It's never too late to start...

By Amihan2526

27.6K 324 51

WARNING: Mature content | SPG | R-18 This story is about love, pain, forgiveness, and redemption. Ikakasal n... More

Disclaimer and Author's note
Synopsis
Prologue
Chapter 1 - The beginning
Chapter 2 - Text
Chapter 3 - Planning
Chapter 4 - Blind date
Chapter 5 - Holdback
Chapter 6 (SPG) - Expect the unexpected
Chapter 7 - LDR
Chapter 8 - Surprise
Chapter 9 - Visa Approved
Chapter 11 - Last word
Chapter 12 - New beginning
Chapter 13 - Cake
Chapter 14 - Story unfold
Chapter 15 - (SPG) Last seen
Chapter 16 - Pilit pinagtatagpo
Chapter 17 - Come back
Chapter 18 - Moment of truth

Chapter 10 - Drastic change

651 12 5
By Amihan2526

Goodbye Philippines, hello America!

Napakabilis lumipas ng mga araw. Dumating na nga ang takdang panahon ng paglisan ni Mia sa bayan niyang sinilangan.

Sabado pa ang flight niya. Pero myerkules pa lang ay tila ba ramdam na ramdam na niya ang kalungkutan habang ini-impake ang ibang gamit niya sa maleta.

Habang sinasalansa niya ang mga damit sa maleta ay bigla siyang nilapitan ng anak na si Matthew. Sabay bigla siya nitong niyakap ng napaka-higpit.

"Mommy, sobrang mami-miss po kita!" wika ng bata na parang rugby na nakayakap sa ina.

"Anak, ako din sobrang mami-miss kita. Mas masaya sana kung kasama kitang aalis," malungkot na tugon niya habang yakap ang anak.

Maya-maya pa ay kumalas na si Yu sa pagkakayakap sa ina. "Mommy, sorry po kung hindi kita masasamahan. Pero promise po, pag tapos na po ako ng high school susunod po ako sayo," malambing na paumanhin at pangako ng bata.

"Promise yan anak ha?" Nginitian niya ang malambing na anak at hinalikan sa pisngi.

"Yes po Mommy, promise po! Basta pag nalulungkot ka tawagan mo lang po ako. At pag pinaiyak ka ni Daddy John sabihin mo po agad sa akin ha. Para pauuwiin po agad kita," lambing pa ni Yu sa ina.

"Ang sweet naman ng baby ko. Payakap nga ulit si Mommy!" nakangiting sabi niya. Sabay yakap at kiss muli sa pisngi ng napaka-lambing niyang anak.

"Basta Mommy promise ko po na lagi kitang tatawagan at mas gagalingan ko pa po sa school para maging proud ka po lalo sa akin."

"Dapat lang anak, at wag mong bibigyan ng problema si Lola at mga Tito at Tita mo ha."

"Yes Mommy, promise po!"

"Thank you anak, ang swerte-swerte talaga ni Mommy sayo!"

"Bakit po, dahil po ba cute ako o matalino?" biro ng bata.

"Hmmp, syempre both! Kanino ka pa ba naman mamana. Syempre, kay Mommy di ba?" ganting biro niya kaya nagkatawanan silang mag-ina.

Pero totoo naman talaga na mana sa kanya si Yu. Matalino, mabait na bata at magandang lalaki ito. Pero sa totoo lang. Noon ay kahawig nga niya ito.

Pero habang lumalaki ay napupuna niya na tila nagiging kamukha na nito ang biological father nito. Na hindi niya alam kung nasaang lupalop na ba ng daigdig.

Wala naman siyang balak na hanapin ito. Dahil hindi naman naghahanap ng ama ang anak niya. Minsan lang ito nagtanong sa kanya. Pero simula nang na-explain na niya sa bata kung bakit wala itong ama, ay hindi na ulit siya nito kinulit pa.

Hindi kasi nagkukulang sina Mia sa bata. Ang pagmamahal at pag-aalaga na dapat na ibinibigay ng isang ama ay nakukuha naman ni Yu sa buo nilang pamilya. Ang kuya ni Mia ang naging ama-amahan ni Yu habang lumalaki ito. Dumagdag pa si John, kaya lalo ng umapaw ang pagmamahal ng isang ama sa bata.

"Thanks Mom! Pero Mommy may surprise po ako sayo," masaya at biglaang pag-iiba ng bata sa usapan nila.

"Ano yun anak?" curious at excited na tanong niya.

"Pikit ka po muna. Wag kang mumulat hangga't hindi ko po sinasabi ha!" malakas na hiyaw ng bata habang papalabas ng kwarto ni Mia upang kunin ang surpresa sa ina.

Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Yu habang nakapikit pa rin si Mia. "Mommy, open your eyes na po, please!" excited ang boses na wika ni Yu na halatang kinikilig sa surpresa sa ina.

Pagbukas ng mga mata ay laking gulat ni Mia. Hindi agad siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan na makikita si John.

Nalanghap niya ang amoy ng binata kanina habang nakapikit siya. Pero pinagkibit-balikat lang niya iyon. Dahil sa pag-aakala na baka imahinasyon lang niya na naamoy ang pabango ng nobyo.

"Love!" tili ni Mia sabay yakap ng mahigpit sa nobyo. "Oh my God, ginulat mo ako. Bakit hindi mo sinabi na darating ka?" nakangiti at masayang tanong niya na hindi pa rin makapaniwala na kaharap na muli si John.

"It's a surprise, love!" nakangiting sagot ni John habang nakayakap kay Mia.

"Ikaw talaga. Alam ba nila na darating ka?" masayang tanong niya na halatang-halata ang kinang sa mga mata dahil sa kasiyahang nadarama.

"A-actually, yes!" nauutal-utal na sagot nito na halatang guilty.

"Ikaw talaga napaka-hilig mong manggulat. Kinasabwat mo pa talaga itong bulilit na ito ha!" Sabay kurot niya sa tagiliran ni John at gusot sa buhok ni Yu na kanina pa silang pinapanood.

"I'm so happy to see you again my love!" malambing na sabi naman ni John.

"Me too. Pero seryoso love, masaya ako na sinundo mo ako. Akala ko talaga mag-iisa lang ako sa byahe. First time ko pa naman mag-byahe sa ibang country. Biruin mo tatawirin ko ang Pacific ocean para lang sayo. Ang swerte mo talaga!" nakangiting wika at biro niya dito.

"Pwede ko ba naman pabayaan ang mahal ko. Never in my thought! At salamat sa pagmamahal mo. Kaya wag kang mag-alala, magkasama na tayong tatawid sa Pacific ocean," biro din at malambing na sagot ni John. Sabay haplos sa magkabilang pisngi ni Mia at saka hinalikan ang noo ng nobya.

"Salamat love, kahit mahal ang ticket sinundo mo pa rin ako."

"Mas mahal kita!" nakangiting sagot ng binata habang titig na titig at patuloy pa ring hinahaplos ang pisngi ni Mia. Saka idinampi ang labi sa malambot at mapulang labi ni Mia.

"Hay naku, tama na yan at baka langgamin itong kwarto. Halina kayo at kakain na tayo ng hapunan!" biglaang sabad ng mama ni Mia na nasa may pintuan ng kwarto. Kanina pa pala nitong pinapanood ang magkasintahan.

Pagka-alis ng ina at ni Yu sa kwarto ni Mia ay agad muling sinunggaban ni John ng halik sa labi ang nobya. Sobrang miss na miss talaga nito ang nobya.

Ayaw na sana nilang tigilan ang mainit na palitan ng halik. Pero muling tumawag ng malakas ang ina ni Mia sa may kusina. Habang sinasabi na bumaba na sila dahil lalamig na raw ang pagkain na nakahain sa mesa.
Magkapulupot pa rin namang bumaba ng hagdan ang dalawa.

