My Sweetest Revenge

By zet_raine93

12.5K 548 100

"It's been a while since you've played my heart, and it took me years before it turns out that I'm now PLAYIN... More

β€’Revenge Noteβ€’
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
SHOUT OUT TO SOMEONE
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Sebastian and Lala
Chapter 21: Future peeking.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 7

318 19 0
By zet_raine93

Fiona's POV:

"Fiona lumabas ka dyan. Darating ang parents mo at parents ko." malamig na usal ni Grey habang nakatok sa pinto ng kwarto ko kaya naman napabalikwas ako sa pagkakahiga ko.

What? Darating sila Mommy?!

"S-sige... Magbibihis muna ako." paalam ko rito at agad ng pumasok sa CR.

Wala akong masusuot neto! Crap!

Teka! May binili nga pala akong dress,ayun nalang suotin ko since na dryer ko naman yun kahapon pagdating ko.

Agad Kong tinapos ang ritwal ko sa loob ng banyo ko dito sa kwarto at mabilis na lumabas.

Ang isusuot ko sa dalawa ay yung white off shoulder dress na above the knee. Wala na din akong choice baka kung ano pa masabi ng parents ni Grey.

Inabot ko sa loob ng closet yung nabili kong white dress at itinapat ito sa salamin para tignan ang imahe ko sa napili kong suotin.

I think it will perfectly fit my body kaya agad na akong nagbihis para makababa na ako.

Nang maisuot ko na ito ay inilugay ko lang and buhok kong hanggang bewang at nag ayos ng mukha saka naglagay ng manipis na liptint saaking labi para naman maging maaya-aya ang mukha kong ihaharap sakanila.

Nang makatapos ako ay huminga muna ako ng malalim.

"Come on, Fiona. Cheer up!" pagpapalakas ko sa sarili ko.

Natatakot kase akong harapin ang mga magulang namin dahil alam kong kung ano-ano nanaman ang tatanungin nila na hindi naman kami nakakarelate ni Grey dahil hindi niya ako tinuturing na asawa. Oo masakit yun pero kailangan ko pa rin syang pagtakpan para hindi sya malayo saakin dahil mahal ko si Grey.

Napagdesisyunan kong bumaba na sa dining area para harapin sila Mom and Dad. Habang pababa ay nakita ko ng nakatingin saakin sila Grey at ang parents naming dalawa kaya wala na akong iba pang nagawa kundi ngumiti nalang kahit napipilitan lang naman ako. Nakatingin sila saakin na para bang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila kaya naman nailang ako at naiiwas nalang ang paningin ko.

...

"So how's Grey?" nakangiting tanong ni Tita Rita na Mama ni Grey.

Nasa hapag kami ngayon at kumakain na. Nag hire ng isang magaling na Cook si Grey at masasabi kong napaghandaan ito dahil napakarami naming pagkain ngayon.

"He's definitely okay, Mom." nakiki-mom ako kapag sa harapan nila pero kapag sa harapan ni Grey ay nagiging Tita nalang.

"That's good to hear then. Pero isang bagay nalang talaga ang hinihintay namin,diba mare? HA HA HA HA! " nagagalak na ani ni Tita Rita kay Mama habang si Mama naman ay nakangiti rin.

"Oo nga. Kailangan na din naman namin ng apo,anak. Galaw-galaw. " pabirong ani ni Tito Edward kay Grey na muntik ng masamid sa sinabi ng sariling tatay.

"A-ah. Yeah dad, about that. We've already tried but we're too busy so we decided that we'll do that thing on the right time and day." nakangiting pagpapaliwanag ni Grey pero hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin kaya napatungo ako.

"Oh! That's right,ijo! Business first." masayang tugon naman ni Daddy.

Naramdaman kong may sumipa sa paa ko kaya ng tignan ko si Grey ay nakatingin ito saakin at nakangiti ng pilit na para bang nanghihingi ng tulong para iiba ko ang topic.

"A-ahh... Yes dad. Syempre naman! Palalaguin namin ang business na hindi nyo nagawa at natapos. Just put the trust on us!" sabay kindat ko kay Daddy.

Sorry Dad, we're just pretending.

Gusto ko iyang sabihin sa Daddy ko pero hindi ko magawa dahil may nakapigil saakin na wag gawin. Ayaw Kong masaktan si Daddy.

"Kamusta na si Dwayne, baby?" tanong sakin ni Mommy.

"I don't know,Mom. Wala na din kase akong balita sakanya eh but I hope soon we'll meet again by chance." nakangiti at patango-tango Kong sagot kay Mommy habang nginunguya ang beef na inihanda ng hinire ni Grey na cook ngayon.

