Obey Him

By JFstories

26.8M 1M 351K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 35

402K 17K 7.6K
By JFstories

AYAW niyang bitawan ang kamay ko kahit nasa loob na kami ng sasakyan. Para namang tatalon ako sa daan pababa sa higpit ng hawak niya. Mabuti na lang hindi ako pasmado kaya hindi nagpapawis ang palad ko.


"Dahan-dahan sa pagda-drive. Makakarating rin tayo."


Panay ang tingin ko sa kanya habang seryoso siya sa pagmamaneho. Isang kamay niya lang ang nasa manibela habang nagda-drive siya. We are heading to Taytay Rizal. Nandun nakatira iyong ninong niyang judge.


Yes, we are going to get married tonight. Pagkasabi ko ng oo sa kanya sa resto, nagyaya na siya kaagad. Sandali niya lang na kinausap ang ninong niyang judge para ikasal kami. Hindi na ako pwedeng umatras kasi nandito na ito. At wala rin naman akong balak umatras. I'm already decided to marry this mas beside me. Ibig sabihin lang naman na kapag kasal na kami ay sa kanya na ako at sa akin na siya. Iyon lang ang laman ng isip ko mula pa kanina.


Siguro nga ay masyado pa akong bata, siguro padalos-dalos nga ako, at siguro din ay nadadala lang ako ng nararamdaman ko ngayon. Pero isa ang aking sigurado, hindi lang ngayon, kundi mas matagal pang panahon ko gustong makasama si Jackson. Wala na akong balak kumilala ng iba pa maliban sa kanya.


"Damn it," mahinang usal niya nang tumunog na naman ang phone sa ibabaw ng dashboard.


Kanina pa nagb-beep iyon pero hindi niya pinapansin. Ang kaso makulit e, panay beep pa rin. Nung magstart ng tumawag ang kung sino mang gusto siyang makausap ay saglit niyang binitawan ang manibela para i-off ang phone niya. Oo iyong manibela iyong binitawan niya at hindi iyong kamay ko.


Ang dami kasi talagang nagt-text at tumatawag sa kanya. Isu-suggest ko sa kanya na bumili ng isa pang phone, para bukod iyong contacts sa personal at iyong sa panunungkulan niya as mayor of QC.


"We're here, Fran." Sa Ridgemont Executive Village kami pumasok. Sa pangalawang kanto kung saan may malaking bahay na blue ang pintura kami huminto. Sinalubong agad kami ng mga kawaksi at pinatuloy sa loob.


Isang maputi at may edad na lalaking payat ang naghihintay sa amin sa main door. Naka-PJs na ito, mukhang patulog na nang istorbohin ni Jackson. Ngumiti agad ito nang makita kami. "JC!"


"He's Judge Ulyssis Madriaga, my godfather," pakilala ni Jackson. "Siya ang magkakasal sa atin. And 'Nong, this woman beside me is my fiancée."


"Good evening po." Nagmano ako dito.


"Very lovely. No wonder at ayaw nang ipagpabukas pa ng inaanak ko ang kasalang ito."


I wonder kung kilala ba ako ng ninong niya. Kung alam ba nito kung paano ako napadpad sa buhay ni Jackson.


"By the way, JC, alam ba ito ng daddy mo?"


"Malalaman pa lang."


Napangisi ang judge at niyaya na kami sa study room niya na nasa second floor ng malaking bahay.


"These are the legal papers na kailangan niyong pirmahan. After tonight, mag-asawa na kayo." Pinapwesto na kami ng ninong ni Jackson sa tapat ng mesa niya. "Bukas din ay registered na ito. Ako nang bahala sa lahat. Hindi aabutin ng tanghali."


Mayamaya ay dalawang tauhan nito ang pumasok. Ang mga ito raw ang magiging witness ng kasal. Nang magstart ang pagkakasal sa amin ni Jackson ay nakalutang ang pakiramdam ko. I was nervous and excited the whole time. This moment felt almost surreal.


Lalo na ng sabihin ni Judge Madriaga na tapos na ang kasal. "You may now kiss your lovely wife."


Nahihiyang tumingin ako kay Jackson, sa asawa ko. I was about to close my eyes to wait for his kiss when I noticed that he was just staring at me.


He's not making any move to claim my lips. Dapat ba ako ang hahalik sa kanya? Ako dapat ba muna?


Hindi na ako mapakali. Nagsisisi na ba siya agad at ngayon lang natauhan kung kailan kasal na siya sa akin? Hala hindi dapat ganun. Bakit ganito siya makatingin? Naghihintay si Judge Madriaga pero nakatitig lang talaga sa mukha ko si Jackson.