Masaya silang sabay-sabay na kumain ng hapunan. Pati na rin ang mga kapatid ni Mia ay nakasabay din nilang maghapunan. Nasaktuhan na dumating ang mga ito galing sa mga trabaho habang naghahayin si Aling Meding.

Hindi na sinamahan ni Mia sa hotel ang nobyo. Dahil mas gusto niyang sulitin ang mga nalalabing araw at oras niya kasama ang buong pamilya niya.

Payag naman si John dahil mula sa sabado naman ay makakasama na siya nito araw-araw. Alam nito kung gaano kahalaga kay Mia ang pamilya. Kaya ito na lamang ang pumupunta sa bahay ng nobya hanggang gabi.

Nang araw na ng flight ng mag-nobyo. Hinatid sila sa airport ng buong pamilya ni Mia kasama ang dalawang kaibigan na si Ella at Deli. Gustong pigilan ni Mia ang mga luha niya. Subalit kusa naman iyong tumatagas ng hindi niya namamalayan.

Lalo pa ngang nag-uunahan ang mga luha niya kapag niyayakap siya ng mahigpit ng anak na si Matthew. At pag paulit-ulit nitong sinasabi na mami-miss siya nito ng sobra-sobra at mahal na mahal siya nito.

Kaya tila gusto na niyang umurong sa paglisan habang nauubos ang nalalabi nilang oras sa Pilipinas.

"Daddy John, please take care of my mom," wika at bilin ng bata kay John nang nagpapaalam na sila para pumasok sa departure area.

"I promise son. I'll take care of her!" sagot ni John na nakataas pa ang kanang kamay bilang tanda ng pangako sa bata. "Basta son, promise me that you will follow us to the US, okay. Or, you can just visit us there, if you're not yet ready to live in the US with us," dugtong pa ni John sabay yakap sa bata ng mahigpit.

More than 23 hours ang byahe ni John at Mia mula Manila to USA. Masaya ang naging byahe nila na magkasama. Na-enjoy ni Mia ang byahe kahit na nakaka-inip. Panandalian niyang nakalimutan ang lungkot ng paglisan niya sa pamilya sa Pilipinas during the flight.

Nagvivideo call siya sa anak at sa ina sa Pilipinas tuwing naka-stop over sila. Upang ipaalam sa mga ito kung nasaan na silang bansa.

Gusto kasi ng mama niya na i-update niya palagi ang mga ito, para mabawasan daw ang pag-aalala nito sa bunso nito. Katwiran ng ina ay hindi ito makakampante sa safety ni Mia at John hangga't hindi nakakarating sa bahay ni John ng ligtas.

Sabado ng gabi sa US nang nakarating sina Mia at John sa final destination nila. Sobrang pagod na pagod si Mia sa haba ng byahe nila. Hindi siya sanay sa ganoong kahabang byahe.

Paglabas ng airport ay ramdam na ramdam agad ni Mia ang lamig ng panahon na bumabalot sa karimlan na halos tumagos sa buto at buo niyang kalamnan. Napasinghap tuloy siya dahil sa sobrang kalamigan.

May suot na siyang jacket sa lagay na yun. Pero tila wala iyong epekto sa sobrang lamig sa labas. Nagsisi tuloy siya kung bakit sa labas pa niya hinintay si John. Kinukuha kasi nito ang kotse nito na iniwan sa parking lot ng airport. Parang nanginginig ang bagang at baba niya sa sobrang kalamigan habang naghihintay sa nobyo.

Pinag-cross niya ang kanyang mga braso sa ilalim ng kanyang dibdib upang maibsan ng bahagya ang panginginig ng kalamnan niya. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng freezer at parang mauutas ata siya sa sobrang kalamigan.

