SA DEVAS
EMRE'S PROVERBS
Nagtungo sa Devas upang sunduin ang ilang Kawal Celestia pagkat ilang araw nalang ay magaganap na ang unang digmaan sa mundo ng mga tao liwanag laban sa kadiliman.
KAWAL CELESTIA:Avisala Mahal na Bathala natutuwa ako ng nagbalik na kayo.
EMRE:Sa katunayan ang nagtungo ako dito upang sunduin ang ilang kawal celestia para sa labanang maganap ilang araw mula ngayon.
KAWAL CELESTIA:Labanan di ba payapa na dito sa Encantadia Mahal na Emre?
EMRE:Hindi sa Encantadia ang tinutukoy kong labanan kundi sa mundo ng mga tao.
KAWAL CELESTIA:Kung ganon man ay maghanda na kami ng aking mga kasama.
Pagkatapos maghanda ng mga kawal ay dumeretso na kami ng Lireo upang ipaalam kay Hara Minea ang tungkol sa labanan.
SA LIREO
Pagdating namin sa bulwagan ng kaharian ay nadatnan namin ang dalawang Mashna na nakatayo doon si Muros at Hitano.
EMRE:Avisala mga Mashna nandoon ba sa loob si Minea?
MUROS:Oo Mahal na Bathala,kung nais mong pumasok ay maari rin.
EMRE:Avisala eshma.
Nagtungo na ako sa loob kasama ang aking mga kawal at nakita namin ang Hara na nakaupo sa kanyang trono na kasama si Raquim.
RAQUIM:Avisala Bathala
MINEA:Avisala Mahal na Bathala anong sadya mo dito?(Sabi niya habang pababa sa kanyang trono)
EMRE:Avisala Minea,maari ba tayong mag-usap na tayo-tayo lang?
MINEA:Mga kawal iwanan niyo muna kami.
Saka umalis ang mga kawal liban sa mga Kawal Celestia.
EMRE:Nagtungo ako dito at ang aking mga kawal upang ipaalam sa inyo na ang digmaang ipinahiwatig sa propesiya ilang araw mula ngayon.
RAQUIM:Kung ganon man ay kailangan natin maghanda at kailangan magpadala tayo ng kawal sa bawat kaharian para sa labanang magaganap.
MINEA:Ngunit Raquim may pangako tayong wala ng kahit sinong mga kawal na mabuwis ng buhay.
RAQUIM:Naiintindihan ko Hara ngunit may iba pa bang paraan?
EMRE:Oo meron pagkat maari akong makalikha ng alagad gamit ang liwanag,nais kong ipakalat ang balitang ito sa mga tumatayong pinuno sa ibang kaharian.
MINEA:Masusunod ang iyong nais Bathala at avisala eshma sa balita.
EMRE:Walang anuman at mauna na ako sa inyo.
Saka ako nag-ivictus kasama ang mga Kawal Celestia pabalik sa mundo ng mga tao.
SA FORBES TAHANAN NG MGA DIWATA
AQUIL'S PROVERBS
Pagkatapos ng buong araw na paghahanap at pakikipag-usap sa mga magulang ng mga batang aming nasagip gamit ang social media ay sa wakas natapos na rin ang aming gawain salamat na rin sa mga bata dahil tinulungan nila kami ang amin nalang ay papuntahin sila dito bahay para tiyakin ang kanilang kaligtasan.
Kaya andito kamo ngayon sa sala nanood ng TV habang nag-aantay ng aming mga asawa.
KID1:Salamat po talaga sa pagligtas sa amin sa pabrika kung di po dahil sa inyo malamang pinahirapan na kami doon.
AQUIL:Wala iyon Alex ang importante ay ligtas kayo ng mga kasama mo,pinahirapan?ano ba ang ginagawa nil sa inyo?
KID2:Kapag hindi po kami nakapag-repack na marami kinukulong po kami sa bodega at hindi pinapakain paminsan-minsan nga ay binubugbog pa.
AZULAN:Tanakreshna! ang mga ganyang klaseng nilalang ay dapat pinaparusahan ng kamatayan!
KID2:Po?ano pong ibig mong sabihin kuya Azulan?
YBRAHIM:Hehehe..w-wala huwag kang maniwala agad kay Azulan Peter nagbibiro lang siya. 😅
PETER:Hehehe..sige po😅
MEMFES:Mga bata excited na ba kayo na makita ang parents niyo bukas?
KID3:Oo naman po!
MEMFES:Buti naman kung ganon😁
Ilang minuto lang ay dumating na sila Danaya.
AQUIL:Mahal mabuti nalang na nakabalik na kayo.
DANAYA:Oo nga at natapos na rin ang aming mga gawain, kumusta ang inyong paghahanap sa mga magulang ng mga bata?
AQUIL:Maayos naman at pupunta sila dito bukas.
ALENA:Mabuti naman nang saganon ay makasama na nila ang kanilang mga magulang nila.
At may naramdaman kaming nag-ivictus sa aming likuran pag-lingon namin ay Cassiopea at ang ilang kawal mulawin na nag-anyong tao bumati ang mga ito at bumati din kami pabalik.
PIRENA:Sila na ba ang mga Kawal Mulawin na magbabatyaw nila Ether?
CASSIOPEA:Oo Hara.
KAWAL MULAWIN1:Sa katunayan nga po bukas na bukas din ay simulan na namin.
PIRENA:Mabuti naman kung ganon.
Ilang segundo lang ang nakalipas ay dumating na si Emre at mga Kawal Celestia.
YBRAHIM:Mabuti na andito na kayo Bathala.
EMRE:Oo siya nga pala kasama ko ang aking mga kawal.
MGA KAWAL:Avisala mga Hara, Rama, Hara Durye, mga Diwani, Rehav,at Bathaluman
Bumati din kami pabalik ng biglang sumulpot sina Evelyn at Jackie.
JACKIE:Hi po mga mam at sir sino po sila?
AMIHAN:Mga bisita namin Jackie.(Palusot ng Hara)
EVELYN:Ang popogi ha,hi mga kuya!
JACKIE:Huy Evelyn huwag ka ngang ano diyan!sorry po mam sa inasal ni Evelyn.
AMIHAN:Okay lang iyon siya nga pala handa na ang pagkain?
EVELYN:Opo Mam.
Tapos pumunta na kami sa hapag upang makapaghapunan ilang sandali lang ay hinatid na namin ang mga bata sa kanilang silid upang makapahinga at dinala ang mha kawal sa Secret Room ng bahay habang pagkat meron kaming silid doon na reserba sa mga kawal tamang-tama dumating na ang apat na Hari ng Elementia tapos ay nagtungo kami sa conference room.
SA CONFERENCE ROOM
ALENA:Ngayon na meron na tayong ilang mga kawal sa ating hanay ay wala na tayong problema pagdating sa pagbabatyaw sa ating mga kalaban ngunit kagaya ng dati ay hindi tayo dapat magpakampante pagkat malalakas ang ating mga kalaban.
CASSIOPEA:Tama si Alena pagkat nakikita ko na malaki ang posibilidad nilang manalo.
PIRENA:Sang-ayon ako sa iyo Bathaluman ngunit mas malaki ang posibilidad natin na magtagumpay pagkat lamang tayo sa kapangyarihan.
DANAYA:Oo Pirena ngunit huwag natin maliitin ang ating mga pagkat hindi pa natin alam kung ano ang kanilang magagawa.
LIRA:Pwede naman po natin pag-aralan ang kanilang mga galawan di po ba pagkat natitiyak ko na makakaharap natin ang mga nakakataas sa kanilang hanay.
AMIHAN:Magandang mungkahi iyan Lira pagkatapos ay pag-usapan natin kung may nagbago ba sa kanilang pamamaraan.
LIRA:Avisala eshma Yna.
MIRA:Malakas ang kutob ko na maaring may nagbago sa kanilang pamamaraan baka napansin na nila sa mga nakaraang labanan sa Encantadia o Elementia ay talo sila palagi.
ANGELO:Possible nga iyan mangyari at di natin alam na nagpapalakas ang ating mga kalaban para malabanan tayo.
PAOPAO:Di ba po may plano silang patakasin ang mga bilanggo sa Muntinlupa?may suggestion lang po sana ako.
ALENA:Ano iyon Paopao?
YBRAHIM:Batid ko na ang nasa isip mo Paopao pagkat iyan din ang nasa isip ko maari naman tayong magpadala ng ilang mga kawal doon upang magbantay sa labas,di ba Paopao?
PAOPAO:Iyan nga po Kuya Rama.
ALENA:Sige Ybrahim,Aquil sabihan mo ang mga Kawal bukas.
AQUIL:Oo Hara,kung inyong mararapatin ay maari ba nating pag-usapan ang stratehiyang gagamitin sa parating na labanan?
ALENA:Oo naman,ngunit kailangan
Tumayo ako at pina-on ang hologram ng T.M.S.N at C.M.V.D
AQUIL:Ang ating gusali ay may apat na bahagi katulad ng ating kaharian.
AZULAN:Oo Mashna pero ang kaibahan lang ay merong basement at maaring iyong pasukin ng mga kalaban at rooftop na maaring doon dadaan ang mga kalaban.
EMRE:Tama si Rama Azulan kaya kailangan na natin magtalaga kung sino-sino ang magbabantay ng bawat bahagi.
MEMFES:Sige Bathala ako na ang magtatalaga kami ni Hara Alena ay sa hilagang bahagi,Rama Azulan at Hara Pirena ay sa kanluran,Hara Amihan at Rama Ybrahim ay sa timog, Mashna Aquil at Sangre Danaya ay sa silangan,Mira at Angelo sa basement,Lira at Paopao sa Roof top.
OTIS:Sa aming gusali naman ay ako at si Keva ay sa timog,Haring Tarique at Reyna Amelia ay sa silangan,Haring Liam at Reyna Jacintha ay sa hilaga,Haring Lucas at Reyna Ava ay sa kanluran.
LIAM:Ang mga batang sangre at batang elementian ay doon na sa hotel na pinatayo natin di ba?
PIRENA:Tama ka doon Rama pagkat hindi pa ito ang tamang panahon na sasabak sila sa isang malaking labanan.
TARIQUE:Kung ganon man ay kailangan natin paghandaan ang labanan na ito at magsanay ng ilang araw.
LUCAS:Kailangan talaga natin itong paghandaan natitiyak ko na magaganap ang labanan tatlong araw mula ngayon.
CASSIOPEA:Tama ka pagkat nagpapakita sa aking panaginip si Ether sabi niya bibigyan niya tayo ng tatlong araw na magluksa tapos nun ay dadanak na ang dugo.
EMRE:Natitiyak ko na hindi lang iyan ang ibig niyang sabihin binibigyan din nila ng pagkakataon ang kanilang hanay upang maghanda siya nga pala ang makakasama ng mga diwata sa laban ay si Cassiopea at sa mga elementian naman ay ako.
ALENA:Masaya akong may nabuo na tayong plano para sa paparating na labanan kaya bilang Hara ng mga diwata ay isinisara ko na ang pagpupulong na ito nang saganon ay makapagpahinga na tayo.
Tumango naman ang lahat bilang pag-sangayon at nagtungo na kami sa aming kanya-kanyang silid habang ang mga Hari ng Elementia ay bumalik na sa kanilang mga tahanan.
SA CAVITE TAHANAN NI DAVID
ETHER'S PROVERBS
Nasa silid pulungan kami nila Agatha upang pag-usapan ang pagpapatakas ng mga bilanggo bukas ng gabi at pagplaplano tungkol sa labanan.
ETHER:Natitiyak ko na nagplaplano na ngayon ang mga diwata para sa labanang magaganap kaya kailangan na din mag-plano kaya Agatha buksan mo na ang pagpupulong na ito.
AGATHA:Bilang Hara ng Niyebe ay binubuksan ko na ang pagpupulong na ito,batid na man natin sa mga nakaraang labanan ay wala pa tayong naipanalo maski isa kaya may babaguhin tayo sa stratehiya natin.
ANDORA:Ano naman ang ating babaguhin Hara?
AGATHA:Imbis tayo ang maunang susugod ang ating mga halimaw ang ating pauunahin doon para oras ng ating pagdating ay wala na silang mga lakas.
BERTO:Magandang plano iyan Mahal na Reyna pero may mga alagang dragon ang mga iyon di ba kaya pwede pa rin tayong matalo.
AGATHA:Bakit Berto may naisip ka ba na mas maganda?
BERTO:Wala..😑
LUCIO:May naisip na ako ang unang pasusugurin natin ay ang mga bagong takas na mga bilanggo at ang ilang kawal saka na tayo susugod kung akalain na ng ating mga kalaban ubos na ang ating hanay.
MARCELO:Magandang stratehiya iyan Mahal na Hari at isasama ba natin sila David at ang kanyang mga tauhan sa unang pagsugod.
ETHER:Oo isasama natin sila nang saganon ay mapapaslang na ang mga iyon para tayo na ang mamahala sa negosyo!😈
ANDORA:Magandang plano iyan Bathaluman.
BERTO:Nahihibang na ba kayo magtataksil kayo kay David sa kabila ng tulong na ibinahagi niya sa atin!
TUKA:Hindi mo rin ba naisip na mas malaki ang mahihita natin kapag patay na sila?! pumili ka sasangayon ka sa plano o ako mismo ang papaslang sa iyo!
AGATHA:Oo nga Berto pumili ka!
BERTO:Sasangayon nalang ako.
Magtatagumpay pa kaya ang mga diwata sa labanan na ito?
Abangan sa susunod na mga kabanata