Not A Fairytale✔

By penpayne

47.1K 929 49

She was raped by her future lover's brother. Neterini Maraese is such a fragile woman, how do you think coul... More

Not a Fairytale
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Denouement

Chapter 18

878 22 0
By penpayne

Chapter 18

It's been a week and hindi na regular classes ang nagaganap sa school, dahil na rin siguro sa papalapit na Sport's Fest. Sport's Fest is kinda big for our University, dahil nafifeature ito madalas sa mga TV Programs, and even on magazines. Bukod kasi sa maganda at sikat ito ay tanyag pa ang iba't-ibang varsities nito. Minsan ay umaabot pa sila ng ibang bansa upang makipagcompete.

Busy ang lahat, ako lang yata ang hindi dahil ni isang sport ay wala akong sinalihan. I don't play, and I am not sporty though. Kung may araw man na pupunta ako sa school, ay iyon kapag naglaro si Claire.

Claire will be joining the volleyball game, Shaney will be out because she have this new project and may fashion show yata siyang kailangang puntahan, she'll be a part of the runway though.

And talking about Claire, hindi niya pa rin sinasagot ang mga tawag at texts ko. Which is making me sad. She really is mad about what I did. Pero handa naman akong maghintay, kung kailan niya ako gustong kausapin, then I will tell her everything, tutal ay alam niya naman na. I think there is no reason to hide it anymore.

And since hindi naman na regular classes, hindi na rin ako pumasok. I stayed at home, giving Claire her space. Tutal ay wala namang gradong magiging apektado kung sasali man sa mga laro o hindi. The school will benefit with the Sport's Fest anyways. At baka may pumunta pang mga sikat na tao roon, para lang makinuod sa mga laro, that's why as well don't mind the students.

"Sila Mama po?" I asked to one of our house attendant nang mapansing hindi na naman yata sila umuwi kahapon galing sa trabaho.

"Hindi po sila umuwi ma'am." Sagot naman nito, tumango na lamang ako sa kanya at naupo sa sofa at napabuntong hininga.

I opened the television, ililipat ko na sana ang chanel nang mapansin ko ang building ng kompanya nila Papa. What is it again? Did he do something bad again because he lost his temper? Again?

His temper is becoming worse, para siyang babae na madalas nang maging moody, and sometimes he would hurt people just to excrete some realization or to lessen his temper. Hindi naman siya ganyan dati, hindi ko lang alam kung anong nagbago at bigla na lang siyang nagkaganoon.

Perhaps, because of the numerous problems of the company? I don't know. Mas pinipili ko na lang na huwag munang pansinin, dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako maharap na kausapin. Ganoon din si Mama. Work is kinda tight these days.

Ayaw ko nang alamin pa kaya nama'y pinatay ko na lang ang TV at bumalik na lamang sa aking kwarto. Eksakto naman noong ibinukas ko ang pintuan ng kwarto ko ay narinig ko agad ang maingay na ring ng aking cellphone, someone is calling kaya nama'y pinulot ko ito at agad na tinitigan ang screen.

Otomatikong tumakas ang isang ngiti mula sa aking labi nang makita ang pangalan ni Bradley rito. Sa hindi malamang dahilan, muli kong naramdaman ang aking pusong napakalakas ng pagpintig, at alam kong hindi ito ang unang beses na nakaramdaman ako ng ganito dahil sa kanya.

"Brad, why?" Bungad ko at agad naupo sa sofa, kinakagat ang aking labi upang pigilang ngumiti.

"Are you free today?" Seryoso ang kanyang boses at hindi na ako nagtaka pa dahil lagi naman siyang seryoso.

"Yup, why?" Muli kong tanong.

"We'll go somewhere, dress up. I'll pick you up." Aniya at agad ibinaba ang tawag.

Binabaan ako? Gaano ba siya kaseryoso doon?

Napasimangot ako dahil sa inis. Bakit niya ako binabaan? At bakit ganoon na lamang siya kaseryoso? Napabuntong hininga na lamang ako at agad na tumayo, I faced my walk-in closet at agad na namili ng pwedeng suotin dito. He sounded serious, bakit kaya?

At dahil wala akong alam sa fashion, I called Shaney, nagbabakasakaling matulungan niya ako. Ilang minuto na rin kasi akong nakatayo rito ngunit ni isang ideya ng susuotin ay hindi sumagi sa aking isipan. Claie, I badly need your help.

"Yes? Why?" She sounded busy, may mga ingay sa background niya na sa tingin ko'y nasa isang dressing room siya at naririnig ko pa ang sinasabi ng kanyang make-up artist kaya nama'y namuo ang isang matinding pangongonsensya sa akin.

Bakit ba kasi wala akong kaalam-alam sa fashion?

"Uhm, Bradley asked me out. Can you tell me what to wear?" Nakangiwi kong tanong.

"Well, try a hitting it with a dress, or a skirt, basta light lang lahat, even the make up." Mabilis niyang sagot. "I have to go now, good luck!" Aniya at agad na pinatay ang tawag.

Whoa, she is pretty busy. Nagbuntong hininga na lamang ako at agad na bumaling sa mga damit na nakahanger. I haven't really used these clothes, si Mama lang ang nagbibigay ng supplies ng damit sa akin, I didn't have the chance to browse these because I thought it doesn't match my taste. And here I am, trying to browse through each clothes.

I tried trying one of the dresses, it is a white two piece dress na off shoulder ang top at ang pang-ibaba naman ay skirt na kasin-kulay rin nito. I smiled at ito na lamang ang kinuha ko upang isuot. It is a bit of a fit in me, pero mukhang maganda naman, and besides it is light, gaya nga ng sabi ni Shaney.

I took a bath and after that, I immediately wore the outfit. Napatingin ako sa salamin nang maisuot ko ito dahil pakiramdam ko'y masyadong nakikita ang aking baywang.

Pero I feel nice wearing it, kaya naman ay hinayaan ko na lang. Kaunti lang naman ang pagitan kaya hindi ko na inalintana. I curled my hair again, just as how Shaney said, but not the large curls. Iyong parang kay Camila Cabello? Yeah her curls are nice. Kinuha ko rin ang kulay light pink na lip tint at nagpahid sa aking labi, and after that, I think this is enough.

Habang nakatingin sa salamin ay napangiwi ako. Am I too exaggerating? Mukha bang masyado akong naghahanda para lang makipagkita kay Bradley?

I sighed, and even planned to take the outfit off but it's too late.

"Miss Neterini, may humahanap po sa inyo sa baba, Bradley daw po ang pangalan." Rinig ko galing sa kabilang pinto.

Agad ko namang isinuot ang aking lace up high heel at mabilis na naglakad pababa dala-dala ang aking pouch sling bag. Tinahak ko ang aming hallway hanggang sa makalabas na ng tuluyan sa bahay pagkatapos magpaalam sa aking attendant.

Agad ko namang nakita si Bradley na nakahilig sa kanyang kulay dilaw na benz. Nagtaas ito ng kilay nang maaninag niya ako, pababa ang kanyang tingin na para bang nagtataka.

I told you Neterini, you were exaggerating.

But after all, he looks nice...again. With his black jeans and white v-neck na natatakpan ng kanyang denim jacket, he looks intimidating again, again...I said that right.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa naging reaksyon niya.

"You really dressed up, huh?" Aniya at bahagya pang ngumiti.

"I just want to look presentable, though." My way of saying, 'huwag mo akong asarin'.

Huminto ako sa kanyang harapan, which made it so unfair because even with the high heels on, he is still taller. Dinungaw niya ako nang hindi natatanggal ang ngiti sa kanyang mukha.

He even crossed his arms, "You really like me that much?" Nanunuya niyang tanong.

Napasimangot ako sa kanya, "You sound so confident by that." Kunot-noong wika ko naman pabalik sa kanya.

Umayos naman siya ng tayo at umiling-iling. "You look beautiful even without wearing something like that." Aniya at tumalikod sa akin, patungo siya sa kabilang parte ng kanyang sasakyan.

Binuksan niya ang pintuan, "Get in, we will visit someone really close to you." Bigla siyang nagseryoso.

Wala na akong nagawa kung hindi pumasok na lamang sa kanyang sasakyan, at ganoon din ang ginawa niya. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan nang nakapasok na ito.

Sumulyap siya sa akin bago pa man tuluyang paabantehin ang kanyang sasakyan, "Promise me that after we visit this person, we'll go out." Aniya.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, ni hindi ko nga alam na may bibisitahin pala kami. Ang buong akala ko ay lalabas lang kami.

"Of course, why not?" Sagot ko naman sa kanya habang may ngiti sa mukha.

"That's a promise, then." Aniya at sumulyap na sa daanan matapos paandarin nang tuluyan ang kanyang sasakyan. "Ayaw ko namang sayangin ang effort mo sa pamimili ng damit without even taking you on a date." Aniya na para bang inaasar pa ako.

Nakaconcentrate lamang siya sa pagmamaneho at hindi na sumulyap pa sa akin. Habang ako ay kinikilatis kung anong meron at napakaseryoso na naman niya. Para namang ewan ito, parang nakangiti lang kanina tapos ngayon seryoso na naman.

"Stop starring." He said straightly.

"You're so serious again, what is wrong?" Hindi ko na napigilang itanong.

"You're going to be madly mad of me.." He said in a low voice, more like of a husky voice. "Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng paumanhin." Aniya, making me smile dahil hindi ako sanay na panay ang kanyang pagsasalita ng diretsong tagalog.

I get it, if he is really in deep thinking, napapatagalog siya. I get it, Bradley.

"I don't understand." I remarked, "But I can feel I will be." Humalakhak ako sa kanya.

"But we'll still go out, right?" Tanong niya ulit.

"Yup." Maikli ko namang sagot.

After a long stretch of silence, narinig ko ang cellphone kong tumunog kaya nama'y agad ko itong hinugot mula sa aking pouch, I saw Bradley glanced at me a bit.

"Hello, Leona?" Ang sagot ko, dahilan upang mapatingin muli si Bradley sa akin gamit ang nagtatakang mga mata. Nagtaas pa ito ng kilay at mataman na bumaling sa daan.

"Hello, pumasok ka? Would you watch my game-"

"Sorry Leona, may lakad ako ngayon. I have to visit someone, I'm sorry." Napatingin ako kay Bradley nang naabutan ko na siyang nakangiti sa kawalan habang nagmamaneho.

Parang ewan talaga.

"Ganoon ba? Next time, then?" He sounded disappointed but he is trying to hide it.

"Sorry talaga." Ulit ko.

"No, it's okay." Aniya. "So goodbye, mag-iingat ka lagi." Aniya at agad na pinatay ang tawag.

Naibaba ko na lang ang aking cellphone at agad na napabuntong hininga, I really feel guilty for him. For no reason, I feel so harsh and unfair.

"The boy likes you so much." Bradley suddenly said.

"You can't say that," I remarked at bumaling sa kanya, "He might be naturally like that, he has a soft heart and he is so kind." Paliwanag ko.

"And?" More like 'anong pake ko'.

"I don't know, I feel sad for him." Nasabi ko na lamang.

"Why?" Tanong niyang muli.

"I don't know, feeling ko, hindi niya deserve iyong ginagawa ko sa kanya. He deserves a woman who could give the feelings back." Paliwanag ko.

"And that woman is?" Nagtaas siya ng kilay habang nakatingin sa labas.

"Claire." Agad kong naisagot.

"You cannot blame him for being attracted to you. You're a nice woman, and...pretty though." Aniya, dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

Did he just said that? Napangiti ako nang biglaan.

"Do you think he likes me because of that?" Wala sa sarili kong tanong.

"Hindi ko alam, wala akong pakialam sa kanya." Aniya kaya naman ay sinimangutan ko siya agad.

"You're harsh." Komento ko na lang.

"I don't like him for you."

"Why not?" Hamon ko sa kanya.

"You are both soft. You deserve a man, perhaps someone stronger." Aniya bigla.

Napatawa ako, nang mapagtanto ang kanyang punto. I get it, Bradley.

"Why are you laughing?" Kunot noong sinabi niya.

"You're not vague, I clearly know what you're saying." Umiling-iling ako sa kanya.

"What I mean is you deserve me more." He said, a bit pissed but for me isn't.

Dati, natatakot ako kapag ganyan na ang tono ng kanyang pananalita, ngunit ngayon ay mas natutuwa na ako. And I seriously don't know why.

"You are just the most confident man that I have ever met." Umiling-iling ko na lamang na sinabi.

Nakita ko na lang ang isang ngisi sa kanyang mukha.

Matapos ang ilang sandali ay ihininto niya ang kanyang kotse sa isang parking lot na walang laman. Napakunot ang aking noo at tumingin sa kanya, ngunit agad itong lumabas ng sasakyan, kaya nama'y napalabas na lang din ako.

Pumasok kami sa elevator at pinindot niya agad ang eighth floor. Napakunot noo ako sa kanya, habang pinapanuod na parang alam na alam niya ang lugar na ito.

Nagbuntong hininga siya at pagkatapos noon ay hinarap ako. "Trust me in this, okay?" He said, trying to comfort me.

Ngunit habang umaandar ang elevator pataas ay namumuo ang matinding kaba sa aking sistema. Sino ang bibisitahin namin? And what is this unfamiliar place with a luxurious elevator?

Pinaypay ko ang aking kaliwang palad sa aking mukha, dahil sa kakaibang kabang nararamdaman. Nag-umpisa na namang kumalabog ang aking puso nang sobrang lakas, iyong tipong hindi na ako makahinga. Ngunit pinilit kong itago ito, hindi ko mawari kung nasasabik ba akong malaman kung sino ang aming bibisitahin o may hindi maganda akong malalaman.

Hindi ko natakasan ang kaba, lalo na nang bumukas ang elevator. I sighed heavily and immediately went out with Bradley.

Nang mapansin niya ang lubos kong kaba ay agad niyang hinawakan ang aking kamay, at 'saka pinisil ito.

Hindi ko na iyon inalintana, dahil mukhang sasabog na ang aking puso dahil sa sobrang kaba na nahaluan ng pagkasabik.

We are walking inside a hallway. More like a hallway of a penthouse, na mas lalong nagpataka sa akin.

Huminto kami sa isang pintuan na may dalawang gwardya na nagbabantay at nang makita si Bradley ay agad kaming pinapasok na dalawa.

Kulay puting malawak na kwarto, maraming gamit at agaw pansin ang mga gamit.

There is an alvsbyn chandelier, that creates a great outview with that white ceiling. There are also two-seat sofas, and a glass table with a single wing chair. Beside that, is a candle light holder. There are also numerous painting hanging in the elegant white walls, and even the sprallis wall clock didn't escape my little compliment for the whole room, even the wall cabinets with glass doors, the flat TV placed and combined with the storage combination of glass accessories. It is all black, white, and dirty white. It all screams elegance. The glass windows, topped with some white, thick curtains looked so fresh and beautiful.

Even the walls without anything in it screams elegance. And I don't know why I call it that. And with all the right elegance in its proper places, I am standing inside a beautiful penthouse.

Naglakad kami ni Bradley patungo sa isang pintuan, at pagkatapos niyang iharap sa isang scanner ang kanyang ID ay agad itong bumukas nang kusa.

At ang una kong narinig ay sunod-sunod na mababagal na lagitik mula sa isang monitor. Life monitor. Like we are entering a a hospital room.

Kumalabog ang aking dibdib. Sobrang lakas, hindi ako makahinga hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa isang malawak na kwarto.

Nanlaki ang aking mga mata at agad na naluha, my tears are so aware, my heart is so aware and I am not.

Lumapit kami nang tuluyan, at doon, napagtanto ko ang nakahigang lalaki sa higaan.

"P-papa?"

Napaiyak ako sa hindi malamang dahilan, Papa was in his office, right? And this isn't him. If it isn't him, then who is it?

"Tito Alexandro?" I murmured.

"That's not Alexandro. That's Mattew...the real Mattew." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko rito ang isang pamilyar na mukha, ang mukhang nakita ko sa office ni Papa noon.

The real Mattew?

Continue Reading

You'll Also Like

179K 4.2K 47
Kayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata a...
453K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
137K 2.1K 32
Angel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all o...
82.1K 1.3K 31
Angel With A Shotgun Series #8: Laurisse, The Dauntless Daughter Laurisse is a frustrated doctor. She did everything just to please her father but it...