Enemy vs Enemy | āœ“

By DiAkoSiJoy

58.3K 6.4K 296

Sa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) Ā© 2020 DiAkoSiJoy All rights rese... More

Prologue
Enemy #01
Enemy #02
Enemy #03
Enemy #04
Enemy #05
Enemy #06
Enemy #07
Enemy #08
Enemy #09
Enemy #10
Enemy #11
Enemy #12
Enemy #13
Enemy #14
Enemy #15
Enemy #16
Enemy #17
Enemy #18
Enemy #19
Enemy #20
Enemy #21
Enemy #22
Enemy #23
Enemy #24
Enemy #25
Enemy #26
Enemy #27
Enemy #28
Enemy #29
Enemy #30
Enemy #31
Enemy #32
Enemy #33
Enemy #34
Enemy #35
Enemy #36
Enemy #37
Enemy #38
Enemy #39
Enemy #40
Enemy #41
Enemy #42
Enemy #43
Enemy #44
Enemy #45
Enemy #46
Enemy #47
Enemy #48
Enemy #49
Enemy #50
Enemy #51
Enemy #52
Enemy #53
Enemy #54
Enemy #55
Enemy #56
Enemy #57
Enemy #58
Enemy #59
Enemy #60
Enemy #61
Enemy #62
Enemy #63
Enemy #64
Enemy #65
Enemy #66
Enemy #67
Enemy #68
Enemy #69
Enemy #70
Enemy #71
Enemy #72
Enemy #73
Enemy #74
Enemy #75
Enemy #76
Enemy #77
Enemy #78
Enemy #79
Enemy #80
Enemy #81
Enemy #82
Enemy #83
Enemy #84
Enemy #85
Enemy #86
Enemy #87
Enemy #88
Enemy #89
Enemy #90
Enemy #91
Enemy #92
Enemy #93
Enemy #95
Enemy #96
Enemy #97
Enemy #98
Enemy #99
Enemy #100
Enemy #101
Enemy #102
Enemy #103
Enemy #104
Enemy #105
Epilogue
Saddest Afterglow
Cigarette series!! šŸš¬šŸš¬
Author's Note!

Enemy #94

366 41 0
By DiAkoSiJoy

Cloud's POV ☁️


3 weeks have passed at mas naging busy kami sa school. Finals na kasi para sa first sem ng aming sophomore year kaya't kabilaan nanaman ang mga projects.

Tulad ng dapat na gawin ng isang estudyante, pumasok ako sa school kahit sobrang nakaka-tamad. Well, tamad talaga ako at alam kong kaya kong mag ditch ng class kung gustuhin ko, but of course I don't want to do it.. I can't fail my mom.

Bago mag simula ang aming klase ay ilang yosi pa muna ang naubos ko dahil sa pag-iintay. At nang dumating na ang prof ay agad na akong pumwesto sa upuan ko na nasa likurang bahagi ng room.

Bago mag simula ang discussion ay nag check muna ng attendance ang prof kaya naman ay tumingin nalang ako sa labas ng bintana para hindi mabugnot.

"Harvey, Cloud J.?" - pagtatawag ng propesor sa pangalan ko.

Tamad kong itinaas ang kamay ko ng hindi manlang lumilingon. Nag patuloy naman ang pag check ng attendance na kanya-kanyang ring sinasagot ng aking mga kaklase.

Sa dami naming magkaka-klase, paniguradong matagal pa to. Tsk. Eh ano kaya kung manigarilyo muna ako?

"Valleña, Lindy R?"

Kaso nakaka-tamad lumabas eh, bwisit. Yayayain ko nalang mag inuman sina Rey mamaya.

"Lindy.. Valleña?"

Napatigil ako sa pag-iisip ng banggitin ni prof ang pangalan ni Lindy. Tulad ng mga kaklase ko ay napalinga rin ako sa pwesto ng inuupuan niya pero wala siya 'ron.

"Absent po, prof." - sagot ng isa kong kaklase na malapit lang sa inuupuan niya.

"Absent again?" - mataray na tanong ng prof habang minamarkahan ang kanyang class record. "Based on my class record, she's been absent for two weeks now. Nag-drop out naba siya?" - tanong ulit ng prof na wala namang isa ang sumagot.

Muling nag tawag ng mga estudyante ang prof para sa attendance samantalang ako naman ay nangungunot ang noo habang naka-tingin sa upuan ni Lindy.

Where is she?

Masyado ata akong naging abala nitong mga nakaraang linggo kaya hindi ko napansin ang presensiya niya. Base sa prof dalawang linggo na siyang hindi pumapasok.. nasa bakasyon ba silang magpapamilya? Eh bakit hindi manlang siya nag iwan ng excuse letter kung ganoon nga?

Pasimple kong kinuha ang cellphone ko para itext siya pero ilang minuto na ang nakaka-lipas ay di parin ito nag rereply. Palihim ko rin siyang tinawagan sa kalagitnaan ng klase pero naka-patay ang cellphone nito. Tsk.

Wala akong nagawa kundi ang makinig sa prof. Nang matapos ang klase ay muli ko siyang sinubukang tawagan pero tulad kanina ay naka-patay parin ang cellphone nito.

Nagsi-labasan na ang iba kong mga kaklase samantalang ako naman ay lumapit kay Bonnita na isa ring matalik niyang kaibigan.

"Hmm, hoy." - tawag ko sa kanya.

Kunot noo naman siyang napalingon sa akin at medyo nagulat pa.

"Bakit?" - nagtatakang tanong niya. Psh.

"Si Lindy ba alam mo kung nasan?" - tanong ko.

"Hindi nga eh, tina-try ko siyang kontakin pero di ko ma-contact." - baton niya.

Tumango nalang ako at walang pasabing umalis. Saan naman kaya yun nagsususuot?

Naglalakad ako papuntang ice cream shop para sana yayain ang mga gin kapitan ng inuman ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot.

"Honey!!" - sigaw ni mommy sa kabilang linya.

"Hmm, honey?" - naka-ngiting bati ko.

My mom is such a hype.

"Anong oras dismissal niyo ngayong hapon?" - malakas na tanong ni mommy na halatang excited.

"Maaga hon eh, mga 3:00 pm ganon." - baton ko. "Bakit?"

"Nice! Umuwi ka agad, inimbitahan ako ng amiga ko sa birthday niya, isasama kita." - biglaang usal niya na ikina-kunot naman ng noo ko.

"What? Ayoko sumama hon." - malumanay kong baton.

'Tss, mabobored lang ako dun eh.'


"Sasama ka.." - pag-uutos niya. "Atsaka kilala mo naman yung pupuntahan natin eh." - dugtong niya pa.

"Saan ba?" - tanong ko atsaka nag sindi ng sigarilyo.

"Sa Valleña's residence. Birthday ni Lydia." - baton ni honey.

"Valleña?" - tanong ko. "Yung mama ni Lindy?"

"Yep!" - masayang baton ni honey.

Close na close na talaga siya sa parents nina Jao at Lindy simula noong kidnap scene na nangyari kay Lindy noong nakaraang taon. Well, should I be thanking that beautiful tragedy?

"Okay hon, I'll be home after class." - sambit ko.

"Okay!" - mabilis naman niyang baton, then she hanged up.

Dalawang linggo nang hindi pumapasok si Lindy at wala akong alam kung bakit, kaya naman kukunin ko ang opurtunidad na to para tanungin siya.

Hindi ko ngayon inaya ng inuman ang mga gin kapitan dahil sa lakad namin ni mom.

Tulad ng nasa plano ay umuwi ako agad pag katapos ng klase. Pagka-uwi ko ay nakita ko si honey na nag-peprepare kaya naman tulad niya ay nag-ayos na rin ako.

Hindi raw gaano kalaki ang birthday ng mama ni Lindy. Simpleng family dinner lang daw kaya naman ay nag suot lang ako ng simpleng longsleeve para hindi ma-exposed ang mga tattoo ko.


5:30 kami nakarating sa bahay ng mga Valleña at tulad ng inaasahan, halos kami-kami lang rin ang tao. Wala pa sina Jao at Sofia na batid ko ay hindi talaga pupunta.

Kahit simpleng family dinner lang ay pawang naka-dress ang mga babae kasama na ang mama ni Jao.

"Happy birthday amiga!" - pamugad ni honey sa mama ni Lindy.

"Thanks! Buti naka-dating ka!" - natutuwang baton naman nito sa kanya.

Nag-usap sila ng nag-usap samantalang inilibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng kanilang bahay. Ito ang unang beses na naka-pasok ako sa bahay ng mga Valleña. Naka-pasok na ako dati sa teritoryo nila pero hanggang sa bahay lang nina Jao. Maganda at halos parehong-pareho ang desinyo ng bahay ng mga Supamacho at Valleña, ang halos pinagka-iba lang nito ay ang pintura at ang ayos ng Living room, dining room, etc.

"Uhm, by the way, kasama ko pala yung anak ko. He's a good friend of your daughter rin." - pagpapakilala sa akin ni honey kaya naman ay agad akong lumingon sa gawi nila.

"Yeah, I met him already." - naka-ngiting usal ni Mrs. Valleña. "Hi ijo." - bati niya sa akin.

"Hi ma'am." - magalang rin na pag bati ko.

Natawa siya atsaka marahan akong hinampas sa braso.

"Ano kaba, ang formal naman nung ma'am.. tita Lydia nalang ang itawag mo sa akin." - sambit niya.

"O-okay po t-tita.." - medyo utal kong baton.

Muli silang nag-usap ni honey kasama ang parents ni Jao at ng papa ni Lindy kaya naman ay naupo nalang ako sa sofa. Ako lang kasi ang naiiba ang edad sa kanila kaya hindi ako maka-sabay sa pinag-uusapan nila.

Habang pinagmamasdan silang lahat ay napansin kong kuhang-kuha ni Lindy ang kanyang ilong at bibig kay tito Andy, samantalang ang kanyang mata at tindig naman ay nakuha niya kay tita Lydia. She's like a carbon copy of her parents. Sa amin kasing dalawa ni mama ay halos nakuha ko ang aking itsura kay dad.

Taimtim lang akong nakikinig sa usapan nila at hindi sumasagot. Nakakaramdam na ako ng pagka-bagot at kagustuhang mag yosi pero pinipigilan ko.

"By the way, where's Lindy?" - biglang tanong ni honey na ikina-tahimik naman ng lahat.

"She's in her apartment eh." - baton ni tiya Lydia.

"Apartment? Bakit pa siya mag aapartment eh may bahay naman kayo?" - nagtatakang tanong ni mama.

Bahagya pang nag iwas ng tingin si tita Lydia na halatang ayaw itong pag-usapan.

"U-uhm, ijo?" - pag tawag sa akin ni tita na halatang iniwasan ang tanong ni honey.

"Yes po?" - tanong ko.

"Uhm, pwede mo bang sunduin sa apartment niya si Lindy? Kanina ko pa kasi tinatawagan pero naka-off ang cellphone niya. Hindi rin sumasagot sa mga text ko." - usal ni tita.

Agad akong tumayo at marahan siyang nginitian.

"Okay po." - baton ko.

Agad akong umalis para pumunta sa apartment ni Lindy pero habang binabaybay ko ang daan ay hindi ko maiwasang mag taka.

'Eh kung wala pala siya sa bahay nila, asan siya? At bakit di siya pumapasok? Weird.'

Hindi na ako nag aksaya ng oras at nag madali na.. at dahil hindi naman ito gaanong malayo ay agad akong nakarating agad.

Pumunta ako sa floor ng apartment ni Lindy at kumatok, pero halos naka-ilang katok na ako ay wala paring sumasagot. Is she asleep? Or baka naman lumabas?

Muli akong kumatok pero halos mabugbog na ang likod ng palad ko dahil sa kaka-umpog ay wala paring bumabaton.

"Hays." - daing ko atsaka lumingon sa gilid ng apartment ni Lindy kung saan may nakita akong babae. "Lindy?" - tanong ko ng hindi ko makita ang mukha nito dahil sa pagkaka-talikod.

Agad siyang lumingon sa akin at nagulat.

"Ay sorry, akala ko si Lindy." - pagpapa-umanhin ko.

'Nakamapucha, akala ko si Lindy, hindi pala. Well, pareho kasi sila ng height at pigura kaya hindi na nakapag-tatakang napag-kamalan kong siya iyon.'

Tatalikod na sana ako para umalis ng bigla siyang mag salita dahilan para lingunin ko siya.

"Uhm, excuse me.. si Lindy ba yung hinahanap mo?" - naka-ngiting tanong niya.

"Uhm, y-yeah?" - patanong kong baton.

"Ah, hi.. ako pala si Lucy, neighbour ni Lindy." - naka-ngiting pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay. Medyo may pag-alinlangan ko naman itong inabot para di naman siya mapahiya.

"Cloud." - usal ko naman ng pangalan ko.

"Uh, nice meeting you Cloud-- hinahanap mo si Lindy diba?" - tanong niya ulit.

'tss, paulit-paulit?'

Tumango nalang ako bilang baton sa kanya. Wala akong time makipag-usap sa totoo lang. Tss.

"Ay naku, di kaba aware? Wala na diyan si Lindy." - usal niya habang naka-tingin sa pinto ng apartment ni Lindy.

"What do you mean? Lumabas ba? May binili?" - tanong ko habang naka-kunot ang noo.

"Umalis na siya, lumipat ata. Di ko alam e--"

"What?!" - gulat na tanong ko na ikina-tigil niya.

Bahagya siyang umatras dahil na rin siguro sa gulat dahil sa biglaan kong pag sigaw. Aish!

"O-oo eh." - tanging nai-baton niya.

"Kailan pa?" - mahinahong tanong ko.

"Actually 2 weeks ago yun-- uhm, tama two weeks ago." - usal niya habang tumatango na animo'y nag-iisip. "Bibilhin ko kasi sana yun yung kotse niya pero di siya pumayag, tas lagi ko siyang inaabangan na lumabas sa apartment niya para sana mag bigay ng mga niluluto ko, I love cooking kasi.. pero halos 1 straight week siyang hindi lumabas kaya naman akala ko ay walang tao. Pero nung isang araw nagulat nalang ako na willing na raw pala siyang ibenta yung sasakyan, edi binili ko na agad. Napansin ko ring naka-bihis siya at may dalang bag kaya tinanong ko siya kung san siya pupunta, pero akalain mo yun, joker pala siya hahaha sabi niya kasi ay pupunta siya sa langit." - kwento niya na animo'y natatawa pa.

Halos natameme ako sa ikwenento niyang iyon. Hindi ko na inintay ang susunod niya pang sasabihin at dali-daling umalis.

Para akong lutang na nagda-drive pabalik sa bahay ng mga Valleña habang nag-iisip.

She left exactly 2 weeks ago at more than 2 weeks na rin siyang hindi pumapasok sabi ng prof. Damn? What happened to her?

Pagkadating ko sa bahay ng mga Valleña ay tumambad sa agad sa akin ang masayang pag-uusap nila na bigla pang naudlot dahil sa aking pag dating.

"Oh honey! You're back!" - naka-ngiting usal ni mommy habang naka-upo sa sofa.

Hindi ako sumagot at tumabi lang malapit sa kanya. Nang mapatingin ako kay tita Lydia ay nakita ko itong tumitingin sa front door na para bang may iniintay na pumasok.

"So.. where's Lindy?" - naka-ngiting tanong niya na ngayon ay naka-baling na sa akin ang atensiyon ng mapag-tantong wala akong kasama.

Napahinga ako ng malalim. I felt the pressure rising within me.. base sa pagkaka-tanong ni tita ay halatang wala rin siyang alam. Damn!

Hindi ko maiwasan ang kabahan lalo na ng lahat sila ay pawang tutok na tutok na sa akin habang nag iintay ng sagot.

"U-uhm.. tita, kailan po huling umuwi dito si Lindy?" - halos nauutal kong tanong, kinakabahan.

"Hindi naman siya umuuwi dito eh." - baton ni tita habang naka-ngiti ng mapait. "She's living in her apartment alone independently.. matagal na rin siyang hindi nakaka-bisita sa amin, hindi ko na rin naman siya nabibisita sa apartment niya dahil medyo busy pa sa kompanya." - dugtong pa nito.

I sighed.

May kutob na ako, pero sana ay hindi yun totoo.

"E-eh kailan po niya kayo huling kinausap?" - muling tanong ko.

"Sa phone lang kami nag-uusap eh.. we're both busy kasi. Ako sa work, tas siya sa school niya.." - naka-ngiting baton ni tita. "Pero lately hindi na kami nakakapag-usap.. when I'm texting her, hindi siya nagrereply. Minsan naman kung tinatawagan ko siya ay naka-off ang phone niya." - dugtong ni tita na ngayon ay seryoso na. "The last time we talked was.. two weeks ago ata? Ganon katagal.. she called us tas umiiyak siya nun, sabi niya namimiss niya na daw kami. Eh tinanong ko naman siya kung gusto niyang samahan ko siya, eh ayaw niya raw kaya hinayaan ko nalang. Pinilit ko rin siyang umuwi na dito sa bahay pero ayaw niya talaga. Nasanay atang manirahan mag-isa." - kwento pa nito.

Hindi ako sumagot at yumuko nalang. Nag-iisip ako.. lahat ng naiisip ko ay puro negatibo, idagdag pa yung kwenento ng kapit-bahay niyang si Lucy na gusto umano nito pumunta sa langit. Fvck!

Pinag-konekta ko lahat ng impormasyon na alam ko, at mas lalo akong kinabahan dahil doon.

"Why? Where's my daughter?" - biglang tanong ni tito Andy na ngayon ay naka-ngiti rin. Wala nga talaga silang kaide-ideya.

"Wala ho siya 'ron eh.." - mahinang baton ko na ikina-kunot ng noo nilang lahat.

"Hmm, san naman kaya siya? Baka nag-sshopping lang or something.." - positibong usal ni tita Jayda, ang mama ni Jao. Nice, andito yung magulang ni Jao pero wala siya. Very nice.

"Sayang naman.. but wait, don't tell me nakalimutan niya yung birthday ko? Naku magtatampo talaga ako." - natatawang sambit ni tita Lydia.

Napa-tungo muli ako. How could I tell them that Lindy is missing? Fvck.

"T-tita.." - pagtatawag ko sa kanya na ikina-lingon naman sa akin ng lahat.

"Hmm?" - naka-ngiting tanong ni tita.

"W-wala ho si Lindy.." - nauutal kong usal..

"Oo nga, kakasabi mo lang.." - baton nito habang naka-ngiti parin.

Tumikhim ako at huminga ng malalim..

"T-tita, si Lindy po umalis na raw." - mahinang usal ko.

Bahagya namang inilapit ni tita ang kanyang ulo sa akin na animo'y hindi ako narinig.

"A-ano ulit yun?" - tanong niya.

Muli akong huminga ng malalim bago tumingin sa kanya ng seryoso. They need to know.

"Tita.. si Lindy po nawawala ata.." - mahinang usal ko na ikinagulat nilang lahat.

"What do you mean hon?" - tanong ni honey na ngayon ay naka-kunot na ang noo.

Inihilamos ko ang palad ko sa aking mukha dahil sa pressure. Bigla akong kinabahan, at alam kong iyon rin ang nararamdaman ng iba kong mga kasama.

"More than 3 weeks na ho siyang hindi pumapasok.. She missed a lot of tests and activities already kasi wala naman siyang excuse letter.. I thought you were all just on a vacation, pero kanina.." - usal ko atsaka lumunok. Bakas ang pagka-gitla sa mga mukha nila kaya naman ay mas lalo akong kinabahan. "Kanina nung pumunta ako sa a-apartment niya, her neighbour told me that she already left 2 weeks ago, tas nung tinanong niya raw kung saan ito pupunta, ang sabi lang daw ni Lindy ay gusto niya pumunta sa... langit." - dugtong ko.

