His Personal Wife - Book 2.

modernongmariaclara által

15.8M 235K 68.7K

FINISHED Több

His Personal Wife - 1.
His Personal Wife - 2.
His Personal Wife - 3.
His Personal Wife - 4.
His Personal Wife - 5.
His Personal Wife - 6.
His Personal Wife - 7.
His Personal Wife - 8.
His Personal Wife - 9.
His Personal Wife - 10.
His Personal Wife - 11.
His Personal Wife - 12.
His Personal Wife - 13.
His Personal Wife - 14.
His Personal Wife - 15.
His Personal Wife - 16.
His Personal Wife - 17.
His Personal Wife - 18.
His Personal Wife - 19.
His Personal Wife - 20.
His Personal Wife - 21.
His Personal Wife - 22.
His Personal Wife - 23.
His Personal Wife - 24.
His Personal Wife - 25.
His Personal Wife - 26.
His Personal Wife - 27.
His Personal Wife - 28.
His Personal Wife - 29.
His Personal Wife - 30.
His Personal Wife - 31.
His Personal Wife - 32.
His Personal Wife - 33.
His Personal Wife - 34.
His Personal Wife - 35. PRIVATE
His Personal Wife - 36.
His Personal Wife - 37.
His Personal Wife - 38.
His Personal Wife - 39.
His Personal Wife - 40.
His Personal Wife - 41.
His Personal Wife - 42.
His Personal Wife - 43.
His Personal Wife - 44.
His Personal Wife - Epilogue - Prologue.
His Personal Wife - 1st Special Chapter.
Please read: Announcement. :)

His Personal Wife - 45.

301K 4.9K 1.5K
modernongmariaclara által

Dedicated to Darcy. Thanks sa lahat!

PS: Last chapter na 'to guys. LAST CHAPTER. WALANG BOOK 3. Magsilabasan na mga pigney teens! Ok, enjoy. :( Sana maramdaman niyo ang update ko na 'to. Kasi sa totoo lang, ang lalim ng pinaghugutan ko dito. Wag madaliin ang pagbabasa okay? Eto na ang #HPWTheFinalMoment...

-------------------------

HPW previous chapter...

"Kath, spend time with me today."

"H-ha?"

"Yung nasa list mo Kath. Tutuparin natin lahat yan. At gagawin natin lahat yan ngayon."

Napangiti na lang ako kahit may tumulong luha na naman sa mga mata ko.

Magpapaka-selfish muna ako.

"Okay."

Ngumiti siya. Pero bakas sa ngiti niya yung takot.

Takot na lang na iwanan ko siya ng basta-basta.

------------------------------

CHAPTER 45.

DANIEL'S POV

"Kath, hey. Hey Kath." tinapik-tapik ko siya sa balikat para magising. "Nandito na tayo."

Hindi siya dumilat. Nanatili siyang pikit at di gumagalaw sa shotgun seat.

"Kath, nandito na tayo sa drive-in movie theater. Hey, Kath..." nilapitan ko siya. "Kath?"

Bakit di siya sumasagot?

Oh shit!

"Kath, Kath ano ba sumagot ka!" tinampal-tampal ko siya sa pisngi. "Kath ano ba?!"

No...

Wag mong sabihing iniwan na niya ako?

"Kath naman e!" niyakap ko siya at nagulat ako ng di na siya humihinga. Napapikit ako. "Kath ano ba! Wag ka ngang ganyan! Kath!!!"

"Pft..."

Napadilat ako ng narinig ko siyang nag-'pft'. Pagkatingin ko...

Nakangiti siya sakin.

"Joke lang naman yun DJ."

W-what?!

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya.

"Joke? Joke yun? Bakit di ako natawa ha?!"

"Hala, bakit ka nagagalit sakin?"

"Talagang tinatanong mo pa sakin kung bakit ha?!"

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at nasuntok yung manibela sa galit.

"Hindi magandang biro yun Kath."

Damn it. Akala ko...

Akala ko iniwan na niya ako.

Hindi niya ba maintindihan? Kahit alam kong gigising pa rin siya para sakin...

May malaking takot pa rin ako na pwede na lang niya akong iwan basta-basta.

"DJ..."

Di ko siya pinansin. Itinuon ko na lang yung pansin ko sa movie screen.

"DJ naman e..."

Nakakainis.

Nagsimula na yung movie na 'Titanic' at ramdam kong di mapakali si Kath. Huh. Dapat lang. Nakakainis talaga. Di niya ba alam kung gaano ako natakot ha? Joke joke pa. Banas.

Nangangalahati na yung movie ng napansin ko na kanina pa lunok ng lunok si Kath. Pagkatingin ko, nakatingin lang siya sa movie screen at para siyang naiiyak.

Teka, di naman nakakaiyak yung part na 'to ah?

"Oy Kath, bakit ka umiiyak dyan ha?"

Pinunasan niya yung luha niya.

"Napuwing lang ako." sabi niya ng di nakatingin sakin.

Bumuntong-hininga ako.

Talaga naman Kath oh. Talaga naman.

"Sorry na Kath." hinila ko siya papalapit sakin at niyakap ng mahigpit. "Sorry na."

Pagkasabi ko nun, umiyak siya bigla. Parang di pa siya makahinga. Talaga 'tong patpatin ko na 'to oh. Napakaiyakin.

"DJ... I'm sor--"

Di ko na siya hinayaang makasagot. Hinalikan ko siya hanggang sa parehas na kaming naghahabol ng hininga. Gusto ko siyang sumbatan pero di ko magawa. Unti-unti na lang nawawala yung hinanakit ko sa kanya.

Maya-maya, bumitaw ako. Leaving her breathless.

Go to a drive-in movie and watch Titanic, and then feel breathless after a kiss in the car.

Natupad namin yung isang nasa wishlist niya without even knowing it.

Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya.

"Wag mo na ulit uulitin yun ah. Wag na wag mo na kong tatakutin ng ganun."

"Opo."

"Good. Sige, manuod na tayo."

Huminga kami parehas ng malalim at binalik na lang yung tingin sa movie screen. Mahigpit pa rin ang hawak ko sa kamay niya.

Baka mamaya kasi, bigla na lang siyang bumitaw.

Di ko makakaya yun.

Kumapit ka lang Kath... Kumapit ka lang...

Pagkatingin namin sa movie screen, bigla na lang nagkaroon ng parang nakakailang na hangin samin.

Gulp.

Ano ba 'to, yung pinapakita ngayon. Nakakaano.

"A-ah--"

"U-uhm--"

Nanlaki parehas yung mga mata namin.

"Lika na nga Kath!"

Agad kong pinaharurot yung kotse namin paalis ng drive-in movie theater. Nagulat ako ng bigla siyang tumawa ng tumawa.

Napangiti tuloy ako habang nakatingin lang sa kanya.

Kath, di ako magsasawa sa tawa mo. Kaya wag na wag kang titigil sa kakatawa ha?

"Bakit ka ganyan makatingin ha?"

Umiling ako. "Wala. Wag mo na kong pansinin. Saan mo na gusto pumunta?"

"Sa mall na lang muna tayo, okay lang ba?"

Ngumiti ako. "Basta gusto mo, gagawin ko."

Nagfocus na ko sa pagddrive. Kampante pa rin ako dahil katabi ko pa rin siya.

Kanina, pagkaalis namin, dumiretso kami sa simbahan.

Go to church to pray and worship Papa God.

Sa totoo lang, di ko nga alam kung nakapagdasal ba ako ng maayos e.

Kasi naman, nakatingin lang ako kay Kath habang nagdadasal siya.

Hindi niya pa panahon, bro. Wag mo muna siyang kunin sakin.

Huminga ako ng malalim. Kaya niya 'to. Alam kong gigising siya para sakin.

Kanina rin pala ng umaga, bago kami nagpunta sa simbahan, ang ganda ng bungad sa araw ko.

Treat each other a relaxing body massage.

Relax na relax ako. Lalo na kasama ko pa ang babaeng mahal ko. Ano pa bang hihilingin ko? Wala na.

Kaya sana, bro. Wag niyong ipagkait sakin 'to. Wag siya. Wag muna. Please...

Pagka-park ko ng kotse sa may parking lot ng mall, lumabas na ko at agad na pumunta kay Kath. Binuksan ko yung pintuan niya at inalalayan siya papalabas.

"Lika na?"

Ngumiti siya at kinuha yung kamay ko.

"Lika na."

Pumasok na kami ng mall, magkaholding-hands. Maraming taong nakatingin na lang samin. Siguro kasi kilala talaga kami o dahil sa parehas kami ng suot.

Parehas kasi kaming naka-black and yellow t-shirt, black pants, and vans slip-on na color black na may batman design.

Yung binili namin two years ago.

Wear matching couple shirts together.

Wala akong pakielam kung magmukha akong baduy dahil may "Pigney" na nakalagay sa likod ko. Kasama ko naman ang "Patpatin" ko e.

Basta masaya siya, masaya na rin ako.

"Dun tayo DJ!"

Nagpahila na lang ako sa kanya sa may timezone. Ako na sana magbabayad para sa card pero di siya pumayag. Siya na daw bahala. Nag-load siya ng 100 at hinila na ko papasok ng photobooth.

Get cute, sweet photos taken inside a photobooth.

"Sorry DJ ah, okay lang ba na photobooth na lang muna gawin natin? Medyo pagod kasi ako e."

"Oo naman. Tutal, kasama naman 'to sa wishlist mo diba?"

Nagnod siya saka in-swipe na yung card. May mga kung anu-ano pa siyang pinindot. Maya-maya, bigla na lang niya akong hinila papalapit sa kanya.

"DJ, ayan na! 1, 2, 3, smile!"

Ngumiti ako habang nakaakbay sa kanya.

*flash!*

May 7 shots pa pala pagkatapos nun. Nagpose-pose lang kami sa kung anong gusto niya. Wala akong pakielam kung magmukha akong sira dahil nag-barney pose pa kami. Basta, mapasaya ko siya, okay na ko dun. Kahit eto man lang, maibigay ko sa kanya.

Ang saya-saya niya. Sana, ganyan siya lagi. Please, please... Wag kang bumitaw agad sakin.

"Last shot na DJ! 1, 2, 3, Smi--"

I kissed her.

*flash!*

Napangiti na lang siya sa ginawa ko. Pero bakas sa mukha niya yung lungkot. Pero kahit ganun, di niya ipinakita sakin na nanghihina siya sa sitwasyon namin. Kinuha niya agad yung pictures at hinila na ko papalabas.

"Let's eat DJ. Nagugutom ako!"

"Sige Kath."

Nagpahila na lang ako sa kanya sa may foodcourt. Bumili kami ng adobo at laing sa isang kainan saka umupo na.

"Hala DJ, oo nga pala. Di ka kumakain 'pag luto ng iba diba? Sorry. Uwi na lang tayo."

Tatayo na sana siya pero pinigilan ko. Hinila ko siya papaupo.

"Ayos lang. Mukhang masarap naman 'to."

Kahit di ako kumakain unless luto niya, sinabayan ko pa rin siya sa pagkain.

"Mmmm! Sarap! Pero mas masarap pa rin luto mo."

Ngumiti siya.

"Talaga?"

"Oo."

"Talagang-talaga?"

"Oo nga. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

Ngumiti siya ng nakakaloko sakin sabay bato ng laing sa mukha ko.

Binato. Niya. Ako. Ng. Laing. Sa. Mukha. Ko.

Talaga 'tong si Kath oh.

"Ganyanan na pala ha?"

Nanlaki yung mata niya at tumayo. "O-oy DJ kung ano man yang iniisip m-- HUWAAAAAAAAA!!!"

Nakipag-wrestlingan lang naman ako sa kanya sa gitna ng foodcourt habang kinalat yung laing sa mukha niya.

"DJ!"

Binitawan ko siya maya-maya ng napansin naming tumahimik sa loob ng foodcourt. Agaw-eksena pala kami. Pero atleast natupad yung isa sa wish niya diba?

Food fight in a food court in a crowded mall.

Yumuko na lang kami parehas at palihim na tumawa. Nakakahiya. Pero magkasama naman kami sa pagkapahiya kaya mas masaya diba?

"Lika na at hugasan muna natin yang mukha mo. Mukha ka ng kulangot."

"Kadiri ka!"

"Joke lang. Lika na!"

Maghawak-kamay na lang kaming pumunta sa may restrooms. Kainis. Di man lang ako pinapasok sa restroom ng mga babae. Malamang lalaki ako. Pero kasi gusto ko ako ang mag-aayos sa kanya.

Pagkahugas ko ng mukha ko, lumabas na ko ng restroom.

At nagulat ako sa nakita ko.

Shit! Anong ginagawa ni Bianca dito?!

Agad akong pumunta kay Kath at tinago siya sa likuran ko, saka hinarap si Bianca.

"Anong ginagawa mo dito ha?"

"Sir--"

"DJ, it's okay." hinawakan ako sa braso ni Kath at ngumiti. "Bigla lang kaming nagkita sa loob ng restroom and you know, nagkapaliwanagan na rin. I'm okay, don't worry."

"Sigurado ka ha?"

"Oo. Wag kang mag-overreact dyan."

I sighed and looked at Bianca na nakayuko.

"Wag po kayong mag-alala sir, naipasa ko na resignation letter ko. I'm... I'm so sorry."

"You better be. Let's go Kath."

Hinila ko na si Kath papalayo kay Bianca at dinala siya sa parking lot. Sinakay ko agad siya sa kotse saka binilisan ang pagpapatakbo ng kotse.

"Kath, theme park tayo."

Tahimik lang kami habang nasa byahe. Pagkapark ko sa parking lot ng Enchanted Kingdom, lumabas na agad ako. Inalalayan ko na rin siya papalabas.

Nagulat ako ng bigla niya kong hinalikan sa pisngi.

"DJ, calm down. I'm fine. Let's forget about it okay?"

Tinignan ko siya ng matagal. Para man lang makakalma ako.

"Sigurado ka ba ha? Baka mamaya..."

"Oo nga DJ. She said sorry. And I understand her. Ganun talaga ang buhay e. Kailangan na naman nating mag-move on diba?"

"Pero yung anak natin?"

She smiled, a sad one. "Kailangan naman natin matanggap na wala na siya e. Kahit mahirap, kailangan."she sighed. "Kaya DJ, kung sakaling... mawawawala ako, sana makapag--"

"Stop it Kath."

"Pero--"

"Tssh psh wushupp!!! Wag ka ng magsalita. Gawin natin yung #19 sa list mo."

"Sige na nga! Let's go!" ngumiti siya at hinila na ko papasok ng Enchanted Kingdom.

Habang bumili ako ng ticket namin papasok, nakatingin lang ako sa kanya. Manghang-mangha siya sa nakikita niya.

Kath, ganyan ka lang ha? Ganyan ka lang dapat.

Sumakay kami ng ilang rides kagaya na lang ng Space Shuttle, Rio Grande at Ekstreme:Ride Tower. Pakiramdam ko nga naiwan yung kaluluwa ko dun e.

"Dun tayo DJ!" sabay turo niya sa 'Wheel of Fate'.

"Kath naman, dyan?! DYAN?!"

Nakakalula kaya!

"Oo! Bakit, ayaw mo?"

Nagkamot ako ng ulo. "E kasi, ano, baka mamaya biglang magkalindol tapos ano, mahulog tayo! Oo tapos biglang magkaka-tsunami at kikidlat ng malakas tapos biglang magkakahiwalay tayo, patay na!"

"Sus! Dahilan mo. Takot ka lang!"

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. "Ako? Takot? Huh! Hindi ah!"

"Talaga?"

"Oo nga! Lika na nga ang bagal mo!"

Nauna na ko sa kanya sa upuan sa may wheel of fate. Maya-maya, tumabi na rin siya sakin.

"Wag ka ng magtampo oh."

Di ko siya tinignan. Kaya lang, maya-maya, bigla na lang niya kong niyakap ng mahigpit.

"I love you DJ."

Napabuntong-hininga na lang ako at inakbayan siya, saka sinandal yung ulo niya sa may balikat ko.

"I love you more Kath."

Ganun lang kami habang nakatingin sa scenery ng Laguna habang magkasama.

Ng nasa may pinakatuktok na kami, I leaned down and kissed her.

Go to a theme park, and kiss at the top of a ferris wheel.

Nafulfill ko na Kath. Onti na lang, mafufulfill ko na lahat ng nasa wishlist mo. Kumapit ka lang sakin ha?

Maya-maya, umalis na kami sa theme park. At dumiretso na kami sa Tagaytay.

Napatingin ako kay Kath na nakatingin sa labas ng kotse, nakangiti siya at para bang kuntento na siya sa nakikita niya.

"Tagaytay, I miss it."

I miss it too, Kath. I miss spending time with you in Tagaytay.

"Kath, horse-back riding muna tayo?"

"Sige! Nakakamiss pumunta dun!"

Pinisil ko na lang yung kamay niya habang papunta kami sa horse-back riding lagoon na pinuntahan rin namin two years ago.

Pagkapark ko, lumabas siya ng kotse agad at tumakbo dun sa lobby.

"Dali DJ!"

Napangiti na lang ako sa pagiging excited niya.

Nagbayad na ko para sa kabayo namin. Iisang kabayo lang dahil gusto ko, matupad yung wish niya.

Go horseback-riding on the same horse.

Pinasakay ko na si Kath sa harapan para safe talaga siya. Inayos na ni manong yung strap sa amin at binigyan kami ng safety tips gaya ng dati. Maya-maya lang, nagsimula na kaming maghorse-back riding.

"Kath, ayos ka lang ba ha?"

"Oo. Thank you ha? Masaya ako."

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit as a response.

Maya-maya, nakakita kami ng hill. Nagkatinginan na lang kami ni Kath.

Saka sinimulang tanggalin yung straps na nakalagay samin.

"Lika na DJ!"

Itinali ko muna yung kabayo sa may puno saka tumakbo papunta kay Kath na nasa edge ng hill na.

"DJ, bilisan mo!"

Pagkapunta ko sa kanya, agad ko siyang niyakap at hinayaang magpagulong-gulong kami pababa ng hill na 'to.

Hug while rolling down on a grassy hill.

Natupad na naman Kath, natupad na naman natin ang isa sa wish mo.

Nagulat na lang ako ng biglang umulan ng malakas.

Nagkatinginan na naman kami ni Kath. At nagngitian. Nag-formal bow ako sa kanya.

"Will you dance with me?"

"Pero walang music DJ."

Ngumiti na lang ako. Kahit mahirap ngumiti sa mga panahong ganito, kailangan. Para sa kanya.

"Kuntento na ko sa tibok ng puso natin, Kath."

Ngumiti siya saka sumagot ng "Sige na nga." saka kinuha yung kamay ko.

And slowly, surely, we danced in the rain, with our heartbeats as the music.

"Kath, I love you. I love you so much."

She smiled. "Buti na lang umuulan, naiyak kasi ako sa sinabi mo."

Napangiti ako sa sinabi niya. Nakatingin lang kami sa isa't-isa habang sumasayaw.

And in a short while, we shared a kiss. A bittersweet one.

Slow-dance in the rain, then kiss.

I love you, Kath.

Pagkatapos nun, inalalayan ko na siya paakyat para makasakay na kami sa kabayo para makabalik na kami sa lobby. Ang dungis-dungis ni Kath. Basang-sisiw pa. Pero kahit ganun, ang ganda pa rin niya. Inside-and-out.

Pero syempre pinunasan pa rin namin ang isa't-isa. Ang kulit nga e. Mas lalo tuloy kaming dumungis.

Groom each other playfully.

Pero atleast, natupad yun diba?

Hawak-hawak ko yung kamay niya habang nasa loob kami ng kotse.

"Saan tayo DJ?"

"Beach house natin."

"Beach house natin? Wait, sa beach house mo? Diba nasa Palawan yung beach house mo?"

Nginitian ko na lang si Kath. "Natin nga e. Beach house natin."

Di na siya nagsalita. Di niya yata alam na dapat dun ko ibibigay yung necklace na suot niya ngayon e. Ang dami pa kasing nangyari. Hay.

Ng napark ko na yung kotse sa tapat ng beach house 'namin', napangiti na naman ako. Agad kasing lumabas si Kath at tumakbo papunta sa gitna ng beach house at beach. Pagkapunta ko sa kanya, niyakap ko siya sa may likuran.

"Wow DJ. Wow. This is so... beautiful."

"Yeah, so beautiful. You're so beautiful." sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Sakto, napatingin siya sakin, kaya napapout siya.

"Beautiful your face. Nagugutom ako."

Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Oo na, kakain na tayo." saka ko siya hinila papasok ng beach house.

Manghang-mangha siya sa itsura ng loob ng beach house, habang ako, manghang-mangha sa reaksyon niya.

Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you DJ."

"No, thank you Kath, for making me happy."

Nagngitian na lang kami pagkatapos nun.

"Spaghetti lulutuin mo Kath diba?"

"Yeap! Meron naman sa ref mo diba? Kaya hintay ka lang dyan okay? Mabilis lang 'to."

Buti na lang well-stocked pa rin ang ref namin. Hay. Prinepare ko na yung plato na gagamitin namin at dalawang tinidor sa may dining room atsaka umupo. Maya-maya, bumalik na siya dala-dala yung kaldero ng spaghetti at nilagay na sa plato.

"Mukhang masarap yan Kath ha?"

"Oo nga e. Naalala ko tuloy yung first meeting natin. Spaghetti..."

Pakiramdam ko nanuyo yung lalamunan ko sa sinabi niya. Kath naman e. Hay.

"Kain na nga tayo DJ!"

Ngumiti na lang ako in response.

Kinuha namin yung sari-sarili naming tinidor at nagsimula ng kumain. Nakatingin lang kami sa isa't-isa habang papalapit na ng papalapit ang mga labi namin.

At maya-maya lang, natupad na ang #21 sa wishlist ni Kath.

Go to his beach house and eat spaghetti in the 'Lady and the Tramp' way.

Nagulat ako ng biglang may tumulong luha sa mata niya.

"Kath, bakit ka umiiyak ha?"

Umiling lang siya at ngumiti sakin saka hinawakan ng mahigpit yung kamay ko.

"Masaya lang ako."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Pagkatapos naming kumain, nagyaya na si Kath pumunta sa beach. Maligo daw kami kasi ang dungis na daw namin.

Sigurado siyang gusto niyang gawin ang #22 sa wishlist niya?

"Kath, malamig yata ang tubig ngayon."

Naglakad siya papunta sa may tubig. Tinignan niya ako at nagkamot ng ulo.

"Oo nga DJ, malamig. Sobrang lamig." she sighed. "Sorry ha? Mukhang di muna natin magagawa yung #22 sa wishlist ko. Tapos yung #24 natin, di rin natin magagawa kasi kanina pa lumubog yung araw."

Hinila ko siya at niyakap. "Marami pang araw para tuparin natin yun ng magkasama, Kath."

Ngumiti na lang siya at niyakap rin ako.

"Ang dungis tuloy natin."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Kath, gusto mo bang tuparin natin ang second to the last wish mo?"

"Yes DJ."

Hinalikan ko siya sa noo niya saka tinuro yung spot sa may ilalim ng puno na nakaharap sa beach.

"Hintayin mo ko dun Kath. May kukunin lang ako."

Pagka-oo niya, tumakbo ako papasok ng beach house at agad na kumuha ng 2 blankets. Pagkatapos, lumabas na agad ako at pumunta kay Kath. Nilapag ko na yung isang blanket saka tinignan si Kath.

"Higa na."

"E ang dumi natin."

Hinila ko na lang siya pahiga saka kinuha pa yung isang blanket at pinantakip saming dalawa.

Saka tumingin sa mga bituin.

Ramdam ko yung paghinga ni Kath habang nakayakap siya ng mahigpit sakin.

"DJ..."

Tinignan ko siya. "Bakit Kath?"

"Alam mo ba na nung namatay si dad, naniwala ako na isa siyang bituin sa langit na binabantayan ako kahit saan ako magpunta? At alam mo bang naniniwala rin ako na binabantayan rin tayo ni baby ngayon?" huminga siya ng malalim. "Sabi kasi nila, kapag namatayan ka ng importanteng tao sa buhay mo, magiging bituin sila sa langit. Laging nakabantay sayo. Yun lang isipin mo at paniwalaan mo. Dahil totoo naman talaga na nandyan lang sila para sayo."

Bigla na lang nanuyo yung lalamunan ko sa sinabi niya.

"Bakit mo yan sinasabi sakin ngayon ha? Kath?"

Bigla na lang may pumatak na luha galing sa mga mata niya.

"Kung sakaling mamatay man ako DJ, tandaan mo na isa ako sa mga bituing nakikita mo ngayon ha? Lagi akong nandyan para sayo. Kahit anong mangyari, babantayan kita. Di kita iiwan. Kung mawala man ako sa paningin mo, tandaan mo na nandyan pa rin ako sa puso mo."

Nanigas ako bigla sa sinabi niya.

"Kath, wag ka namang magsalita ng ganyan oh..."

"Nanghihina na kasi ako DJ..."

"Kath, please..." niyakap ko siya. "Wag kang ganyan..."

"DJ, kapag namatay ako, hanapin mo ang happiness mo ha? Maging masaya ka kahit wala ako. At sana matupad mo ang #26 sa wishlist ko kahit wala na ko."

"Kath naman e. Magpapakamatay ako kapag wala ka na..."

Di siya nagsalita. Naiyak na lang siya habang yakap ako ng mahigpit. Naluha tuloy ako. Ang hina-hina ko. Sobrang hina ko.

Natupad nga ang #25 sa wishlist niya...

Cuddle under the blanket while lying and gazing at the stars, then wish.

Pero bakit di ako masaya?

Huminga na lang ako ng malalim. Kaya mo yan DJ. Kaya mo dapat maging malakas kay DJ.

"Kath, umuwi na tayo."

Naramdaman kong um-oo siya. "Sige DJ. Umuwi na tayo."

Hinayaan ko na lang yung mga blankets saka kinuha ang mga kamay niya at hinalikan. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa kotse ko.

Nakangiti lang siya sakin habang nagsimula na kong magdrive pabalik ng Metro Manila.

"Kath, I love you."

Pinisil niya yung kamay ko.

"DJ, I love you."

Tinignan ko siya sa may rearview mirror at napangiti.

"Kath, I love you."

"DJ, I love you."

Napatingin ulit ako sa may rearview mirror pero ngayon, nakatingin na rin siya sakin. Yung ngiting kuntento na sa lahat ng bagay.

"Kath, I love you."

She smiled.

"DJ, I love you."

Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi at sa noo niya saka hinawakan ng mahigpit yung kamay niya habang patuloy pa rin yung pagddrive. Malapit-lapit na pala kami sa university. Ibig sabihin, malapit-lapit na kami sa park kung saan nandun yung puno namin.

Ng nakita ko na yung puno namin, agad akong humarap kay Kath na nakangiti.

Kasabay ng pagkabitaw niya sa kamay ko.

Nanlaki yung mga mata ko ng nakita kong hawak niya yung ulo niya.

"KATH! KATH! KATH!!!"

Napatingin siya sakin, tuloy-tuloy yung pag-agos ng mga luha niya at halatang nasasaktan siya.

"DJ... DJ..."

"Kath kumapit ka! Wag kang bibitaw please!!!" binilisan ko yung pagpapatakbo ko ng kotse saka tinignan siya. "Please... Kath..."

Di siya nagsasalita. Napapapikit siya. Kath, Kath ko... please... wag...

Diniretso ko kaagad sa ospital na pinakamalapit saka bumaba ng kotse at binuhat si Kath papalabas. Parang may vacant look na sa mga mata niya kaya bigla na lang akong nanghina.

Kath, ano ba, walang iwanan... please...

"Doc! Doc help please!!!"

Para na kong nawawala. Para bang si Kath na lang ang nakikita ko habang nasa stretcher siya. Ang higpit ng hawak ko sa mga kamay niya. Yung mata niya... pumipikit... wag please... wag...

"Kath, makinig ka sakin... Kath! Yung #26! Tutuparin pa natin yung #26! Kath!!!"

She smiled and mouthed "I love you"... then she closed her eyes.

At dinala na siya sa loob ng operating room.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal naghintay sa labas. Bakit ba ayaw nila akong papasukin? Asawa ko ang nasa loob! Yung babaeng mahal ko! Yung buhay ko!

Maya-maya, biglang lumabas yung doktor. Tinanggal niya yung gloves niya at napayuko.

"We're very sorry. She's gone."

No... No...

She's not dead.

Right?

Hindi pwede... Hindi siya pwedeng mamatay...

HINDI SIYA PWEDENG MAMATAY!

Paano na ko? Paano na ko ha?

Kath naman e! Kath... Kath ko...

"Do you want to see-"

"No." tinalikuran ko na siya at patakbong lumabas ng ospital.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang sama pa ng loob ko. Pakiramdam ko, namatay na rin ako.

Ayoko... Ayokong makita siyang patay na... Ayoko... Gusto ko maalala ko siya yung babaeng malakas, yung babaeng nag-I love you pa sakin till her last breath... Yung ganun...

I don't want to see her... dead.

Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka, Kath.

Pumasok ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa park... Yung puno... Puno...

Pagkababa ko sa kotse, dumiretso ako sa may puno namin...

Pigney <3 Patpatin.

Kinuha ko yung isang bato at kahit masakit, kahit nababasa na ng luha yung mga kamay ko, inukit ko pa rin ang gusto kong mangyari sa aming dalawa.

'forever'.

Pigney <3 Patpatin forever.

Di ko alam pero bigla ko na lang kinuha yung tali... Yung taling nasa gilid ng puno... At tinali sa puno...

"Kath... I love you... forever..."

Kath, makakasama ko na kayo ni baby... wait for me...

------------------------

KATHRYN'S POV

"Kath... I love you... forever..."

Hindi ko alam pero bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko. Nagsalita si DJ? Huh? Ano yun?

Ang sakit... Ang sakit ng ulo ko...

Napadilat ako. At nagulat ako sa nakita ko.

All white... Ceilings... walls... all white...

Mas lalo ko pang dinilat yung mata ko, at nagulat ako sa nakita ko.

Isang nurse.

"Doc! Nabuhay po si Mrs. Montenegro! Nabuhay siya!"

Nabuhay? Huh? Sinong namatay?

Napapikit ako ng naramdaman kong medyo sumakit yung ulo ko. Ano ba 'to, bakit ang sakit?

"Mrs. Montenegro, wow. This is a miracle."

Tinignan ko yung nagsalita. Isang doctor.

"Nasaan ako?"

"We thought you're dead, Ms. Kathryn. Wow, this is a miracle. Brain tumor surgery that's almost--"

"NASAAN AKO?!"

Huminga ng malalim yung doctor. "Nasa ospital ka Mrs. Montenegro. You've been unconscious for an hour. Please don't move--"

"Si DJ! Nasaan si DJ!!!"

Di siya sumagot. Napayuko siya.

"Wait, nasaan siya? Alam ba niyang nagising ako ha?"

"No, we told him you're dead."

Oh my god. No...

No...

"Where is he?"

"He left, Mrs. Montenegro."

Di ko alam pero bigla na lang pumasok sa isip ko yung sinabi niya kanina.

"Kath naman e. Magpapakamatay ako kapag wala ka na..."

No... No... No!!!

Kahit nanghihina ako, tinignan ko ng matigas yung doctor.

"Please, paalisin niyo ko. Kailangan ko siyang puntahan."

"Mrs. Montenegro kakagaling niyo pa lang sa surgery--"

"Wala akong pakielam! Di mo ba naiintindihan ha?! WALA AKONG PAKIELAM!"

"Please calm down--"

Tinanggal ko yung dextrose na nakakabit sakin at hinigpitan ang hawak ko sa kanya.

"Doc, please... please... yung asawa ko... Baka... Baka kung ano ng nangyari sa kanya. Please! I'm begging you, please..."

He sighed.

"Is he in danger?"

I nodded. "Please..."

Huminga siya ng malalim at tumingin sa may pintuan. "Nurse E!"

Maya-maya lang, nakasakay na ko sa kotse ng isang nurse, kahit napapapikit ako dahil sa fatigue, di dapat ako bumitaw...

DJ.. DJ...

"Ikaliwa niyo please..."

Hindi ko alam pero ramdam kong nasa may park siya. Sa may... sa may...

"DJ!"

"Ms. Kath!"

Binuksan ko agad yung pinto ng kotse kahit di pa tinitigil nung nurse. Kahit masakit na paa ko, tumakbo ako papunta sa may puno namin, tumakbo ako papunta kay...

"DJ..."

Yung puno... yung puno... may dinagdag siya...

Pigney <3 Patpatin forever.

Tinanggal ko agad yung taling nakapaikot sa leeg niya. No... he's not...

He's not breathing...

Niyakap ko siya ng mahigpit. Bakit di siya gumagalaw? Bakit di siya humihinga?

Pakiramdam ko naging manhid ako.

"DJ... Huy... Wag ka namang ganyan oh..."

Di pa rin siya gumagalaw.

"DJ, gagawin pa natin yung #26 diba? Tutuparin pa natin yun diba?"

Nakapikit siya. At kahit anong gawin ko, wala na...

Wala na siya.

Patay na siya.

Patuloy na umagos yung luha ko.

"Buhay ako DJ buhay ako! Bakit ako ang iniwan mo ha?!"

Iniwan na niya ako...

Iniwan na niya ako mag-isa...

Sana, sana namatay na lang ako...

Kesa maramdaman ko 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon sa pagkawala niya...

Napaupo na lang ako habang yakap-yakap siya. Di ko alam, pero napapikit na lang ako.

"DJ... I love you more... forever..."

--------------------------

Get ready for the Epilogue - Prologue soon.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

103K 1.9K 81
Part 1 [COMPLETED] Part 2 [COMPLETED] "Nang dahil sa facebook nagsimula ang salitang tayo." An Epistolary Novel Highest Rank: #39 in Short story #27...
1.6M 44.6K 23
Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya ni Nathan at Alex ang isa't-isa pagkatapo...
103K 4.1K 29
Lara, The arrogant, boastful heiress of her Father's company meets Brei, a girl who lived through poverty and is willing to do anything for her famil...
123K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...