Not A Fairytale✔

By penpayne

47.1K 929 49

She was raped by her future lover's brother. Neterini Maraese is such a fragile woman, how do you think coul... More

Not a Fairytale
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Denouement

Chapter 13

988 26 0
By penpayne

Chapter 13

I checked the weather next morning, that’s the very first thing that I did before brushing my teeth and washing my mouth. I was filled with relief when I saw that there will be no rain coming.

Nang gumising ako ay si Claire agad ang bumungad sa akin, she is cooking breakfast, at napangiwi na lamang ako nang mapansin ko ang kanyang nilutong ham na may sunog-sunog pa sa gilid. Napatawa ako nang napagtantong ang maayos lang sa linuto niya ay ang ham na medyo may sunog, pero may sunog pa rin.

“Why are you laughing? Nag-effort pa naman ako para sa’yo tapos pagtatawanan mo lang ako?” She asked like a kid.

“What does laughing even mean? It means you’re happy. Right, I am happy because you cooked breakfast for me.” Nakangisi kong tukso sa kanya.

“Liar.” She said and turned to get some fresh milk, nagsalin siya sa kanyang baso at ganoon na rin ang kanyang ginawa sa akin.

Naupo na ako sa dining table at kumuha sa ham na kanyang niluto, agad akong kumagat dito at napainom na lamang ako sa fresh milk ko nang malasahan ko kung gaano ito kapait.

“I’ll cook better next time!” She defended.

Napailing na lamang ako sa inasal niya, pinanuod ko siya habang nagliligpit siya ng mga ginamit niya sa pagluluto. She’s funny, ham lang naman ang niluto niya pero napakarami ng huhugasin niya.

Pagkatapos kong kumain at tulungan siya sa paghuhugas ay agad kaming gumayak upang pumasok na sa klase.

I tried to wear a straight cut high-waist brown pants and paired it with a white high neck crinkled blouse. Pinulot ko ang aking sling-back sandals at agad itong isinuot, kinuha ko ang kulay puting hobo bag at agad nang lumabas ng kwarto matapos magspray ng kaunting perfume.

Sabay kaming napalabas ni Claire at napawow na lamang ako nang makita ko kung gaano siya nag-shine sa kanyang outfit.

“Claire, just wow!” I can’t help but to exclaim.

She chuckled and posed at her door like a model. “How is my new Gucci bag?” She smiled at bahagya pang itinaas ang kanyang bagong Gucci bag.

Umiling ako sa kanya at tinuro ang kanyang outfit. “You look nice.” Ngisi ko sa kanya.

She is wearing a layer puff sleeve dress na floral, her skin is uniformly nice with the color flesh pink of the dress. Napatingin ako sa kanyang suot na white lace up high heel na mas lalong nagpaganda sa kanyang buong awra.

“You just said that kasi nakadress ako.” Ngumuso siya sa akin.

Tumawa na lamang ako at nagsabay na kaming lumabas sa dorm building namin. Mula nang lumabas kami ay pansin ko na agad ang mga matang napapako kay Claire, iba talaga ang ganda niya ngayon. I mean, she’s already beautiful, it’s just that she shines better with dresses. I suggest she should wear dresses starting today.

“Anong pumasok sa isip mo at nagdress ka?” Makahulugan ko siyang tinignan habang nagsasabay kami sa paglalakad.

Iniwasan niya ang aking mga mata. “Nothing, mas maganda kasi itong ipares sa bagong Gucci bag ko ano! Flesh pink!” She explained, trying to persuade me.

“Really?” Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Or you like someone and you are just showing off?”

Napatingin siya bigla sa akin. “It is natural to like someone, though.” Aniya habang nakatingin sa daan, marahang naglalakad.

“So you like someone?” I asked.

“Okay! Yes! I like someone!” She answered.

Napatawa ako at nagsimula na akong tuksuhin siya, “who is he? Is he from our department?”

“Shut it! Hindi ko sasabihin sa’yo.” Nakabusangot niyang sagot na parang bata.

“You’re blushing! Oh my gosh, Marie Claire Siba is blushing!” I exclaimed nang makita ko ang kanyang pisnging unti-unti nang namumula. Napatawa ako lalo nang tinakpan niya ito.

Paulit-ulit ko siyang tinukso hanggang sa makarating kami sa aming first class, hindi gaya ng dati ay marami ng tao rito. Even Shaney is here, looking bored while scrolling on her cellphone. Napalibot ako ng tingin sa hindi malamang dahilan.

Napatigil ang tingin ko nang magtama ang tingin namin ni Ellie sa isa’t-isa, she is also starring at me. Nagtaas siya ng kilay nang napagtantong nakatitig na pala kami sa isa’t-isa, agad akong umiwas ng tingin at naupo na lamang sa upuan ko.

“Hey, you. Are you okay now?” Napalingon na lamang ako kay Shaney at nakitang nakadungaw na siya sa akin.

“I’m fine now.” Nakangiti ko namang sagot sa kanya.

Muling napatigil ang ingay ng classroom, at napatingin na lamang ako sa likuran nang makita ko roon si Bradley na nakahawak muli sa pintuan habang nakabulsa ang isang kamay.

“Bagong brand na naman ng sapatos ang suot niya, I wonder who is his source.” Bulong ni Claire sa amin ni Shaney.

“He’s rich, what do you expect.” Parang tinatamad na sagot ni Shaney.

Napasimangot na lamang si Claire dito. “Mayaman din naman ako.”

Napatingin si Shaney sa kanya at itinulak nito ang noo ni Claire gamit ang hintuturo. “Bitch, you’re not rich. Your parents are rich, not you.” Mataman na sinabi ni Shaney.

“Bradley is also like me, his parents are rich but not him.” Pagmamaktol naman ni Claire kay Shaney.

Naghalumbaba na lamang ako at pinanuod ang pagtatalo ng dalawa. Napatigil na lamang si Claire at tumingin sa tapat na upuan nang umupo na rito si Bradley.

“Brad. Where did you get the Yeezy Boost Mafia 350 Spring V2 mo? At Clay pa?” Sunod-sunod na tanong ni Claire bigla kay Bradley na ngayon ay prenteng nakaupo habang nakaunat ang mga paa at ang mga braso’y nakaekis sa kanyang dibdib.

“Abroad.” Maikling sagot ni Bradley habang nakatingin sa harapan, ni hindi man lang nag-abalang tumingin kay Claire.

“Wala bang ganyan dito sa Pilipinas?” She asked again.

Marahan ko na lang na naipikit ang mga mata ko at pinipigilang panlakahin ng mata si Claire.

“If you’re cheap, meron.” Sagot naman ni Bradley, nakatingin pa rin sa harapan.

Napansin ko ang pagpipigil ng tawa ni Shaney habang nakatingin sa harapan, halatang nakikinig din.

Napatigil na lang si Claire sa pagtatanong at agad na umirap sa hangin. Umiling-iling na lamang ako at napatingin na rin sa harapan.

“Let’s eat lunch together.” Narinig kong sinabi ni Bradley kaya napatingin ako sa kanya.

“A-ako ba?” Sabay turo ko sa sarili ko, at agad na pinagsisihan ang tanong. That is an obvious blurt of shame!

Napatingin naman si Shaney at Claire sa akin, nag-aabang sa susunod na mangyayari.

“Eat lunch with me, Neterini.” He repeated habang nakatingin sa harapan.

Napatigil ako sa narinig. Did I hear him right? He just uttered my name! Naulit-ulit iyon sa isip ko, nagpantig iyon at hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagtibok ng puso ko. Bahagya ko itong dinampihan ng palad ko at naramdaman ko ang malalakas na kalabog nito.

“Sorry Ma’am! I am late!”

Napatigil muli ang aming professor nang malate muli si Reeze sa  unang klase. This time, puno na ang upuan sa likuran, at tanging ang upuan na lamang sa tabi ni Bradley ang bakante kaya nama’y naglakad nang walang pag-aalinlangan patungo rito.

“This is your second name in my log book, Mr. Alcoran. I want to see you after this class.” Ma-awtoridad na sambit ng aming professor.

“Excuse me, Bradley.” Mahinang tanong ni Reeze kay Bradley ngunit hindi gumalaw si Bradley sa kanyang kinauupuan.

Hindi pa rin siya natinag nang ulitin ni Reeze ang sinabi nito. Hanggang sa tumaas na ang boses ni Reeze, napipikon na rin. “Ano ba?! Ginagago mo ba ako p’re?!” Iritadong sambit nito.

“You’re late, why would I adjust.” Mahinahon namang sinabi pabalik ni Bradley.

“Masama bang ma-late?” Iritado pa ring tanong ni Reeze, nakayuko at pinapanuod si Bradley.

Napatahimik ang buong klase sa biglaang pagtaas ng boses ni Reeze, maging ang aming professor ay hindi na rin nakapagsalita.

“Read the student’s handbook. And yes, masamang ma-late.” Mataman na sagot naman ni Bradley sa kanya.

Napatingala na lamang si Reeze upang magpigil ng nagpupuyos na galit kay Bradley. Calm people are always the most difficult to handle, iyong tipong galit na galit ka na pero sila - mukhang wala pa ring pakialam.

“Fighting over a stupid chair again.” I heard Shaney murmured while her chin is resting at her knuckle.

“Reeze, dito ka na lang maupo.” Napatingin kaming lahat sa nagsalita, it’s Ellie.

Tumayo ito habang buhat-buhat ang kanyang totes bag, at marahang nagmartsa patungo sa kinaroroonan ni Reeze.

Halos lahat ng mata rito sa klase ay nakasunod sa kanyang galaw. “Ako na ang uupo sa tabi ni Bradley,” she remarked when she finally reached Reeze’s spot. “I’m sure Bradley won’t mind?” Nakangiti niyang tanong at bahagya pang tinanaw si Bradley na nakatingin pa rin sa harap, ni hindi man lang nagbago ang kanyang posisyon.

Napatingin si Reeze kay Bradley at sa akin, he sighed while he is starring at me at nag-umpisa nang maglakad papunta sa upuan ni Ellie. Naiwan naman si Ellie’ng nakatayo sa tapat ni Bradley.

“She’s too confident.” Narinig kong sinabi ng isa naming kaklaseng babae.

“She really thinks every damn boy in this school likes her doesn’t she? Gross.” Gatong pa ng isa naming kaklase na babae.

“Magvolleyball ka rin kasi para maging famous ka.” Halakhak pa ng isang lalaki.

Napatingala ako kay Ellie at napansin kong nakangiti pa rin siya, ngunit ang mahigpit na hawak niya sa kanyang bag ay nagpapahiwatig na malapit nang mapigtas ang kanyang pasensya.

She was about to walk away, but then Bradley stood up. Offering the seat beside him to Ellie. Napatigil si Ellie at bahagyang napatingin kay Bradley, at hindi nagtagal ay ngumiti na lamang ito nang malapad.

Marahan siyang naglakad sa upuan na nasa tabi ni Bradley at nang makaupo na ito rito at naupo na pabalik si Bradley sa kanyang upuan. Maintaining the same stunt.

Napatikhim na lamang ang aming professor upang ipagpatuloy ang discussion.

Inilibot na lamang ni Ellie ang kanyang tingin upang tignan ang mga nagsalitang mga babae kanina, sinasabi ng kanyang mga mata ay nagtagumpay siya habang nagtataas ng kanyang kilay.

Iniwasan ko na lamang na tumingin sa gawi nila at nakinig na lamang sa aming professor.

Matagumpay namang natapos ang klase naming pang-umaga, I felt hungry when our last morning class is finally done. Nagsisi tuloy ako na hindi kumain nang marami sa sa niluto ni Claire na ham kanina.

Agad kong inilibot ang paningin ko sa buong Cafeteria, hinahanap si Bradley. At nakita ko naman siya agad, may tinitignan sa kanyang cellphone.

“Ayaw niyong sumabay sa amin? I’m sure Bradley won’t mind.” Paninigurado ko pa kay Shaney at Claire.

“No, take a quality time with him. Tiyaka na kami eeksena kapag may kayo na.” Hagikgik ni Claire na agad namin inilingan ni Shaney.

“You both look so intimate when you’re together. Mas mabuti sigurong wala kami ni Claire roon, sa bunganga ba naman nitong babaeng ito.” Aniya pa.

Napatawa na lang ako sa sinabi niya, sinamaan naman siya agad ng tingin ni Claire.

Naupo sila Claire, di kalayuan sa amin, samantalang ako ay naupo naman sa harap ni Bradley. Napatigil siya sa pagcecellphone nang napansin niya akong naupo na roon sa harap niya.

“Um-order ka na ba?” Tanong ko habang naglalabas ng card.

“Nope.” Sagot niya habang nakatitig sa akin.

“I’ll go order.” Tatayo na sana ako nang iharap niya sa akin ang screen ng kanyang kulay itim na cellphone. Bumungad sa akin mula sa malawak na screen ang search box sa kanyang Twitter.

“Type in your user name, I’ll go order for us.” Aniya at parang nang-uutos pa. “What’s yours?” Tanong niya pang muli sa akin.

Napatitig ako saglit sa kanyang cellphone at napilitang tanggapin na lamang ito, bigla na lamang pumintig ang aking puso sa hindi malamang kadahilanan. Napabuntong hininga na lamang ako at pinakalma ang sarili.

“Rice curry and water.” Wala sa sarili kong sinabi.

Nang makaalis na siya ay sinundan ko siya ng tingin. Again, the majority of people inside this Cafeteria is on him, checking him out. Ang iba naman ay nakatingin sa akin at mukhang nagtataka pa.

Muli akong napatingin sa screen ng kanyang cellphone. Marahan kong nitype ang user name ko sa Twitter: neteriniese.

Bumulaga ang twitter profile ko, I didn’t tap the follow button. Bagkus ay nagulantang ako nang makita ko ang followers ko na mas dumami pa!

Last time I checked, my followers are only 600 plus, but now it’s already hitting thousands!

Naalala ko, iyong tweet ni Harry. Kaya siguro. I sighed and stalked my own profile using Bradley’s Twitter account. Last update ko pa ay noong summer. Ang tagal na pala.

Napatigil na lang ako nang naupong muli si Bradley sa harapan ko.

Agad ko namang ibinalik ang kanyang cellphone sa kanya, kasunod nito ang isang server na inilapag na ang aming mga in-order. Agad kong kinuha ang rice curry at ang isang baso ng tubig.

Napatingin naman ako sa kanya bigla nang hindi niya ginalaw ang kanyang in-order na pagkain.

Nakadungaw lamang siya sa kanyang cellphone, at nang ibaba niya ito ay nakita kong nakafollow na ako sa kanya. Muli akong nakaramdam ng kakaibang kalabog sa aking dibdib, at bahagyang kiliti sa aking sistema.

“Make sure to follow me back.” Aniya pa at agad na kinuha ang kutsara upang mag-umpisa nang kumain.

Hindi ako nakapagsalita at tumitig na lamang ako sa kanya nang wala sa sarili. Ni hindi ko rin namalayang hindi ko na ginagalaw ang aking pagkain.

“If you keep on starring at me like that, I might think that you’re interested in me.” Aniya nang hindi nakatingin sa akin at patuloy na kumain.

Napatikhim naman ako bigla at agad na nag-iwas ng tingin. Muli akong nakaramdaman ng kakaibang kiliti sa aking sistema, at ang mabilis na tibok ng aking puso ay bumida na naman. Maingay akong bumuntong hininga at sumubo sa pagkain, ibinagsak ko na lang dito ang aking mga tingin upang maiwasan ko na ulit siyang titigan.

Inom ako nang inom nang tubig bawat subo dahil parang bigla akong nawalan ng ganang kumain, hindi dahil sa kahit anong bagay, ngunit dahil kay Bradley - na siyang kaharap ko ngayon. Isa rin itong magaling sumira ng mood.

But he does it differently.

“What are you doing?” Tanong niya sa akin nang napansin niyang umiinom ako sa aking baso na wala na palang laman na tubig.

Napatigil ako nang mapagtantong wala na nga pala itong tubig, ibinaba ko ito at ngumiti nang painosente sa kanya. “Hindi ko namamalayan.” Nahihiya kong sambit at agad tumayo upang um-order muli ng karagdagang tubig.

What is this? What is just so wrong with me?

Nang tumalikod na ako sa kanya ay agad akong napapikit nang mariin dahil sa kahihiyan. I might have looked stupid out there!

Ngunit sa kabila ng kahihiyan ay naramdaman ko na naman ang aking puso na patuloy sa pagpintig nang mabilis at mabigat.

Humawak akong muli rito, dinadamdam ito at pinipilit itong ptigilin kahit alam kong ang simpleng paghawak ay walang magagawa.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
15.4K 570 44
They call her the Picture Perfect. but in Zoe Mage Nicholas eyes, She's definitely an Epitome of Disaster. Highest Rank 🏆 #58 in Slice of Life Categ...
1.3K 268 47
A girl who believes in fairytale who will fall in love with a guy with a dark past that causes him to doubt the word love. Will her love be returned...