HUNTING KENDRA(The Last Vampi...

Von babz07aziole

5.7K 339 109

"The sweet taste of your blood makes my body ache for more..." -Timothy HUNTING KENDRA (The Last Vampire) PU... Mehr

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FITHEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
EPILOGUE
BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA
THE WAIT IS OVER!!!

CHAPTER EIGHTEEN

152 10 2
Von babz07aziole

"A-anong ginawa mo kay Timonthy Merlous?"hysterical na sigaw ni Verra. Hindi ito makagalaw dahil sa mga natamong sugat.

Nakita niyang ipinasok nito si Timothy sa kulungan. Bigla rin itong lumabas upang tuluyang kumalat ang dilim sa buong silid dahil sa pagsasara nito ng pinto ay ang pagkawala naman ng apoy sa sisidlan.

Magmula ng magbukas ang daanan sa kakahuyan ay bigla na lamang nagkagulo. Bigla ay sumiklab ang digmaan sa kanilang mundo, tila may hindi nakikitang puwersa ang nagbukas.

Nagkasagupan ang magkabilang lahi, nagkasakitan ang lahat hanggang sa humantong ang kamatayan sa bawat isa.

Gustong manghina ni Verra dahil sa mabilis na pagkaubos ng mga kasamahan. Tila hindi na mauubos-ubos ang mga zombie, lalong dumarami ang mga ito.

Lalong siyang nagdalamhati na maski ang nobyo na si Phoebi ay napatay ng mga ito. Wala na ang dating kapayapaan na pinalaganap at minintina ng pamilya ni Timothy.

Naibulong niya sa sarili na kung narito man lang sana si Timothy ay hindi ganito ang mangyayari sa kanilang mundo.

MABILIS ang bawat hakbang ni Hanzul sa bawat pag-usad niya'y nakakapatay siya ng mga Zombie. Tila hindi nauubos ang mga ito, bigla siyang natigilan at inilibot sa buong paligid ang tingin kung saan siya naroroon.

Paano ba mauubos ang mga ito, kung sa bawat makagat  na mortal ng mga zombie ay nagiging katulad ng mga ito.

Hindi aaklaing ni Hanzul na isang taksil si Merlous, kung hindi niya nabisto ito ay hindi niya pa malalaman.

Wala siyang kaalam-alam sa mga pinaggagawa nito, isang bampira ang nagsiwalat ng lahat ng gawain nito.

Mga lihim ni Merlous!

Inamin na sa kaniya mismo ng nag-ngangalang Driego ang lahat bago mamatay.

Mula't-sapol ay  magkakuntsaba na si Zandrew at Merlous sa nangyari kay Trinity.

Lalo niyang hindi matanggap na si Merlous ang may kagagawan ng sunog sa kubong pansamantalang tinirhan nina Trinity at ng anak nilang si Dylan. Hindi niya maipaliwanag ang labis na sakit na naramdaman sa puso ng mga sandaling malaman niya ang nangyari sa anak nila ni Trinity.

Kung naroroon lamang siya, 'di sanay hindi mawawala ang anak nila sa mga kamay ng kanyang lahi.

Iisa lamang ang tumimo sa kanya ito ang pumatay sa anak nila ni Trinity!

Mabilis siyang nagtatakbo, tuluyan siyang nagpalit ng anyo, naging mabalasik na Lobo ito . Mabilis niyang tinahak ang daan papunta sa mundo ng Acceria. Babalikan niya si Merlous at pagbabayarin niya ito ng buo.

Gulong-gulo na siya dahil pati ang tiwala ng mga Gallena ay tuluyan na rin naglaho. Nagbalik na ang mga ito sa lugar ng mga ito, pinabayaan siya ng mga itong lutasin ang lahat.

Mga engkanto ang mga Gallena, pumayag siyang makipagtulungan ito sa pagsakop sa mundo ng mga mortal. Kapalit ng pagbibigay ng kapangyarihan na alisin ang mahika sa kakahuyan upang makadaan sila.

Ngunit dahil sa hindi niya nakamit ang banal na bato at hindi niya naihandog ng tuluyan sa mga Gallena kaya upang agad siyang tinalikuran ng mga ito.

Sa ikalawang pagkakataon ay naranasan niya ang muling talikuran. Lalo siyang naulol sa labis na galit ng muli niyang maalala ang anak ni Zandrew!

Uunahin niya itong patayin oras na makita niya ito, alam niyang nasa mundo na ito ng Acceria. Iyon ang hinatid na balita sa kanya ng espiya niya.

Isang nakakatakot na alulong ang ginawa niya mula sa gitna ng kakahuyan bago siya tumalon sa ilog.

SA nanlalabong kaisipan ay unti-unting iminulat ni Timothy ang mga mata. Marahan niyang inilibot iyon kasabay ng paglibot ng kanyang mga mata, madilim ang kanyang kinaroroonan kaya hindi niya maaninag kung saan siya naroroon.

"Timothy!"isang tinig ang nangibabaw mula sa dilim.

"S-sino ka?"mahina at halos paputol-putol niyang tanong.

"Si Verra ito Timothy, bakit ngayon ka lang nagbalik! Ang mundo ng A-Acerria tuluyan ng nagkagulo!"ang panangis nito na tila nagsusumbong sa kanya ng mga oras na iyon.

Hindi nakasagot si Timothy, alam niya iyon. Pakiramdam niya kasalanan niya kung bakit nagkaganoon ang lahat, kung naibigay niya lang ang bato sa Hari ng mga Lobo ay hindi nito wawasakin ang kanilang mundo.

"K-kasalanan ko Verra, kung naibigay ko sana ang bato. P-pero hindi ko kaya, I'm sorry!  Maski ang mga mundo ng mga tao ay tuluyang nagkakagulo d-dahil sa makasarili kong kagustuhan! Patawad h-hindi ko kaya. Hindi ko kaya na ibigay ang banal na bato. Magkagayun man napahamak pa rin si Kendra!"tuloy-tuloy na paninisi ni Timothy sa sarili.

Napakagat nalang ng labi si Verra, naiintindihan niya ito. Nagmahal lamang ang kaibigan niya.

"Tama na Timothy ang kailangan natin isipin ngayon ay kung paano tayo makakaalis sa lugar na ito! Paano natin pipigilan si Merlous!"

Mula sa kinalalagyan ay sinubukan ni Timothy paganahin ang kapangyarihan niya bilang bampira. Ngunit nabigo siya, pumikit siyang muli. Mayamaya'y unti-unting nagbago ang anyo niya, naging Lobo siya.

Mabilis niyang binangga ang kulungan niya upang makalabas siya, ngunit napaatungal siya dahil sa nasaktang parte ng kanyang katawan.

Ngunit hindi siya pinanghinaan ng loob. Patuloy niyang dinamba iyon, hanggang sa tuluyan iyong mawasak.

Bumagsak siya sa lapag, hindi siya kaagad nakatayo si Timothy dahil nanghina ito.

Unti-unti ay bumangon siya, kahit ramdam ni Timothy ang labis na kirot na nagmumula sa tagilirang bahagi ng kanyang katawan.

Kailangan niyang manatiling malakas, kailangan niyang puntahan siKendra; hindi siya makakapayag na tuluyang mawasak ang dalawang mundo.

Mabilis niyang pinagana ang mga kapangyarihan niya bilang bampira kahit anyong Lobo siya. Hindi naman siya nabigo, dahil tuluyang naramdaman niya ang unti-unting pagpapalit ng kanyang anyo.

Naging anyong tao siyang muli ngunit unti-unting humaba ang buhok niya, nanatili ang  itim niyang buntot. Humaba ang kaniyang mga kuko at pangil, kumikislap maski ang mata niyang unti-unti ng nilalamon ng  pulang kulay. Sa isang iglap ay tuluyan siyang nilamon ng bagong kaanyuan.

Tila isang bagong sibol na katauhan ang ipinganak sa mga sandaling iyon.

Sa isang kisap-mata'y sumindi ang lahat ng sulo sa silid na kanilang kinaroroonan.

Agad naman bumagsak si Verra na nanatiling nakamasid sa bagong anyo ni Timothy, kinakabahan siya na hindi niya mawari.

Sapagkat tila hindi si Timothy ang nasa kanyang harapan ngayon.

Iniabot ni Timothy ang kamay kay Verra, ang takot na dumumbol dito ay unti-unti napawi.

Isang genuine na ngiti ang sumilay sa labi ni Timothy, mabilis na inabot naman iyon ni Verra.

Alam na niya ngayon na ligtas na siya na muli nang maibabalik sa kapayaapaan ang kanilang mundo. Dahil sa kagagawan ng mga walang-awa at sakim na lahi ng mga zombie!

Mabilis silang tumakbo palabas ng silid, inihanda ni Verra ang sarili sa pakikipag-sagupa. Habang palabas sila ay maraming zombie ang humarang sa kanila.

Sa bawat pagsalubong ng mga ito ay sinasabayan naman nila ito ng ibayong bilis at ingat. Sapagkat delikado kapag tuluyan silang makagat, isa-isang nagsitumba sa lapag ang mga zombie na naputulan nila ng ulo.

Ngunit hindi naging madali, dahil may ilang mga Lobo ang nakagat ng mga ito. Likas na malakas at maliksi ang lahi ng lobo na naging zombie. Sa isang maling kilos ni Verra ay nakagat ito sa paa. Napaigik ito kasabay ng pagtumba.

"Verra!"sigaw ni Timothy habang patuloy na binabali nito ang leeg at inaalisan ng ulo ang mga zombie na lumulusob sa kanya. Tila iisa ang mga utak nito at sila ang pinupuntirya.

Mabilis siyang kumilos, dinoble niya ang galaw upang maabot niya si Verra. Agad niya itong binuhat. Tumalon siya sa ere, kasabay ng mariin niyang pagpikit.

Agad siyang nagteleport, bigla silang nawala sa paningin ng mga zombie. Agad ang pagbagsak nila sa lupa sa loob ng kakahuyan, marahan niyang inilapag sa damuhan si Verra. Kitang-kita niya ang biglang pagpapalit ng kulay ng mata nito, unti-unti na iyong namuti. Maski ang balahibo nito'y tuluyan ng nalagas, napaluhod siya kasabay ng malakas niyang sigaw. Madami na ang nasawi sa labanang naganap at labis-labis ng sakit ang dulot niyon kay Timothy. Isang desisyon ang ginawa ni Timothy, sa lumuluhang mata ay mabilis niyang ibinaling amg mata sa iba.

Marahan niyang inilagay sa leeg ni Verra ang kamay, sa isang iglap binali niya iyon at mabilis niyang inalis ang ulo nitong nakaugnay sa katawan nito. Ayaw na niyang mahirapan pa ang kaibigan!

Sunod-sunod ang ginawa niyang pagsigaw, magbubukang-liwayway na. Unti-unti ng sumisilay  ang sinag ng araw sa likod ng bundok.

Ngunit ang tuluyang pagliwanag ng paligid ng Acceria ay ang pagdidilim naman ng isip ng binata.

"Timothy!"marahas na palahaw ni Hanzul kasabay ng pagdaluhong nito sa kanya.

Naglaban ang dalawa, hindi alintana ang mga sugat na ginagawa nila sa bawat-isa. Walang nais na magpatalo.

Mula sa malayo kitang-kita ni Merlous ang pagpapatayan ng mag-ama. Nagagalak ito sa nangyayari, nasunod na ng tuluyan ang plano niyang magpatayan ang dalawa. Makakamit na niya ng tuluyan ang matagal ng  pinangarap ng kanyang lahi.

Ang mapagharian ang mundo ng Acceria at pati na rin ang mundo ng mga tao!

Wala ng sino man ang makakapigil sa mga magaganap na pagsakop ng lahi ng mga Zombie sa buong mundo!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

4.4K 274 34
How would you feel if you lost everything in just a simple encounter? The conservative woman happen to feel low because of the incident she did not c...
11M 559K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
4.1K 117 17
Kapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-art...
506K 11.8K 40
Virginia Marie G. Romero, a successful 25-year-old lady boss. Never been kissed, never been touched, and no boyfriend since birth. Eh paano kung isan...