The Bad Boy's Love (Published...

By blue_maiden

88.2M 2.1M 751K

[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo... More

Prologue
Chapter 1: City of love
Chapter 2: Dream or love?
Chapter 3: J's Graduation
Chapter 4: And she's back
Chapter 5: Long time no see
Chapter 6: Papa Jeydon
Chapter 7: Inuman session
Chapter 8: Going back
Chapter 9: The party
Chapter 10: Hello wedding bells
Chapter 11: Under the moon
Chapter 12: Job hunting
Chapter 13: First Night
Chapter 14: If only
Chapter 15: For a change
Chapter 16: Bridal Shower
Chapter 17: Dark past
Chapter 18: One step closer
Chaptet 19: Stag Party
Chapter 21: Hold on
Chapter 22: Day to Forever
Chapter 23: The Wedding
Chapter 24: Secret House
Chapter 25: Premonition
Chapter 26: Best Friends
Chapter 27: Sayang
Chapter 28: Hindi itinadhana
Chapter 29: Welcome
Chapter 30: Bye Jeydon
Chapter 31: Durian
Chapter 32: In laws
Chapter 33: Hongkong Part 1
Chapter 34: Hongkong Part 2
Chapter 35: My boo
Chapter 36: Come back home
Chapter 37: Welcome home
Chapter 38: Someone like you (Part 1)
Chapter 39: Someone like you (Part 2)
Chapter 40: He's coming
Chapter 41: Being a daddy
Chapter 42: The Player's wedding
Chapter 43: The Fighter's battle
Chapter 44: Rest in Peace.
Chapter 45: Goodbye and Hello
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note
TFBBAM BOX SET PRE-ORDER

Chapter 20: Changes

1.3M 39.3K 23.6K
By blue_maiden

Candice's Point of View

GINISING NA NAMAN ako ng liwanag na galing sa labas. Wala naman dapat pinagkaiba ang umagang ito sa ibang umaga ko pero ngayon ang bigat ng pakiramdam ko.

Bumangon ako sa kama ko at naghilamos. Isang linggo na simula no'ng huling magkita kami ni Jeydon. Simula noon, wala na akong narinig mula sa kaniya. Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero palagi niyang hindi sinasagot ang tawag ko. Wala rin siya sa bahay nila at wala raw nakakaalam kung nasaan siya.

"Candice, bumaba ka na at kakain na tayo," aya ni Yaya Linda. "Hinihintay ka na ni Skie."

"Opo, Yaya, nandiyan na."

Bago ako bumaba, tiningnan ko muna ang litrato namin ni Jeydon. Siguro binibigay niya lang sa akin ang bagay na hiniling ko sa kaniya, ang mapag-isa ako. Bakit ba ang tanga ko? Ginusto ko naman ito eh. Ako naman ang humiling na 'wag muna kaming mag-usap. Ako naman ang may gusto ng lahat ng ito kaya wala akong karapatan na masaktan.

Baka gusto niya rin na mapag-isa? O kaya baka natatakot lang siya na kausapin ako. Kung ano man 'yon, hindi ko alam.

Sinuot ko muli ang engagement ring na binigay ni Jeydon. Pinilit kong ngumiti kahit nahihirapan ako.

Pagbaba ko ng kwarto, lahat sila ay nakaupo na sa mesa at kumakain. Lahat sila nando'n maliban kay Kuya Charles.

"Mommy!" sigaw ni Skie.

"Good morning, baby," bati ko sa kaniya. Tumabi ako sa kaniya at agad akong kumuha ng makakain. "Kumusta ang tulog ng baby namin?" tanong ko.

"Okay lang. I miss Papa," malungkot niyang sabi. "Asan siya?" tanong niya.

Nagkatinginan kami ni Ate Serina. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko kay Skie. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan si Kuya. Walang sinong nakakaalam kahit na si Ate Serina.

"Skie, may work lang si Papa. Babalik din siya. Kumain ka na ha?" Tumango si Skie at patuloy na kumain.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko ay dahil kay Kuya. Noong gabi ng party ko, nagbalot siya ng mga gamit at umalis siya ng hindi man lang sinasabi kung saan siya pupunta at kung kailan siya babalik.

Nakuwento na sa akin ni Ate Serina ang nangyari. Kilala ko si Kuya at mataas ang pride niya. Iniisip ko na sobrang natapakan ang pride at ego niya kaya siya umalis. Ayoko naman siyang sisihin dahil nasaktan din siya. Umaasa na lang ako na maging maayos na ang lahat.

"Mama, mauna na ako. May trabaho pa po ako," paalam ko. Humarap ako kay Skie at binuhat ko siya. "Skie, uuwi na rin si Papa kaya 'wag ka na malungkot, ha? Bye-bye na. Mommy will go to work."

Hinalikan niya ako bago ako tuluyang makaalis. Sigurado naman akong miss na ni Kuya ang asawa at anak niya kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa na malapit na rin siyang umuwi. Hindi ko nga lang alam kung anong mangyayari pagbalik niya sa bahay.

Habang nagmamaneho ako papunta sa trabaho, napahinto ako bigla sa park malapit sa amin dahil parang nakita ko ang likod ni Jeydon. Agad akong bumaba sa kotse ko. Hinanap ko siya pero wala siya. Siguro guni-guni ko lang iyon. Masyado ko na kasi siyang iniisip.

"Hija," may kung sino ang humawak sa kamay ko.

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko no'ng makita ko siya.

"Meron—"

Pinutol ko agad ang sasabihin niya. "Huwag mo nang ituloy 'yan. Huwag mo na akong hulaan, Lola. Hindi ko 'yan kailangan." Naglakad agad ako palayo dahil sa takot pero hinabol niya ako.

"May mawawala. Maghanda ka." Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. "Kailangan mong harapin ang mangyayari." Inalis ko ang kamay niya sa kamay ko. Hindi ko na siya nilingon at tumakbo ako palayo at papasok sa kotse ko.

Huminga muna ako nang malalim.

"Hindi 'yon totoo, Candice," bulong ko sa sarili ko. "Walang mawawala."

Nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho. Kinikilabutan ako. Halos lahat ng balahibo sa katawan ko ay nagsisitayuan.

Ayoko man siyang paniwalaan pero ang hirap lalo na at lahat ng hula niya dati sa akin ay nagkatotoo. Una tungkol sa Prince Charming ko, sumunod ang pagkawala ni Ginny, hanggang sa pagkamatay ni Juan Paulo. Pilit ko siyang inaalis sa isip ko. Siya at ang mga sinabi niya pero nahihirapan ako. Para bang ng e-echo ang mga sinabi niya.

Sino kaya ang mawawala?

"Candice!" Napalingon ako at nakita ko si Tyler. Lumapit siya sa akin at tinulungan niya ako sa dala kong gamit. "Bumalik na ba siya?" tanong niya.

"Hindi pa," sagot ko.

"Sana lang, maging maayos na sila ni Serina," sambit niya. Tiningnan ko siya at alam ko na nalulungkot din siya sa nangyari kay Kuya Charles at Ate Serina. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag naghiwalay sila."

"Sabi ko naman sa 'yo, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Kung may nagawa ka man, at least pinagsisisihan mo na 'yon."

"Kumusta kayo ni Jeydon? Nag-usap na ba kayo?" tanong niya.

"Hindi pa," tipid kong sagot.

Natawa si Tyler. "Sa isang gabi, dalawang relasyon ang nasira ko. Ang sama ko talaga."

"Huwag mong sabihin 'yan. Wala kang kinalaman sa away namin ni Jeydon."

"Alam naman nating dalawa na kung hindi niya tayo nakitang magkasama, hindi siya magagalit. Candice, I'm sorry."

Tiningnan ko siya at ngumiti ako. "Sa isang relasyon, mayro'n talagang mga hindi pagkakaintindihan. Normal lang iyon. Kapag nalagpasan n'yo iyon, masasabi mong tunay ang pagmamahal n'yo sa isa't isa." Hinawakan niya ang balikat ko. "Alam ko na mahal ako ni Jeydon kaya malalagpasan namin 'to."

