Road to your Heart: Starting...

By Kristinoink

2.2K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... More

Road to your heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 41

33 1 0
By Kristinoink

Kabanata 41

Understand

Bumyahe na kami nang mag alas kwatro. Ayaw kong matagalan kami lalo na at hinahanap ako ni Brent.

I was silent the whole trip. Si Xander rin. It was a comfortable silence though. Nakahawak lang siya sa kamay ko buong byahe. Maaga rin naman kaming nakauwi. Binaba lang ako ni Xander sa alfa mart dahil doon rin nag hihitay si Kuya Marcus. He hugged before we left.

And as usual I cried that night. Umiyak ako hanggang sa nakatulog na ako. Hindi alarm ang nagpagising sa akin kundi ang tawag ni Evan. Medyo mahapdi pa ang mata ko kaya hindi ako bumangon nang sagutin ang tawag niya.

"Rise and shine!"

Ungol lang ang naisagot ko sa pakantang bati niya.

"Aba gising na bakla! Bakit ka absent kahapon? Wala akong nakahalubilo ni isa sa mga pinsan mo kaya hindi ako nakapag tanong,"

Napadilat ako sa sinabi niya. Phew. Mahihirapan ako kung sakaling may nakausap nga siya sa pinsan ko.

"Isa pa, naka ignore ba mga messages ni Vaughn sayo?"

Umiling ako.

"Hindi," sabi ko sabay bangon. Mukhang matagal akong dadaldalin nito.

"Talaga? Sabi niya kasi nagtext siya kahapon. Nag chat din pero wala ka raw reply. Sabi ko baka hindi mo nakita."

Nakita ko. Kaya lang nung papauwi na kami tsaka ko kang nabasa at wala ako sa wisyo para makapag reply.

"Hindi ako nakatututok sa phone kahapon. Titignan ko na lang mamaya,"

"Narinig mo na ba yung chika? Guilty rin yun kaya di mapakali at akala on purpose mong hindi pinapansin."

"Bakit? Anong meron?"

"Ay jusme. Saan ka bang lumaplop nagpunta at hindi ka nakasagap ng balita?"

Umirap ako.

"Ano nga?"

"Nako iyang bestfriend mo nilalapitan si Vaughn! Mukhang nilalandi ata bakla."

"Sino?"

"Aba edi si Chinky! Balita ko nga iritadong iritado si ate mo Chloe 'e. Missing in action din naman si Xander kahapon kaya walang humatak palayo kay Chinky."

Pumasok na ako sa banyo habang patuloy na nag kukwento si Evan. Akala niya talaga ngang hindi ko pinapansin si Vaughn dahil doon. Of course not. That's nothing to me. He's nothing but a friend and if someone is hitting on him then it'll be totally fine for me.

Kung anu ano pang chismis ang naibalita sa akin ni Evan. Nag paalam lang siya ng mukhang tinawag siya ng kuya niya. Doon lang rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mga mensahe mula kay Vaughn. Nireplyan ko muna ang good morning text ni Xander bago replyan si Vaughn.

Vaughn: Hi Jes. Nagkausap kami ni Chinky.

Vaughn: Nasa inyo ka pa? I can pick you up.

Vaughn: Hindi ka raw pumasok? Nakausap ko si Marcus.

Wala naman masama sa mga text niya kaya nireplyan ko siya bago ako maligo. Maaga pa masyado kaya pambahay muna ang sinuot ko bago bumaba. Wala na sila monmy at daddy pati na rin si Brent. Si Kuya Ken lang ang naabutan ko na nasa kusina at kumakain.

"Morning," Bati ko.

"Good morning,"

Kumuha ako ng plato at kubyertos ko bago naupo sa tabi niya. Busy siya sa cellphone niya habang kumukuha naman ako ng waffles at nilalagay sa plato ko.

"Jes,"

"Yep?"

"What's your deal with Vaughn?"

Hindi ko naituloy isubo ang kakatusok ko lang na waffles dahil sa tanong ni kuya. Anong meron kay Vaughn?

"Wala? Bakit?"

"He'e talking about you ignoring him. Alam mo bang sinadya pa siya ni Chinky sa Pocholo's kahapon para kausapin?"

Tumango ako at tahimik na sumubo ng waffles. What's with people today? I mean ano naman kung nag usap sila. Wala naman iyon sa akin. Bakit ako pa ata ang center ng usapan?

"Nakwento ni Evan kaninang umaga. Ano bang meron dun?"

"They are all assuming that you're jealous. Actually it's Krisha who's assuming. Pinaniwalaan na lang ng iba. Ikaw nga ang laman ng usapan sa gc namin,"

Hinarap niya sa mukha ko ang cellphone niya kung saan naka bukas ng ang group chat nilang mga lalaki. Hindi ko naman nabasa dahil binawi niya agad.

"Are you jealous?"

Kumunot ang noo ko at walang pag aalinlangang umiling.

"I knew it. You don't like Vaughn, right? OA lang ang mga 'to," hinarap niya ang cellphone niya.

Akala ko tatantanan na niya ako pero nang natapos siyang kumain ay may pahabol pa.

"I don't like these kind of issues, Jessica. Lalo na sa mga ganitong chismis tapos hindi naman pala totoo. Linawin mo kay Vaughn kung ano lang kayo. Naiirita na ako sa ganito,"

Tumayo siya at binitbit ang plato sa lababo. Natunganga naman ako sa sinabi niya. Nakabawi lang nang tuluyan na siyang umakyat sa taas. What's with people today?

Later today Xander picked me up. Nanumbalik na naman ang kaba ko dahil ihahatid niya ako. Kaya naisip ko na sumama na lang ako sa parking lot kay Xander. Doon na lang ako bababa at hindi na magpapaalam sa kanya para kunyari wala na lang.

Akala ko magandang idea na iyon pero nagkataon na isang sasakyan lang ang pagitan ng sasakyan ni Xander sa sasayan ni Vaughn. Mukhang badtrip na si Xander nang napansin niya iyon. Hindi ko pa sa kanya naikukwento ang mga text ni Vaughn pero tingin ko ay alam naman na niya iyon kung ako nga ang laman ng usapan nila sa group chat nila.

Kakapark lang rin ni Vaughn kaya kung bababa na kami ngayon makakasabay namin siya.

"Paunahin na lang natin siya," sabi ko kay Xander.

"Why? Pwede na tayong bumaba ngayon, Jes."

Ngumuso ako.

"Makikita niya tayo,"

"People will think different when they see you with me than with him. It's fine. Para na rin di ka lapitan,"

Hindi pa ako nakakapagdesisyon pero binuksan na niya ang pintuan niya. Kakababa lang ni Vaughn at hawak niya ang phone niya. Saktong tumunog rin ang cellphone ko hudyat na may notification. Narinig iyon ni Xander kaya nilingon niya ang phone ko na nasa dash board.

Mabilis kong kinuha iyon at tinignan. Pinagdasal ko sanang hindi si Vaughn iyon pero tama ang hinala ko.

Vaughn: School ka? Can we meet? I'll go to your building.

Imbis na replyan siya ay si Margou ang tinext ko.

Ako: Marg, saan ka? Punta ka dito sa parking lot.

Mabuti na lang at mabilis na nagreply si Margou.

Margou: Infinitea. I'm with dikong and Kier. Why?

Nakaikot na si Xander at pag bubuksan na niya ako ng pinto kaya binilisan ko na lang ang pagtatype.

Ako: Need u here asap. I'm w/ Xander. Andito si Vaughn.

I managed to send the message right after Xander opened the door.

"Antayin na lang kaya natin na mauna siyang umalis?"

"What did he text you?" Binaliwala niya ang sinabi ko.

He sounds so cold right now. Alam na niya siguro and of course hindi siya matutuwa.

"Uh..."

"Can I see your phone?"

Nilahad niya ang kamay niya kaya walang pag aalinlangan kong binigay ang cellphone ko. He's covering me with his body. Narito pa ako at siya naman ay nasa gilid ko. Naroon si Vaughn at nakatayo sa dulo ng sasakyan niya. What a coincidence that he's just standing there?

Tinitignan ko lang si Vaughn at nagdadasal na sana umalis na siya ng bigla siyang lumingon sa banda namin. He won't see us because the pick up is tinted but I thi k he knows we are herw. Binalik ni Xander ang cellphone ko sa akin kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"I replied. Let's go, baby."

Nanlaki ang mata ko. Anong sinabi niya?

I unlocked my phone but I saw Vaughn walking towards us. Nagpanic ako na baka makita niyang ganito kami kalapit ni Xander kaya kahit na hindi ko pa nakikita ang cellphone ko ay bumaba agad ako at lumayo kay Xander.

He eyed me annoyingly before shutting the door close. He muttered some curses under his breath but I'm too panicky to get it.

Ako: One car from your left. I'm with Xander. What do you need?

Iyon ang reply ni Xander. It sounds rude to me. I wouldn't text Vaughn like this pero hindi naman kasi talaga ako ang nagtext nito.

Lumitaw na si Vaughn sa paningin ko kaya napilitan na akong ngumiti. I need you, Margou.

"Hi, Jes."

"Vaughn," ngumiti ako sa kanya.

"Bro," tinanguan niya si Xander na nasa likod ko. Hindi ko nakita kung anong sinagot ni Xander dahil ayaw ko siyang lingunin.

Nasaan na si Margou?

"You did not reply to my texts, Jes. May sakit ka kahapon?"

"Uh-"

I was interrupted by Xander's ringtone. Sabay pa tuloy kaming lumingon ni Vaughn sa kanya. Lumandas pa ang malamig na paninitig niya sa akin bago sinagot iyon at tinalikuran kami. He didn't even apologized for interrupting. He'w really pissed.

"As I was saying-"

"Bro? What? Hindi kita marinig?! What were you saying?" I was again interrupted by Xander. Halos humiyaw na siya sa kausap niya sa cellphone. And I'm sure it was intentional.

Tumunog rin ang cellphone ko para sa isang text mula kay Margou. It's rude to peak at my phone in front of Vaughn but I really want them to get here as soon as possible.

Margou: Ano bang nangyayari? Why the hell is Xander speaking so loud? Halos mapapreno si Kier habang kausap siya sa phone.

I knew it.

"Uh Jes can we talk somewhere private? I'll walk you to your building."

"H-huh?" Napataas ako ng tingin kay Vaughn.

"Oh!" humalakhak si Xander pero hindi ko na nilingon. "You can't dude. No. No."

Kung pwede lang na umirap na ako. Mukha pa siyang nag eenjoy kahit na nasa alanganing sitwasyon na kami.

I heard a horn. Nagpark si Kier sa tabi ng sasakyan ni Xander at halos lumuhod ako sa pagpapasalamat narito na sila. Mabilis na bumaba si Margou sa back seat.

"Hey, cousin!" Si Deo.

"Dude," Kier nodded at Vaughn.

Lumapit sa akin si Margou. She eyed me meaningfully.

"Bakit narito kayo? Vaughn nag aaway sila?" si Deo na naglalakad na papunta kay Xander.

Tinapunan siya ng masamang tingin ni Xander.

"Balita ko nagseselos ka raw, Jessy?" Ginulo ni Kier ang buhok ko.

"Ha?" I acted innocent sabay tingin kay Xander. Inirapan niya ako. Aba't.

"Shut up, Kier. It was all an assumption by Krisha," si Margou bago nilingon si Vaughn na siyang nakatingin din sa kanya.

"Ah! Kaya kayo narito?" si Deo. "Edi dapat umalis na tayo. Tara na, Marg. Mag uusap pa sila,"

Sinubukan niyang hatakin si Xander pero hinawi siya nito. Oh boy. He's in beastmode.

"They can talk while we're here. Hindi naman pribado ang topic." masungit na sabi ni Xander.

"Pero mas maganda kung sila na lang ang mag usap. Tara na," si Kier naman. Parang asong patango tango si Deo sa gilid ni Xander.