Dwayne is one of my suitors before, he's also my best friend after then. Pero dahil alam nyang may gusto na akong iba ay huminto sya sa panliligaw at ipinaubaya nalang ako kay Grey. Mabait at napakagwapo nun! And I almost regretted not saying yes to him,kase he's really a boyfriend material! As in.

"So.....siguro naman close na kayo sa isa't-isa? Like I mean it's already years at imposibleng hindi nyo pa kilala ang isa't-isa." sabi ni Mommy habang iniinom ang red whine nya.

Napatango ako agad pero hindi ko inaasahang si Grey ang biglang sasagot.

"Yeah,Mom. Fiona is really a caring wife and I'm really lucky to have her in my life. She's always preparing me a breakfast, lunch,dinner and even in midnight snacks. She's really the best wife I guess." nakangiting kwento nya kay Mommy.

I can feel my heartbeat beating really fast and I can't catch my breath anymore. Halos lamunin na ako ng sariling kabog ng puso ko.  Bigla akong nakaramdaman ng mga paro-paro dito sa tiyan ko kaya naman alam kong hindi ko rin maiiwasang mamula dahil sa kinuupuan ko ngayon ay ramdam ko na ang pisngi ko na namumula na ng parang kamatis.

"Ohhhhhh so sweet of you, Son!"

"Owemji, anak! Did you hear that?!"

"HA HA HA! Hindi kami nagkamali sainyo!"

"You really fit for each other!"

Napatungo nalang ako dahil hindi ko na alam kung mahihiya ba ako o kikiligin!  Nakakabwiset.

"What if we set a vacation for the both of you?" suhestiyon ni Tita Rita.

"Mom!" angal agad ni Grey.

"I-I mean mom, we're both busy and we just can't book a vacation for some relaxation. We are a busy person." dagdag na angal pa ni Grey.

Ayan nanaman sya. Oo na! Alam ko na! Ayaw mo lang akong kasama eh.

"Anak naman! We just want you to relax naman! Wag puro work, try to enjoy yourself too!" ani ni Tita Rita sa anak.

Nilingon ko si Grey na nakairap na sa kawalan. Hys. Kung alam mo lang,Tita.

"I agree, pero dapat may kasama kami. You know na,Mom. We're not ready yet." mahinhin pero maotoridad na ani ni Grey sa nanay niya.

Pumalakpak si Tita Rita. "Okay then!" masaya niya pang dagdag.

"Bring your best outfit anak!" nang-aasar na ani ni Mommy kaya naman mas lalo akong namula.

"Mommy naman!"

"Haha just kidding baby. You're beautiful whatever clothes you wear! You're instantly perfect for me." ani ni Mommy habang hinahaplos pa ang mukha ko.

I smiled at her. "Syempre mana sainyo ni Daddy eh." pilya kong sagot kaya naman napalingon agad si Daddy saamin ni Mommy.

"Kayo-kayo lang eh!" ngumuso pa si Dad kaya parehas kaming natawa ni Mommy sa inasal ni Daddy.

"Syempre ikaw din,Dad!"

Nagyakapan kami sa gitna ng usapan at natawa nalang kami ng nagyayakapan na rin pala ang pamilya nila Grey.

Hays! Sana pala ganito nalang. Yung totoo tayong dalawa,kaso ako lang talaga ang nagpapakatotoo eh. Pero okay na rin yun. Para ako nalang din ang nasasaktan.

.

Continue Reading

You'll Also Like

414K 25K 84
Y/N L/N is an enigma. Winner of the Ascension Project, a secret project designed by the JFU to forge the best forwards in the world. Someone who is...
594K 12.7K 43
i should've known that i'm not a princess, this ain't a fairytale mattheo riddle x fem oc social media x real life lowercase intended started: 08.27...
120K 5.1K 52
β₯β₯β₯ [BNHA x Fem!Reader] ❛❛𝔸𝕝𝕝 π•₯𝕙𝕖 π•£π•šπ•”π•™π•–π•€ 𝕓𝕒𝕓π•ͺ, π•Žπ• π•Ÿ'π•₯ π•žπ•–π•’π•Ÿ π•’π•Ÿπ•ͺπ•₯π•™π•šπ•Ÿπ•˜, 𝔸𝕝𝕝 π•₯𝕙𝕖 π•£π•šπ•”π•™π•–π•€ 𝕓𝕒𝕓π•ͺ...
1.1M 30.1K 37
After the passing of Abigail Bentley's mother, she is now the only one responsible for her family's well-being. Her father, often too drunk to stand...