HUNTING KENDRA(The Last Vampi...

By babz07aziole

5.7K 339 109

"The sweet taste of your blood makes my body ache for more..." -Timothy HUNTING KENDRA (The Last Vampire) PU... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FITHEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
EPILOGUE
BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA
THE WAIT IS OVER!!!

CHAPTER SEVENTEEN

148 10 1
By babz07aziole


TAHIMIK lamang nakaupo si Timothy sa harapan ng mga estudyante niya. Nagbigay siya ng short quiz upang kahit papaano'y makapagmuni-muni siya kahit kaunti.

Lately napapadalas ang pagkakaroon niya ng pangitain. Katulad noong nakaraang gabi, muli na naman siyang napasailalim. Sa mga ganoong pangyayari ay hindi niya nakukontrol ang sarili.

Ilan sa mga pangitain na iyon ay hindi pa rin tuluyang mawaglit sa balintataw ni Timothy. Isang maiksing senaryo kung saan nakita niyang pinapahirapan si Trinity.

Hinahagupit ito ng makapal na latigo ngunit nanatiling malabo ang nilalang na gumagawa rito.

Labis na siyang nagtataka dahil padalas ng padalas ang pag-atake nito sa kanya.

Nandoon na nakahimlay si Kendra sa kandungan niya. Nakapikit ang mata habang umaagos sa bibig nito ang sariwang dugo.

Mababakas din ang magulo at wasak na kapaligiran ng mga taong kumakaripas ng takbo upang iligtas ang kani-kanilang buhay. Mga nasirang konkreto, mga daanang nagkabitak-bitak na tila may naganap na malakas na lindol.

Lalo siyang nakaramdam ng kalituhan ng makita niya rin mula roon ang mga nagkalat na bangkay ng tao, lahi ng mga Lobo at Zombie.

Kapag sumasagi sa kanya ang ilan sa mga iyon ay nakakaramdam siya ng pangingilabot. Tila ba'y laging may matang nagmamatyag sa bawat kilos niya sa tuwina, bigla siyang pinagpawisan.

Marahan niyang itiinapik-tapik ang hawak na ballpen sa lamesa. Ilang minuto na lang at matatapos na ang klase niya ngayong gabi. Kailangan niyang puntahan sa kanila si Kendra, hindi ito nakapasok ngayon sa klase nito.

Iniisip niyang baka may masamang nangyari rito, hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyon.

Mayamaya'y tumunog na rin ang alarm sa buong eskwelahan, hudyat na tapos na ang mga klase ngayong gabi.

Mabilis na niyang kinuha ang mga gamit, binilisan niya ang paglalakad palabas ng silid-aralan. Hindi na niya pinagkaabalahang pansin ang mga estudyanteng bumabati sa kanya sa may hallway.

Pagkalagpas sa gate ng eskuwelahan ay mas binilisan na niya ang paglalakad. Nagpalinga-linga muna siya, ang akma niyang pagpasok sa kakahuyan ay biglang natigil.

Ngunit laking pagtataka ni Timothy ng unti-unting nabitak ang lupang kinatatayuan. Sinundan pa ng sunod-sunod na pagyanig sa buong paligid, kitang-kita niya ang biglaang pagtaasan ng ibang parte ng mga lupa paahon habang ang iba ay tila nilalamon na pababa.

Dinig na dinig niya mula sa iniwang eskuwelahan ang mga sigawan at palahaw ng mga nagkakagulong estudyante sa loob. Maski ang mga sasakyan sa mga daanan ay nag-umpisa ng magsibusina at magbanggaan.

Bigla siyang nalito, hindi niya malaman kung ano ang uunahin niya sa mga sandaling iyon. Tutulungan niya ba ang mga tao o uunahin niya ang sariling kapakanan. Ilan pang minuto ang nagdaan at tuluyan na siyang nagdesisyon.

Bagamat binibiyak ng labis ang puso niya dahil sa nagaganap sa gabing iyon ay pinatili nalang niyang maging bulag at bingi.

Nagtagis ang kanyang ngipin nang mag-umpisang pasukin ng mga boses ng humihingi ng tulong ang kanyang isip. Sa mga sandaling iyon tila gustong mabiyak ang ulo niya.

"Shit!"malakas niyang mura ng makita niyang nagsilabasan sa mga bitak ang mga naagnas na nilalang--- mga zombie.

Napalunok siyang bigla, inikot niya ang paningin at kitang-kita niya kung paano gumapang palabas ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Timothy na buhat sa malayo kung saan kitang-kita niya ang pag-ahon ng mga Lobo at higante sa talon.

"P-paano nangyaring n-nakadaan ang mga ito?"naibulong nalang sa isip ni Timothy. Bigla siyang napatingala ng mapansin niya tila nagliwanag ang madilim na langit. Unti-unting natabunan ang mga bituin at ang buwan.

Kitang-kita niya ang paglitaw ng nakakasilaw na liwanag na galing sa itaas, pababa sa lupa. Lumabas mula roon ang mga nilalang na ngayon niya lang nakita.

Ngunit hindi siya maaring magkamali, panganib ang hatid ng mga ito sa mundo ng mga mortal.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan nagmadali siyang pumihit papasok, mabuti nalang may ibang daan siya na maaring daanan niya.

Mas binilisan niya ang pagtakbo at paglukso-lukso sa mga sanga ng puno na kaniyang nadadaanan.

Tigbi-tigbi ang pawis at katal na sa kaba ang bumabalot sa kanya ng mga sandaling iyon.

"Kendra!"sigaw niya sa labas ng gate ng mga ito. Ngunit walang-sagot sa loob. Labis-labis na ang kanyang kaba sa mga sandaling iyon. Hindi na siya nagdalawang-isip na buksan ang tarangkahan ng mga ito.

Mabibilis ang bawat hakbang niya, agad siyang lumapit sa nakasarang pinto. Marahan niyang hinawakan at pinihit iyon, sa pagtataka niya'y tuluyang nagbukas iyon. Mabilis siyang pumasok sa loob habang patuloy ang pagtawag niya sa pangalan ni Kendra.

Ngunit nakailang tawag na siya ay wala pa rin sagot mula rito, unti-unti'y napaluhod siya sa sahig. Mabilis niyang iginala ang paningin, magulo at wala na sa ayos ang mga gamit mula sa looban. Naikuyom niya ang magkabilang kamao dahil sa biglang naisip.

Ayaw niyang paniwalaan na baka pinasok na ito ng mga Lobo o Zombie, ngunit napatigil siya sa pag-iyak ng maramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng kung sino man.

Biglang nanlaki ang mga mata niya ng tumingala siya, nagulumihan siya ng makita ang nakatunghay na mukha ni Trinity.

"Dylan..."mahina ngunit mababakas sa tinig nito ang kagalakan sa binigkas nitong mga salita. Sinasalakay ng samo't-saring damdamin si Timothy sa mga sandaling iyon.

Bagamat banyaga sa kanya ang pangalan na itinawag nito sa kanya ay nakaramdam pa rin ng 'di maipaliwanag na kasiyahan si Timothy.

Ang yakap nitong banayad sa kanya ay nagbibigay ng kapayaan sa mga sandaling iyon.

Napapikit si Timothy ng maramdaman niyang pinagkalooban siya ng masuyong halik sa noo ni Trinity. Kasabay ng pagdaloy ng mga alaala sa kanya: kung saan ang araw na isinilang siya ni Trinity, mga araw na binubusog siya ng pagmamahal; pag-aalaga at pag-aaruga.

Ngunit napadilat ang kanyang mga mata ng bigla na lamang nagsuka ng dugo si Trinity sa kanyang harapan. Kitang-kita niya mula sa likuran nito si Merlous--- may mala-demonyong ngiting nakapaskil sa labi.

"Hindi!"isang sigaw ang namutawi sa kanya bago siya panawan ng ulirat. Mula sa kinabagsakan, kitang-kita niya sa nanlalabong mga mata si Kendra na kasalukuyang hawak ng mga zombie.

Tuluyan na siyang napapikit ng may isang matigas na bagay ang pumalo sa ulo niya at tuluyang nagpawala ng huwisyo niya.

"Mahal na Hari anong gagawin natin dito kay Timothy?"agad na tanong ng isa sa mga zombie na kanyang pinagtitiwalaan.

"Dalhin 'yan sa Acerria, ako mismo ang gagawad ng kamatayan sa kaniya!"marahas na na mando nito.

"N-ngunit ang sabi ng mahal na hari na si Hanzul ay dalhin ng buhay ito."nalilitong paalala nito kay Merlous.

Pinanlakihan lang siya ng mga mata ni Merlous kasabay ng pagsasabi nito ng:"Siya o ako ba ang iyong Hari? Hindi ba't ako? Kaya sa akin ka makinig!"sigaw nitong muli para tuluyan ng magpatahimik rito.

Mabilis nitong inutusan ang mga kasama na buhatin at dalhin sa talon si Timothy.

Maiksing tinapunan muna ni Merlous si Trinity sa lapag na kinaroonan nito. Napatiim-bagang siya pagkatapos, mabuti na lang at nakita niya ang ginawang pagpapatakas ni Driego dito.

Isang mabilis at malakas na hagupit ang ginawa ng mga bago niyang alagad mula sa likuran ni Driego. Nahagip si ito at nagtamo ng malalim na sugat.

Akma na sanang hahawakan ng hari si Driego ngunit bigla na lamang itong nawala sa kanyang paningin. Habang si Trinity ay mabilis na tumalilis, nakita niya itong tumalon paloob sa ilog. Hinayaan na lang iyon ni Merlous, dahil alam na niya kung saan ito pupunta. Ngayon ay nasukol niya ito, bilib din siya rito na kahit binulag niya ay tila normal pa rin ang paningin nito.

Mabilis namang dumako ang pansin nito kay Kendra, nasa mga mata nito ang pinaghalong galit at pagkasuklam.

"Mga walang-hiya kayo! Magbabayad kayo sa mga kahayupang ginawa niyo dito sa mundo ng mga tao!"sigaw ni Kendra kay Merlous.

Humalakhak lamang si Merlous kasabay ng paglapit nito sa kanya. Marahas nitong hinawakan ang kanyang panga, ngunit nanatili lamang na nakatingin sa mukha niya si Kendra.

"Matapang ka, katulad ka rin ng ama mong si Marcuss."bulong ni Merlous.

Dahan-dahang bumaba ang mga mata ni Merlous sa kanyang leeg. Isang mapang-uyam na ngisi muna ang nakita ni Kendra.

Sa isang iglap ay biglang tumigil ang lahat kay Kendra, hindi siya makakilos bigla siyang nanigas. Ngunit nanatiling bukas ang isip niya sa mga oras na iyon, namanhid na ng tuluyan ang buong katawan niya na maski ang makaapuhap at makabigkas ng salita ay tuluyan niyang 'di magawa.

Isang patak ng luha ang humalagpos sa kanyang mga mata ng mga sandaling iyon. Mula sa isip naglakbay ang kanyang utak. Kitang-kita niya ang karumal-dumal na kaganapan sa buong mundo ng mga tao. Labis siyang inalipin ng mabigat na emosyon.

Hindi niya alam kong ligtas ang Mama niya sa mga oras na iyon nasa pangangalaga na ito ng Tito Edmundo niya, may sariling hide out ito.

Mula kaninag umaga ay alam na niyang ito na ang mangyayari sa kanila...

Na darating ang panahon na masusukol siya sa mga kamay ng kalaban ng kanilang angkan.

Unti-unti ay nanghina ang kanyang kapangyarihan dahil inilayo na ni Merlous ang bato sa kanya na ibinigay ng kanyang amang hari ng mga Bampira na si Marcuss.

Ito ang patunay na nanatiling magkarudugtong ang mundo ng Acerria at sa mundo ng mga mortal, kung tuluyan itong mapaplayo sa kanya ay isa lamang ang mangyayari.

Tuluyang guguho ang isang mundo, walang makapagsasabi kung aling mundo. Kung ang mundo ba ng mga tao ba o ang mundo ng Acceria...

Continue Reading

You'll Also Like

99.4K 1.8K 21
"You are mine now, my obsession, my possession, my drug." - Lance Devin Lee Ices Club: Series 1
4.1K 117 17
Kapag ba nahuli ka na sa huling biyahe, at gusto mo ng anak, anong gagawin mo? Ganyang-ganyan ang dilemma ni Zanya. And her choices are: A. magpa-art...
57.1K 2.4K 48
AMAZON SERIES (COMPLETED) Prince Ezekiel Cuerido promised to marry Princess Equija Ivanovich when they were young. After 10 years, their marriage i...
11M 559K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...