nasasaktan siya pero hindi niya 'yon pinapakita sa 'kin. Kilala ko siya at ayaw niya na mag-alala ako at lalong ayaw niya na sisihin ko ang sarili ko kaya itinatago na lang niya sa akin ang totoo niyang nararamdaman. Pinipigilan ko muli ang maiyak sa harap niya dahil alam kong mas lalo lang siyang mahihirapan.

"Candice, ngayon pa lang hihingi na ako ng tawad," sambit niya habang inaalalayan ko siya pabalik sa kuwarto namin. "I'm sorry."

"Para saan naman?" tanong ko.

Umupo ako sa kama habang siya naman ay nasa wheelchair at nakaharap sa akin. "Alam ko kasing mahihirapan kang alagaan ako. Alam kong magiging pabigat ako sa 'yo. Sorry, Candice." Hindi na napigilan ni Jeydon na maiyak.

Agad ko naman pinunasan ang mga luha sa mata niya. "Kahit kailan hindi ka magiging pabigat sa akin. Tandaan mo na kapag naging mag-asawa na tayo, iisa na lang tayo. Kaya kung ano man ang nararamdaman mo, gano'n din ako. Jeydon, hindi ako magsasawang alagaan ka dahil mahal kita at 'yon ang obligasyon ko bilang asawa mo."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya."

"Matulog ka na. Kailangan mong magpahinga," utos ko.

"Dito ka lang sa tabi ko. Huwag mo akong iwan." Tumango ako sa sinabi niya at inalalayan ko siya para makahiga siya sa kama niya. "I love you, Candice. Higit pa sa forever."

"I love you, too, Jeydon," sambit ko.

Humiga ako sa tabi niya at pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog siya. Parang wala siyang iniindang sakit o lungkot. Ang sarap pagmasdan ni Jeydon.

Pumunta ako pabalik sa kusina para iligpit ang pinagkainan namin. Habang inililigpit ko ang mga pinggan, may kumatok sa labas. Agad akong pumunta roon para tingnan kung sino 'yon.

Pagtapat ko sa gate, nanlaki ang mata ko nang makita ko siya.

"Ang kapal naman ng mukha mo na pumunta dito," sambit niya. "Ikaw ang may kagagawan nito sa anak ko. Kahit kailan talaga, wala kang magandang naidulot sa kaniya."

"Dad! Tama na!" pag-awat ni Jayshin. "Hindi niya kasalanan ang nangyari. Aksidente 'yon!"

"Walang aksidente. Lahat nangyayari dahil may dahilan. Kung hindi sana dahil kay Candice, hindi naaksidente si Jeydon," inis niyang sabi.

"Dave, 'wag kang gumawa ng gulo dito. Nandito tayo para dalawin ang anak natin," singit naman ni Tita Janice. Tiningnan ko siya pero may blangkong ekspresyon sa mukha niya.

"Pumasok na tayo sa loob," pag-aaya naman ni Ate Jaycee.

Tumabi ako para makadaan sila. Pakiramdam ko galit si Tita Janice at Ate Jaycee sa akin. Ang bigat tuloy sa pakiramdam. Parang hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ako.

"Noona, pagpasensyahan mo na sila," sambit ni Jayshin. "Nag-aalala lang din sila kay, hyung." Hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti siya sa akin.

Sumunod kami sa loob ni Jayshin. Naabutan namin sila sa sala habang nakaupo. Hindi ko alam ang dapat kong gawin pero umupo na lang ako sa tabi ni Jayshin. Nagkaroon ng sandaling katahimikan.

"Tingin mo ba, dapat ka pa rin ikasal sa anak ko, Candice?" tanong ni Tito Dave. "Puro kamalasan na lang ang dinudulot mo sa anak ko. Paano pa kaya kapag mag-asawa na kayo? Baka sa susunod, sa sementeryo na namin dalawin si Jeydon."

"Dad, 'wag ka namang ganiyan sa kaniya!" sigaw ni Jayshin.

"Jayshin, usapan ito ng mga matatanda kaya 'wag kang makialam," suway ni Ate Jaycee.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako halos makatingin sa kanila. Natatakot ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko sabihin. Naiiyak ako pero ginagawa ko ang lahat para hindi ako umiyak sa harapan nila.

