School of Myths: Ang ikalawan...

De chufalse

751K 16.2K 2K

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon... Mais

Prologue
Chapter 1: Ang mga bagong transfer student.
Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o
Chapter 3: Sa pagbabalik ng mga Draken.
Chapter 4: Sa ilalim ng katauhan ni Luke Ainsgate.
Chapter 5: April Swatzron.
Extra Chapter: The family members of the Vampire clan.
Chapter 6: Ang mga Isenhart.
Chapter 7: Combat Practice.
Chapter 8: Jigo Lancelot
Chapter 9: Poisedon Tidalsea Olympus.
Chapter 10: Lalakeng may pulang buhok.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 2. xD
Chapter 11: Alex Nightmiere at ang isinumpang sandata.
Chapter 12: Evis City
Chapter 13: Evis City part 2.
Chapter 14: Aviona.
Chapter 15: False of Truth Castle.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 3. xD
Chapter 16: Ang muling pagkikita.
Chapter 17: Pagbalik sa Odin city.
Chapter 18: Mishia Crimson.
Chapter 19: Mga hindi inaasahang pangyayari.
Chapter 20: Ang Lihim sa likod ng Vielzkud family.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 4. xD
Chapter 21: Special Myths' exam.
Chapter 22: Hudyat
Chapter 23: Ang simula.
Chapter 24: Nakaraang tatlong daang taon
Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2
Extra Chapter: Nang makilala ng mga karakter ang kanilang lumikha.
Chapter 26: Nakaraang tatlong daang taon. Part 3
Chapter 27: Pagpupulong ng bagong alyansa.
Chapter 28: Nakaraang tatlong daan at tatlumpong taon.
Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.
Chapter 30: Ang pagwawakas ng dalawang lahi.
Chapter 31: Sa pagpapatuloy na mga paglalaban.
Extra Chapter: Behind the scene part 3.
Chapter 32: Ang anak ng mga makasalanan.
A halloween special: Scary Mount Olympus.
Chapter 34: Mga hindi inaasahang pagdating.
Chapter 35: Nawawalang kaibigan sa nakaraan.
Extra Chapter: Side story - Chris Crescentmoon at Sai Kerberos
Chapter 36: Pagpapaliwanag
Chapter 37: Sa pagbubukas ng katotohanan.
Chapter 38: Reign Icarus.
Chapter 39: Ang pagpapatuloy sa hindi natapos na paglalaban.
Chapter 40: Mga natitirang mapayapang araw.
A new year's special: School of Myths X Charm Academy
Chapter 41: Mga paghahanda.
Chapter 42: Pagsalakay.
Chapter 43: Nalalapit na pagtatapos.
Chapter 44: Sa wakas.
Afterwords - January 07, 2015.
Special chapter: chufalse' kagaguhan awardings
A valentine's special: School of Myths X Charm Academy. Part 2

Chapter 33: Paglisan

9.3K 256 34
De chufalse

July 08, CS242. Araw pa rin ng myerkules at sa mga sandaling ito ay magkakasama na sila Hades, Eclaire, Poseidon at Sophia. Samantala, napupuno naman ng mga tanong ang isipanan ni Zeus dahil sa kaniyang nakikita ngayon. Sa punto ding ito ay may naalala siya matapos mabasa ang listahan ng mga bagong transfer sa kaniyang paaralan nitong mga nakaraang araw lang.

 

*** Flashback! xD ***

June 19, CS242. Umaga sa loob ng tanggapan ni Zeus. Sa ngayon ay may mga papeles siyang binabasa at nakabilang dito ang mga bagong transfer student.

“Carl Culwen, Luke Ainsgate at Sophia Eldritch. Eldritch? *Fufufufu.. Kung ganon ay may isang Eldritch pa pala ang nakaligtas.” Sambit ni Zeus.

Matapos mabasa ay agad ibinasura ni Zeus ang papeles na ito at muli ay nagsalita.

 

“Sige lang at hahayaan ko kayong makapasok sa loob nang aking paaralan, pero natitiyak kong hindi rin magtatagal ay masisira ang mga plano mong ito, Hades. *Fufufufu.. *Wahahahaha! Masayang pagkakasambit ni Zeus.

Pero ang hindi niya alam ay may pumasok sa kaniyang kwarto at nasaksihan nito ang kaniyang naging pagtawa.

 

“Sir Zeus? Okay lang ba kayo?” Tanong ni Driego.

 

“*Heh?” Nagtatakang pagkakasambit ni Zeus.

Sa mga sandaling ito ay agad ng ibinalik ni Zeus ang kagalang-galang niyang pagkatao at hindi na pinansin pa ang tanong ni Driego. Laking pagtataka naman ni Driego, pero gayunpaman ay sinabi na niya ang kaniyang pakay sa kanilang principal.

 

*** Flashback end! xD ***

 

“Imposible ang bagay na ‘to!” Gulat na pagkakasambit ni Zeus.

 

“Gusto ko nga pala siyang ipakilala sayo. Siya si Sophia Eldritch ang anak ni Sonia.” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

Nanlaki ang mga mata ni Zeus matapos marinig ang mga sinabi ni Hades at hanggang sa ngayon ay hindi niya magawang gumawa ng kaukukang aksyon.

 

“Anak…ni…Sonia ang batang yan?” Gulat at mabagal na pagkakasambit ni Zeus.

 

“Tama ka! At naparito ako para bawiin ang labi nang aking ina.” Sambit ni Sophia.

Sari-saring mga tanong na ang lumalabas sa isipan ni Zeus. Batid niyang imposible ang bagay na ‘to, dahil alam niyang walang naging ka-relasyon si Sonia bukod sa kaniya.

 

*Fufufu..  Aaminin kong nagulat ako pero hindi ako malilinlang ng inyong mga salita. Dahil bukod sa inyong lahat ay ako ang labis na nakakakilala kay Sonia.” Sambit ni Zeus.

*Fufu.. Alam kong sasabihin mo ang mga salitang yan, pero ano sa tingin mo? Bakit kaya hindi tinablan ng ginawa mong pag-atake si Sophia? Hindi naman immune sa kidlat ang mga Eldritch, diba?” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

Muli ay ikinagulat ni Zeus ang kaniyang mga narinig at dito ay naisip niya ang isang imposibleng pangyayari.

 

“Wag mong sabihing…” Gulat na pagkakasambit ni Zeus.

 

“Tama ang iniisip mo Zeus. Anak nyo siya ni Sonia.” Sambit ni Poseidon.

 

“Ngayon Zeus, ano ang pakiramdam ng kalaban mo ang sarili mong dugo’t laman?” Sambit ni Eclaire.

 

“Pero imposible! Papaanong hindi ko nalaman ang tungkol sa bagay na ‘to?!” Gulat na pagkakasambit muli ni Zeus.

“Simple lang. Itinago ito sayo ni Sonia at nang maipanganak niya si Sophia ay ikinulong niya ito gamit ang Nilfleheim ritual, ang “Frost Time Cage”. Ipinagkatiwala sa’kin ni Sonia ang inyong anak at kahit ano daw ang mangyari ay hindi mo dapat malaman na nagkaanak kayo. Hindi ko alam kung ano ang rason nung mga panahong yon, pero nalaman ko din ito matapos mo kaming lokohin.” Sambit ni Poseidon.

*** Note: Ang Nilfleheim Ritual “Frost Time Cage” ay isang mataas na uri ng spell na bukod tanging mga Sorcerer/Sorceress lang ang makakagawa.

Sa paraang ito ay ikinukulong nila sa isang hindi nababasag na kristal ang isang nilalang at sa ilalim ng ritual na ito ay mapapahinto nila ang oras nang sinumang sasa-ilalim sa kapangyarihang ito. Tumatagal ito ng panghabang buhay at tanging mga Sorcerer/Sorceress lang din ang makaka-sira ng kristal upang makasunod/magsimula sa tamang takbo ng oras ang sinumang nasa loob nito. ***

 

(Note: Nagawang mabasag ni Poseidon ang Frost time cage na sisidlan ni Sophia, dahil taglay niya ang DNA ng isang Sorcerer. At ang bagay na ito ay nalaman niya sa tulong din ni Sonia at nangyari ito nung oras na ipinagkatiwala niya ang kaniyang anak dito. xD)

“Anak..” Mabagal na pagkakasambit ni Zeus.

“Totoong nagmula ako sa genes mo, pero labis ko yong ikinahihiya. At wag mo akong tawagin anak, dahil hindi kita itinuturing bilang aking ama!” Sambit ni Sophia.

“Masakit ba Zeus? Pwes mas matindi pa sa mga nararamdaman mo ngayon ang dinanas na’min ni Sonia matapos mong ipaubos ang aming lahi.” Sambit ni Eclaire.

 

“Uulitin ko sayo! Nasaan ang katawan ng aking ina?!” Sambit muli ni Sophia.

Hindi magawang magsalita at kumilos ni Zeus sa mga sandaling ito at ilang sandali pa nga ay isa-isa ng pumatak ang luha sa kaniyang mga mata.

Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng grupo nila Hades, bagkus ay ginamit pa nila ang pagkakataong ito para umatake. Agad kinuha ni Sophia ang sandata ni Hades at kalaunan at mabilis na sinugod si Zeus.

 

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOOOSH! SHAAAAAAAAAAAAAAK! ***

“*Cough! *Cough!” Hirap na pagkakasambit ni Zeus.

Mabilis at walang kahirap-hirap na nai-tarak ni Sophia ang Doombringer ni Hades sa katawan ng kaniyang ama. Napangiti na lang si Zeus at kasabay nito ay niyakap ang anak na kasalukuyang tangan ang isang makapangyarihang sandata habang nakatarak sa kaniyang katawan.

*** Note: Ang “Doombringer” ay ang sandata ni Hades. Gawa ito sa isang hindi tukoy na bakal na matatagpuan sa pinaka ilalim ng mga magma. Labis na makapangyarihan ang sandatang ito, dahil na rin sa taglay nitong katangian. At bukod sa hindi ito nasisira ay labis nitong pinahihina ang sinumang masugatan nito. Sobrang init din ng talim nito at dahil dito ay nagagawa nitong mapahinto ang mabilis na paghilom ng isang sugat, kahit gamitan pa ito ng healing spell. *** 

“Patawad.. Hindi ko nagawang protektahan ang iyong ina. *Cough! *Cough! Patawad dahil labis akong nagpadala sa aking galit laban sa inyong lahi. At labis kong pinagsisihan ang bagay na yon matapos masawi ng iyong ina. *Arrgh! Hirap na pagkakasambit ni Zeus.

 

“Nasaan ang katawan ng aking ina?” Sambit ni Sophia.

*Arrggh! *Cough! *Aahhh… Nasa loob ng Six element of wisdom ang kaniyang katawan. Isa yong espesyal.. *Cough! Isa yong espesyal na kwarto sa loob ng aking tanggapan at tangin ako lang ang makakapasok. Pero makakapasok ka don dahil.. anak kita.” Hirap na pagkakasambit ni Zeus.

*** SFX: SHIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIK! ***

 

“*Uwaaah! *Cough! *Cough!” Hirap na pagkakasambit ni Zeus.

Matapos marinig ang mga sinabi ng kaniyang ama ay mabilis na hinugot ni Sophia ang sandata at kalaunan ay mabagal na naglakad patungo kila Hades. At nang tuluyang makalapit ay inabot na ni Sophia ang sandata sa tunay na nagmamay-ari nito, si Hades.

Samantala, agad namang napa-upo si Zeus at kalaunan ay napa-sandal sa isang pader, dala na rin ng labis na panghihina matapos biglang hugutin ni Sophia ang sandatang itinarak nito sa kaniyang katawan.

“Tayo na po.” Sambit ni Sophia.

“Nauunawaan ko.” Tugon ni Hades.

 

“Mauna na kayo, may sasabihin pa ako dito kay Zeus.” Sambit ni Eclaire.

 

“Kung ganon ay sasamahan kita, Eclaire.” Sambit ni Poseidon.

 

“Okay lang ako. Ang mabuti pa ay sumama ka na rin sa kanila, Poseidon.” Sambit muli ni Eclaire.

 

“Okay sige, pero mag-iingat ka.” Sambit muli ni Poseidon.

Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad papaalis sila Hades at ilang sandali pa ay tuluyan ng nawala ang mga ito.

*Fufu.. *Cough! *Cough! Tama nga ang sinabi ko dati.. Tanging babae lang ang magiging kahinaan ko! *Fufufu.. *Cough! *Cough! *Arrgh!... Siguro naman ay masaya ka na at na-ipaghiganti mo na ang inyong lahi?” Hirap na pagkakasambit ni Zeus.

“Hindi pa! Hanggat hindi ko pa napapatay ang mga Isenhart na kapanalig mo ay hindi maaalis ang galit kong ito. Pero Zeus, alam mo bang ginusto ni Sonia na masaksihan mo ang ginawa kong pagpatay sa kaniya?” Sambit ni Eclaire.

Kahit unti-unti ng nawawalan ng malay si Zeus ay nagawa pa rin nitong magulat, dahil na rin sa kaniyang mga narinig.

“Sa totoo lang ay tutol ako sa plano niyang ‘yon, pero hindi ko na talaga siya mapipigilan pa. Kung hindi daw siya mamatay ay muli lang siyang magkakamali, dahil yon sa labis niyang pagmamahal sayo. Alam niyang sa paraang yon ay labis kang masasaktan at yon na rin ang paraan niya ng paghihiganti.” Sambit muli ni Eclaire.

Sa mga sandaling ito ay tuluyan ng umagos ang luha sa mga mata ni Zeus at ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nasawi.

Samantala, habang tinatahak ang daan patungo sa tanggapan ni Zeus ay hindi magawang pigilan ni Sophia ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata.

 

“Alam kong masakit para sayo ang ginawa mong pagpaslang sa iyong ama. Pero labis na ang kaniyang kasamaan, kaya nararapat lang ang iyong ginawa.” Sambit ni Hades.

 

“*Uhm!” Umiiyak na pagtugon ni Sophia.

Mabalik naman tayo kay Audrie. Nagsinugaling ito kanina na magtutungo siya kay Zeus upang tulungan ito, dahil agad itong nagtago at kalaunan ay tumawag sa kanilang pinuno upang ipaalam ang mga nangyayari ngayon sa kanilang paaralan.

Laking tuwa naman ni Viel matapos malaman ang balita at agad na nga itong naghanda upang magtungo sa naturang paaralan. Kasama ang ilan sa mga werewolf habang dala ang isang hindi tukoy na bagay na nababalutan ng isang tela ay mabilis silang umalis sa kanilang base upang hindi masayang pagkakataong ito.

Samantala, mabalik naman tayo sa magkakaibigan at sa ngayon ay kasalukuyan na silang nasa labas ng campus, kasama sila Rachelle, Annie at ang walang malay na si Zazan. Sa mga sandaling ito ay nalunasan ni Rachelle ang ilan sa mga malaking pinsalang natamo ng bawat isa, kaya naman maayos na ang mga ito. Ngunit sa mga sandaling ito ay may napansin ni Annie, kaya naman agad na siyang nagsalita.

 

“Teka, nasaan si Selina? Bakit hindi nyo siya kasama?” Tanong ni Annie.

Agad napalingon sa kanilang tabi at likuran ang bawat isa at dito ay nalaman nilang totoo ang mga sinabi ni Annie.

 

“Oo nga no? Pero kanina lang kasama na’tin siya ah.” Sambit ni Aron.

 

“Saan naman kaya nagpunta si ate Selina?” Tanong ni Melisa.

 

*Tsk! Ang mabuti pa ay babalik ako para hanapin siya.” Sambit ni Mark.

“Wag na Mark, ako na ang bahalang maghanap sa kaniya. Mas makakabuti sa inyo kung dumito muna kayo kung saan ligtas. Nag-cast na din ako ng spell kay Zazan, kaya mamaya pa yan magigising.” Sambit ni Rachelle.

 

“Nauunawaan ko po, master.” Tugon ni Mark.

 

“Sige, aalis na ako. Kayo na muna ang bahala kay Zazan. Hintayin nyo ang pagbabalik ko.” Sambit muli ni Rachelle.

 

“Masusunod po.” Tugon ng lahat.

Matapos makakuha ng pagtugon ay mabilis ng umalis si Rachelle upang hanapin si Selina at tumulong na rin sa nagaganap na paglalaban sa loob ng campus. Samantala, agad namang kina-usap ni Annie ang kaniyang mga kaibigan.

 

“Hoy Jigo! Saan ka ba nagpunta at bigla ka na lang nawala?!” Tanong ni Annie.

 

*Ahh! Ano.. Bumalik kasi ako para tumulong sa kanila.” Tugon ni Jigo.

“Tumulong? Ano naman ang magagawa mo don? Papaano kung napahamak ka pa? Tigas din ng ulo mo no?” Sambit muli ni Annie.

Napayuko na lang si Jigo matapos mapagsabihan ni Annie na para bang isang bata. Pero agad naman siyang ipinagtanggol ni Alex.

 

“Malaki ang pasasalamat ko kay Jigo. Utang ko sa kaniya ang buhay…ko..” Nahihiyang pagkakasambit ni Alex.

Halos lumuwa ang mata ng lahat matapos makita ang ekspresyon sa mukha ni Alex.

“Whoa! Totoo ba ‘to!? Si Alex nahihiya!? At nagba-blush pa?! *Oh god! This is miracle!” Gulat na pagkakasambit ni David.

“Teka lang! Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?” Tanong ni Annie.

 

“Napalaban kami sa isang Isenhart at salamat dito kay Jigo, dahil nagawa niyang pigilan ito.” Sambit ni Mark.

 

“Talaga? Pero papaanong nagawa ni Jigo yon?” Nagtatakang pagkakasambit ni Annie.

 

“Oo nga, papaano mo nagawa ang bagay na yon, Jigo?” Nagtatakang pagkakasambit ni Aron.

*Hmmm.. Ang totoo kasi nyan ay hindi talaga ako isang tao. Isa akong vampire at kabilang sa lahi ng mga Isenhart.” Sambit ni Jigo.

Labis na nagulat ang magkakaibigan sa kanilang mga narinig.

 

“Totoo ba ang mga narinig ko? Si Jigo ay isang vampire?” Tanong ni Aron.

“Mukhang ganon na nga. Kahit ako ay nagulat kanina ng biglang dumating si Jigo, dala ang isang sandata. Yung Shadow fang na minsan ko lang nakita.” Sambit ni David.

“Yun nga! Naalala ko na yung sandatang yon! Yun yung dahilan kung bakit muntik ng mamatay si Alex dati!” Sambit ni Aron.

“Pero papaano napunta sa kamay mo ang Shadow fang, Jigo? At nasaan na yon ngayon? Hindi ba’t nasa pangangalaga yon ng kapatid ni Rain?” Tanong ni Mark.

*Ahh! Simple lang. Tinawag ko yung Shadow fang. Katulad nito. ** REALITY PHANTASM! SHADOW FANG! **”Sambit ni Jigo.

Matapos magsalita ay may isang itim na ispada ang biglang lumabas sa kanang kamay ni Jigo. Labis namang namangha ang magkakaibigan sa kanilang nasaksihan, lalong-lalo na si Alex na kumukuti-kutitap pa ang mga mata sa labis na pagkamangha.

 

“Sandali lang, tanging mga Isenhart lang ba ang may kakayahang gawin ang ginawa mo?” Tanong muli ni Mark.

“Tama. Ngunit hindi lahat ay kayang tawagin ang Shadow fang sa pamamagitan ng Reality phantasm.” Tugon ni Jigo.

 

“Hindi nila kayang tawagin? Kaya ba isa ‘to sa mga kinuha nila sa kastilyo nila Alex dati?” Sambit ni Annie.

 

*Hmmm.. Parang ganon na nga.” Tugon ni Jigo.

“Sandali lang, kung ganon ay mas malakas ka pa kumpara sa babaeng Isenhart kanina?” Masayang pagkakatanong ni Alex.

“Ganon na nga. Pero mas magaling pa rin makipaglaban sa’kin si miss Irish, kaya hindi ko siya kayang talunin sa labanan kahit na mas malakas ako sa kaniya.” Tugon ni Jigo.

 

“Whoa! Ang cool mo naman Jigo!” Masayang pagkakasambit muli ni Alex.

Sa mga sandaling ito ay unti-unti ng natatakot si Annie kay Alex, dahil hindi na normal ang ikinikilos nito.

 

“Hindi naman gaano. *Hehehe.. Nahihiyang pagkakasambit ni Jigo.

 

“*Hmmm..” Sambit ni Mark.

 

“Bakit Mark? May problema ba?” Tanong ni Jigo.

 

“May ipinagtataka lang kasi ako. Bakit kinailangan pang personal na kunin ng mga Isenhart ang mga sandata sa clan nila Alex, gayong kaya naman pala nila itong tawagin?” Tanong ni Mark.

 

“Oo nga no.” Pagsang-ayon ni David.

“Kung yung tinutukoy mo ay nung nakaraang dalawang taon ay nagkakamali ka. Dahil hindi naman talaga sandata ang pakay nila sir Kiel nung mga panahon yon sa palasyo ng mga vampire.” Sambit ni Jigo.

 

“Kung ganon, ano ang pakay nila nung panahong yon sa’min?” Nagtatakang pagkakatanong ni Alex.

 

“Isang lumang dokumento na nagsasaad ng isang ipinagbabawal na ritwal.” Tugon ni Jigo.

 

“Dokumento? Ritwal?” Nagtatakang pagkakatanong ni Annie.

 

“*Uhm!” Tugon ni Jigo.

 

“At ano namang klaseng ritwal yon?” Tanong ni David.

“Isang ritwal ng pagbuhay sa isang patay.” Tugon muli ni Jigo.

Muli ay nagulat ang magkakaibigan sa kanilang mga narinig at sa mga puntong ito ay naalala nila si June.

 

“Kung ganon ay si June talaga yung nakita na’tin dati?!” Gulat na pagkakasambit ni Annie.

“Tama. Siya talaga ang totoong June. At ang totoo nyan ay matagal na silang nagkita ni Zenon sa mundo ng mga tao. Siguro mahigit isang taon na ang nakakalipas.” Sambit muli ni Jigo.

 

“Hindi nasabi sa’kin ni Rain ang tungkol sa bagay na yan ah!” Gulat na pagkakasambit ni Lina.

“Siguro dahil ayaw kang niyang masaktan. Kapanalig na’min si June at ang kaniyang kapatid na si April. At si April ang kaisa-isang tao na nagtagumpay sa nakaparaming eksperimento ni sir Kiel. At siya din ang may hiling na buhayin ang kaniyang kapatid. Nagkataon lang na pabor ito laban kay Zenon kaya pumayag ang aming pinuno na buhayin si June.” Sambit muli ni Jigo.

 

*Tsk! Kung ganon ay resulta ng pagkabuhay ni June ay ang pagbabago ng ugali nito?” Tanong ni Mark.

 

“Hindi. Walang nabago sa pagkatao ni June matapos niyang mabuhay. Ang totoo pa nga nyan ay  kayo agad ang hinanap niya nung nagkamalay siya. Pero napaniwala siya ng kaniyang kapatid at nahimok na sumunod sa aming mga plano, kaya lumalabas na kaaway nyo siya ngayon.” Sambit muli ni Jigo.

 

“At ikaw naman Jigo? Bakit mo sila pinagtaksilan? Hindi ba’t sila ang kapanalig mo at sila ang mga ka-uri mo? Bakit mo sila nagawang kalabanin?” Tanong ni Mark.

*Smile. Dahil yon sa inyo. At salamat sa inyo dahil nung makasama ko kayo ay doon ko lang naramdaman ang pagiging malaya. Sa totoo lang ay isa akong anak ng isang Isenhart sa isang tao.” Sambit ni Jigo.

 

“Talaga? Hindi na nakakapagtakang mabait ka.” Sambit ni Aron.

 

*Hehe.. Salamat.” Nahihiyang pagkakasambit ni Jigo.

 

“Pero Jigo… wala ka pa namang kasintahan, diba?” Nahihiyang pagkakasambit ni Alex.

*Uhm.. Wala naman kasing magkakagusto sa isang tulad kong anak ng isang makalasalan.” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Jigo.

 

“Hindi totoo yan!” Mabilis na pagkakasambit ni Alex.

 

“Teka lang Alex, kanina ko pa napapansin. Hindi ka na emotionless ah!” Sambit ni David.

 

“Oo nga no! Teka lang wait! Hindi ba’t nawawala lang ang pagiging emotionless nyong mga Nightmiere sa oras na ma-inlove kayo?” Tanong ni Annie.

Sa mga sandaling ito ay hindi nagawang tumugon ni Alex, bagkus ay napayuko ito kasabay ng pamumula ng kaniyang mga pisngi.

 

“Kung ganon ay in-love ka na nga!” Gulat na pagkakasambit ni Annie.

 

“Talaga? In-love na si Alex? Kanino naman?” Nagtatakang pagkakasambit ni Jigo.

Dismayadong napatingin ang magkakaibigan kay Jigo, samantalang wala namang ka-ide-ideya sa Jigo sa mga nangyayari sa ngayon.

 

“May masama ba akong nasabi?” Tanong ni Jigo.

Sa mga sandaling ito ay sabay-sabay napa-iling ang magkakaibigan at kalaunan ay napatingin kay Alex na kinikilig. xD

 

“Oo nga pala! Sino ba talaga itong si Zazan? Totoo bang isa din siyang Phoenix?” Tanong ni David.

 

“Tama! Isa siyang Phoenix at siya ang ika-limang Reign Icarus.” Tugon ni Jigo.

“Nabanggit nga yan ni Zazan kanina at ang sabi niya ay siya daw si Zinon Reign Icarus, ang ikalawang reincarnation.” Sambit ni Mark.

 

“Tama ang mga narinig nyo, Mark.” Sambit muli ni Jigo.

 

*Hmmm.. Ika-lima? Kung ganon ay anak siya ng isa sa mga Reign Icarus, ganon ba?” Tanong muli ni David.

“Nope.” Tugon ni Jigo.

 

“Kung ganon.. Papaanong naging ika-lima siya at bakit kamukhang-kamukha niya si Rain?” Tanong muli David.

“Dahil parehas na DNA ang kanilang pinagmulan. Gawa din si Zinon sa DNA ni Zenon at ni Hades at dahil dito kaya sila magkamukha. At siguro naman alam nyo na kung bakit siya naging ikalawang reincarnation.” Sambit muli ni Jigo.

 

“Dahil namatay siya.” Sambit ni Lina.

“Tama. Ngunit umayon sa’ming mga plano ang pagkaka-reincarnate sa kaniya. Matapos kasi na’ming malaman ang balita na na-reincarnate ang ika-apat na Zenon ay naisip na’ming gamitin ito upang linlangin ang iba pang kapanalig nila Hades at syempre pati na rin kayo.” Sambit muli ni Jigo.

 

“Nauunawaan ko na, kung ganon ay si Zazan at si Rain ay nagmula lang sa iisang DNA.” Sambit ni David.

 

“Ang ibig sabihin ba nito ay kapatid talaga nila Rain itong si Zazan? Ganon ba? Hindi ko kasi masyadong nauunawaan ang pinag-uusapan nyo eh.” Sambit ni Annie.

 

“Mukhang ganon na nga, Annie.” Sambit ni Mark.

Samantala, kanina pa tahimik si Melisa dahil hindi ito mapakali sa kaiisip sa kaniyang pinsang si Selina.

 

“Ate Selina. Saan ka ba nagpunta?” Tanong ni Melisa derekta sa kaniyang isipan.

Mabalik tayo sa loob ng campus. Sa ngayon ay kasalukuyang nag-uusap sila Rain, June at Selina.

 

“Imposible!” Tanong ni Selina.

“Umalis ka na dito Selina, hindi ka ligtas dito.” Sambit ni Rain.

 

“Pero…” Mabagal na pagkakasambit ni Selina.

 

“Tama si Rain, Selina. Hindi ka ligtas dito.” Sambit ni June.

 

*** Konting flashback! xD ***

Ilang sandali lang nung kasalukuyang tumatakbo papalabas ng campus ang magkakaibigan ay  sandaling napahinto si Selina matapos makita sila Rain at June hindi kalayuan sa kanila. Hindi ito napansin ng iba kaya minabuti niyang wag na lang itong ipaalam. Palihim siyang humiwalay sa kaniyang mga kaibigan nung nagkaroon siya ng pagkakataon at kalaunan ay mabilis na tinungo ang lugar kung saan niya nakita sila Rain. At naabutan ni Selina na nag-uusap ang dalawa, kaya sandali siyang nakinig sa pinag-uusapan ng mga ito.

 

“Bakit June? Bakit mo piniling pumanig sa kanila?” Tanong ni Rain.

 

“Hindi ko ‘to pinili. Ito talaga ang aking tadhana.” Tugon ni June.

 

“Tatanungin muli kita, kaibigan pa rin ba ang turing mo sa’min?” Tanong muli ni Rain.

 

*Fufufu.. Nasagot ko na yan nung huli tayong magkita at hindi na yon magbabago pa.” Tugon muli ni June.

 

“Kung ganon ay hindi na nga ikaw ang naging kaibigan na’ming si June Swatzron.” Sambit ni Rain.

Napangiti si June matapos marinig ang mga sinabi ni Rain.

 

“Tama! Dahil matagal nang namatay ang kaibigan nyong si June Swatzron!” Nakangiting pagkakasambit ni June.

“June…” Mahinang pagkakasambit ni Selina.

Agad napalingon ang dalawa kay Selina, pero kanina pa nila ito napansin, bago pa man sila magpalitan ng mga litanya.

 

“Anong ibig sabihin ng mga narinig ko, Rain? Nagkita na kayo dati ng June na ‘to?” Tanong ni Selina.

 

“Ganon na nga. Pero totoong siya si June, base na rin sa pagpapaliwanag sa’kin Azys. Binuhay siya sa pamamagitan ng isang ipinagbabawal na ritwal.” Sambit ni Rain.

 

“Ritwal? Kung ganon ay totoong siya si June?” Nagtatakang pagkakasambit ni Selina.

“Tama. Siya si June na naging kaibigan na’tin, pero hindi na siya ang June na dati na’ting kaibigan.” Tugon ni Rain.

Labis na ikinagulat ni Selina ang kaniyang mga nalaman. At sa ngayon ay hindi na niya alam ang dapat niyang gawin upang mapigilan ang nagbabadyang paglalaban sa pagitan ng kaniyang mga kaibigan.

 

*** Flashback ends! xD ***

“Umalis ka na Selina. Wala ka ng magagawa pa para mapigilan kaming dalawa, dahil sa sandaling ito ay tatapusin ko na siya.” Sambit ni Rain.

*Fufu.. Siguraduhin mo lang na kaya mo ang sinasabi mo, Rain. Dahil kung hindi ay ikaw ang tatapusin ko. ** WEAPON PHANTASM! SERPENT’S FANG! ** Sambit ni June.

Matapos magsalita ni June ay may isang maliit na patalim ang lumabas sa kaniyang kaliwang kamay.

*** Note: Ang “Serpent’s fang” ay isang uri ng patalim at gawa ang talim nito sa pangil ng isang serpent. Nagtataglay ang talim nito ng makamandag na lason at sa ngayon ay nasa pangangalaga ito ng Oceanus Clan. ***

“** ENCHANT! INFINITE BURNING MYTH SLAYER! ** Sambit ni Rain.

Agad namang nabalutang ng apoy ang sandata ni Rain at ilang sandali pa nga ay mabilis na niyang sinugod ang dating kaibigan.

“June!” Sigaw ni Rain.

 

“Rain!” Sigaw ni June

Sabay na sumugod sa isa’t-isa ang dalawa at ng magtagpo ang kanilang landas ay mabilis na iwinasiwas ni Rain ang kaniyang sandata patungo sa katawan ni June. Agad naman itong naiwasan ni June at kalaunan ay mabilis na umatake. Naiwasan din ito ni Rain at kasabay nito ay isa pang pag-atake.

 

*** SFX: CLANK! ***

Ngunit kahit isang patalim lang ang gamit ni June ay nagawa pa rin nitong masalag ang ginawang pag-atake ni Rain sa kaniya. Gamit ang pwersa sa ginawang pag-atake ni Rain ay nakatalon siya ng malayo paatras. At habang nasa-ere ay nag cast siya ng isang pang weapon phantasm.

 

“** WEAPON PHANTASM! HEXFIRE! **” Sambit ni June.

Isang ispada ang lumabas sa kaniyang kanang kamay at ng makalapag sa lupa ay agad mabilis siyang sumugod. Sinalubong naman siya ni Rain at ng magtagpo muli ang kanilang mga landas ay mabilis silang nagpalitan ng mga pag-atake.

*** Note: Ang “Hexfire ayisang cutlass sword na nagtataglay ng elemento ng apoy. Makapangyarihan din ang taglay na lakas ng sandatang ito, dahil may kakayahang itong mag-summon ng mga elemental fire beast at lalakas din ang resistensya sa apoy ng sinumang gumagamit nito. Kasalukuyan itong nasa pangangalaga ng Re-armed clan. ***

 

Walang magawa si Selina kundi ang panooring maglaban ang dalawa niyang kaibigan. At sa ngayon ay labis niyang ikinagugulat ang lakas na ipinamamalas ni June. Hindi niya lubos maisip kung papaano natuto si June na makipaglaban ng ganito at sa loob lang ito ng dalawang taon. Ngunit pansin ni Selina ang kalamangan ni Rain sa pakikipaglaban, dahil walang hirap niyang naiiwasan ang ginawang pag-atake ni June, samantalang si June naman nagagawa ring masalag ang mga ginagawang pag-atake ni Rain, ngunit marami pa ring siyang natatamong mga pinsala kahit nagagawa niyang masalag ang mga ito.

“Rain!” Sigaw ni June.

Isang malakas na pag-atake ang pinakawalan ni June, ngunit walang hirap itong naiwasan ni Rain sa pamamagitan ng pagtalon paatras. Napangiti naman si June matapos makita ang pangyayaring ito, kaya hindi na niya sinayang pa ang pagkakataong umatake.

 

“Tanggapin mo ngayon ‘to! ** INFERNAL BURNING BEAST! ** Masayang pagkakasambit ni June.

Mabilis na iwinasiwas ni June ang kaniyang Hexfire patungo sa dereksyon ni Rain at kasunod nito ay ang paglabas ng isang nag-aapoy na nilalang. Ikinagulat ni Rain ang pangyayaring ito kaya hindi na niya ito nagawa pang iwasan.

 

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

“Rain!” Sigaw ni Selina.

Lumikha ng makapal na usok ang nangyaring pagsabog at sa ngayon ay napangiti si June matapos mapagtagumpayan ang ginawa niyang pag-atake.

 

“June! Tama na! Hindi dapat kayo naglalaban!” Sigaw ni Selina.

Gusto sanang tugunin ni June si Selina ngunit hindi na niya ito nagawa, dahil na rin sa biglaang pangyayari. Mabilis kasing nawala ang makapal na usok at dahil ito sa ginawang pagwasiwas ni Rain gamit ang kaniyang sandata.

 

“Rain!” Masayang pagkakasambit ni Selina.

Labis na ikinagulat ni June ang kaniyang nasaksihan, dahil hindi man lang nagtamo ng kahit maliit na pinsala si Rain sa ginawa niyang pag-atake dito.

 

“Imposible! Alam kong tinamaan kita!” Sambit ni June.

 

*Fufufu.. Baka nakakalimutan mo kung anong klaseng mythical shaman ako?” Nakangiting pagkakasambit ni Rain.

Sa mga sandaling ito ay naunawaan na ni June ang pinupunto ni Rain.

 

*Fufufu.. Pasensya na at nakalimutan kong hindi nga pala kayo tinatablan ng apoy.” Nakangiting pagkakasambit ni June.

 

“Tapusin na na’tin ito June!” Sambit ni Rain.

 

“Sige sugod!” Sigaw ni June.

Matapos magsalita nang bawat isa ay muli silang sumugod. Muli ay nagpalitan sila ng mga pag-atake, pero hindi tulad kanina ay mas malalakas na pag-atake ang pinapakawalan ni Rain at ang iba sa mga ito ay hindi na nagagawa pang salagin o ilagan ni June.

Sa mga sandaling ito ay hindi na mapigilan ni Selina ang pag-agos ng kaniyang mga luha, dahil nasasaksihan niya ang unti-unting pagkatalo ng dati niyang kaibigan, si June.

Samantala, kahit na hihirapan at sugatan ay mapapansin sa mukha ni June na masaya ito habang nakikipaglaban kay Rain.

 

*** SFX: CLAAAAAAAAAANK! ***

Matagumpay na nasalag ni June ang malakas na pag-atakeng pinakawalan ni Rain gamit ang dalawa niyang sandata. Pero ilang sandali lang niya itong nagawa, dahil hindi na tagal ay tuluyan ng nasira ang mga sandatang niyang gawa lang sa mga ilusyon.

 

“Rain tama na!” Umiiyak na pagkakasigaw ni Selina.

Pero hindi nagawang pigilan ni Selina si Rain at ilang sandali pa ay nagpakawala na ito ng isang malakas na pag-atake.

 

“** NORTH STAR IMPACT SLASH! **” Sigaw ni Rain.

 

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! BOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Malakas na timaan si June nang ginawang pag-atake ni Rain. At sa lakas ng pwersa nito ay mabilis siyang tumilapon at kalaunan ay tumagos sa pader kung saan siya malakas na tumama.

 

“June!” Umiiyak na pagkakasigaw ni Selina.

Mabilis na tinungo ni Selina ang lugar kung saan tumilapon ang kaibigan, samantalang mabagal namang sumunod si Rain dito.

Hindi naman nagtagal ay narating na ni Selina ang lugar kung saan tumilapon si June. At sa pagkakataong ito ay muling umagos ang luha sa kaniyang mga mata.

“June…” Mabagal na pagkakasambit ni Selina.

Matapos magsalita ay agad nilapitan ni Selina ang kaibigan at agad inalis ang mga batong dumagan dito.

 

“Patawad Selina…” Hirap na pagkakasambit ni June.

 

“Wag ka nang magsalita! At wag kang mag-alala, dahil ililigtas kita.” Sambit ni Selina.

“Hindi na kailangan.. *Cough! *Cough! Sa totoo lang ay masaya ako, dahil si Rain ang tumapos ng paghihirap kong ito.” Hirap ngunit nakangiting pagkakasambit ni June.

 

“Pero hindi ako papayag na iwan mo kaming muli!” Sambit muli ni Selina.

 

*Cough! Kaya nga humihingi ako ng sorry eh! *Hahaha! *Cough! *Cough! Hirap ngunit nakangiti muling pagkakasambit ni June.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin si Rain sa dalawa. Agad naman siyang napansin ni Selina, kaya agad niya itong kinausap.

 

“Hoy Rain! Tulungan mo ako! Dalin na’tin siya sa hospital!” Sambit ni Selina.

 

“Hindi na nga kailangan Selina! *Cough! *Cough! Ang kulit mo rin eh no? *Hehehe… Hirap ngunit nakangiti muling pagkakasambit ni June.

“Wag ka nang magpatawa June! Hoy Rain! Wala na tayong oras! Bilisan mo at tulungan mo ako.” Sambit muli ni Selina.

“June…” Mahinang pagkakasambit ni Rain.

 

*Hehehe… Maraming salamat…Rain.” Nakangiting pagkakasambit ni June.

Kasabay nang pagsasalita ni June ang pagpikit ng mga mata nito. At sa mga sandaling ito ay labis na nagulat si Selina at kasabay nito ay ang pag-agos muli ng kaniyang mga luha.

 

“Hoy June! Wag ka nang magbiro! Hoy June! JUNE!” Sigaw ni Selina.

Ilang sandali pa ay napalingon si Selina kay Rain at dito ay napansin niyang malungkot ito.

 

“Rain! Hindi pa huli ang lahat! Ang mga luha mo! Ipa-inom mo ang luha mo sa kaniya!” Sambit ni Selina.

Pero umiling lang si Rain, kaya dali-dali ng tumayo si Selina at agad niyang hinila ang braso nito.

 

“Bilisan mo! Bago pa mahuli ang lahat!” Sambit muli ni Selina.

Sa mga sandaling ito ay niyakap na lang ni Rain si Selina at dito ay nagsalita na siya.

“Patawad pero ito na lang ang magagawa ko para sa kaniya bilang kaibigan. Mahigit isang taon na ang lumipas nung unang beses kaming nagkita ni June. Tulad nyo ay nagulat din ako nung makita ko siya at sa naging pag-uusap na’min ay hiniling niyang paslangin ko siya sa susunod na magkita kaming dalawa. Dahil kundi ko daw yon gagawin ay malalagay sa panganib ang inyong mga buhay, kaya patawad, Selina.” Sambit ni Rain.

(Note: Palabas lang nila Rain at June ang naging pag-uusap nila kanina, upang hindi sila pigilan ni Selina. xD)

Hindi na nagawa pang magsalita ni Selina, bagkus ay napahigpit na lang ito sa pagkakayakap kay Rain. Pero ilang sandali pa ay may bigla siyang napansin at labis niya itong ikinagulat. Agad niyang itinulak si Rain na labis naman nitong ikinagulat, pero ilang sandali pa ay mas kagulat-gulat ang pangyayaring nasaksihan ni Rain. Isang ispada ang tumagos sa katawan ni Selina at isang babae ang may gawa nito.

 

“Imposible! Papaanong hindi ko naramdaman ang kaniyang aura?!” Tanong ni Rain sa kaniyang sarili.

Mabilis bumuwal si Selina matapos hugutin nung babae ang ispadang tumarak sa katawan nito at kasabay nito ay ang mabilis na pagkalat ng dugo sa lapag.

“Rain…” Hirap ngunit nakangiting pagkakasambit ni Selina.

At sa bilis ng mga pangyayari ay labis na nakaramdam ng matinding galit si Rain para sa gumawa nito sa kaniyang kaibigan, kaya mabilis na balutan ng apoy ang buo niyang katawan at kasunod nito ay ang isang pag-atake para sa babae.

 

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! BOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Nagawang salagin ng babae ang ginawang pag-atake ni Rain, pero sa lakas nito ay nagawa pa rin siyang mapatalsik.

“Ikaw!?” Galit na pagkakasambit ni Rain.

 

“Anong ginawa mo sa kapatid ko?!” Galit na pagkakasambit ni April.

Chapter end.

Afterwords

Naki-extra lang po me.. salamat kay Sean! ahahaha! XD

-chufalse

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

Susunod. 

Chapter 34: Mga hindi inaasahang pagdating.

Continue lendo

Você também vai gostar

86.3K 3.8K 54
2 years had passed since the infamous Battle Of Valfreya had came to an end, isang Peace Treaty between the Earth Alliance Forces and Xavierheld Gove...
3.6K 279 32
As the game progressed, the girls realized they weren't the only six playing inside the facility. Can they make it to the end? ***** Honey, Kazianna...
287K 6.5K 89
Kaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat d...
6.1M 181K 58
The story is about a young lady who do not know her real identity. She grew up believing that her life is petfect and everyone around her is flawless...