Napa-hawak si tita sa bunganga niya dahil sa gulat samantalang napa-tayo naman sina honey, tita Jayda, tito Orlando, at tito Andy..

"Oh my! Are you sure about that?!" - malakas na tanong ni honey na bakas sa boses ang pag-aalala.

"Y-yes." - baton ko.

Panandalian kaming natahimik at napawi lang ang katahimikang iyon ng biglang tumayo si tita Lydia habang umiiling.

"N-no.. h-hindi umalis ang anak ko." - sambit niya habang patuloy parin sa pag-iling. "Andy let's go, pupunta tayo sa apartment ni Lindy." - utos ni tita atsaka daliang lumabas sa pinto, halatang napa-praning.

Sumunod agad sa kanya si tito Andy kaya naman ay wala kaming choice kundi ang sundan rin sila. Halos nag-pahuli pa sina tita Jayda para siyang mag-lock ng mga pinto bago kami lumarga.


Magkaka-sunod lang ang mga kotse namin habang binabaybay ang daan patungo sa apartment ni Lindy, at ng makarating kami ay mababakas ang pagmamadali sa tindig ni tita.

Agad siyang pumasok sa loob ng walang pasabi kaya naman ay nag madali rin kami para sundan siya.

Pagka-tapat namin sa pinto ng mismong apartment ni Lindy ay walang pigil na kumatok si tita.

"Lindy, are you there?" - usal niya habang patuloy parin sa pag katok na papalakas pa ng papalakas.

Nakita kong pinipigilan na siya ng asawa niya pero walang tigil si tita sa pagkatok.

Tahimik lang kami habang pinapanood sila ng bigla kong maramdaman ang pag kalabit sa akin ni tito Orlando.

Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"Where is her neighbour? Pwede mo bang katukin?" - bulong sa akin ni tito.

Tumango naman ako at agad na sinunod ang utos niya.

Agad akong tumapat sa pinto na katabi ng apartment ni Lindy at kumatok. Ilang minuto pa muna ang lumipas bago niya ito binuksan, at ng makita niya ako ay halos bumakas sa mukha niya ang pagka-gitla.

"What are you--"

"Lindy anak please, are you there?"

Naputol ang dapat na sasabihin ni Lucy ng marinig ang boses ni tita na patuloy parin sa pag katok sa pinto, pero ngayon ay halatang umiiyak na.

Bahagya pa siyang sumilip para makita ang nangyayari pero agad ko na siyang hinila palapit kina tita.

"Tita, ito po yung occupier ng apartment na katabi ng apartment ni Lindy." - sambit ko.

Agad namang tumingin sa amin si tita na ngayon ay namumula ang mga mata dahil sa pag-iyak.

"A-are you her neighbour?" - tanong ni tita na kulang nalang ay humikbi.

Isa-isa kaming tiningnan ni Lucy na animo'y nagtataka dahil sa kumosyong nagaganap.

"Ni Lindy ho? Opo." - baton niya.

"Alam mo ba kung nasaan siya?" - tanong ni tito Andy.

"Umalis na po eh." - baton naman nito.

"W-what do you mean na umalis?" - halos utal na tanong ulit ni tito Andy.

Nagtataka man ay kwenento ni Lucy sa lahat ang eksaktong sinabi niya sakin kanina. Mula sa pag iintay niya rito kay Lindy, sa pag alok niya ng pag bili ng kotse, at sa tuluyang pag alis ni Lindy at ang sinabi nitong pupunta siya sa langit.

Everyone was shocked and became motionless. Wala ni halos ang nag-ingay. Ang tanging maririnig lang ay ang pag hagulhol ni tita Lydia.

Tulad nila ay wala rin akong nasabing salita, sa halip ay lumapit ako sa pinto at sinubukan itong kalikutin.

Naging madali sa akin ang pag bukas nito dahil kahit noong highschool pa man ay ito na ang hobby lalo na kapag trip ko ang tumakas.

Pagka-bukas ko ng pinto ng apartment ni Lindy ay dali-dali kaming pumasok lahat.

The place seems fine. Andoon parin ang mga gamit nila at halatang nilinis pa bago iwan. Isa-isang sinilip ng bawat isa ang mga pintong andoon pero walang bakas ni Lindy ang makikita. She really left.

Pagka-pasok ko sa kwarto nila ay agad kong nakita si tita Lydia na naka-upo sa sahig at humahagulhol habang hawak ang cellphone ni Lindy na iniwan niya. Andoon pa ang mga gamit ni Jao pero wala na ang mga gamit ni Lindy.

Umalis siya ng walang salita at walang pasabi. She left without giving us any hint, at kung ano man ang plano niya.. walang nakaka-alam.





We reported the incident to the police, halos hindi na inalala ni tita ang birthday niya para lang mag hanap. She feels devastated.

“Ma'am, so sinasabi niyo ba na dalawang linggo na siyang nawawala?” — tanong ng isang pulis habang may isinusulat na kung ano sa notebook niya.

“Y-yeah, probably..” — baton naman ni tita Lydia habang humihikbi.

Halos lahat kami ay natahimik.. masyado akong nalilito sa mga nangyayari kaya naman ay lumabas muna ako sa presinto para mag pahangin.

Halos ilang yosi pa muna ang naubos ko bago ako bumalik sa loob at napansin ang mas lalong pag hagulhol si tita.

“W-wala bang ibang way?” — tanong ni tita na hindi ko alam kung ano ang tinutukoy.

“Your daughter is in legal age already, at sabi mo pa she's already living independently in her own apartment.. wala ring signs of intruding sa apartment niya at kahit ano pa mang makakapag-sabi na nasa masamang lagay siya. We can't make an operation with lack of informations madam.. we can't label her as missing especially when it's her own choice to move away.” — mahabang pahayag ng pulis.

At some points, may punto rin ang pulis. Legal age na si Lindy at kung kagustuhan naman niya talagang lumayo, hindi pwedeng gumawa ng operasyon agad-agad




Halos tulala lang si tita habang papa-alis kami sa presinto. Wala kaming napala. Pagkarating naman namin sa bahay nila ay agad siyang pumasok sa kwarto nila at nag kulong.

Tito Andy tried to talk to tita Lydia pero di ito sumasagot. Tita is really in pain.

“Sorry guys, my wife is not in her proper estate tonight.. sorry talaga..” — pagpapa-umanhin ni tito Andy dahil sa hindi na matutuloy ang simpleng party nito na kami-kami lang rin naman ang bisita.

“It's okay Andy.. mukhang kailangan muna ni Lydia mag pahinga. Uuwi rin muna siguro kami para mabigyan kayo ng time..” — pagpapaalam ni honey.

“Thanks.”pilit-ngiting baton naman ni tito.

Ilang pag-uusap pa muna ang ginawa nila bago kami tuluyang maka-uwi. Halos hindi ko maiwasan ang mapa-isip buong mag damag. Wala akong kaide-ideya kung saan pupunta si Lindy.. hindi kaya nasa bahay lang siya ng mga ugok na gin kapitan? Pero impossible, dahil kung andon lang siya kina Henry, Ethan, Manny, at Rey, eh bakit hindi siya pumapasok sa school ng mahigit dalawang linggo na? Tsk!



Kinabukasan ay agad akong pumunta sa ice cream shop para kausapin ang mga ugok kong tropa.

Pagkarating ko ay kantyawan sila ng kantyawan pero hindi ako sumali at pinag-katitigan lang sila.

Nag sindi ako yosi bago mag salita.

“Si Lindy, nawawala.” — direktang utas ko dahilan para matigilan silang lahat.

“Ha?” — tanong ni Rey na hawak pa sa batok si Ethan.

“Si Lindy, nawawala.” — pag-uulit ko.

Nakita ko ang pag kunot ng mga noo nila na animo'y nalilito sa sinabi ko.

“Anong nawawala?” — nalilitong tanong ni Manny.

“Tss.”daing ko atsaka inabutan sila ng yosi, tinanggap naman nila ito at sabay-sabay na nag-sindi. “She left.” — muling usal ko. Bigla naman silang sumeryoso at tumingin sa akin. “Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari, pero ngayon.. wala na siya.” — I added.

Kwenento ko sa kanila ang lahat ng nangyari kagabi, at tulad ng inaasahan ko ay bakas sa mga mukha nila ang pagka-gitla.

“W-what? Baka naman andoon lang siya kina Jao..” — usal ni Henry. Psh!

“Tss, ano yun, makikitira siya dun kasama ang bagong bebot ni Jao?” — umiiling na sambit ko naman.

“Eh kasi nakapagtataka namang umalis siya bigla ng walang pasabi at walang paalam. Wala rin manlang siyang sinabihan maski isa sa atin. Paano kung napano na pala yun?” — nag-aalalang tanong ni Rey.

“Eh paano kung nakidnap nanaman yun?!” — nag-aalalang usal rin ni Henry.

“Tss, malabo yun. Eh diba naka-kulong na yung mga ugok na kumidnap sa kanya dati?” — sambit naman ni Ethan.

“Eh paano kung ibang kidnapper na pala yung ngayon?” — muling utas ni Henry.

Napapa-iling naman akong binatukan siya.

“Kung kinidnap siya, edi sana dapat may nanghihingi na ng ransom ngayon.” — usal ko.

Hindi naman sila nagsalita at panandaliang natahimik.

“Eh paano kung ito pala talaga ang plano niya? Ang lumayo.. at kalimutan ang lahat?” — biglang usal ni Manny dahilan para lahat kami ay mapa-lingon sa kanya.

“Tss. Gagu! Ano yan kdrama? Eh sa mga palabas lang nangyayari yan eh.” — kontra naman sa kanya ni Ethan.

“Pero walang imposible sa taong nasasaktan.” — baton Manny.

“Ano namang ibig mong sabihin Mannisond?” — tanong ni Rey sa seryosong si Manny.

“Puro kalokohan to eh, napa-sobra sa kakanood ng drama.” — natatawang kantyaw naman ni Henry.

Sumimangot si Manny atsaka humithit sa kanyang sigarilyo bago pa muling mag salita.

“We all know that Lindy is in pain because of what happened between her and Jao... she lives alone, and apparently, wala siyang kasama para malagpasan lahat ng sakit na iyon.. We don't know what's running in her mind.. eh pano kung yung naiisip niya lang pala na way para maibsan yung sakit ay ang... lumayo?” — utas ni Manny habang tumatango.

Lahat ay natahimik at napa-isip. Tss. Mga ugok talaga.

“May punto si Manny. Hindi natin alam ang tumatakbo sa utak ni Lindy nitong mga nakaraang buwan.. Siguro masyado lang tayong nasilaw sa pagiging masiyahin niya kaya hindi natin napansing ganoon na pala katindi yung sakit nararamdaman niya.” — pag-sang'ayon ko.

Nitong mga nakaraang linggo ay parang walang nag bago kay Lindy. Masiyahin parin siya tulad ng dati, pero aware naman kami sa ginagawa niyang paghahabol kay Jao.

Hindi siya nagpapakita ng negatibidad tungkol sa nararamdaman niya, at napaka-tanga namin para hindi mapansin yung mga sakit sa likod ng galak na ipinapakita niya.

Namutawi ang katahimikan sa buong ice cream shop. Base sa kanilang itsura ay lahat sila ay pawang mga sang'ayon sa sinabi ni Manny.

Wala akong kaide-ideya kung bakit naging ganoon ang sitwasyon at kung ano ang nag udyok kay Lindy para biglang mawala. Lagi niya kasi kaming inuutusan na samahan si Jao para raw masigurado niyang maayos ang lagay nito, pero kapalit nun ang pag distansiya niya sa amin.. ayaw niya raw kasing umalis si Jao pag malamang kasama siya sa mga planadong lakad. Kumbaga siya ang nagpapa-ubaya para lang masiguradong okay si Jao. Tss, walang kwentang pag-ibig.

Hanggang ngayon ay nahahati parin ang utak ko sa sitwasyon nina Jao at Lindy. Wala akong kinakampihan dahil naiintindihan ko silang pareho. Kung iisipin ay napaka-kumplikado talaga ng sitwasyon nila na ultimo ako, hindi ko na hihilinging maranasan pa.

At kung totoo man ang haka-haka namin na desisyon talaga ni Lindy ang lumayo, palagay ko ay okay rin iyon para wala nang mahirapan pa. If moving away from everything will help her to restore her inner peace, I think it's more better that way.. pero syempre, ang desisyong iyon ay napaka-kumplikado rin lalo na't may mga magulang siya na nag-aalala. Basta I know for sure, kung nahihirapan man kaming mga naka-palibot sa kanya ukol sa desisyon niya, alam kong mas nahihirapan siya.




Matapos ang konti pang pag-uusap ay sabay-sabay kaming pumunta sa University para sa aming kanya-kanyang klase. Pagkarating naman sa university ay sabay-sabay rin kaming nag-lakad papunta sa center ng school kung saan kami maghihiwa-hiwalay dahil sa iba't-ibang building para sa aming course.

Bago pumunta sa dead end ng center field ay madadaanan ang faculty room kung saan naka-destino ang bawat profs.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng mapadaan kami sa isang room na bahagyang naka-bukas kaya naman ay maririnig ng kahit sino mang dadaan ang nag-uusap mula sa loob.

Lalaglas na sana kami ng bigla akong matigilan ng maka-rinig ako ng pamilyar na boses.

“S-sigurado ba kayong walang iniwang note ang anak ko?” — tanong ng tinig ng isang babae.. si tita Lydia.

Sinenyasan mo ang mga gin kapitan na huminto rin para makinig.

“Uy ulul ka, chismoso kana pala ngayon, Cloud?” — natatawang asar sa akin ni Henry.

“Shh, wag kang maingay.” — saway ko sa kanya atsaka hinila siya sa gilid ng pader para hindi kami makita.

Sumunod rin naman ang iba pa naming kasama na ngayon ay nalilito na dahil sa ginagawa naming pag-eeavesdrop.

“Ano ba kasing ginagawa natin dito? Bat tayo nakikinig sa usapan nila?” — reklamo ni Manny pero di ko siya sinagot.

Sinenyasan ko sila na manahimik para marinig ko ng mas maayos ang pinag-uusapan sa loob.

“Wala siyang iniwang notes or excuse letter, misis.. And based on her records, she's been absent for more than 2 weeks. Karamihan sa mga professors niya ay drinap na siya dahil dun, so I'm afraid that she might fail this semester, misis.” — malumanay na usal ng aming adviser.

“W-wala na 'bang ibang way para hindi siya mag fail?” — tanong ni tita.

“If she shows up today and explain her absence from the past weeks, baka magawan pa ng paraan, but if not, I'm sorry but we need to eliminate Ms. Valleña.. She will be repeating the subjects in the sem that she failed.” — baton ni prof.

Walang nag salita sa kanilang dalawa pagkatapos nun kaya naman ay napalingon ako agad sa aking mga kasama na katulad ko ay nakikinig rin.

“Wait.. yun yung mama ni Lindy diba?” — pangungumpirmang tanong ni Rey. Tinanguan ko naman siya bilang baton.

Kasalukuyan parin kaming nagtatago ng makita namin ang paglabas ni tita Lydia sa faculty room atsaka wala sa sariling nag lakad palayo.

She was too preoccupied to the point na hindi niya napansin ang paglabas namin mula sa aming kinatataguan.

Bago pa man siya tuluyang makalayo ay tinawag ko na siya, pero halos ilang beses pa iyong nangyari dahil masyado siyang wala sa sarili niya.

“Tita Lydia?” — pagtatawag ko sa ika-apat na pagkakataon, at sa puntong ito, agad na siyang lumingon sa gawi namin.

Halos magulat pa ako ng makita ang namumugto niyang mga mata na batid ko ay dahil sa mag damag na pag-iyak.

“Oh ijo?” — pilit na ngiting bati ni tita. Siguro kung hindi lang namumugto ang mga mata niya, baka mapagkamalan kong maayos siya.

“A-ano pong ginagawa mo dito?” — nauutal kong tanong kahit alam ko na naman ang rason.

Mag-isa lang si tita ngayon at parang wala pa sa sarili kaya naman ay hindi ko maiwasan ang mag-alala.

“Nagbabaka-sakali lang..” — baton ni tita na alam ko na ang tinutukoy. Agad na lumagpas ang tingin niya papunta sa aking mga kasama atsaka nginitian rin ang mga ito. “Hi boys!” — pagbabati niya.

Nakilala na niya ang mga gin kapitan dahil nung nasa ospital si Lindy ay madalas kaming dumalaw sa kanya pero dahil under treatment siya ay lagi kaming pinagbabawalan.

Isa-isang bumati pabalik ang mga gin kapitan na animo'y biglang naging maaming tupa.

“Saan po kayo ngayon pupunta tita?” — tanong ko ng makitang papaalis nanaman siya.

Naiilang siyang tumingin sa akin na animo'y hindi pa sigurado kung magsasabi ba ng totoo.

“I'm--- I'm going to find my... daughter.” — halos pabulong niyang usal.

At sa puntong binanggit niya ang salitang daughter ay halos magulat kami ng biglang sunod-sunod ang naging pag tulo ng luha niya.

Panandalian kaming natahimik at hindi maiwasang makaramdam ng awa para kay tita Lydia.

“P-pero tita.. paano niyo naman po siya hahanapin? Do you have plans?” — nauutal kong tanong.

“Wala pa akong plano eh. I just want to find my daughter.” — baton niya na ngayon ay ngumingiti habang lumuluha.

Magsasalita pa sana ako ng biglang mag ring ang cellphone niya dahilan para lumayo muna siya sa amin at sagutin ito.

Napa-tingin naman ako sa mga kasama ko na tulad ko ay bakas rin sa mukha ang awa.

“Yes Andy?” — paunang sagot ni tita sa katawag niya sa selpon. “.. I'm going to find our daughter... no... you don't need to come, I can do this alone...” — malamig na utas ni tita. Hindi ko man naririnig ang sinasabi ng katawag niya sa cellphone ay batid kong alam ko na ang pinag-uusapan nito. “... Hindi ako pupunta dyan sa kumpanya... no!... ha! sa tingin mo pupuntahan ko ang dahilan kung bakit wala ang anak ko sa tabi ko ngayon?! I don't care if the company needs me. I lost my daughter at wala na akong pake sa kahit na ano. I'm going to find her 'til my last breath.” — dugtong pa nito sa kausap niya sa cellphone then she hanged up.

Ilang segundo pa muna siyang nanatili sa ganoong posisyon bago siya humarap sa amin.

She is smiling but she forgot that her eyes shows the pain she's bringing.

“Mga ijo, I gotta go..” — pagpapaalam ni tita atsaka agarang tumalikod para mag lakad paalis.

“T-tita wait..” — usal ko dahilan para matigilan siya at muling lumingon sa gawi namin.

Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin kaya naman ay agad akong huminga ng malalim bago sabihin ang aking pakay.

“We're willing to help..” — panimula ko atsaka marahang ngumiti. “Pag mas marami po tayo, mas madali natin siyang mahahanap.. bilang mga kaibigan niya, handa po kaming tumulong para mahanap siya.” — dugtong ko pa.

And there, I saw a tears of hope flicker down from tita's face.




to be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

67.6K 2.5K 62
[[HIGHEST RANK ACHIEVED #1 in TeenLife]] Imagine a world kung saan merong apat na babaeng palaban at amazona, at apat na lalakeng sikat at hinahanga...
1.5M 20.8K 41
Hindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mism...
441K 7.2K 61
Paano ba makipagkaiban kung langit at lupa ang pagitan? Wala itong malditang nanay, wala rin itong bigayan ng pera para lumayo sa anak. Ito ay istory...
181K 4.2K 22
Gray Montefalco is a charmer and a chick magnet, ngunit ayon sa mas nakakakilala sa lalaki ay pihikan daw ito sa mga nakaka-relasyon nito. Kung gano'...