"Sagutin mo, Candice, dapat pa bang ikasal sa 'yo si Jeydon? Ilang beses mo na siyang ipinapahamak. Ayoko ng mapahanak ulit siya dahil na naman sa 'yo," sabi ni Tita Janice. Sa totoo lang nagugulat ako sa inaasal niya dahil hindi siya ganito sa akin. Mabait siya at maalahanin sa akin. "Tingin ko hindi na dapat matuloy ang kasal."

Natigilan ako. Parang unti-unting tumitigil ang pag-andar ng oras. Parang may mga kung anong dumadagan sa puso ko.

"Mahal ko po ang anak n'yo," iyon na lamang ang nasabi ko. "Mahal na mahal ko si Jeydon."

"Hindi sapat na mahal mo siya lalo na at ikaw ang palaging nagpapahamak sa kaniya," dagdag ni Ate Jaycee. Hindi pa rin ako makatingin sa kanila. Nakayuko lang ako habang hawak-hawak ang mga tuhod ko.

"Ipapadala namin sa Amerika si Jeydon para maipagamot ang paa niya," sambit ni Tito Dave. "Hindi na matutuloy ang kasal n'yo."

Napatingin ako sa kaniya habang umiiyak ako. Paano niya nagagawa ito sa amin? Ganoon na lang ba iyon kadali? Sa isang salita lang ba matatapos na lang ang lahat?

"Dad! Stop it!" Hindi napigilan ni Jayshin ang sarili niya. "Candice, 'wag kang makinig sa kanila."

"Jayshin, tumigil ka," suway muli ni Ate Jaycee.

"Kayo ang tumigil."

Nagulat kaming lahat sa boses ni Jeydon. Napatingin kaming lahat sa kaniya. Nakasakay siya sa wheelchair niya at agad siyang lumapit sa akin.

"Tuloy ang kasal namin at wala kahit na sino ang makakapigil sa akin, magkamatayan man," seryoso niyang sabi. "Puwede na kayong umalis."

"Jeydon, anak," singit ng mama niya. "Hindi mo kami puwedeng paalisin na lang."

"Pamamahay ko ito at dahil sa ginagawa n'yo sa asawa ko, kailangan mo na kayong paalisin dito. Please get out of our house."

"Hindi mo pa siya asawa, Jeydon," sambit ni Ate Jaycee. "What are you thinking?"

"You know what? I'm disappointed in you and Mom. I thought you'll understand me, but you don't."

"Jeydon, itigil mo na 'yan," singit ng dad niya.

"Kayo ang tumigil. Puwede ba lumabas na kayo," utos ni Jeydon. "Jayshin, ikaw na ang bahala sa kanila at pakisara na lang ang pintuan. Candice, sumama ka sa akin sa kuwarto." Pinihit niya ang wheelchair niya papunta sa kuwarto namin. Sumunod ako agad sa kaniya roon.

Isinara agad ni Jeydon ang pintuan pagkapasok ko. Umupo ako sa kama habang siya nakatingin sa akin. "Kalimutan mo lahat ang sinabi nila. Huwag kang makinig doon. Sa akin ka lang makikinig. Naiintindihan mo, Candice?" seryoso niyang sambit.

"Naiintindihan ko naman kung bakit sila nagagalit sa 'kin eh. Ang sakit lang na ayaw na sa akin ng pamilya mo." Hindi ko na napigilan na maiyak. "Tingin mo, dapat pa rin ako ikasal sa 'yo, Jeydon?" Lumapit siya sa harapan ko at pinahid niya ang mga luha na umaagos mula sa mata ko. "Do you think I'm still worth it, Jeydon?"

"You're worth the pain I'm feeling, Candice. You're worth every tear and every heartache. Everything that happened to me, to us, good or bad, is worth it. Remember that." Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan niya ako. "Our love story means everything to me. Whether it ends happily or sadly, I know every tear and heartache is worth fighting for."

"Will you fight for me until the end?" tanong ko.

"You are worth fighting for," sambit niya at hinalikan niya muli ako. "Mahal kita, te amo, saranghae, I love you sobra sobra," bulong niya sa tenga ko.

"I love you, Jeydon. Now and forever."

"Matulog ka na, bukas pupunta tayong Tagaytay," sambit niya.

"Anong gagawin natin doon?" tanong ko pero ngumiti lang siya.

"It's a surprise."


Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
10.6K 1.3K 103
Happy endings doesn't exist... and if you agree with me, c'mon and enter my world.
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
419K 5.6K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...