"Kung kailangan mo ang tulong ko, nandito lang ako," aniya. Tumango ako at dumiretso na kami sa office.

Magaan na ang pakiramdam ko rito sa trabaho ko. Hindi na kasi katulad ng dati si Tyler, nagbago na siya. Mabait na siya sa akin ngayon at magkaibigan na kami. Kung tutuusin, halos sa lahat ata naging mabait na siya. Hindi na siya 'yong masungit na boss na palaging nakasimangot at nakikihalubilo na rin siya sa amin. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag mabait sa 'yo ang boss mo.

Alam ko naman kung bakit galit siya sa akin dati at hindi ko siya masisisi. Siguro dahil sa sakit na naramdaman niya kaya siya naging gano'n.

Kahit papaano nalilibang ko ang sarili ko dito sa trabaho.

"Uuwi ka na ba?" tanong sa akin ni Tyler.

"May dadaanan lang siguro ako. Bakit?"

"Pupunta kasi kami ni Tiffany sa Tagaytay baka gusto mong sumama." Natigilan ako nang marinig ko ang lugar na iyon. "May problema ba?"

"Wala naman. May naalala lang ako."

"Sino? Si Jeydon?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Candice, gusto mo bang samahan kita sa kaniya?"

"Huwag na. Hindi na kailangan. Mag-enjoy kayo ni Tiffany."

"Sabihin mo lang kapag kailangan mo kami. Mag-ingat ka. Bye."

Pinagmasdan ko siya habang papalayo siya sa akin. Hindi ko maiwasan na maging masaya para sa kanila ni Tiffany. Alam ko na pareho nilang binago ang isa't isa. Palagi ko nang nakikitang masaya si Tiffany at gano'n din si Tyler. Tinulungan nila ang isa't isa para makalimot sa sakit.

Nag-drive na ako at kung saan ako pupunta, hindi ko alam. Ayoko pang umuwi pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.

Pumunta na lang ako sa coffee shop kung saan nagtrabaho si Jeydon noon. Nakita ko si Sabrina at nagulat siya nang makita niya ako.

"Anong ginagawa mo dito, Candice?" tanong niya.

"Wala kasi akong mapuntahan kaya nandito ako," sagot ko. "Manager ka na dito?"

"Ibinigay na sa akin ni Papa ang shop na 'to." Kita ko sa mata niya ang pagkataranta. "Sandali lang ah?"

Tumayo ako at pinigilan ko siyang umalis. "May problema ba, Sabrina?" tanong ko.

"Ha? Ah . . . ano . . . "

"Sab!" sigaw ni Marky. "Sinabi mo na ba sa kaniya?"

"Anong sasabihin niya sa akin, Marky?" naguguluhang tanong ko.

"Marky, 'wag mong sabihin kay Candice. Masasaktan lang siya," sabi ni Sabrina.

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Sabihin n'yo sa akin. Ano ba 'yon?" tanong ko. "Tungkol ba 'yan kay Jeydon? Please naman oh, sabihin n'yo sa akin kung ano 'yon."

"Marky—"

Pinutol ko ang sasabihin ni Sabrina. "Utang na loob naman, sabihin n'yo sa akin kung anong nangyari!" sigaw ko.

"Candice, si Jeydon kasi naaksidente siya no'ng gabi ng party n'yo." Halos mapaupo ako sa sahig dahil sa panghihina. Sinalo naman agad ako ni Marky.

"Tubig!" sigaw ni Marky kaya inabutan siya ni Sabrina ng tubig at at saka niya ako pinainom nito.

Kinalma ko ang sarili ko. "Kumusta siya? Maayos ba siya?" tanong ko.

"Maayos na siya, pero hindi mo pa siya puwedeng puntahan. Huwag kang mag-alala. Okay na naman siya eh," sambit ni Marky.

"Bakit hindi puwede? At bakit hindi ako mag-aalala eh isang linggo na kaming hindi nag-uusap tapos naaksidente na pala siya. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kaniya. Marky, please, dalhin mo ako sa kaniya," pagpupumilit ko.

"Sige, pero ihanda mo ang sarili mo, Candice," sambit niya.

Inalalayan nila ako papunta sa kotse ko. Si Marky na ang nag-drive. Papunta kami sa isang lugar na pamilyar sa akin. Kinakabahan ako lalo na sa sinabi ni Marky na ihanda ko ang sarili ko. Saan ko ihahanda ang sarili ko?

Huminto kami sa bahay na binili ni Jeydon para sa aming dalawa. "Nandito ba siya?" tanong ko sa kanilang dalawa at tumango lang sila.

"Nasa garden siya," sambit ni Sabrina.

Tumakbo ako papunta roon at nakita ko nga doon si Jeydon na nakaupo at hawak-hawak si Princess. Hindi ko na napigilan na maiyak.

"Jeydon." Lumapit ako sa kaniya.

May blangkong ekspresyon ang mukha niya habang nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang siya sa akin. Kinakabahan ako nang sobra.

"Ako 'to, si Candice," sambit ko habang umiiyak ako. "Hindi mo ba ako maalala?"

"Sino ka?" tanong niya.

Parang may kung anong dumudurog sa puso ko. Nagka-amnesia siya? Ito ba ang sinasabi ni Marky na kailangan kong paghandaan?

"Jeydon, ako 'to, ang fiancée mo."

"Hindi kita maalala," sambit niya.

Lumuhod ako sa harap niya. Hinawakan ko ang kamay niya habang patuloy pa rin ang pag-iyak ko.

"Ganoon mo na lang ba ako kadaling kalimutan ha?" tanong ko. "Sa movie lang nangyayari na nagkaka-amnesia 'yong lalaki. Sa movie lang 'yon eh, bakit nakiki-uso ka ha, Jeydon?"

"Lumapit ka sa akin," utos niya.

"Ha?" nagtataka kong tanong.

"Just do it," seryoso niyang sabi. Lumapit ako sa kaniya at nagulat ako nang yakapin niya ako. Inilapit niya sa tenga ko ang bibig niya. "I miss you so much, my wife," bulong niya.

Lumayo ako at tiningnan ko siyang mabuti. Tama ba ang narinig ko?

"Anong sabi mo ha?" tanong ko.

"Sabi ko miss na kita, asawa ko." Biglang nagkasigla ang mukha niya at hindi na niya napigilan na matawa. "Akala mo talaga may amnesia na ako? Nakakatawa ka kanina." Hindi pa rin niya mapigilan ang pagtawa. "Masyado ka na kasing nanonood ng mga romantic movies eh."

Sa inis ko hinampas ko siya. "Nakakainis ka talagang pusa ka! Gusto mo bawasan ko 'yang siyam mong buhay? Sobrang nag-aalala na nga ako sa 'yo eh tapos lolokohin mo pa ako nang ganito! Nakakainis ka!" sigaw ko habang naiiyak pa rin ako. "I hate you!"

Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko. "I love you, too," sambit niya.

"Bakit hindi mo sinabing naaksidente ka, ha? Maayos ka na ba talaga? Ano bang nangyari? Kaya ba hindi ka nagparamdam sa akin ng isang linggo? Jeydon, ano?"

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Candice, sorry. Sorry kung hindi ako nagparamdam sa 'yo. Ayoko pa nga sanang makita mo ako kaya binilin ko sa kanilang lahat na ilihim sa 'yo ang nangyari sa akin at kung nasaan ako. Hindi ko alam kung kaya ko nang humarap sa 'yo na ganito at alam ko na may posibilidad na sisihin mo ang sarili mo sa nangyari sa akin, ayokong mangyari 'yon."

"Ano? Hindi ko maintindihan ang lahat."

"Kasi, Candice, nang dahil sa aksidente, napuruhan ang paa ko." Unti-unting tumulo ang mga luha sa mata ni Jeydon. "Candice, hindi na ako makalalakad pang muli."


Continue Reading

You'll Also Like

59.3K 3.6K 15
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.8M 66.8K 36
Gustong sumikat ni Hana Russo sa mundo ng pag momodelo at pag arte ngunit laging hadlang ang kanyang ama na gustong ipagpilitan sakanya ang pag hawak...
97.6M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.