"All right, I won't look." Nangingiting umalis na sa harapan namin ang kanyang ninong. Pati ang mga tauhan nito ay inutusan na nitong lumabas.


"Jackson, bakit ganyan ka makatitig sa akin?" Hindi nakatiis na tanong ko. Kinakabahan na kasi ako.


Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. Dahil doon nawala na lahat ng mga pag-ooverthink ko kanina.


Yumuko siya para abutin ako. "I'm gonna kiss you now, wife."


Then, he passionately kissed me, tickling my tongue with his. Hindi lang ito simpleng halik. Isa itong nakakabaliw na halik. Hindi ko alam kung gaano katagal, basta hindi na ako makahinga pero gusto ko pa.


Katok sa pinto ang nagpatigil sa amin. Sumungaw ang ninong niya. "Matagal pa ba?"


Nang tingnan ko si Jackson ay pulang-pula ang mukha niya hanggang leeg. Cute talaga niya pag ganito.


Hindi ko mapigil ang ngiti ko nang hatakin ko na si Jackson sa braso. "Tara na... Baka matutulog na iyong ninong mo."


Tumango siya at lumabas na rin kami ng study room. Hila-hila niya ako sa kamay pabalik sa sasakyan. Umuwi kami ng mansiyon na mag-asawa na.


Hindi ko ma-explain iyong nararamdaman ko habang nagpapalitan kami ng tingin. Pasimpleng mga tingin pero may laman. Pagpasok namin sa mansiyon ay hinawakan niya ulit ang kamay ko. Mabuti na lang at mukhang tulog na ang mga kawaksi kaya malaya kaming nakaakyat sa itaas. Sa hallway ay saka niya ako binitawan.


"Sasabihin ba natin na kasal na tayo?" tanong ko sa mahinang boses.


"Yes."


"Pero wag muna agad..." Siguro after next election na lang. Mas worried pa ako sa political career niya kaysa sa kanya na parang walang pakialam.


Pinisil niya ang baba ko. "We're already married. Stop worrying too much."


Napayuko ako. Ayaw kong sirain ang gabi pero hindi ko talaga maiwasang matakot. Ginagap niya ang kamay ko at dinala sa mga labi niya.


"See you tomorrow, Wife."


Napanganga ako. Ngayon lang bumaon sa utak ko iyong bagong tawag niya sa akin. Hindi na "doll", "Fran" o "Big Girl" kundi "Wife" na. Iba iyong dating nun, mas malalim, mas masarap.


Talaga bang asawa ko na itong poging ito? Dati, sinusungit-sungitan lang ako nito e.


"Goodnight," mahinang sabi ko. Nginitian ko siya. Nginitian ko ang asawa ko.


Tumango siya at tumalikod na.


Hindi ako makapaniwalang kasal na kaming ng lalaking naglalakad palayo. Kumakalabog ang puso ko sa isipin palang na may feelings siya para sa akin, kaya ngayong kasal na kami ay parang ikamamatay ko na ang pagwawala ng puso ko sa loob ng aking dibdib.


...


Nasa cafeteria ako nang mag VC si Jackson kinabukasan. Napalingon muna ako sa paligid bago ko iyon sagutin. Vacant ko at ako lang mag-isa ngayon, good thing at pinakadulong upuan ang pinili kong pwesto. Sinuklay ko muna ng mga daliri ang buhok ko bago pindutin ang camera. "Hi!"


Agad na bumungad sa akin kung gaano siya kaguwapo at kung gaano siya nakakamiss. Kainis kasi ang aga niyang umalis kaninang umaga dahil may emergency sa munisipyo.


"Hello, wife."


Pati iyong boses niya sobrang namiss ko.


Nakasandal siya sa kanyang swivel chair at mukhang ipinatong niya lang sa mesa ang phone niya kaya pataas ang anggulo ng kuha nito sa kanya.


Messy ang buhok ni Jackson, medyo pawisan din ang gilid ng noo at ng matangos niyang ilong. Ang buong nakikita ko sa screen ay ang upper part ng leather belt niya na kita sa dahil mga dalawang butonoes yata sa ibaba ng suot niyang polo na color white ang bukas. Bukas din ang dalawang butones sa bandang itaas kaya kitang-kita ko rin ang collarbone niya at bukana ng matigas na dibdib. Parang init na init siya e naka-aircon naman ang buo niyang opisina.


"Vacant ko ngayon kaya nagmemerienda ako. Ikaw?"


"Merienda rin."


"Nasaan ang merienda mo?" Hindi naman siya mukhang nakain kasi nakaupo lang siya habang nakasandal sa sandalan ng swivel chair niya.


"Ikaw."


"Ha?"


Gumuhit ang isang pilyong ngisi sa mapula niyang mga labi. "Ikaw ang merienda ko ngayon."


Ramdam ko ang pagapang ng pamumula sa buo kong pisngi. Mabuti na lang talaga ang naka-headset ako kaya malabong may makarinig sa sinabi niya maliban sa akin.


Pasimple ko siyang inirapan.


"Go. Kumain ka na. I'll watch you."


"Makakain ba ako ng merong nanonood sa akin?"


"Kunwari nasa commercial ka."


Ganun? Ano bang tumatakbo sa isip nitong lalaking ito? Ang pilyo niya ngayon e.


"Come on. Eat your food."


Bahala nga siya. Gutom na ako dahil hindi ako nakapaglunch kanina kaya kakain ako kahit nanonood pa siya. Dinampot ko ang sandwich ko at nagsimulang kumagat doon. Tahimik lang siya sa screen.


"Okay na ba iyong emergency diyan?" tanong ko para patayin ang tensyon sa hangin. Kainis kasi nakakailang pala talagang kumain kapag may nanonood sa 'yo.


"Yeah. Kulang pala ng truck ng bumbero dito kaya nagpabili na ako kanina ng lima."


"Galing sa sarili mong bulsa?"


"Sa bulsa ni Dad."


Napahagikhik ako. "Uy galing niya na magjoke o."


"That's not a joke." Ngumiti siya nang tipid. "Plano kong magpatayo ng bagong mga building para sa mga public school. Masyado nang crowded sa bawat rooms."


"Mayor, dahan-dahan. Kaya ba ng budget iyan?" Sinimulan ko ng ilabas sa paper bag ang sandwich na binili ko.


"Budget is not a problem."


"Mag-aabono ka na naman?" Kumagat ulit ako sa sandwich.


"Why not?" He raised his one brow. "I can also ask for money donations from my brotherhood."


Nachismis na sa akin ni Ate Minda na mayayaman ang mga kaibigan ni Jackson. Nakita ko na rin ang iba sa kanila one time na dumalaw sila sa mansiyon. Sikat din ang samahan nila na ang tawag ay Red Note Society. Discreet sila pero may mga lumalabas pa ring article tungkol sa kanila minsan. Wala naman kasing nakakalusot sa mga makukulit at desididong media.


Nang maubos ko ang sandwich ay sumipsip na ako sa straw ng binili kong milktea. Puno pa ang bibig ko e kandasipsip na ako sa straw. Nakalimutan ko na iyong pagkailang ko dahil pinapanood ako ni Jackson na kumain.


Gutom pala talaga ako kasi nga hindi ako nakapaglunch. Ni hindi ko na nga pinansin ang sarili ko na may tunog na pala iyong paghigop ko sa straw dahil may bumarang sago.


"I should go."


Napatingin ako sa kanya. "Whrrat?"


"I said I should go." Hindi na siya sa akin nakatingin. Ewan ko kung saan.


"De okeyyr larng..." Nilunok ko muna iyong nasa bibig ko sabay sipsip ulit. Marahang sipsip lang para hindi naman mukhang sabik na sabik.


Saan ba siya nakatingin? Iwas na iwas na kasi ang paningin niya sa cam.


"Concentrate on your food." Pagkasabi'y bigla na lang niyang hininto ang video call namin.


...


Gabi nang may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Kakatapos ko lang kumain nang umakyat ako dahil ang tagal niyang umuwi. Pagkatapos kong magshower ay nakarinig na ako ng busina ng sasakyan mula sa gate. Dumating na siya.


Kumain na kaya siya?


"Wait lang." Expected ko na siya itong kumakatok kaya mabilis ang pagtayo ko kahit pa kabado ako. And I am right. Si Jackson nga ang nasa labas. Suot niya pa rin ang polo niya na color white pero halos bukas na lahat ng butones niyon.


"Hi." Mapungay ang mga mata niya ng pagbuksan ko.


Bumaba ang paningin niya sa suot kong partner na pajama. Nginitian ko siya. "Hello. Kumusta?"


"I'll sleep here tonight." Pagkasabi'y pumasok na siya.


Habol ko siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na siya. Kailan kaya ako masasanay?


"Dito ka matutulog, you mean?" Isinara ko agad ang pinto dahil baka may makakita pa sa kanya.


Tuloy-tuloy siya sa kama ko at pabagksak na nahiga. "Yup."


"Gusto mo bang magshower muna? Ikukuha kita sa kuwarto mo ng damit na pamalit."


"No need." Tumayo siya at basta dinampot ang kulay pink kong tuwalya na nakasampay sa dresser. Iyon ang ginamit ko kanina nung magshower ako. Basa-basa pa nga iyon dahil kakagamit ko lang.


Hindi ko na nahabol si Jackson ng isampay niya iyon sa balikat niya sabay pasok niya sa banyo ko. Lagaslas na lang ng tubig mula sa shower ang narinig ko ng mga sumunod na sandali.


Wala akong click ng lock na narinig kaya hindi siya naglock ng pinto. Hindi ba siya natatakot na baka bigla ko siyang pasukin at kuhanan ng picture? Hindi siya nag-iingat. Sabagay bat ko naman iyon gagawin?


Nakatitig lang ako sa pinto ng banyo at hinihintay ang paglabas niya. Nag-iisip pa rin ako kung anong gagamitin niyang damit after niya maligo since ayaw naman niyang ikuha ko siya ng bihisan sa kuwarto niya. Wala rin akong maipapahiram na damit ko dahil kahit yata iyong mahahaba kong pajama ay hindi uubra sa haba ng kanyang mga biyas.


Ah, baka iyon pa ring suot niya ang kanyang susuutin. Baka nga.


I sat on the edge of my bed while waiting for him. Patingin-tingin ako sa oras, inoorasan ko kung gaano ba siya katagal sa loob. Saktong 8 minutes ay bumukas ang pinto. Suot niya lang sa pang-ibaba niya ang pink towel ko!


"G-gusto mo ba ng bathrobe?"


"No, thanks." Tumutulo pa ang basa niyang buhok ng pumunta siya sa dresser ko at naghagilap ng suklay. Nang makita niya ang Hello Kitty comb ko ay basta na lang siyang nagsuklay.


Naaamoy ko sa kanya ang soap and shampoo ko, pero lalaking-lalaki pa rin ang dating niya sa akin.


Nakatowel pa rin siya na nagpalakad-lakad sa kuwarto ko. Hindi niya alintana na wala siyang suot at baka malaglag na lang bigla iyong towel na nasa bewang niya. Sa bawat galaw niya ang nakasunod naman ako.


"Hinaan ko ba iyong AC?" Baka lang kasi lamigin siya...


Tumingin siya sa akin. "No need. Sanay akong matulog nang nakahubad."


He removed the pink towel from the lower part of his body. Akala ko hihimatayin na ako pero may boxers siya na kulay gray sa ilalim.


"K-kumain ka na ba?" Ang lapit niya...


Tumango siya at basta ihinagis pasampay ang tuwalya ko papunta sa upuan. Nahiga siya sa gilid ng kama ko, sa left side.


Pinagpag niya iyong katabi niya habang sa akin ang mga mata. "Dito ka."


"Sige..." Natataranta akong sumampa sa kama at nahiga sa tabi niya. Nakakatulog naman na akong katabi siya, iba lang talaga ngayon na asawa ko na siya. Parang may naghahabulang mga daga sa loob ng dibdib ko tapos iyong tiyan ko, puno ng paru-paro.


Bakit kaya ang init niya kahit malamig ang aircon at medyo basa pa siya?


"This is our first day as husband and wife," sabi niya habang nilalaro ang kamay ko.


"Oo nga..." Sumandal ako sa balikat niya.


Kailan kaya pwedeng sabihin at ipaalam sa lahat na asawa ko na siya? Gusto ko ring makita ang magiging reaction ni Valentina, kahit wag na iyong reaction ni Vice kasi natatakot ako.


"How old are again you, wife?" bulong niya sa punong tainga ko.


"Going twenty..."


Naramdaman ko ang isang palad niya sa aking likod. Ang init-init ng palad niya at tumatagos iyon sa cotton kong suot na pantulog. Nang tingalain ko siya ay nakapikit ang kanyang mga mata.


"Matutulog ka na ba?"


Umiling siya at ngumiti. Kainis bakit kailangan niya pang ngumiti? Ang guwapo niya pa namang ngumiti habang nakapikit.


"When is your last menstruation?" biglang tanong niya na hindi ko inaasahan.


"Last month..."


Nang dumilat siya ay malunod-lunod ako sa kanyang mga mata. "Your next?"


Napalunok ako. "Baka this week..."


"That's good to know."


"Bakit?"


"I just wanna make sure that you're safe tonight."


"Ha?"


"I don't want to ruin your studies."


Napatingin ako sa isang kamay ko na hawak-hawak niya. Ipinatong niya iyon sa ibabaw ng matigas niyang sikmura. Kusang gumalaw ang palad ko dahil napapaso ako.


"Tomorrow is Saturday, Wife." Hinalik-halikan niya ang gilid ng mukha ko. "Okay lang naman sigurong mapuyat ka."


"Anong gagawin natin?"


"We're going to make love..."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

124K 8.2K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
8M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
65.4K 1.8K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend