The Bachelor's Vices ( TBS 3...

By CengCrdva

898K 7.8K 1K

Asher experienced downfall when his first love died. He shut everyone out of his life. He became addicted to... More

The Bachelor's Vices
DEDICATION
FOREWORD
Synopsis
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
NOTE
Matthew 21:22

CHAPTER 4

16.8K 579 44
By CengCrdva

Chapter Four

Miracles Do Exist

The thing about desperate people is that they don't give up easily. No matter what the circumstances are, they still find a way to do what they think they need to do.

Just like what Suzanne Collins said, "That if desperate times call for desperate measures, then I'm free to act as desperately as I wish."

Wala na akong naisip na iba habang sinusundan ang sasakyan ni Asher kung hindi ang pagiging desperada ko. Imbes kasi na bitiwan siya gaya ng payo ng kanyang pinsan ay mas lalo ko siyang gustong sundan.

Hindi na bale kung taliwas 'yon sa mga plano ko. Hindi na bale kung saan ako abutin ng pagsunod sa kanya. Hindi na bale kung ipagtabuyan niya ako. I just can't let him go. Lalo na pagkatapos ng nasaksihan kong paglalasing, pakikipag-away niya't pagwawala sa club na 'yon.

No, I won't stay away from you, Asher. You can never get rid of me because if KF was still alive, iyon rin ang gusto niyang gawin ko.

It was a long drive. Halos limang oras akong bumuntot sa kanya kasama na ang traffic. Bumaba na rin ang araw pero wala yata siyang balak na huminto. He just kept on driving. Kinabahan ako nang mapansing paikot-ikot nalang kami, tila gusto niya lang magpalipas ng oras at hintayin ang pagdating ng gabi bago huminto at ipagpatuloy ang buhay. Mabilis siyang magpatakbo kaya naiiwan ako pero hindi ako bumitiw. Sapat lang ang naging distansiya ko para hindi niya ako mapansin. I continued following him, mabuti at full tank ang gamit ko dahil kung hindi ay mawawala ko siya.

I ended up in a small pub. Malayo sa kabihasnan ngunit alam kong parte pa rin 'yon ng Batangas. Sa layo no'n ay hindi ko inasahang puno ang lugar at marami ring tao, mostly ay mga turistang nag stop over lang at napasarap na sa inuman. Some were even glamorous enough to be in this place.

Sinadya kong sa isang sulok umupo, tama lang upang hindi niya ako mapansin.. Um-order ng sariling inumin habang hindi inaalis ang tingin kay Asher. My parents kept calling me. Hanggang sa maubos nalang ang baterya ng aking telepono ay hindi ko sila sinagot.

Tahimik kong tinikman ang alak na inilapag sa aking harapan. Pinalipas ang oras. Kumuha ng tiyempo ngunit nakatatlong baso na ako ng ladies drink ay hindi pa rin ako nagkaroon ng lakas na lapitan si Asher.

Paano ko nga naman gagawin 'yon? Paano ko siya kakausapin at mapipilit na pakinggan ako kung iba't-ibang babaeng nakakunyapit sa kanyang mga braso? Kung wala itong ibang ginawa kung hindi ang makipagtawanan at makipaghalikan sa kanila?

Naramdaman ko ang mabilis na pagbundol nang matigas na bagay sa aking dibdib, causing me to beg for air when I heard his laugh across the room, tinatalo ang ingay ng mabilis na beat ng tugtog sa kabuuan ng lugar. Hindi ko na mapigilang mapapikit at mag-iwas sandali ng tingin ng muli niyang hatakin ang babaeng katabi at halikan sa mas uhaw na paraan.

Hindi ko kaya. Watching him making out with someone other than Karsyn hurts me, hindi para sa akin kung hindi para sa namayapa kong pinsan. If Karsyn was here, I know she'll be broken, shattered even. But then if she's still alive, Asher Miguel wouldn't be here kissing random girls.

Humigpit ang kapit ko sa aking malamig na basong may alak, nanalangin akong tapos na ang halikan sa aking pagdilat kaya nang matupad 'yon ay nakahinga ako ng maluwag. Tinungga ko ang hawak na inumin at um-order ulit. Hindi ko alam kung tama bang ako ang unang malasing kaysa sa kanya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Unlike the coffee, I'm certain now that alcohol will help me numb all these uninvited emotions.