Pero mabuti na lamang at after 5 minutes ay dumating na agad si John. Agad nitong pinagbuksan ng pinto ng kotse si Mia. Mas lalo pa siyang natuwa sa nobyo dahil may winter coat pala ito na naka-ready sa kotse nito para sa kanya. Agad nitong isinuot kay Mia ang coat upang hindi siya lamigin. Saka siya pinapasok nito sa loob ng kotse. Ayaw nito na malamigan siya. Lalo at hindi naman siya sanay sa malamig na klima.

Napaka-sweet talaga ng mapapangasawa ko na ito at boyscout pa! Sabi ni Mia sa isip habang pinagmamasdan si John sa labas ng kotse na abala sa pagsalansa ng luggage nila sa trunk ng kotse nito.

Hindi na kasi pinabili ni John ng mga winter clothes si Mia sa Pilipinas. Ang sabi nito ay sa US na lang siya nito ibibili ng mga pang-winter.

Hindi naman niya akalain na advance pala mag-isip si John. Naghanda na agad ito ng coat para sa kanya. Pero marahil ay hinulaan lang nito ang size niya noong binili ang coat na yun. Kaya na-touch siya sa ginawa ng nobyo.

Mga 45 minutes pa ang byahe mula sa airport bago nila narating ang bahay ni John. Pagpasok nila sa loob ng bahay ay nagulat si Mia sa mga kalat doon.

Daig pa nito ang dinaanan ng bagyo. Pero expected na niya yun. Dahil ayon sa research niya ay makalat talaga sa bahay ang mga Amerikano. Lalo pa at lalaki si John, tapos busy pa sa trabaho.

"Is this a pigsty!" tumatawang biro niya sa nobyo pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng bahay nito. Bahagya pa niyang iniikot ang paningin sa buong kabahayan ni John.

Malaki ito at may ikalawang palapag, pero makalat. Yung tipong isang maling galaw mo lang ay may masasagi ka na at may maaapakan na kung anong bagay sa sahig.

Tinawanan lamang naman siya ni John sa tanong niya at niyakap siya nito ng mahigpit. "Welcome home, love. I'm so happy that you are finally here with me," lambing ni John sabay halik sa noo ni Mia.

Hindi naman sumagot si Mia. Bagkus ay hinalikan na lang niya sa labi si John at niyakap din ng mahigpit ang nobyo.

"Thank you. Don't worry love, I'll make your house the cleanest house in America. As in, from messiest to cleanest!" natatawang biro muli niya habang mahigpit na yakap si John.

"Thank you, love, sorry for the mess. Because I have no time to clean up. I promise, I'll clean it tomorrow," malambing na sagot nito.

"It's okay. No worries, I'm just teasing you! Nandito na ako, kaya sisiguraduhin ko na lilinis na at sasaya itong bahay mo," malambing na sagot niya.

"Salamat. Pero love, mas lalong maganda at mas lalong sasaya kung may little Mia or little John agad tayo na hahabulin palagi dito sa loob ng bahay natin," pilyong biro nito.

"Ikaw talaga, yan agad ang nasa isip mo. Maglinis kaya muna tayo ano? Para hindi maaksidente ang mga chikiting natin dito sa mga kalat mo. Parang sampong taon mo na atang hindi nalilinis itong bahay mo, love," ganting biro din niya na hindi inaalis ang titig sa nobyo.

Maya-maya pa ay nagpaalam na si Mia kay John na magsa-shower muna siya at mag-aayos ng sarili para makapagpahinga na.

Pagpasok ni John sa kwarto ay bitbit nito ang mga comforter na ipapalit sana sa kobre kama nila. Pero napangiti ito sa nobya dahil namataan na lang na mahimbing na palang natutulog si Mia na tila ba walang pakialam sa kalat sa paligid ng kwarto.

Pagkalapag nito ng mga bitbit sa sahig ay tinabihan na lang nito si Mia. Sandali nitong pinagmasdan ang mukha ni Mia na parang anghel lang na natutulog.

Marahan nitong hinaplos-haplos ang buhok at pisngi ng nobya na tulog na tulog. Habang sinasabi nito sa isip na aalagaan nito at paliligayahin si Mia. At gagawin nito ang lahat para sa nobya at sa magiging anak nila. Niyakap nito si Mia. Hanggang sa nakatulog na rin ito sa tabi ng nobya.

"Good morning, sunshine!" malambing na tinig na naulinigan agad ni Mia habang pilit na iminumulat ang mga mata kinaumagahan.

Nang tuluyan na niyang naibukas ang mga mata niya. Agad bumungad ang napaka-gwapong mukha ng kanyang kasintahan na may napakatamis na ngiti sa kanya.

"Good morning, handsome!" wala sa wisyong tugon ni Mia habang nag-iinat. Antok na antok pa siya at tila hindi pa nare-realize na katabi niya si John matulog kagabi.

"How's your sleep my love?" nakangiti at malambing na tanong ng binata sa mumukat-mukat pa rin na nobya.

"Huh?" nagtatakang tugon niya na biglang napabalikwas ng mahimasmasan at tuluyang nagising ang diwa. Nakangiti lang naman sa kanya si John.

"Love, I'm sorry tanghali na pala!" nahihiyang paumanhin pa ni Mia at dali-daling inayos ng kamay ang magulong buhok na nakalugay.

"Love relax, it's okay. You're still beautiful. I love you, gorgeous!" wika nito sabay halik sa labi ni Mia na bagong gising.

"Wait love, I have to brush my teeth first!" wika ni Mia sabay pigil sa kasintahan na akmang hahalikan muli siya sa labi.

"Love, you are fine, nothing to worry," natatawang sabi naman ni John sabay halik ng tuluyan sa labi niya. "I made breakfast for you. But before that, I want to kiss you non-stop!" pilyong biro nito habang patuloy na tinutukso ng halik si Mia sa labi.

"You're so silly, stop it! Come on, let's just eat breakfast. I'm starving," sagot ni Mia na patuloy pa ring sinisiil ng halik ni John sa labi at leeg.

Pagkatapos mag-breakfast ng dalawa. Biglang lumuhod si John sa harapan ni Mia nang akmang tatayo na sana siya ng upuan upang ligpitin at hugasan ang kanilang pinagkainan. Kaya nabigla at nagtaka siya sa ginawa nito.

"Will you marry me, Mia Sandoval?" tanong ni John habang nakaluhod at hawak ang isang singsing.

Ikalawa na itong tanong ni John sa kanya. At kahit sigurado na itong pakakasalan ng nobya ay gusto pa rin nitong ulitin ang proposal nito na mas special.

Dahil noong una ay wala itong singsing na dala. Inihabol lang nito ang singsing noong pasko.

Kaya naman ngayon ay gusto nito ay special ang pagpo-propose nito sa kanya. At gusto muli nitong marinig sa nobya ang salitang yes I do!

"Yes, I do, love!" kinikilig at walang kagatol-gatol na sagot ni Mia na medyo naluluha pa. Sabay yakap at halik niya sa labi ng nobyo.

"Thank you my love, I am the happiest man on earth dahil kasama na kita ngayon at mapapakasalan na kita sa wakas."

Nang araw ding iyon ay inilibot ni John si Mia sa buong city kung saan sila nakatira. Ipinakilala rin siya nito sa mga kaibigan at mga katrabaho nito.

You can read my other novels guys, thank you.

Happy reading!

Continue Reading

You'll Also Like

512K 14K 32
Thiago Godz Lambert. Gwapo, matalino, malakas ang appeal, habulin nang babae, mapag laro sa feelings nang mga babae, pinag kakaguluhan nang mga babae...
99.1K 1K 38
Gwen was okey with her life until Clifton came into the picture. He changed her into something worst...
343K 8.6K 23
Haciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song
170K 2.3K 41
Married. Hiroki hates it. Wife. Hiroki hates it more. Children. Never in his wildest dream. Hiroki has his own life. No one can dictate him. No...