Dayo

By helliza

1M 44.2K 9.1K

Dayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masak... More

Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
kabanta 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas

Kabanata 22

19.7K 1K 153
By helliza

     I stopped breathing.

     I was so electrified sa pagdidikit namin.

     May flirty side is purring. Nabuhay ang dugo na na freeze yata ng mga panahon na hindi ko kasama si Drigo.

     "Ginawa nya ang tungkulin nya. Hipolito, hindi dapat sya parusahan."

     Nakatingala ako kay Drigo. His eyes is so dark. Tulad ng 'gabing' iyon.

     Nakita ko ang pagkatigalgal ni Hipolito. Hindi makapaniwala na may kumontra sa kanya.

     "Gaya nga ng sabi ko. Magkaiba tayo ng paraan ng pagpapasunod sa mga tauhan natin."nagdidilim ang mukha na sabi ni Hipolito. "Sana ay huwag mo ako pakialaman kung paano ko gagawin ang sa akin."

     Magsasalita sana si Drigo, pero mabilis ako kumawala sa kanya. Lumuhod ako sa harap ni Hipolito. Kailangan ko maagapan ito. Baka bigla ipapatay ni Hipolito sina Drigo ngayon.

      "Paumamhin Ginoo. Nagkasala po ako."

     "Raye-," lumipad ang tingin ko kay Drigo.  Pinigilan ang pagtawag nya sa akin sa tunay ko pangalan.

     "Maraming salamat Ginoo. Tama po ang aking pinuno. Hindi nyo po kailangan na pigilan ang aking kaparusahan. Isa lang po ako hamak na Tagasunod at Tagabantay. Huwag nyo po sayangin ang laway nyo para lang sa isang tulad ko," sabi ko habang deretso nakatingin sa mga mata nya.

     Hindi niya  nagustuhan ang sinabi ko. Kitang-kita ko iyon sa pagkuyom ng kanya mga kamao. Sa pag-igting ng kanya bagang at sa mas lalong pandidilim ng kanya mga mata, kumurap ako at sa isang iglap lang nagbago iyon. His posture became relax,  his expression became blank. Inalis nya ang tingin nya sa akin at inilipat kay Hipolito.

     "Wala ako pakialam kung paano mo didisiplinahin ang mga Tagasunod mo Hipolito. Kahit patayin mo sila sa harap ko wala ako pakialam."

     Napayuko ako. My flirty side is crying. Nasaktan sa sinabi ni Drigo.

     "Pero ang hindi ko gusto-," Humakbang papalapit si Drigo kay Hipolito. Hindi ko maintindihan kung bakit napaatras ang sira-ulo ko amo ngayon. Natatakot ba sya?

     Tinignan ko ulit si Drigo. His face is still blank, but his dark eyes said it all. Pusta ko nakikita ni Hipolito ang kamatayan nya sa mga mata ni Drigo.

     "-ay ang may maparusahan ng dahil sa akin. Kapag sa akin nagkamali ako ang magpaparusa, at wala ako pakialam kung kanino Tagasunod sya. Naiintindihan mo ba."

     Ayan na naman iyong tono sa boses ni Drigo. Iyong tono na 'ito ang gusto at wala ka magagawa kundi sundin ito.' Hindi ako makapaniwala na may epekto iyon kay Hipolito na kahit na sa iang tulad nya mataas ang antas sa lipunan ay titiklop sa ganon tono ng binata.

     Sino ka ba talaga Drigo?

      Lumunok si Hipolito. Pilit na ngumiti.

      "K-kung ganon ay mas gusto mo ikaw ang magpaparusa sa kanya, ganon ba Drigo."

     Nanlaki ang mga mata ko. Si Drigo ang magpaparusa?

      Hindi sumagot si Drigo.

      "Walang problema Drigo." Iniabot ni Hipolito ang latigo sa kanya.

     Iyong mga kamay ko nakalapat sa lupa ay kumuyom. Pumikit ako at hinintay ang muli paglapat ng latigo sa likod ko.

     "Hindi ganyan ang gusto ko parusa Hipolito." Natigilan ako. "Gusto ko ibigay mo sya bilang alipin ko.

     What the hell? Nasa gilid ko na sya. Hindi ko magawa tumingin sa kanya.

     Kumunot ang noo ni Hipolito.

     "Ibibigay ko sya bilang alipin mo? Si Raye ang isa sa magagaling na tauhan ko. Hindi yata patas ang parusa hinihingi mo Rodrigo."

     "Lumapit ka sa akin Tanya." Sabi ni Rodrigo.

     Lumapit si Tanya. Inalalayan ito ni Drigo. Ipinakita ang nagdurugo braso.

     Nasugatan sya?

     "Nasugatan ang isa sa mga kasamahan ko, isa pa sya babae. Kilala mo ako Hipolito. Hindi ko pinapalampas kapag may nasasaktan sa kahit na sino sa mga babae kasama ko. Hindi mo naman gusto maging magkaaway tayo at kalimutan ko ang kasunduan natin dalawa."

     Nanlaki ang mga mata ni Hipolito.

     Ano kasunduan?

     "Isa pa hindi ko sya hinihingi bilang maging Tagabantay ko. Para maging patas sayo, alipin ko ang magiging katungkulan nya sa akin. Hindi sya hahawak ng armas para ipagtanggol ako, o kahit na sino sa grupo ko."

      What? Hindi ako hahawak ng armas?  No. Hindi ako papayag! Apila kaagad ni badass side.

     "Hindi ko gusto na masaktan ang kasintahan mo Drigo."

     Hindi sinabi ni Drigo na kasintahan nya si Tanya, pero hindi nya din itinama si Hipolito.

       "Ayoko ko din na hindi matupad ang kasunduan natin." Tinignan ni Hipolito ang bulto ko nakayuko. "Kaya pumapayag na ako. Sayo na si Raye. Binibigay ko na sya bilang alipin mo."

     Damn, hindi pwede, magugulo ang mga plano.

     "Raye."

      "Ginoo."

      "Pinapalaya na kita sa grupo at binibigay kay Rodrigo bilang alipin nya. Gusto ko paglingkuran mo sya ng buong katapatan at ibigay mo ang huhay mo para sa kanya."

     "Kung iyon ang iyong nais Ginoo. Masusunod po."Naramdaman ko ang pagkaputol ng koneksyon ko sa grupo nya.

     Nakaluhod pa din na humarap ako kay Drigo.

     "Tanggapin nyo po ako bilang alipin nyo Ginoo, ipinapangako ko susundin ang lahat ng gusto nya at at ibibigay ko ang huli ko hininga para sayo." Gamit ang aking espada hiniwa ko ang kaliwa ko palad na bababalutan ng lupa.Tumutulo ang dugo na inialay ko iyon sa kanya.

     Hindi kumilos si Drigo. Hindi nya hiniwa ang sarili nya palad,  hindi niya inabot ang kamay ko, para tanggapin at mabuo ang koneksyon ko sa grupo nya, bagkus nagsalita si Pedro.

     "Marumi ang palad mo bi-binata." Ako lang yata ang nakapansin na nautal si Pedro sa pagtawag sa akin ng binata.
"Huwag mo ipahawak sa pinuno ang isang marumi palad."

       Naibaba ko naman ang kamay ko. "Paumanhin." Bulong ko.

     "Pagod na si Tanya, kailangan nadin nabigyan ng lunas ang sugat nya, nais na sana namin bumalik sa tinutuluyan namin Hipolito." Narinig ko sabi ni Drigo.

     "Walang problema Drigo. Tatapusin ko na din ang kasiyahan. Mauna na kayo magpahinga."

     Nagsimula maglakad sina Drigo na inaalalayan si Tanya. Apat na hakbang huminto sila at nagsalita si Drigo ng hindi lumilingon.

     "Ano pa hinihintay mo. Tumayo ka na dyan at sumunod sa amin."

     Kahit nakatalikod alam ko ako ang sinasabihan nya. Mabilis ako tumayo. Yumukod kay Hipolito saka tahimik na sumunod kina Drigo.

🦁🌷🦁🌷🦁


     Nanghihina ako napasandal sa pinto ng tinutuluyan silid ng grupo ni Drigo.
Malaki iyon, may sala, tatlo kwarto, at banyo.

     Malayong-malayo sa kubo nila sa Liwayway.

     What now? Nagulo na ang plano. Ano na gagawin mo? Tanong ni sensible side .

     My head is rolling. Ano na nga ang plano? Ngayon bumaba ang antas ko sa pagiging alipin hindi na ako makakapasok sa loob ng opisina ni Hipolito, at paano ko ipapaliwanag ang lahat ng ito sa kina Drigo? Ano sasabihin ko?

     "Fuck" i cursed, loudly. Tinignan ko sila. Lahat sila nakatingin sa akin, specially Drigo na ang tiim-tiim ng tingin sakin.

     Napaunat ako ng tayo, iyong pagod ko expression napalitan ng pagkaalerto.

      Tumikhim ako. "Kinagagalak ko muli kayo makita."

     Really Rayette  ayan talaga iyong pambungad mo. Sensible side.

     Anong gusto mo gawin at sabihin ko?

     Tumakbo kay Drigo, kiss him at tell him how much you miss him. Singit ni flirty side.

     And here she goes again. Himutok ni sensible.

      Yeah, andyan na naman sila. Active na naman iyong mga makukulit na tinig sa isip ko.

      "Bi-binibi Rayette, anong nangyari? Bakit naandito ka? Bakit nakasuot ka ng pangkasuotan na panglalaki?" Tanong ni Benito.

     Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot.

     "Hinanap ka namin Binibini. Pinuntahan namin lahat ng munisipyo sa bawat bayan ng madakip ka." Sabi naman ni Ejercito.

     Hinanap nila ako?  Bumalik ang mga mata ko kay Drigo na ang tingin ay hindi parin inaalis sa akin.

     Muli ako napatikhim. "Kailangan ko magpanggap na lalaki, dahil pinaghahanap ako ng mga Tagapagparusa." Sagot ko.

     "Anong ginagawa mo dito?" Drigo asked for the first time.

     Nakatayo padin ako sa likod ng pinto. Habang sila nasa harap ko. Si Sena ginagamot ang sugat ni Tanya sa may sofa.

     Wala sa loob na napahawak ako sa marumi ko palad na hiniwaan ko kanina.

      I'm starting to feel the pain mula sa mga sugat na natamo ko.

     "Pasensya na, Drigo hindi ko masasagot iyan."

     "Anong tinawag mo sa kanya?" Napatingin ako kay Tanya. Binibendahan na ni Sena ang sugat nya.

     "Hindi ko alam kung ano nangyayari, pero gusto ko sana malaman mo na alipin ka sa grupo ito, dapat mo igalang si Drigo." Hindi naman mapagmataas ang paraan ng pagsasalita nya, bagkus malumanay iyon.

     "Paumanhin Binibini."

     Kailangan nya ba isampal na alipin ka ng grupo. Sampalin ko kaya yan. Sabi ni flirty side na naiinis lalo na ng tumayo si Tanya at lumapit sa tabi ni Drigo.

     "Sagutin mo sana ang tanong ni Drigo." Dagdag nya pa.

     "Ipagpaumanhin nyo pero di ko masasagot. Alipin man ako ng grupo hindi pa ako tinatanggap at sumusumpa ng katapatan kay Pinuno Drigo. Sa mga oras na ito isa lang po ako simple alipin. Pwede hindi ko sagutin ang mga tanong na ibibigay nyo."

     Nanlaki ang mga mata ni Tanya. Sigurado ako, na ako ang kauna-unahang alipin na nangatwiran sa kanya. Alam ko naman na kahit hindi ka miyembro ng grupo, basta alipin ka kailangan mo sagutin ang tanong ng taong mas mataas ang antas sayo.

     But bilang Dayo ako sa mundo nila, kahit alam ko na ang batas at kalakaran dito sa Dapit-hapon may mga bagay at batas padin na hindi ko masunod, hindi ko maiwasan na mangatwiran at isatinig ang mga saloobin ko, tulad na lamg ngayon.

     Tinignan ko si Drigo gusto ko makita ang reaksyon nya, pagkatapos ko mangatwiran sa girlfriend nya. Then I saw it again, that smirk. Iyong ngisi na kinaiinisan ko pero hinanap-hanap at miss n miss ko ng nakalipas na limang buwan.

     Si Tanya tumikhim, hindi yata alam kung ano ang isasagot sa sinabi ko.

     “Wala ka talaga galang. Mula sa mataas na antas si binibini Tanya. Hindi mo dapat sya sinasagot.” Sikmat ni Sena.

     Hi girl, namiss kita. Sarcastic na sabi ni flirty side.

     “Paumanhin Binibini. Hindi ko talaga masasagot ang tanong ni Pinuno Drigo.” 

     “Drigo.” Bumaling si Tanya sa binata. Muli din ako sumulyap sa kanya. Wala na ang ngisi sa kanya mga labi. Matiim na lang ulit ang titig nya sakin.

     “Magpahinga na tayo lahat.” Sabi ng binata. Tinignan nya ang buong kabuoan ko. Mula sa sapatos na puro putik, sa pantalon na balot ng dumi at dugo. Sa palad ko may hiwa. Sa mga bisig ko may tali na puti tela, at sa mukha ko bakas ang pagod sa mga mata. May sugat din ako sa magkabila pisngi. Kung abot lang ng tingin nya ang likod ko malamang pati iyong latay ng latigo doon ineksamin nya.

     “Pero Drigo, kasalanan ang ginagawa nya pagpapanggap. Baka mapahamak tayo kapag nahuli sya sa pangangalaga natin. Masisira ang lahat.” si Sena.

      Tama naman sya.

     “Pinaghahanap ako ng batas.” Sabi ko. “Takas ako sa bilangguan. Hindi ako basta nakalaya lang sa kamay ng mga Tagapagparusa. Nakapaskil ang mukha ko sa pader ng bawat munisipyo. Tama ang Binibini, mapapahamak kayo, hindi lang dahil sa pagpapanggap ko, pati na din sa kung ano ang tunay na kasarian ko, hindi dapat ako mapasama sa gru-,”

     May hindi nagustuhan si Drigo sa sinasabi ko. Halata iyon sa muli pagsasalubong ng kilay nya.

     Humakbang sya papalapit sa akin. Napaatras naman ako. Nanlaki ang mga mata ng huminto sya mismo harap ko.

     Bakit ang lapit nya sobra? Ano na lang iisipin ni Tanya.

     Inabot nya ang sumbrero buri at inalis sa ulo. Dahil sa pagmamadali ko kanina maluwag ang nagawa ko pagkakatali sa buhok ko, kaya naman natanggal iyon at sumabog sa likod ko.

     “Ipagpatuloy mo man ang pagpapanggap o hindi, wala ako pakialam Binibini. Wala, dahil nagpapanggap o hindi, hinding-hindi na ako papayag na mawala ka sa paningin ko ulit, Mary Rayette.”

...itutuloy

🦁🌷🦁🌷🦁

H/n

Salamat sa pagbabasa :), if may time kayo, can you send me a pic  ni Rayette at Drigo. Iyong SWEET, pm po sa fb or IG ko. And same padin ip-post ko sya sa album ng Dayo and ime-mention ko iyong name nyo.

Isiningit ko lang ito update na ito. Nawala sa loob ko na friday na pala, kaya ayan medyo maikli.

Pahingi naman ng star guys and pa share na din.

Salamat.

Helliza Sabida
11192020gsj 9:08













Continue Reading

You'll Also Like

108K 297 2
Ang dalawang taong magkaiba ang katauhan, ngunit pareho ang ginagalawang mundo. Si Emory Ace Montemayor ay isang babaeng walang pakialam sa paligid n...
91.5K 2.9K 58
Celestia Jayana also known as C-jay, was a hard-headed and stubborn lady and then she became a Harrelson because of her step-father. She met her 7 ho...
10.5M 481K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
175K 3.3K 52
A simple girl with a normal life live peacefully with het friends untill she meet someone through chat, marami tayong naka halo bilo sa chat lamang b...