The Mafia Prince is my Stalke...

By lil_MissBlue

8.4M 236K 17.2K

What if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anon... More

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?! (>_<)
¤ Chapter 1 ¤ The game is ON
¤ Chapter 2 ¤ The START
¤ Chapter 3 ¤ Moody Seatmate
¤ Chapter 4 ¤ Step 2
¤ Chapter 5 ¤ Nicknames
¤ Chapter 7 ¤ Kasalanan mo lahat 'to!
¤ Chapter 8 ¤ You're my Stalker?!
¤ Chapter 9 ¤ Can you help me?
¤ Chapter 10 ¤ We will help you
¤ Chapter 11 ¤ Meet my Friends
¤ Chapter 12 ¤ The Plan
¤ Chapter 13 ¤ I'm back and ready to make your life a living hell
¤ Chapter 14 ¤ Lagot kayo ngayon
¤ Chapter 15 ¤ Spotlight
¤ Chapter 16 ¤ Ayaw mo di huwag!
¤ Chapter 17 ¤ Kawawa ka naman
¤ Chapter 18 ¤ Couple's Pageant
¤ Chapter 19 ¤ Practice
¤ Chapter 20 ¤ A Day Before The Pageant
¤ Chapter 21 ¤ The Pageant
¤ Chapter 22 ¤ Binalaan kita
¤ Chapter 23 ¤ Jarred The Great
¤ Chapter 24 ¤ Sino kaya sila?
Jhen's Note
¤ Chapter 25 ¤ What a Great Day
¤ Chapter 26 ¤ I'm not a Liar
¤ Chapter 27 ¤ Lucky
¤ Chapter 28 ¤ Sino kaya ang dumating?
¤ Chapter 29 ¤ Group date?
¤ Chapter 30 ¤ Group date
¤ Chapter 31 ¤ My day
¤ Chapter 32 ¤ Ready?
¤ Chapter 33 ¤ Sophie is back
¤ Chapter 34 ¤ Ngayon alam mo na ang feeling
Chapter 35 and Chapter 36 :)
¤ Chapter 37 ¤ Sweet
¤ Chapter 38 ¤ The Decision
¤ Chapter 39 ¤
¤ Chapter 40 ¤
For my readers :)
Book 2? Special Chapter?

¤ Chapter 6 ¤ Savior

227K 6.8K 536
By lil_MissBlue

¤ Chapter 6 ¤ Savior

Sa wakas lunch na.

Nakakapagod ang first day ko sa school na 'to. Lalo na ang utak ko sa kakaisip ng mga sagot sa mga mystery dito sa school na'to.

Mystery 1 : Sino si EL? At ano yung tinatanong nilang relasyon namin?

Mystery 2 : Bakit parang medyo takot yung mga student dito kay Lulu?

Ugh! Hindi magtatagal mababaliw na ako dito! Ano ba kasi talaga ang nangyayari dito?

"Fia! Fia!" tawag saakin at ako liningon lang yung tumatawag.

Nga pala lunch na namin at papunta na ako ngayon sa cafeteria.

"Bakit Ces? May problema o kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya.

Oo nga pala may bago akong friend dito sa school, ang pangalan niya is Princes Trinidad. Pero dahil tamad ako 'Ces' na lang . 

Kaibigan din pala siya ni Samuel, actually bestfriend nga ni Samuel eh (note the sarcasm). Ang totoo mortal na magkaaway ang dalawa, pero ewan ko at naging magkaibigan sila. Hindi ko rin sila maintindihan eh. 

"Papunta ka narin ba ng Cafeteria?" tanong niya saakin at ako tumango lang. "Sabay na tayo." nakangiti niyang sagot.

"Tara," anyaya ko.

"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong niya saakin.

"Gutom na ako eh. At isa pa baka kanina pa naghihintay sa atin si Samuel doon, kawawa naman siya." honest kong sabi.

"Hayaan mong maghintay nang matagal ang baklitang 'yon. Pero hula ko hindi naman iyon maiinip na maghintay eh, dahil sigurado ako hindi naman 'yon naghihintay" sabi niya saakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Malamang nakikipaglandian na'yon sa ibang lalake 'no!" naiinis na sabi niya saakin.

"Sabagay, napansin ko nga na ang landi niya eh." natatawa kong sabi.

Pagdating namin sa Cafeteria lahat nang tao is nakatingin saamin...o saakin? Tapos nginitian nila akong lahat. Problema nang mga 'to? Nginitian ko nalang din sila, tapos kaagad kong hinanap si Samuel.

"Fia! Yu-huuu! Nandito ako!" sigaw ni Samuel mula sa kinauupuan niya at take note ha kumakaway pa.

Kaagad namin siyang pinuntahan ni Ces.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya saakin.

"Malamang katatapos palang nang klase namin diba?" sarcastic na sagot naman ni Ces.

"Hoy! Gaga ka! Hindi ikaw ang kinakausap ko 'no! Huwag ka ngang sumisingit sa usapan pwede ba?" sabi niya kay Ces.

"Tama na nga 'yan, upo na kayo at nagugutom na ako." awat ko  sa kanila.

"Akala ko ba nagugutom ka?" tanong saakin ni Samuel

"Oo nga," sabi ko naman.

"Eh ba't hindi ka pa pumila 'don at umorder ng lunch mo?" tanong niya ulit.

Napatingin ako sa sinasabi niyang pila at halos manlaki ang mata ko sa sobrang haba ng mga taong nakapila.

"Mamaya na, tinatamad akong pumila eh. Ang haba kasi, mamaya nalang kapag konti nalang ang nakapila." sabi ko nalang.

"Bahala ka diyan gaga ka. Kanina ko pa kayo hinihintay para makapila na tapos pagdating mo dito tinatamad ka na?" sabi niya saakin.

"Pagpila mo nalang kaya ako?" suggestion ko. "Babayaran nalang kita ha? Sige na pwease?"parang bata kong sabi. 'Linoloko ko lang siya, hindi ako ganong tao 'no. Di ako kagaya ni Monique na ginagamit ang ganda para utusan ang mga tao sa paligid ko.'

"Ayoko nga! Kung gusto mo kumain pumila ka 'no!" sabi niya saakin.

"Joke lang ano ka ba. Masyado mo namang dinidibdib." natatawa kong sabi. "Sige, una na kayo. Mamayang konti nalang ako pipila." nakangiti kong dugtong.

So yun, pumila na sila at ako naman ay pumikit muna para makapagpahinga kahit konti lang. Nang biglang makarinig ako nang pagbukas nang pinto at mga yabag na papalapit saakin? Paano ko nasabi? Kasi pagkabukas ng pinto ay tumahimik ang lahat.

"Why aren't you eating?" tanong nung dumating. Ewan ko lang kung kanino kaya hindi na ako nag-abalang idilat pa ang mga mata ko. Baka akala nila tsismosa ako eh.

"Is she sleeping?" pabulong na tanong niya sa mga tao. Sino ang natutulog?

"Oh my! Kinausap niya ako! Kinausap niya ako!" sigaw nung babaeng katabi lang namin ng upuan. 'Ang ingay naman, nagpapahinga ang tao eh.'

"Can you shut your f*cking mouth?!" pasigaw na bulong niya at yung babae naman is tumigil. 'Whoaa, nakakatakot naman siya. Buti pa huwag ko nang imulat ang mata ko, pagkaalis nalang niya. Pero parang kilala ko boses niya eh, sino kasi siya?' 

Dahil kinakain na talaga ako nang curiousity ko, binukas ko na yung mata ko and there stood Lulu. 'Akala ko naman kung sino.'

"Look at what you did! You disturb her sleep!" sigaw niya doon sa babae. 'So ako pala yung natutulog na sinasabi niya? Kawawa naman yung sinigawan niya.'

"Huy Lulu, huwag muna siyang sigawan kawawa naman siya." sabi ko sa kanya sabay apologetic na tumingin ako sa babae. "Sorry miss ah," sabi ko sa babae.

"Why are you saying sorry to her? She's the one who need to say sorry, because she disturb your sleep." tanong saakin ni Lulu sabay tingin nang masama doon sa babae.

"She didn't disturb anything okay? I'm not sleeping, i just closed my eyes to rest them." paliwanag ko sa kanya. 'Mukhang mapapasabak ako sa english sa lalaking 'to ah'

"Then why aren't you answering my question? Come on, you're just trying to save her." nang-aakusa niyang sabi.

"Look, I'm not trying to save anyone. I'm saying the truth okay? And as for your question, I thought your speaking to someone else." paliwanag ko ulit sa kanya.

"Fine." sabi niya nalang sabay upo sa vacant seat.  Apat kasi yung upuan sa isang lamesa. Iniwan kasi nila Sam and Ces yung mga bag nila kaya hindi niya maupuan yung pwesto nila.

"So why aren't you eating?" tanong niya ulit saakin.

"Mamaya nalang, kapag konti nalang ang nakapila. At isa pa tinatamad pa ako eh." sheepish kong sabi eh.

"What do you want to eat?" biglang tanong niya saakin.

"Bakit ibibili mo ako?" nagbibiro kong sabi.

"Yeah, so what do you want?" tanong niya ulit.

Seryoso ba siya? Edi sige, sino ba naman ako para tumanggi lalo na at gutom na gutom na ako.

"Kahit ano hindi naman ako maarte eh, basta yung masarap at makakain." sabi ko. 'Seryoso talaga siya? Ang bait naman niya.'

Bigla siyang tumayo at pumasok sa loob ng kusina ng cafeteria at paglabas niya ay may dala-dala siyang tray ng pagkain at take note ha, ang daming laman at mukhang masarap pa. Bigla tuloy akong naglaway.

"Here, eat all this okay?" sabi niya saakin at ako tumango lang.

"Wow! Thank you." nakangiti kong sabi nang bigla akong may naalala. 

"Ikaw kumain ka na ba?" biglang tanong ko. Wala kasi siyang dalang tray na para sa kanya.

"I need to go home, I think there is an emergency in our house. So i need to go okay?" sabi niya saakin at ako tumango lang.

"Okay, ingat ka." nakangiti kong sabi sabay kaway sa kanya.

Pagkaalis niya kakain na sana ako nang...

"Ate Fia, thank you ha?" biglang sabi nung babaeng sinigawan kanina ni Lulu. Ate? tinignan ko yung logo niya, ah first year palang siya ako kasi fourth year na eh.

"Ano ka ba, bakit ka nagpapa thank you kasalanan ko kaya 'yon. Sorry ha?" sincere kong sabi sa kanya.

"Kahit na ate, ang galing mo kanina ha. Ikaw lang ang nakakagawa nun sa kanya. Your still my savior!"sabi niya saakin. "Ang sweet niyo pong dalawa ate, bagay na bagay kayo ni Kuya EL!" kinikilig niyang sabi. 'EL? WTH?! Siya si EL?!'

"Fia! Gaga ka!! Akala ko ba hindi mo siya kilala?" biglang sulpot ni Samuel.

Uh-oh, lagot ako neto.


Continue Reading

You'll Also Like

167K 3.5K 69
A lot of people that I met but you are my favorite ❤️
225K 3.1K 23
Magtatagumpay kaya si Brimmie na mapaibig ang isang Prince Villegas? Paano pag itulak siya nito papalayo at sabihing Tumigil siya sa kabaliwan niya? ...
252K 853 3
Highest ranking achieved : #1 in action Magulo na ang buhay ko pero mas gugulo pa pala dahil sa kanya. Sa lalaking nangako na proprotektahan ako sa...
1.6M 25.6K 50
[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as...