Agatha's Came (Complete)

By M0nsterRain

4K 180 18

Akala ni Agatha mananatili nalang sa kanyang Journal ang pagkakagusto niya sa kanyang best friend na si Jandr... More

Copyright
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Last Chapter
Author's Note

Chapter 9

126 7 0
By M0nsterRain

NINE

Panalo sina Jandro hindi na naagaw ng kalaban ang bola at ilang besis pang naka shoot sila kaya malayo ang lamang ng score. 

Gusto ko sanang pigilan si Cam ng tumayo na siya dahil gusto kong e-congratulate si Jandro at ayaw ko rin na nakikipag gitgitan sa dami ng tao pero iba yata ang plano ni Cam, hinila na niya si Adam palabas kasama ang nag dadagsaang mga tao palabas.

Lumingon ako sa kung nasaan sina Jandro at mga kasama niya na masayang nagyayakapan, madali ko lang siyang nakita dahil bukod sa malapit lang sila sa kinauupuan namin ay agaw pansin pa ang yakapan nilang dalawa ni Alex, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa kinulong ni Alex ang mukha ni Jandro at agad hinalikan ang labi nito dahilan para lalong magsigawan ang mga tao.

Natigilan ako, hindi ako makapaniwalang naghahalikan ang dalawa sa gitna ng maraming tao.. si Alex at ang best friend ko..

Pinilit kong alisin ang tingin sa kanila at pinagpatuloy ko na ang paglalakad at kahit mahina lang ang usad namin sa dami ng tao ay hindi na ako lumingon pa sa kinaroroonan nila Jandro.

Madaling makita si Cam kahit maraming tao dahil matangkad siya at isa pa binibigyan talaga siya ng daan ng mga taong nakakakita sa kanya, hindi nagtagal ay nakalabas na kami mula sa maraming tao. 

Bumaba ang tingin ko sa dalawa alam kong hindi sila nag-enjoy kung ako lang ang masusunod hindi rin naman ako pupunta dito pero nasabi ko na kay Jandro na manonood ako kaya ito at nadamay pa sila..

Mag tetext nalang ako sa kanya ng congratulation dahil siguradong magiging busy na siya after ng kanilang laro at nandun ang girlfriend niya.

Malayo pa ang City proper at ayaw ko nang pumunta pa doon kaya niyaya ko nalang sila sa pinakamalapit na kainan which is Seven Eleven na agad naman nilang sinang-ayunan mukang gutom na rin sila o kaya ay pagod na o baka pareho.

Wala rin naman akong narinig na reklamo ng kahit sino sa tatlo at tahimik silang umupo sa pang-apatang table na nasa dulo, ice cream lang naman ang sinabi ko pero feeling may utang ako sa mga kapated ko kaya bibili nalang ako ng kung ano-ano kinakain naman nila kung anong binibili ko.


Maraming tao kaya pumila nalang muna ako, katulad kanina ay mabilis kong napansin ang tingin ng mga tao sa banda kung saan nakaupo ang mga kasama ko, pinagmasdan ko ang dalawang babaeng nag-uusap sa unahan ng pila habang sumusulyap doon, nagbubulungan sila na para bang pinag-uusapan nila ang katabi nila kaya ayaw nilang lakasan ang bosis pero alam kong hindi ang katabi nila ang pinag-uusapan dahil ako ang katabi nila at hindi naman sila nakatingin sa akin.

Napadpad naman ang tingin ko kay Cam, nakayuko siya sa kanyang cellphone pero napansin ko ang ilang besis niyang pag pasada ng kamay sa kanyang buhok, yung pasimple niyang iwas ng mukha sa kung saan may tao at ang pagdidikit ng kilay niya. 

May hindi ba ako alam na alam ng mga tao tungkol kay Cam?


Napatitig silang tatlo sa nilapag kong plastik na may lamang half gallon cookies and cream ice cream, marshmallow, chocolate at chips.

"Sa bahay nalang tayo kumain, may slice bread pa naman dun" Nakangiti kong sabi ng hindi tinitignan si Cam.

 Mabilis na tumayo sina Adam at ng makita ko ang malaking ngiti nila ay nakahinga ako ng maluwag, akala ko baka gusto nilang dito kumain pero mukang katulad ko ay mas gusto na nilang umuwi.

"Aggie.. is that you?"

Natural na lumingon ako at nung makita ko si Alex na palapit ay nagsisi agad ako, kasama niya ang tatlong laging kasama niya mula nagsimula ang summer, kung hindi mo kilala si Alex siguradong ang unang masasabi mo sa kanya ay cute at charming na tao lalo na ngayon na naka suot siya ng red ribbon sa kanyang ulo, naka short short siya at spaghetti strap top na kulay pula rin at malaki ang ngiti niya habang nakatitig sa akin na para bang lage kaming nagkikita sa ganito at hindi pa ito ang pangalawang besis naming pag-uusap

Ahm..Anong-- bago ko pa maisip kung anong ginagawa ni Alex ay nilapit na niya ang kanyang mukha sa akin at nakipag beso, tumayo ako ng tuwid ng humarap siya sa akin at nandoon pa rin ang malaking ngiti niya, sumulyap ako sa mga kasama niya para sana maka kuha ng hint kong anong nangyayari pero silang tatlo ay nakatingin sa gilid ko kung saan nakatayo si Cameron.

"Alas singko magsisimula ang victory party nila Jandro.. anong oras ka pupunta?"

Huh?

Anong victory party? 

At hindi pa kami nagkikita ni Jandro, sasagot na sana ako ng makitang napadpad ang tingin nito sa mga kapated ko na nakatayo na ngayon sa gilid ng table at handa nang umalis.

"Uhh.. busy ka pala..sayang naman"  Wala sa sariling sabi nito

Sinundan ko ang mata ni Alex ng napunta naman ito ngayon kay Cam, kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nito at tumagilid sa akin para maharap si Cam.

"OMG.. Cameron Javier right? Aggie.. hindi mo naman sinabi na may kasama ka pala"

Tinapik ni Alex ang braso ko habang para akong tangang nakatayo lang dito hindi ko mahanap ang dila ko, naramdaman ko nalang ang pag hawak ni Addi sa kamay ko.

"Ahh.. si Cameron kapitbahay namin Cam si Alex girlfriend ni- ni Jandro, nasaan nga pala si Jandro?"

Nilingon ko ang likod baka sakaling nahuli lang sa pagpasok si Jandro, alam niya kung paano pakisamahan ang girlfriend niya at baka may usapan sila nitong hindi ko maintindihan.

"With his teammate, anyway Cam do you want to go with us? Ipapakilala kita sa mga team ni Jandro siguradong matutuwa ang mga yun"

Naguguluhan akong lumingon kay Cam, actually hindi lang sa kanya ako naguguluhan kundi pati sa pangyayari bakit bigla nalang kakausapin ako nitong si Alex at nairita ako ng marinig ang pagtawag niya kay Cam na para bang close sila, walang kurap na umiling si Cameron na naging dahilan kung bakit nakahinga ako ng maluwag.

"I'm good"

Napaawang ang bibig ni Alex pero agad rin siyang nakabawi at ngumiti na para bang walang nangyari.

"Ahm.. sayang naman, you know.. magandang pagkakataon sana ito para makilala mo ang mga--"

"Ate let's go na! Gusto ko nang umuwi ang init dito ehh!"

Pinandilatan ko ng mata si Addi na hinihila na ang kamay ko palabas.

"I think we should go"

Nilahad ni Cam ang kamay kay Addi at masayang tinanggap yun ni Addi at binitiwan na ako, sinundan ko ng tingin ang dalawa na nagsisimula nang maglakad.

"Tara na Ate!"

Tumakbo si Adam para habulin ang dalawa, alanganin kung binalingan si Alex na nakatingin sa tatlo, pati ang mga kaibigan niya ay hindi rin makapaniwala ang itsura.

"Kailangan ko nang umalis... una na ako"

Niyakap ko ang plastik at mabilis na sumunod sa tatlo, walang lingon-lingon akong lumabas, nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa labas na ako at nakatingin na sa akin sina Adam katabi ang isang tricycle.


Tinitigan ko si Cam, magagalit ba siya kung tatanongin ko siya kung bakit kilala siya nila Alex? Tingin ko hindi lang sila ang nakakakilala sa kanya, gusto ko sanang magtanong pero baka hindi ngayon ang tamang panahon? Hindi ko alam baka walang balak si Cam na mag kwento o baka hindi pa kami ganun ka close para mag kwento siya? 

Agrrr

Kinagat ko ang labi ng makalapit na ako sa kanila para pigilan na magtanong.

"Sino ba yun Ate? Hindi ko sila gusto"

Sabi ni Addi ng nasa loob na kami ng tricycle, nasa likod ng driver sumakay si Cam kaya save ang usapan, ngumiti ako ng tipid at tinignan ang dalawa ng mabuti.

"Siya si Ate Alex, girlfriend yun ni kuya Jandro"

Lumaki ang mata ni Addi at nilingon niya ang katabi, nagkibit balikat lang si Adam.

"Ibig sabihin ate.. hindi na kayo ni kuya--"

"Adding, hindi nga boyfriend ni Ate si Kuya Jandro... hindi naman sila nag kikiss ahh"

"Teka lang! Bakit niyo ba pinag-uusapan yan? Sinabi ko nang bawal kayo sa mga ganyan pati pag-uusap bawal! Lalong lalo na kung tungkol sa akin..At walang kinalaman ang pagkikiss sa pakikipag relasyon Adam"

Naalala ko bigla ang nakita kanina.. 

Siguradong hindi na ako tatanongin ng mga kakilala namin ni Jandro kung kami ba dahil sa nangyari, ilang besis na kasi akong natanong niyan at hindi lang ang dalawa kong kapated ang nag-aakalang kami ni Jandro dahil lagi kaming magkasama noon at tinatawanan ko lang ang mga yun dahil pakiramdam ko imposibling mangyari sa akin ang magkaroon ng boyfriend pero nitong mga nakaraang araw na feeling ko napag-iiwanan na ako minsan iniisip kong kailangan ko nang yakapin ang katotohanan na normal na ang bagay na iyan sa edad namin kaya dapat tigilan ko na ang pagkakagulat kapag tinatanong

Pero nakakagulat naman talaga kung seven years old ang magtatanong sayo tungkol sa love life mo na wala naman.

"May girlfriend nga si Kuya Cam ehh.. nasa cellphone niya"

Nilingon ko si Adam, katabi niya ang driver kaya kinakabahan ako baka narinig siya ni Cam mukang sensitive pa naman yun kapag pinag-uusapan siya.

"Nag kiss sila?" Tanong ni Addi

Gusto kong pigilan sa isasagot si Adam pero hindi ko magawa dahil maging ako ay gusto kong malaman ang sagot nun, medyo mahangin naman kaya hindi siguro niya maririnig mula sa labas no. 

Sana.

"Oo.. nasa picture pero sabi naman ni kuya Ex na daw niya pagkatapos kanina nung tignan ko yung picture sa cellphone niya wala na yung silang dalawa ng babae" Baliwalang sagot ni Adam at tumingin na sa harap.

Ilang Ex kaya meron si Cam?

"Busog na busog ako ate!"

Hindi ko rin akalain na mapaparami ang kain ko ng ice cream sandwhich, ang sarap kasing tignan ni Cameron kapag kumakain walang arte at kitang kita sa mukha niya na gustong gusto niya ang kinakain kaya siguro nadamay kaming tatlo.

"Oo nga.. ang sarap matulog"

Sumandal ako sa sofa, umalis naman si Adam sa pwesto niya para kunin ang notebook na nasa table at sa sahig na siya umupo tingin ko mag da-drawing na naman siya. 

"Bakit hindi na pumupunta si Kuya Jandro dito Ate? Ayaw ba ng girlfriend niya?"

Tatapunan ko sana ng masamang tingin si Addi ng mahagip ng tingin ko si Cam na nasa dulo ng sofa at may ginagawa sa kanyang cellphone.. 

"Hindi ko alam.. baka busy lang"

Wala sa sariling sagot ko, dahil sa sinabi ni Adam kanina gusto ko tuloy makita kung anong itsura ng ex ni Cam.. siguro marami siyang picture ng mga babae sa cellphone niya.. taga Maynila siya kaya siguradong bata palang marami na yang naging girlfriend lalo na sa itsura niya.. marami siyang nakakasalamuha dun panigurado, baka pwede kong hiramin ang cellphone niya tapos titignan ko? Pero sabi naman ni Adam wala na raw.

Napansin yata niyang nakatitig ako kaya mabilis akong pumikit.


Naalimpungatan ako sa hagikhik ni Adeline na tingin ko ay nakatayo mismo sa harap ko, ilang besis akong napakurap at ilang segundo pa bago ko naalalang hindi dapat ako natutulog ngayon. Tumitig ako sa dalawa na parang nakakita ng multo ng makitang nakadilat na ako at bigla silang nag-unahang tumakbo, napabangon ako bigla.. sinundan ko ng tingin ang dalawang tumakbo paakyat sa hagdanan. Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa nila?

Grr..

Habang humihikab ay napadpad ang tingin ko sa kusina na nahihiwalay lang sa sala namin ng isang bar counter at tada nandoon si Cameron na kasalukuyang may kinakain, nabitin sa ere ang pagsubo niya ng magkatinginan kami. Mabilis kong inayos ang mukha at tumayo. 

"Anong oras na?"

Mukang napasarap yata talaga ang tulog ko.

"Hmm.. six pm.. I think, did you know.. you have something on your face"

Naglakad ako palapit sa kanya, may bowl sa harap niya at laman nun ang natirang chips namin kanina at nilagyan niya ng gatas, ngumiwi ako at nangalumbaba sa harap niya.

"Did you know..Hindi lahat ng pagkain masarap isama sa gatas"

Kahit tingin lang tumataas ang balahibo ko sa nakikita, pinagpatuloy ni Cam ang pag subo at para nga lang siyang kumakain ng cerial umupo ako sa upuan samantalang nakatayo lang siya sa tapat ko.

"I know that now. Uubusin ko lang to para walang ibedensya"

Sunod sunod na ang subo niya, ngayon nakikita ko na ang pagdidikit ng kilay niya at ang hindi normal na pag lunok nito, ngumisi ako, pwede naman niyang itapon nalang pinipilit pa talaga.

"May tanong ako"

Hindi ako nag-iisip masyado kapag bagong gising, hindi ko pa na wawarningan ang sarili na bawal ngang magtanong or ang complication nun, bahagyang huminto ang kanyang pagkain ibig sabihin narinig niya ako pero hindi naman siya sumagot.

"Bakit kilala ka ng mga tao?"

Hindi ako nakatingin sa kanya, nakatitig lang ako sa kamao niya na nakatukod sa lamesa, ilang sandaling katahimikan lang ang naririnig sa paligid akala ko nga hindi na siya sasagot ng marinig ko ang buntong hininga nito.

"Kilala mo ba ako?"

Umirap ako, hindi naman yun ang ibig kong sabihin, tinaas ko ang tingin sa kanyang mukha, kahit seryoso ang kanyang mukha ay may nakikita naman akong kislap sa kanyang mata..

Ano kayang itsura ko ngayon na bagong gising?

"Oo at hindi.. alam ko ang pangalan mo pero.. kanina kasi.. kung tignan ka ng mga tao para bang kilala ka nila, nakita mo si Alex kanina? Tingin ko nga lumapit lang yun sa akin kasi kasama kita ehh.. pangalawang besis pa nga lang namin yung nag-usap tapos--"

Tumikhim ako, over sharing Agatha.

"Then it doesn't matter kung kilala nila ako. I don't know them"

Pinagpatuloy niya ang pagkain, ngumiwi ako. 

"Tigilan mo na nga yan! Kung hindi masarap eh di itapon mo.."

Tumayo na ako, hindi rin pala ako sasagutin ng maayos nitong lalaking to. Nilingon ko ang hagdanan ano kayang ginagawa nung dalawa.

"Ask me something else Agatha"

May kung ano sa bosis niya na dahilan kung bakit nilingon ko siya, may ngiti sa mukha niya na.

"Ilang girlfriend na ba ang meron ka?"

Mabilis kong tanong, ilang sandali bago ko naramdaman ang hiya dahil sa tanong ko, uminit ang pisngi ko at gusto ko nalang din gayahin sina Adam na tumakbo sa hagdanan at magtago sa kwarto, lalo na at lalo lang lumaki ang ngisi ni Cam.

"Hmm... girlfriend huh, Let me see--"

"Joke lang, ito naman hindi na mabiro" 

Tumalikod na ako para tumakas, pero hindi ko magalaw ang paa ko pumikit ako ng mariin at humarap ulit sa kanya.

"So ilan nga?"

Napailing siya at nilapag na sawakas ang kutsarang gamit niya, nakahinga ako ng maluwag.

"Tatlo.. "

May kung ano pa sa kanyang bosis na dahilan kung bakit naghintay pa ako sa sasabihin niya pero nakakainis ang ngiti niya at ang katahimikan dahil hindi na niya sinundan pa ang sinabi.

"Mabuti nga"

Mabilis akong tumalikod at tumakbo na sa taas, Anong mabuti nga Agatha? Yun ba ang sinasabi sa sitwasyong ganun? Mabuti nga? Agggrrr..

Pumasok ako sa kwarto at mula sa pinaka sulok ng drawer ko ay kinuha ko ang Journal ko at nagsimula nang isulat lahat ng nangyari ngayong araw, pati ang mga hindi nangyari, yung mga tanong ko na hindi ko matanong kay Cam, kung bakit ayaw niyang malaman ko kung ano yun. 

At syempre ang nakakainis na ngisi niya bago ko siya tinalikuran kanina.Bumaba lang ako ng marinig ko ang kotse ni Papa na dumating.

"Ma!"

Nagmano ako, nakakunot noo si Mama ng tignan ko siya, nilingon ko sina Adam na nakaupo sa sofa na agad nag-iwas ng tingin sa akin, napunta kay Cam ang tingin ko na nakatayo naman sa likod ng sofa pero nakatingin siya sa akin at pinipigilang tumawa.

"Aggie.. sa naalala ko may malaking salamin ka sa kwarto mo, ginagamit mo ba talaga yun?"

Parehas kami ni Mama na napalingon kay Cam ng tumawa siya.

"Pag pasensyahan mo na itong dalaga ko Cam, madalas talaga pakiramdam ko mas madali kung naging lalaki nalang to ehh"

Habang nagsasalita si Mama ay hinaplos ko ang aking mukha, Oo hindi nga ako nanalamin bago bumaba at inayos ko lang ang pagkakatali ng buhok ko kanina.

Biglang naalala ko ang mukha nila Adam at Addi ng magising ako kanina at ang sinabi ni Cam na hindi ko pinansin.

"Agatha.. kung saan-saan ka na naman natulog ano"

Bungad ni Papa na kakapasok palang sa pinto, umiiling siya at kinuha ang kamay ko para makapagmano na ako dahil hindi ko na maalis ang sama ng tingin ko sa kambal na kanina pa iniiwasan ang tingin ko.

"Uhh Cam.. buti naman at nandito ka.. dito ka na kumain"

Mabilis na akong tumakbo paalis sa harap nila, huminto lang ako ng nasa harap na ako ng salamin sa loob ng kwarto ko at lumaki pa lalo ang mata ko ng makita kung anong ginawa ng dalawa.

Hindi lang isang guhit ang ginawa nila.. buong mukha ko ay may marker, ginawan nila ako ng mukha sa noo, binilugan ang dalawang mata ko, ang ilong ko ay maraming tuldok ng marker at ang bibig ko ay may extension na parang joker.. kaya pala..

Kaya pala hindi mapigilan ni Cameron kaninang tumawa.. at nung nag-uusap kami.. 

"AGGRRRRR"


Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong agad ako ng malamig na hangin, late na ako sa oras ng pagtakbo ko kaya naman sandali lang akong nag warm-up at lumabas na agad mukang napagod talaga ako kahapon kaya hindi ako nagising sa tamang oras, sinara ko ang pinto habang nilalagay si Snow sa pinaka save na bulsa ng coverall ko at nagsimula na agad akong tumakbo maybe magagamit ko na si Snow kapag laging ganito ang nangyayari, nung napadaan ako kina Cameron ay humina ang lakad ko habang ginagala ang tingin sa kanilang bahay kahit alam kong kung tatakbo man siya ngayon siguradong kanina pa yun at malamang pabalik na, bumilis lang ulit ang takbo ko ng makalampas na ako sa kanila.

Pagliko ko naman sa isang kanto ay naaninag ko si Cameron na pabalik na, malayo palang ay pinag-iisipan ko na kung anong sasabihin, nakakainis pa rin ang nangyari kagabi buong gabi kong hindi pinansin ang dalawa at ilang besis ko ring tinignan ng masama si Cam hanggang sa umuwi siya.

Ilang metro palang ay napansin ko na huminto si Cam sa pagtakbo, kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan at ang nakakapagtaka familiar na ako sa kabang ito na hindi ko naman napapansin basta ang alam ko kapag nasa paligid lang si Cam syaka ko ito nararamdaman.

"Good Morning.. late ka ahh"

Himala at siya ang unang bumati kahit medyo malayo pa ako, nagdalawang isip ako kung tapos na ba ang pagtatampo ko sa kanila dahil kagabi pero nung kinapa ko ang inis na naramdaman ko kagabi wala na akong maramdaman pwera nalang kung naiisip ko ay hiya na ang nararamdaman ko.

Huminto rin ako at tiningala siya, ibang coat ang suot niya ngayon, blue at black jogging pants, samantalang sa akin mula yata ng magkakilala kami ito na ang nakikita niyang gamit ko sa pagtakbo.. 

well ito naman talaga ang gamit ko sa pagtakbo ahh.. at syaka nilalabhan ko naman to three two times a week kaya nga kupas na ang kulay ehh at lastly tuwing umaga ko lang naman ginagamit.

"Morning.. late akong nagising ehh"

Kung gusto kong makahabul sa oras kahit imposible na ay kailangan ko nang magsimulang tumakbo ulit, nakatingin lang siya sa akin at nandoon na naman ang ngiti niya.

"Sige ha"

Kumaway ako sa kanya at nagsimula nang tumakbo hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko nang nagsimula na rin siyang tumakbo pero imbes palayo ay palapit sa akin, hindi ko na kailangang lumingon dahil nasa tabi ko na siya agad.

"Anong ginagawa mo?" 

Tumatakbo ako ngayon habang nakatingin sa kanya.

"Running.. it's kind of good for cardio and some muscle"

Diretso ang tingin niya sa harap samantalang namimilog naman ang mata ko habang pinagmamasdan siya, talaga bang tatakbo siya ulit para lang masamahan ako?

"Look ahead.. baka ma disgrasya ka na naman"

Uminit ang pisngi ko at tumingin na sa harap, wala akong ma-isip na pweding sabihin o wala akong masabi basta ang alam ko pinipigilan kong ngumiti.

Continue Reading

You'll Also Like

112K 2.8K 32
(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa pagkamatay ng bestfriend at kabuddy ni Kurt Alvarez ay mahihirapan itong magtiwala sa iba. Matata...
83.4K 1.3K 45
Masaya si Axielle nang maging kaibigan niya si Trevour. Masyado din siyang napalapit sa baklang ito, kahit pa nga ay madalas na mas kilos dalaga pa i...
238K 2.9K 43
Tumakas si Taffy mula sa kanilang bahay matapos itong ipasok sa isang arranged marriage ng kanyang tiyuhin para ipambayad utang. She traveled all th...
6.8K 183 19
Tuwing alas tres lang siya nag papakita, minsan napapaisip nalang si Alexa kung totoo ba ang kan'yang nakikita at nakakasama o tuluyan na siyang na b...
Wattpad App - Unlock exclusive features