I waited for a couple more hours kahit na hindi ko na rin alam ang hinihintay ko bago siya lapitang muli. Kung ang pagtatapos ba ng mga kahibangan niya o ang pagiging handa ng puso ko sa lahat ng ito?

Sa paglalim ng gabi ay mas napuno pa ang maliit na pub. Nagkaroon na rin ako ng mga ka-table. Nakatulong 'yon para malibang ako at mapigil ang pag-inom ng alak kahit papaano. Nang mapuno ang pantog ko ay nagpaalam na muna ako sa kanila.

"Are you okay?!" natatawa akong inalalayan nang babaeng nauna pang malasing sa akin. Ngumiti ako at agad na tumango

"Gusto mong samahan kita?"

Hindi pa ako nakakapagsalita ay hinila na siya ng isa pang babaeng kasama. I forgot their names. Is it Amanda, Loida? Amara, Lora? Does it matter? Holy hell, no.

Mabilis akong umiling. Lumiwanag ang mukha ng babaeng humila sa kanya at sapilitan siyang ibinalik sa upuan.

"Dito ka nalang. Let her go to the bathroom alone," bumalik ang tingin niya sa akin. "Sige na, babe! Go! We'll wait for you!" napakapit ako sa couch dahil sa bahagyang paglakas ng pagtulak niya sa akin.

Kung siguro matino pa ako ay mao-offend ako sa ginawa niya pero dahil tinamaan na rin ako ng alak ay namamanhid na ako, wala na ring pakialam. Inayos ko ang sarili at pilit na tinahak ang daan patungo sa banyo. Napanatag ako ng masulyapan si Asher na nananatili sa pwesto niya at tuloy lang sa pakikipag-landian... Ngayon ay sa ibang babae ulit.

Napakapit ako sa lababo at napayuko ng tuluyan akong makapasok sa banyo. My world is spinning slowly now. Kung kanina ay lungkot ang nararamdaman ko, ngayon ay pagsisisi na 'yon dahil sa kawalan ko ng kontrol. 

Pilit kong inabot ang gripo at hinayaan itong umagos. I decided to wash my face. Bahagya pa akong kinilig sa malamig na tubig na dumampi sa aking balat. Ilang beses ko iyong ginawa hanggang sa maramdaman kong nahihimasmasan ako kahit paano. Nang matapos ay pumasok ako sa cubicle at doon nanatili ng matagal. I'm a bit sleepy too. Bumibigat na ang talukap sa aking mga mata pero binalikan ako ng kaunting lakas nang masulyapan ang aking suot na relo.

It's almost midnight! Oh my God where's my phone?! Madali akong napatayo at kahit na bahagyang umiikot ang paningin ay pinilit na lumabas para balikan ang mga gamit ko't ang lalaking pakay ko. 'Yon nga lang, bukod sa wala na si Asher sa pwesto nito ay wala na rin ang mga babaeng kasama ko kanina.

"Holy hell..." dismayado kong bulalas nang mapatakbo pabalik sa aming pwesto at mapansing pati ang bag ko ay nawawala na rin!

"Ma'am, here's your bill." nakangiting pukaw sa akin ng lalaking waiter!

I'm not an aggressive person pero sa pagkakataong 'yon ay parang gusto ko siyang sampalin lalo na ng makita ang sampung libong bill! I've been robbed! Ninakawan ako at ngayon ay pagbabayarin pa! What the heck! Isang waiter ba ang in-order nila at ganito kalaki ang bill sa sandaling pagkawala ko?!

"Nasaan ang mga babaeng ka-table ko kanina?" mahinahon ngunit kabado ko nang tanong.

"Lumabas na po. Ang sabi ay kayo ang magbabayad at hintayin ko kayong lumabas. Hanggang alas dose lang po kami at kailangan nang magsara kaya kung may order pa kayo ay kukunin ko nalang rin po–"

"Nasaan ang lalaking nakaupo sa couch na 'yon kanina? Where is he?!" natataranta ko nang tanong ng maisip si Asher!

"Po?"

"Doon!" itinuro ko ang couch. "Doon siya nakaupo kanina! May kasamang mga babae!"

Bigo siyang umiling. "Hindi ko po alam, Miss. Anyway kung may order pa po kayo–"

"I'm not paying that! I've been robbed! Hindi ko kilala ang mga babaeng sinasabi mo at ninakaw nila ang mga gamit ko!"

He looked surprised but not sympathetic as I expected. Napakamot siya sa kanyang ulo. Doon na ako tuluyang nawindang ng maisip na hindi siya naniniwala sa akin!

"Lumang style na po 'yan, Ma'am. Ang mabuti pa ay sumama nalang kayo sa akin." mabilis akong umatras at lumayo sa kanya ng akma niya akong hahawakan!

"Kung ayaw niyo pong bayaran ang lahat ng nainom niya ay–"

"Where is that guy?! Nakita mo ba siyang umalis? Sinong kasama niya?!" pagpuputol kong umubos sa kanyang pasensiya.

"Kailangan niyo pong bayaran ang lahat ng mga na-order niyo dahil kung hindi ay–"

"Ninakawan ako! Ako ang nawalan! Hindi mo ba ako tutulungang habulin ang mga magnanakaw na 'yon?!" naghuhuramentado ko nang bulyaw sa kanya.

Ang mga taong naroon ay nasa amin na ang atensiyon pero wala akong pakialam. Wala akong pambayad dahil nawalan rin ako at kahit siguro meron ay hindi ko pa rin babayaran dahil hindi naman ako ang nakinabang!

"Security!"

"Teka anong security?!" bago pa ako makalingon para tignan ang tinawag niya ay naramdaman ko na ang maagap na paghawak ng dalawang pares ng kamay sa aking magkabilang braso!

"No, wait! I'm a victim too! Check your CCTV! Biktima ako at kailangan niyo akong tulungan!"

Hindi sila nakinig kaya nagpumiglas na ako habang dinadala patungo sa kung saan! No way! No freaking way na papayag akong dalhin nila ako kung saan at mas lalong hindi kung sa prisinto! Oh my God! Please help me!

"Let me go! Please let me go!"

"Marami na ring nagtangkang tumakas sa amin Miss at hindi mo na kami maloloko. Taga Manila ka siguro pero mas matalino na kami ngayon kaya pasensiya ka na at nahuli ka."

"What?! Bitiwan niyo ako!" nang may madaanan kaming poste ay mabilis ko iyong niyakap at hindi binitiwan!

Sinadya ko nang mag-eskandalo dahil totoong natatakot na ako. Hindi lang dahil wala akong pambayad kung hindi dahil wala na ring linaw ang utak ko! I'm drunk! Walang teleponong matatawagan at mahihingan ng tulong at kahit may sasakyan akong nasa labas ay wala na rin ang susi ko! Wala na akong kahit ano maski piso!

"What is going on here?!" kumurap-kurap ako at nakita ang lalaking unipormado ngunit iba sa kanilang lahat.

"Manager! You're their manager!" hindi naitago sa boses ko ang pag-asa. "Help me! I'm innocent! Wala akong ginagawang masama at totoong nanakawan rin ako! Wala akong pambayad!" maluha-luha ko nang pagmamakaawa habang pilit na hinihila ng mga lalaking gusto akong tangayin at pagbayarin.

Ang mga taong nakapalibot sa amin ay gusto nang makialam pero hindi hinayaan ng mga waiter na nakapalibot sa amin. People are cheering up for my freedom but they refused.

"I'm sorry pero kailangan natin itong pag-usapan sa opisina," nalaglag ang panga ko sa narinig. "Hindi namin kayo sasaktan as long as you cooperate with us." aniya sa nangangakong tinig ngunit ang utak ko ay wala nang gusto pang paniwalaan.

"No! Wala akong kasalanan bakit ba ayaw niyong maniwala?! I didn't know them! Mag-isa lang ako! Ako lang!"

I am shouting the next minutes. Talagang nag-eeskandalo na dahil iyon nalang ang kaya kong gawin. Sa bawat sigaw ko ay ang paliwanag at pag-asang pakinggan nila ako but they are stupid enough to not listen. Sila yata ang lasing!

"No! No! You'll regret this! Hindi niyo ako gustong saktan dahil malalagot kayo!" I screamed louder.

Nanghihina ang mga kamay kong napabitiw sa posteng aking yakap nang maubusan na ako ng pag-asa. Mas lalo akong nahilo at nanghina kaya para na akong lantang gulay na nagpatangay sa kanila habang ang mga luha ay nagsilaglagan na sa aking mga mata.

Sa paghina ng tugtog ay agad na umalingawngaw ang sigaw ng aking puso nang bago pa kami makaibis patungo sa sinasabing opisina ay sakto naman ang paglabas ng lalaking buong araw kong sinundan, galing sa restroom!

"Asher!" malakas at puno ng pag-asa kong sigaw sapat para makuha ko ang kanyang atensiyon.

"Asher please help me!" nahinto siya sa paglalakad, nag-angat ng tingin at sandaling natulala sa akin, nalilito kung sino ako at kung bakit ako narito.

"Z-Zydney?" bulalas niya ilang sandali ang nakalipas habang magkarugtong na ang kilay.

Nagpumiglas ako sa mga lalaking nakahawak at nang pakawalan nila'y agad na tumakbo palapit sa kanya't wala nang malinaw na pag-iisip na niyakap siya! Napaatras ito dahil sa matinding pagkabigla!

"Asher! Tulungan mo ako! Wala akong kasalanan! Hindi ako tatakbo because I'm innocent, I swear to God..." sabi ko sa gitna nang paglalim ng aking mga hikbi.

He didn't move. Tila isa siyang malamig na posteng walang buhay. Kung siguro'y hindi ako nakainom ay binitiwan ko na siya pero dahil puno ng alak ang sistema ko ay mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.

"Asher, I'm begging you... I'm begging you, please..." paulit-ulit at hindi ko na mabilang na sabi.

The thing about drunk people is that they are not aware of their actions, aware man siguro pero wala nang pakialam. Gaya ko, wala na akong pakialam dahil ang nasisigurong tanging susi ko sa lahat ng problemang ito ay siya.

Napapikit ako ng mariin nang sa wakas ay gumalaw siya. Hindi man para aluin ako at yakapin pabalik ngunit sapat na iyon para kahit paano ay mawala ang takot ko.

"What happened?" tanong niya habang hawak na ako sa magkabilang balikat. "What are you doing here and why are you crying?"

Umiling ako. Kinagat ang labi dahil tiyak na kapag nagsalita pa ako ay hahagulgol na ako. This is a huge mess. Ni minsan ay hindi ako nasangkot sa kahit na anong gulo at natatakot ako sa kung anong sunod na mangyayari lalo na't hindi ako sigurado kung kilala ko ba talaga ang Asher na nasa harapan ko.

Una, he is drunk and he doesn't care about me or other people now. Pangalawa ay hindi niya ako kargo at pangatlo ay alam kong ayaw niyang magkaroon ng ugnayan sa akin o kahit kanino kaya bakit niya ako tutulungan?

I heard the manager's voice, maging ang sa waiter pero hindi ko maintindihan. Ang tanging nasa utak ko ay kung paano ako makakalabas sa gulong ito. Kung paano ko malilinis ang pangalan ko.

I always believe in a higher power. I am a religious person at hindi ko alam kung saan nagsimula ang paniniwala kong 'yon. My parents barely attend church. Ang huli siguro ay ang kasal pa nila dahil pagkatapos no'n ay negosyo na at kayamanan ang naging buhay nila. Me, on the other hand never skipped attending mass. Pakiramdam ko kasi ay hindi buo ang linggo ko kapag hindi ako nakakapagsimba.

Father Rivera, my favorite priest taught me the importance of faith as well as Sunday mass. He said that to be able to have a never ending strength and faith is to have a deeper relationship with God. Sunday mass is one way to achieve that. Noon pa man ay naniniwala na ako sa milagro at kabutihang dulot ng mga pinaniniwalaan ko pero mas lalong luminaw sa akin ang kapangyarihan ng tiwala at pagdarasal sa sunod na narinig mula sa kanyang mga labi.

"Give me the bill and I'll pay for it." aniya na tuluyang sagot sa mga dasal ko at isang napakalaking milagro.

~~~~~~~~~~~~

WATTPAD EXCLUSIVE.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Continue Reading

You'll Also Like

11.8M 297K 62
Miss Prim and Proper and the university's top student Daphne Madrigal has a secret that can destroy her perfect image. But what if the university's n...
197K 3K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
2.4M 27.4K 20
Kina believed that she's not pretty and will never be pretty. Marami siyang tigyawat, maitim at payat kung i-describe ng kanyang prangkang best frien...
7.3M 149K 53
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ]