It's never too late to start...

By Amihan2526

27.6K 324 51

WARNING: Mature content | SPG | R-18 This story is about love, pain, forgiveness, and redemption. Ikakasal n... More

Disclaimer and Author's note
Synopsis
Prologue
Chapter 1 - The beginning
Chapter 2 - Text
Chapter 3 - Planning
Chapter 4 - Blind date
Chapter 5 - Holdback
Chapter 6 (SPG) - Expect the unexpected
Chapter 7 - LDR
Chapter 8 - Surprise
Chapter 9 - Visa Approved
Chapter 10 - Drastic change
Chapter 11 - Last word
Chapter 13 - Cake
Chapter 14 - Story unfold
Chapter 15 - (SPG) Last seen
Chapter 16 - Pilit pinagtatagpo
Chapter 17 - Come back
Chapter 18 - Moment of truth

Chapter 12 - New beginning

650 16 3
By Amihan2526

Present time.

Love, patawad kung nawalay sa akin ang anak natin. Sana maintindihan mo ako, dahil kailangan kong magtrabaho para sa future ng mga bata. Umiiyak at humihingi ng tawad na bigkas ni Mia sa isip habang nakapikit at dinadama ang presensya ni John.

Nakahiga siya sa kama. Yakap pa rin niya ang larawan ng namayapang asawa.

Limang taon na love. Pero palagi pa rin kitang nami-miss. Araw-araw mo pa rin akong pinaiiyak. Pero okay lang, dahil alam ko namang masaya ka na sa piling ni God. Dugtong pa niya.

Kaya ba naging mabilis ang lahat sa atin. Dahil mabilis ding matatapos ang chapter ng pag-iibigan at pagsasama natin? Pero kahit napaka-ikli man ng ibinigay na panahon para sa atin, gusto kong malaman mo na wala akong panghihinayang na minahal kita. Wala akong pagsisisi na pinili kitang samahan at pakasalan. Tahimik na wika pa rin niya sa sarili habang wala pa ring patid ang pagtulo ng mga luha.

Niyakap niya ng mas mahigpit pa ang picture ni John habang nakapikit pa rin at patuloy ang paglandas ng mga luha sa pisngi.

Kahit na lumipas na ang mga taon ay ganoon pa rin ang pangungulilang nararamdaman niya sa araw-araw.

Lalo pa siyang nalulumbay sa tuwing makikita niya ang napaka-gwapong asawa niya sa pictures na tila ba buhay na buhay sa mga larawan nito.

Kaya nga para mabawasan ang pangungulila niya ay pinagtatanggal niya ang lahat ng alaala ni John sa buong bahay. Lahat ay pinagsama-sama niya sa isang kwarto nila.

Halos gabi-gabi pa rin siyang umiiyak hanggang makatulugan ang pagtangis sa kwarto nilang iyon dati ni John. Pero walang kahit sino ang nakakaalam ng pinagdadaanan niya.

Sa paningin ng iba ay matatag siya at wala ng bahid ng pagdaramdam. Subalit sa loob niya ay sobrang lungkot niya at nangungulila.

Pero ganoon siguro talaga kapag namatayan ka ng minamahal. Grief and loss takes time. She couldn't even function and it took so long for her to figure out how to live her life without him.

Good thing may pamilya siya at may mga kaibigan sila ni John, showing their empathy, support and patience noong panahon na parang ayaw na niyang mabuhay.

It's not easy facing heartaches and losing someone we love. Pero marahil ay proud sa kanya si John ngayon. Dahil kinakaya niya ang lahat kahit na mag-isa na lamang siya.

Kinabukasan ay naisipan niyang mag-online sa Facebook. She wanted to say hello to her two best friends. Matagal-tagal din siyang nawalan ng gana mag-social media mula nang mamatay si John. Ngayon lang ulit niya mabubuksan ang Facebook niya.

"Bestie kumusta ka na!" tili ni Ella sa video call habang kausap si Mia.

"Okay lang bes, pasensya ka na ha matagal akong hindi nakapag-online," nakangiting paumanhin niya kay Ella sa kabilang linya.

"Oo nga bestie, kaloka ka! Buti naman after 5 years nag-online ka rin at kinamusta mo rin kami ni baks! Grabe ka, alam mo bang palagi ka naming naaalala. Kaso hindi naman namin alam kung paano ka kokontakin. Address mo lang ang meron kami, nare-receive mo naman ang pinapadala naming cards sayo di ba?" mahabang litanya nito na kunwari ay nagtatampo.

"Oo bes nare-received ko naman. Salamat dahil naaalala n'yo pa rin ako. Kaya lang, wala akong time talaga mag-send back ng card sa inyo e. Saka super busy sa trabaho, kaya sina Mama minsan ko na lang din tinatawagan at nasusulatan," paliwanag niya at paumanhin dito.

"Hindi mo na siguro alam ang itsura ng mga pamangkin mo ano? Ikaw ba namang limang taong walang balita sa online world! Parang ganitong-ganito ka noong una mong heartache, di ba?" may himig na sermon nito sa kanya.

"Nakikita ko naman ang picture ng mga bata kapag nagpapadala si Mama sa post office ng cards and letter. And sometimes nagse-send din siya ng Pinoy goodies sa akin. Sinisiksik niya doon ang mga pictures ng mga bata."

Sandaling tumigil sa pagsasalita si Mia upang humigop ng kape. "Saka, lagi ko naman silang nakakausap kapag tumatawag ako. Isa pa, once a year naman dumadalaw dito sina Mama. Kaya nababalitaan nila ako ng nangyayari dyan. Kayo ba ni Delmond kumusta na? Na-miss ko kayo, sobra! Sana nandito kayo," dugtong na paliwanag niya at pangungumusta habang kumakain ng agahan. Maya-maya lang ay papasok na siya sa trabaho.

"Okay lang naman kami bes, magaganda pa rin na gaya mo. Oi, na-miss ko yang timpla mong kape bakla," nakangisi na sagot ni Ella. "Nasa company pa rin kami ni baks. Pero ako bestie, ikakasal na kay jowa next year, at wag kang mawawala ha. Uuwi ka, ipangako mo yan! Abay kayo ni baks at ikaw ang bridesmaid ko. Kaya wag kang tatanggi dyan bakla ka! Kasi, magtatampo talaga ako sayo," masayang balita at babala nito.

"Titingnan ko bestie ha. Pero hindi ako nangangako," diretsahang sagot naman niya dito.

"Ano ka ba naman bestie i-save mo na ang araw na yun. Sa October pa naman yun ng next year. Ano pa lang ngayon December pa lang, Ateng. Nakakagigil ka naman e!" kunwari'y nagtatampo pa ring sagot nito. Sabay itinaas pa ang kanang kilay. Kaya napangisi si Mia sa inaasal ng kaibigan.

"Basta, pag-iisipan ko!" nakangiting sagot niya. "By the way bes, salamat pala sa inyo ni baks ha. Palagi n'yo raw ipinapasyal ang mga bata," dugtong pa niya at sinserong pasasalamat.

"Ano ka ba, no worries. Parang anak na rin namin ang mga anak mo 'no! At yung si Jana, napakagandang bata, daig pa si Kathrine Bernardo sa ganda. Pwedeng-pwedeng artista, bes!" masayang sagot at puri nito na halatang-halata na hangang-hanga sa anak niya.

"Sira! Hindi artista ang pangarap nun, mag-aabogado daw siya!" pagmamalaki niya dito.

"Sayang naman, ang gandang bata eh! Pero bestie, buti na lang talaga at naisip mong mag-Facebook ulit ano. Akala ko talaga kakailanganin ko pang pumunta ng post office para mag-send ng wedding invitation sayo. Grabe ka talaga girl, dinaig mo pa ang tao noong dekada sitenta. Through post office pa talaga ang communication n'yo Nanay Meding ha, e uso naman ang internet!" biro nitong natatawa.

Nginisian lang naman ito ni Mia. Mas gusto kasi niya ang tahimik na buhay habang nagmo-move on. Kaya inalis niya sa sistema niya ang social media mula nang mamatay si John.

"Siguro may nagpapatibok na ulit sa puso mo ano? Di ba kaya ka nag-FB uli noon dahil napatibok ni Papa John ang puso mo?!" pabirong dugtong at usisa pa ni Ella habang kumukurap-kurap ang mga mata dahil excited sa anomang ibabalita ni Mia.

"Wala, ano ka ba! Kasi itong si Yu, palagi na lang ako kinukulit na mag-Facebook na daw ako. Kasi gusto daw nilang magkapatid na makita ako araw-araw sa video call," mabilis niyang sagot.

"Hay, buti na lang nagpapilit ka sa anak mo. But in fairness bestie, ang ganda-ganda mo pa rin hanggang ngayon. Di halata na puro trabaho lang ang inaatupag mo dyan!" masayang puri nito sa kanya.

"Salamat bakla, pero wag mo na akong bolahin pa. Kasi hindi pa talaga ako uuwi dyan. Wala pa sa plano ko yan," birong sagot niya sabay ngiti kay Ella dahil bigla itong sumimangot.

"Sige na bestie, uwi ka na please!" kumbinsi pa rin nito pero tinawanan lang ito ng kausap.

"Paano bes, kailangan ko ng mag-log out ha. Papasok na ako sa trabaho. Umuulan kasi ng snow ngayon, kaya kailangan kong umalis ng mas maaga," paalam na niya sa kaibigan. Pero pinakita muna niya kay Ella ang falling snowflakes sa may binatana bago nagpaalamanan ang dalawa ng tuluyan.

Noong bumalik si Mia sa trabaho after magluksa kay John ay nagpalipat siya sa ibang branch ng company kung saan sila nagtatrabaho ni John.

Ayaw kasi niyang maalala ang asawa habang nagta-trabaho siya. Marami silang alaala doon at maging ang mga kasamahan nila na malalapit kay John ay nakakapag-paalala din dito.

Ayaw niyang mawala sa focus at maapektuhan ng pagkawala ni John habang nagtatrabaho. Kaya minabuti na lang niya na alisin lahat ng magpapalungkot sa kanya sa trabaho. Katwiran niya ay tama na yung sa bahay na lang niya mag-isang inaalala at iniiyakan si John.

Nilipat naman siya ng owner ng supermarket na si Mrs. Walz sa ibang branch. Pero hindi sa supermarket kundi sa bakeshop nito sa ibang City.

Naisip ng boss niya na mas makakatulong sa kanya kung sa bakeshop branch siya ilipat. Para mas mabilis daw siyang maka-get over sa pagkawala ni John. Doon ay maiiba na ang environment niya at mga kasama na staff.

Magaling si Mia na empleyedo. Kaya gustong-gusto siya ng boss niya. At kahit hindi siya nakapasok ng matagal noon sa trabaho ay malugod pa rin siyang tinanggap ng management.

Naintindihan nila ang kalagayan niya noon. Kaya hindi siya sinisante dahil alam ng mga itong nagluluksa pa siya.

Nauunawaan din ng mga ito kung bakit tila ba parang mawala-wala na siya sa sarili noon. Yun naman ay dahil nga hindi pa niya matanggap ang pagkamatay ng asawa.

Kaya masaya ang mga ito para sa kanya. Dahil nalagpasan niya ang pagsubok na iyon sa kanyang buhay.

Kilala silang mag-asawa sa buong Walz supermarket na mabait at matulungin na couple. Kaya lahat ng simpatya ng katrabaho at big boss sa company ay nakuha ni Mia noong nagluluksa pa siya.

Sobrang thankful niya sa boss niya at sa iba pang mga kasamahan sa trabaho. Dahil inintindi ng mga ito ang naging kalagayan niya noon.

Sa Petersburg ang City kung saan sila nakatira ni John. At ang bakeshop branch naman kung saan siya naka-assign ngayon ay sa kabilang bayan lang sa Abingdon City.

Mga 20 miles ang layo ng Abingdon sa bahay niya at mga 20 minutes niya itong dina-drive araw-araw. Mas malaki ang bayan ng Abingdon kaysa sa Petersburg at mas matao doon.

Kaya naman walang tigil ang customers nila sa bakeshop. Isa pa ay kilala ang bakeshop na pinagtatrabahuhan niya sa buong bansa kaya mabenta ito.

Marami ng alam si Mia sa baking, bukod sa madaming naituro na recipe si John sa kanya noong nabubuhay pa. Natuto din siya ng maraming baking technique at recipe sa kompanya kung saan siya nagtatrabaho.

Bakeshop ang gusto nilang itayo na negosyo ni John noon sa Pilipinas. At itutuloy pa rin niya iyon kahit iniwan na siya ni John. Awa ng Diyos ay kaunting-kaunti na lang at mabubuo na niya ang puhunan na kailangan niya sa planong negosyo.

Nakapag-patayo na rin siya ng sariling bahay sa nabili nilang farm noon ni John. Nakapundar na rin siya ng van na siyang ginagamit ng kuya niya pansamantala. Habang hindi pa siya bumabalik ng Pilipinas.

Gusto niya ay ready na ang lahat para sa future nila ng dalawang anak. Ayaw niyang umuwi ng Pilipinas hangga't hindi pa sapat ang savings niya. Dahil kapag bumalik siya sa Pilipinas ay wala na siyang balak na bumalik pa sa US. Kaya tiniis talaga niyang mamuhay mag-isa sa US kahit wala na si John.

Alam ni Mrs. Walz na plano ni Mia na magtayo ng bakeshop sa Pilipinas. Kaya inalok siya nito noon na magtayo ng first ever branch ng Walz bakeshop sa Pilipinas. At si Mia ang mamamahala.

Pero tinanggihan ito ni Mia. Dahil gusto niyang magsimula sa sarili niyang sikap at abilidad. Kaya naman lalo siyang hinangaan ng mabait na matanda na para na niyang ina. Nakikita kasi ni Mrs. Walz ang sarili nito sa kanya.

Bakeshop din ang unang negosyo nito noon. Hanggang sa sumikat ang Walz bakeshop at nakilala sa buong America. Kaya nakapundar si Mrs. Walz at ang asawa nito ng Walz supermarket.

Sa sobrang bait nga ng boss ni Mia sa kanya ay tinuruan pa siya nito ng iba't-ibang sekreto sa pagbe-bake. Maging ang tamang pagpapatakbo ng bakeshop ay itinuro din nito sa kanya ng libre.

Ang sabi nito kay Mia ay gusto daw nitong magtagumpay din siya sa baking business. Kahit pa nga tinanggihan niya ang unico hijo nito na i-date. Ay willing pa rin ang matanda na tulungan siya na maging successful business woman. Malaki talaga ang tiwala nito kay Mia na magtatagumpay siya sa negosyo.

Kung tutuusin ay bilyonaryo na ang anak at mga apo ni Mrs. Walz. Pero never pumasok sa isip ni Mia na kagatin ang gusto ni Mrs. Walz na ipareho sa anak nito.

Dahil katwiran niya ay kaya niyang itaguyod mag-isa ang mga anak niya. At kaya niyang maka-pundar ng sariling negosyo mula sa pawis niya. Tinangka pa ni Mrs. Walz na paligawan noon at i-date si Mia ng anak nito noong natapos na ang divorce ng unico hijo nito.

Sinabi ni Mrs. Walz kay Mia noon na gusto siya ng anak nito noon pa man na nagtatrabaho pa siya sa Walz supermarket. Pero sa kamalasan ay married na si Mia kay John noon.

Samantala, ang anak naman nito noon na si Luke ay separated pa lang sa asawa nito. Pareho na silang pamilyado noong panahong iyon ni Luke. Kung kaya't walang pagkakataon si Luke na sabihin kay Mia noon na gusto siya nito.

Pero sadyang sa iisang tao lamang talaga nakalaan ang puso ni Mia. Kaya mariin niyang tinanggihan ang gusto ni Mrs, Walz at Luke. Hindi pa kasi niya nakikita ang sarili na magmamahal muli.

Para sa kanya ay hindi magpaligaw at mag-boyfriend ang sagot. Upang malimutan ang pagkawala ni John ng biglaan sa buhay niya.

Kaya heto nga at nilulunod niya ang sarili sa trabaho para lang maibsan ang lungkot na nararamdaman niya. Ang pagtatrabaho lang ang tanging alam niyang sagot. Para panandaliang tumahimik ang puso niya sa pag-iyak, at pangungulila sa namayapang mahal na asawa.

Samantala, pagdating ni Mia sa Walz bakeshop ay tumawag ang isang staff niya na hindi ito makakapasok dahil may sakit daw.

Ito ang cake decorator at taga-sulat sa mga cakes kung may mga orders at dedication na pinapasulat ang mga customers nila.

Nang araw na yun ay umuulan ng snow. At nang mga bandang tanghali na ay may isang lalaki ang pumasok sa bakeshop. Upang i-pick up ang inorder nito sa online na birthday cake.

Don't forget to share, vote and comment.

Continue Reading

You'll Also Like

168K 4.3K 28
"At kung ibigin ka'y kasalanan ay wala na akong pakialam. Ang makasama ka'y sapat na sa akin. ikaw ang buhay ko, iyo ang puso ko, katawan ko't maging...
454K 8.6K 25
The Way You Touch Me By: CatchMe Teaser Isang lihim ang kanyang nadiskubri. Lihim na dahilan ng pagkawasak ng kanyang mundo, at ang lihim na muntik n...
4K 109 18
🔞spg content!! Everyday different body... Everyday different life... Everyday in love with the same girl.... My first and Lust,"!,,
1.3M 51.8K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.