Nagkatinginan kami ni Margou. She's my last hope. Though I know I can reject Vaughn even when it's hard. Ayoko lang na mapahiya siya sa harapan ng nga pinsan ko. Chismoso pa naman si Deo.

"Actually kakausapin ko talaga si Jessica kaya nagmamadali akong magpunta dito. Why not mag hiwa hiwalay na tayo..."

Aniya at nilingon sila Xander.

"Dikong pumasok na kayo," aniya kay Deo. "Sabay sabay na lang kami nila Vaughn para makausap ko rin si Jessica pagkatapos nila."

"Alright." Si Kier na nauna nang maglakad. "Shooters mamaya ha!" sigaw niya.

"Bruh, tara!" si Deo na hinahatak na sa balikat si Xander pero ayaw nito magpatinag. Nagkatinginan kami. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

"Huy! Tara na dude! Kaya na ni Jessica yan!" Si Deo.

Konting pilit pa ay sumunod na rin si Xander.

"Margou," Tumango siya kay Margou bago tuluyang tunalikod at sininghalan si Deo na nangungulit.

"So? C'mon?" si Margou.

Naglakad kami papunta sa building ng senior high. Nasa likod lang si Margou at mukhang abala sa cellphone niya habang nagkukwento na si Vaughn sa akin.

"I only thought it was a friendly talk kaya sumama ako sa kanya sa labas. She's nice at first until she tried to kiss me."

Napa awang ang labi ko sa impormasyon na galing sa kanya. Ang hirap talaga intindihin kung anong tumatakbok sa utak ni Chinky.

"And it's not that I'm assuming but I don't want you upset."

Huminto siya kaya huminto rin ako. Saktong nasa tapat na kami ng building kaya ayos lang. Masyado pa atang abala si Margou kaya bumangga siya sa likod ko nang di namalayan na huminto kami.

"Sorry," aniya sabay balik sa phone niya. "Wala..." Bulong pa niya pero hindi ko na pinansin.

"I'm not upset at all Vaughn..."

Ngumiti ako sa kanya.

"Oh!" Napakamot siya sa ulo. I bit my lip. That cane out wrong I think.

"I... I mean I don't mind seeing you with other girls, Vaughn. We're friends and I support you liking other ladies. It's..." It's so fucking hard. "It's totally fine."

"Ano? I don't like other girls, Jessica. Malinaw naman kung sino ang gusto ko." I was taken a back by his tone.

Nagulat din si Margou. I heard something from her phone pero hindi ko mapag tuunan ng pansin dahil kay Vaughn. Medyo ibinaba ni Margou ang phone niya at sinulyapan ako.

"Uh..." Napayuko na lang ako dahil wala akong masabi. I have rejected him many times and this is the first time that his tone changed.

"Taon na yung meron, Jes. I can't..." Yumuko siya. Nagkatinginan kami ni Margou.

"I... I don't get you, Jessica. Seriously." He ran his fingers through his hair. He licked his lip. Umiling iling siya at pagod akong tinignan. Yumuko lang ako.

Hindi na nag paalam si Vaughn kahit kay Margou nang tuluyan niya kaming iwan roon. Pinanuod ko pa siyang maglakad hanggang sa nawala siya sa paningin ko. My chest is hurting.

"That's not a good one," hinarap ako ni Margou. Kasabay nun ang pag bulsa niya ng cellphone niya.

"Yeah..." Yumuko ako.

"Don't worry about it. Mas ayos na iyon. Ang hirap na umaasa pa rin sayo si Vaughn kahit na... You know..."

Tumango ako sa kanya. Tama naman. Pero ang hirap lang pag taong sumasama ang loob sayo tapos hindi mo alam kung paano mo gagawan ng solusyon.

"Umakyat ka na. Xander will kill me for what happened..."

Ngumuso ako.

"Ako na lang ang mag sasabi kay Xander, Marg."

Ngumisi siya.

"I bet you will. Napag taasan ka ng boses ni Vaughn. Xander will flip shit for that."

Umiling ako. It's a terrible idea na sabihin kay Xander. But I saw familiar faces earlier. Kakalat rin naman 'to at malalaman din niya. Pero mas magandang ako na lang.

"I can manage. Isa pa may night out mamaya Vaughn will be there. Mahirap kontrolin si Xander,"

"Mahirap samin, yes. Sayo hindi. He's like a dog to you," humalakhak siya. "Anyways. Pumasok ka na. May exam pa ako. Sa inyo na lang ako gagayak mamaya para sabay tayo."

Nagpaalam rin si Margou kaya tumuloy na ako sa room. Nasa 2nd floor lang pala nun si Evan kaya nakita niya raw ang nangyari. Mabilis lang na umakyat sa floor namin nang nakitang umalis nansi Vaughn kaya yun din ang salubong niya.

"He burst out. Grabe yun. I saw someone filmed it. Sa taas ata. Another chismis na naman yan."

Umiling na lang ako. Hindi naman sana ako artista kaya bakit ganon na lang kung makiusyoso ang tap sa buhay ko. Sa buhay namin.

Magkatext kami ni Xander kaya tingin ko hindi pa niya alam. Tinanong lang niya kung umalis na ba si Vaughn pero wala siyang tanong tungkol sa napag usapan namin.

"Parang kahapon lang usap usapan na nag seselos siya. Ngayon ito naman. Another episode of "Basted with the A featuring Vaughn Ocampo"."

Parang bumabaligtad tuloy ang sikmura ko hanggang sa matapos ang klase. Nagtext si Kuya Marcus na siya ang susundo sa akin. Baka gusto na rin niya akong kausapin sa nangyari. Luckily Margou was already there with my brother. Hindi ko nga lang alam kung nasaan si Xander.

"Basted na naman si Vaughn?"

Bungad ni Kuya pagka sakay namin tatlo sa sasakyan niya. Nasa likod si Margou pero kasali pa rin sa usapan.

"Of course! But he didn't have to lash vis anger out of Jessica. Ilang beses nang nabasted ayaw pa lumubay," irap ni Margou.

"Oo pero bago yun. I bet you 5k magpapakalasing yun sa shooters pa lang,"

"Wag na lang kaya akong sumama?" I bit my lip. Ayokong makita na ganon si Vaughn. Intentionally or not I'm still the reason why he is mad.

"Then what? Di rin sasama si Xander? That will be suspicious," ani Margou.

"So paing ang kapatid ko?" Sumulyap si Kuya sa rear view.

Tumango si Margou. "I'll be with Jessica. Ikaw na ang bahala kay Xander. Kung lalapit man si Vaughn I'll have dikong- no mang aasar pa yon. I'll have Ken or Kier para palayuin si Vaughn."

"Planado na ha," si Kuya Marcus at sumulyap sa akin.

"Yeah. Just get along with it."

Nag ayos na kami ni Margou pagkatapos namin kumain. Binilinan lang ng kung anu-ano ni mommy si Kuya Ken at Kuya Marcus bago kami tuluyang nakatayo sa lamesa para makapag ayos. Habang naliligo si Margou ay nag usap kami ni Xander. And I was right that he already know about it.

"I don't like that he raised his voice on you. Bakit hindi pa kasi tanggapin na basted na nga."

"It's fine, Xander. It's a normal reaction-"

"Baby, it's not! Believe me. Wala siyang karapatan-"

"Oo nga pero hayaan na lang..."

He was silent for a moment until I heard him groaned.

"Your kindness is killing me, baby. And it's pissing me more when I realized that your too soft on Vaughn."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Too woft on Vaughn? Ha?

"Anong ibig mong sabihin?"

"We always fight and believe it or not you always offend me back then but you're not this affected. You're not this kind! Iniirapan mo lang ako. And now you're so kind towards Vaughn. Makes me want to break his nose now."

Speechless. Wala akong masabi. This side of Xander never fail to surprise me. His whining like a baby!

Binaba ko na ang tawag namin nang lumabas na sa banyo si Margou. That brief call from Xander made me feel a little good now. But I'm still considering to just stay home. Pero hindi papayag si Margou syempre.

Ako naman ang nagbihis at gumayak. Ripped jeans at tank top ang suot ko. Gusto ko kasing makagalaw ng maayos. Mamaya mag aya sila sa mas magulong bar lalo na at kakatapos lang ng exam. Vans lang ang naipartner ko at maliit na shoulder bag. Nag hihintay na lang pala sila Kuya Ken at Kuya Marcus sa amin sa baba kaya nang nakita kaming pababa ay tumayo na sila.

"Tagal gagayak," Kuya Ken hissed. Tumawa lang ako.

Hindi na magdadala pa ng sasakyan si Kuya Ken. Sa sasakyan kami ni Kuya Marcus sasakay. Pareho kaming nasa likod lang ni Margou. It's already 9 pm. Hinintay pa kasing matapos ang huling exam ni Chloe kaya sakto lang rin ang dating namin. I texted Xander that we're on our way. Papunta na rin pala siya kasama si Deo. Si Travis ang sumundo kay Kelsey at Ayana. Kasama na ni Kier ang mga kapatid niyang sina Chloe at Chantal.

"Kuya hinto mo sa 7-11,"

Yun ang ginawa namin bago tuluyang tumulak sa The Shooters. Siguradong maraming common friends ang mga pinsan ko rito. Ako at si Evan lang ang magiging senior high dahil puro college ang narito. Hindi nga ako nagkamali nang maka akyat na kami. Kayang makihalubilo ni Evan dahil ang iba dito ay dapat kaklase niya. Agad niya akong inabutan ng beer ng makita ako.

Nahagip ko agad si Xander na naka upo sa mga bar stool at may hawak na beer. Nakatingin na agad siya sa akin at parang hindi nakikinig sa kung anong binibida ni Kier at mga kaibigan nito.

"Nakaka isang Jack na yan," bulong niya sa akin sabay turo kay Vaughn na naglalaro ng pool.

Hindi na ako naka sagot dahil sinalubong na rin ako ni Chloe.

"Ey! Tagal nyo ha!"

Lumapit na agad si Kuya Ken sa grupo nila Vaughn. Si Kuya Marcus naman ay lumapit na agad kay Xander.

"Doon tayo sa table. Natagalan kayo?" Bumaling si Chloe kay Margou habang naglalakad kami papunta sa table.

"Ken bought cigarettes kaya natagalan,"

Naroon na sila Krisha, Jelina pati ang mga pinsan kong babae. Sa amin na rin naki upo si Evan. Nasa grupo nila Xander ang Kuya ni Evan pati na rin ang kuya ni Vaughn.

"Vaughn is a little wild today," si Jelina sabay baling sa akin.

Ngumuso si Krisha habang pinapanuod ang kapatid na tawa ng tawa.

"Broken ata,"

"Nako. Bakit kasi ayaw pa niyang tantanan itong si Jessy. Ilang beses nang nabasted ayaw pa paawat," si Ayana.

Hindi naman na sumagot si Krisha. Buti na lang at naiba ang usapan nang magbukas ng bagong topic si Evan.

Hindi nga umalis sa tabi ko si Margou. Puro tinginan lang ang nagagawa namin ni Xander. Sinubukan kong kunin ang cellphone ko pero binawalan ako ni Margou kaya kahit pagtext kay Xander ay hindi ko magawa.

Tumatagal ang oras at iba-iba na ang nagiging topic sa lamesa namin. May mga time na lumalapit ang mga lalaki sa lamesa namin. If it's another day I would see Vaughn here. Offering me drinks and such but today is different. Minsan lang siyang sumulyal sa lamesa namin. Nawala pa ang ngiti nang magtama ang mata namin.

Everything was fine until someone yanked Chloe's arm. Tumili siya dahil natapon ang beer na hawak niya. Nabasag iyon at naka agaw pansin. Sabay sabay kaming tumingin at nakitang si Dave iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

32.3K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
2.5K 318 43
Sabrianna Dela Cuesta Contreras, was so blessed enough. She have all the things she wanted. She have a perfect family that loves her even her flaws...
4.3K 237 22
Jendra's Menphis mission maybe dangerous, but her job was simple enough. Bilang si JC ay kailangan niyang makipaglapit, protektahan at iligtas mula...
336K 19.4K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong