His Queen

By JFstories

3.8M 134K 16.7K

The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa... More

SIMULA
HELIOS
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVII Part II
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Epilogo
HIS QUEEN
Now a free story!

Kabanata IX

88.9K 3.4K 440
By JFstories


"enthralled"

"ANONG PLANO MO SA 'TING DALAWA?"

  Napangiwi ako. Bakit ko nga ba siya tinatanong? Obvious naman na wala siyang isasagot sa akin maliban sa mga pamatay niyang tingin.

  "O siya, sige. Saka mo na lang pag-isipan iyong mga sinabi ko kapag bumalik ka na sa dati mong pag-iisip."

  Sana lang pag bumalik ka na sa dati, maalala mo pa rin ako. Piliin mo ako. Panindigan mo ako. Ipaglaban mo ako. Mahirap na, yayamanin ka, baka matapobre ang pamilya mo. Sa isip-isip ko.

  Pinalitan ko si Z ng T-shirt at niyaya na siyang lumabas para magpahangin sa hardin ng institusyon.

  "So dito na lang muna tayo magdidate. Syempre pag magaling ka na, saka mo na ako idi-date sa ibang lugar." Kinuha ko ang kamay niya. "But for now, this will do."

  Napangiti ako nang maramdaman ang paganti niya ng hawak sa akin. Mainit-init ang palad niya, at kasyang-kasya lang dito ang kamay ko. Fit na fit.

  "Since mayaman ka naman, ipasyal mo naman ako sa magagandang lugar 'pag okay ka na. Hindi mo naitatanong, Z, hindi pa ako nakakalabas ng Pilipinas. Hanggang Rizal pa nga lang yata talaga ako. Hindi pa ako nakakasakay ng airplane." Napahagikhik ako.

  Taga Italy si Z, based sa records niya. Kung sakaling kami pa rin hanggang sa gumaling siya, malamang na isama niya ako sa Italy. Ipapakilala niya ako sa parents niya at sa mga iba pa niyang kakilala. Nakakaba na nakaka-excite.

  What a concept of a love story. Nurse na nagkaroon ng relasyon sa kanyang foreign patient na wala sa tamang pag-iisip, at gagaling ito sa ngalan ng pag-ibig. And they will live happily ever after.

  Nang tingalain ko siya ay sa akin siya nakatingin.  "Alam kong simple lang ako, pero hindi kita iiwan sa ere gaya ng ginawa sa 'yo ng ex mo."

  Okay na sa akin ang pasyal-pasyal, o kung gusto mo akong ibili ng bagong damit, sapatos at bag, pwede rin naman. Since afford mo naman."

  Huminto ako at hinarap siya. Parang nakikinig talaga siya sa akin.

  "Pero joke lang iyon." Nginitian ko siya. "Wag kang mag-alala, hindi ko naman uubusin ang pera mo. Hindi ako magpapabili ng kung anu-ano."
 
  BUT I WOULD LOVE TO SPEND ALL MY FORTUNE ON YOU.

  "Ha?"

  Nalilitong napatitig ako sa kanya. Nakatikom ang mga labi niya, hindi naman mukhang bumukas iyon. Pero parang narinig ko siyang nagsalita?

  "May sinabi ka ba kanina, Z?"

  Ang inosente ng kanyang perpektong mukha habang pinagmamasdan ko siya. At iyong narinig kong boses kanina, ang lamig-lamig. Parang hindi galing sa tainga ko, parang diretso sa isip at puso ko. Parang guni-guni.

  Naipilig ko ang ulo ko. "Guni-guni lang."

  Hinila ko na ulit si Z para maglakad-lakad. Wala lang, paikot-ikot lang kami sa hardin kasama ang ibang mga baliw at mga nurses.

  "Pero seriously, Z, hindi mo kailangang gumastos para sa akin. Hindi naman kasi ako materialistic. Okay na sa akin ang fake na LV. Okay na rin sa akin kumain sa gotohan kaysa sa mamahaling restaurant."

  It's my first time to date. At natitiyak ko na okay na nga ako sa ganito. As long na gusto ko at masaya ako sa partner ko, I'm okay. Hindi naman pala importante ang luho sa ganito.

  May iilang pasyente kaming nakakasalubong pero kiber lang. Kahit nga mga co nurses ko ay di ko na gaanong nabigyan ng pansin dahil busy ako kay Z. Kahit nandito lang kami, feeling ko ay dinaig pa namin ang namamasyal sa buwan.

  Hindi ko na namalayan na magkasalikop na pala ang mga daliri namin habang naglalakad-lakad kami sa hardin. Nang mapagod ay niyaya ko naman siyang magpahinga sa sirang fountain na nasa gilid ng hardin. Naupo kami sa gilid niyon habang magkahawak-kamay pa rin.

  "What's the date today, Z?" Tumingin ako sa suot kong Casio. May petsa ang analog clock sa itaas ng pinakamahabang kamay niyon. "Twenty-five."

  Ipinakita ko sa kanya ang wrist watch ko.

  "Twenty-five ang monthsary natin. Tandaan mo 'yan, ah?"

  Nakatingin lang siya sa akin.

  "Every 25th of the month, we will celebrate. Just like the other lovers out there, we have our own monthsary. Pwede tayong kumain ng cake, uminom ng wine at makinig ng love songs. Since we can't go to the mall and movie houses, we can watch Netflix instead. Basta gagawan natin ng paraan para maging memorable at romantic ang petsang 'yan. Dahil sa petsang 'yan, diyan tayo naging mag-on."

  Kontentong sumandal ako sa matigas niyang balikat.

  "Z, saka na natin isipin ang bukas. Let's just enjoy the moment." For the first time in my life, ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong fulfillment sa puso ko.

  May boyfriend na ako... At kahit ano pa itong conflict na pinasok ko, I know and I can feel that it's worth the try, the fight and the pain. And I'm happy. I have no regrets.

  Ngayon lang ako naging ganito kasaya. Pakiramdam ko, iyong matagal nang kulang sa pagkatao ko ay natagpuan ko na.

  "Huy, Riri!"

  Napapiksi ako nang sumulpot sa harapan namin si Denise. Nakabungisngis ang balingkinitan at metisahing nurse.

  Agad akong napalayo kay Z. "Ano ba? Nanggugulat ka naman, e!"

  "Anong ibig sabihin ng holding hands while walking niyo ng patient mo, ah? Nakita ko kayo from second floor! Ginagawa niyong PBB House itong mental!"

  "Anong gusto mo? Hayaan kong maglakad mag-isa 'to?" Inirapan ko siya. "Mamaya manakbo pa 'to, e di nahirapan ako humabol."

  "Weh?"

  "Bakit ka ba nandito? Wala ka bang pasyente?"

  "Tulog. Saka tinulungan ko si Jenina at Heart sa report nila kanina."

  "Oo nga pala, palabas na ang mga pasyente nila."

  "Yup. Iyong akin kaya, kailan? Gusto ko nang mapalitan e." Tiningnan niya si Z na tahimik lang sa tabi ko. "Sana naman kasing pogi ni Z iyong pumalit sa alaga ko."

  "Asa ka."

  "Medyo salbahe ka na, Riri!"

  "Joke lang." Nginitian ko siya. Pero agad ding napalis ang ngiti ko nang maisip ko si Z. Kapag gumaling siya, katulad ng iba ay kailangan niya na ring umalis sa institusyong ito.

  "Sige na, bye na," ani Denise. "Baka makaistorbo ako sa moment niyo."

  "'Buti alam mo."

  Nalukot ang mukha niya. "Nalintikan ka na talaga, Maria Santiago!"

  "Bakit?" maang-maangan ko.

  Dinuro niya ako. "Hindi porket wala kang boyfriend, kung kani-kanino ka na lang. Given na guwapo 'yang si Z, pero remember, he's not in his right mind. Naku 'wag mo nang ituloy kung ano man 'yang nafifeel mo sa lalaking iyan! Sinasabi ko sa 'yo, masasaktan ka lang."

  "I know what I'm doing, Denise. Saka wag ka ngang advanced mag-isip diyan."

  "Hmp. Ewan ko lang, ha? Iba ang naaamoy ko sa 'yo, Riri. Basta tandaan mo lang, napakadaming lalaki sa mundo. Maraming-marami. Lumabas-labas ka ng makasalamuha mo sila nang hindi ka nagtatiyaga sa ganyan."

  "Ano bang sinasabi mo diyan!" Naiinis na ako sa kanya.

  "Hay, bahala ka nga. Basta sinabihan na kita. Sige na, byers na."

  Nang wala na si Denise ay pinisil ko ang kamay ni Z.

  "'Wag mong pansinin si Denise. Inggit lang iyon sa 'tin." Pero sa totoo lang, hindi ko talaga maiwasang hindi mainis kay Denise.

  Inalalayan ko si Z na tumayo. Sa kuwarto na agad niya kami dumiretso. Pinakain ko siya, pinagpalit ng damit saka pinahiga na sa kama.

  "Z, hindi porket tayo na, mayat-maya na tayong maghahalikan. Hindi ganon iyong napapanood ko sa mga palabas. Hindi iyon minamayat-maya, okay?"

  Kinumutan ko siya.

  "May perfect moment before maganun. Hindi iyon kung kailan na lang maisipan. Saka bago palang tayo, dapat nagkakahiyaan pa tayo, okay?"

  Tahimik lang siya habang nakatingin sa akin. Iyong tingin na parang sinasabig "Free Taste." Nakakainis kasi marupok ako.

  "Alam mo, ikaw, alam na alam mo kung paano ako ise-seduce, 'no?"

  Pinisil ko ang matangos niyang ilong.

  "Mabangis ka rin, e." Naupo ako sa gilid ng kama niya. "O siya, hindi muna ako aalis. Dito muna ako. Pero kwentuhan lang ang gagawin natin, ha?"

  Sumandal ako sa headboard ng kama niya. Mayamaya ay naramdaman ko na humihilig si Z sa balikat ko.

  "Okay, ano ba iyong iku-kwento ko sa 'yo, hmn?" Hindi siya nakakapagsalita so ako lang pala ang magku-kuwento.

  Ang kaso, ano naman ang ikukuwento ko sa kanya? Kapag itinatry ko na alalahanin ang childhood ko, sumasakit lang ang ulo ko. Saka wala rin akong matandaang adventure o ano mang worth to tell na pangyayari sa buhay ko. Ang hirap naman nang ganito.

  "Z, ang pag-usapan na lang natin ay kung bakit ka nabaliw. Ang sabi-sabi, iniwan ka ng dati mong girlfriend. Sobrang ganda ba niya para mabaliw ka nang ganyan?" Tiningnan ko siya. "Mas maganda ba sa akin iyong ex mo?"

  Siguro mestiza iyon. Siguro saksakan ng sexy at sophistication.

  "Okay lang, saksakan naman ako ng bait." Ipinatong ko ang ulo ko sa ulo niya habang nilalaro ko ang ng aking daliri ang kanyang malambot na buhok.

  Kung sino man iyong ex niya na iyon, Pinay man iyon o Italyana, dapat niya na iyong ibaon sa limot. Dapat na siyang magmove on kasi nandito na ako.

Hindi ko iiwan si Z. Ako ang magiging daan para gumaling siya at bumalik siya sa dati. Marami na akong plano para sa amin, at ang pinakauna ron ay ang gumaling muna siya para mapagusapan namin ang sitwasyon naming dalawa.

  "Z, hindi ako masasaktan sa 'yo, di ba?" mahinang bulong ko.

  Kahit hindi siya kumikibo ay sapat na sa akin ang paghilig niya sa balikat ko. Nagkakaintindihan na kami sa ganito.  Okay na ang ganito...

  Sapat na sa akin ang ganito...

  Sa sobrang komportable ng pakiramdam ko, hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako kinabukasan na nasa loob na ako ng kumot at kayakap na ni Z.

  "'Sabi ko kwentuhan lang e." Nakangusong tiningnan ko siya.

  Natutulog pa si Z, payapa pa ang kanyang paghinga. At kahit madaling araw palang, as usual, fresh na fresh pa rin siya. At masarap siyang kayakap.  Sumiksik ako sa matigas niyang dibdib saka muling pumikit.

  "Bakit ang well toned pa rin ng muscles mo? Wala ka namang activities dito?" Dumilat ako ulit. Natutulog pa rin si Z.

  Naisip ko lang, hindi healthy ang lifestyle niya rito sa institution. Wala siyang physical activities. Hindi naman kasi siya nakakasali sa exercise tuwing umaga. 'Tapos mas madalas pa siyang nakakulong lang sa kuwarto at madalang lang kung maarawan.

  "Baka mamayat ka. O kaya baka manaba ka at matuyuan ng dugo." Hinaplos ko ang braso niya. Balbon ang balat niya subalit makinis. "Sayang naman muscles mo, honey, kung mabuburo lang at mauubos dito sa kuwarto mo."

  Ah, hindi ako papayag nang ganon. Dapat maagapan ko ang pagkawala ng mga muscles niya.

  Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya na natatakpan ng suot niyang kulay puting T-shirt. Sinilip ko muna ang mukha niya kung gising na ba siya at nong makita kung tulog pa rin si Z ay naglakas-loob na akong hawakan ang tiyan niya.

  Hmn...

  Hindi naman siguro masama na hawakan ko 'to. Nakikita ko naman ito kapag tinutulungan ko siyang magbihis at maligo. Saka normal lang din naman na hawakan ko 'to since kami na. Pilya akong napahagikhik sa mga naiisip kong katwiran.

  "Ikaw talaga, Z. Bad influence ka sa pagiging Maria Clara ko." Binawi ko ang kamay ko sa matigas niyang tiyan.

  Nang tingnan ko siya ay nakapikit pa rin siya, pero tila may maliit na ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi.

  "Gising ka na ba?"

  Marahang nagmulat ang mga mata niya, at agad kong nasalo ang kanyang kulay luntiang paningin. Maganda pa iyon sa bukang-liwayway.

  "Napakaperpekto mo..." Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Para kang hindi tao..."

  Napakurap ako nang meron akong marealized.

  "Z?"

  Bumangon ako at ikinulong ang mukha niya sa aking palad. "Ilang araw ka na rito pero ngayon ko lang napansin na hindi ka tinutubuan ng stubbles!"

  Kinapa ko ang nguso niya, ang baba niya at ang ilalim ng mga patilya, lahat makinis. At maski ang buhok niya sa ulo, ganoon pa rin. Walang ipinagbago!

  "Z, anong nangyayari sa 'yo?"

  Nakahiga pa rin siya sa unan at nakatingin sa akin.

  Normal lang ba iyon? Normal lang ba siya? O baka dahil sa bihira siyang maarawan kaya mabagal ang pagtubo ng buhok sa katawan niya?

  "Tumayo ka."

  Umalis ako sa kama at hinila siya pagkuwan. Hinagilap ko sa sahig ang tsinelas niya at ipinasuot sa kanya.

  "Kailangan mong magpaaraw. Mag-e-exercise ka rin ngayon."

  I guided him through the bathroom. Hinayaan ko siyang umihi mag-isa, since kaya niya. Pagkatapos ay pinagtoothbrush, pinaghilamos at sinuklayan ko siya. Pinagpalit ko siya ng sneakers na nakita ko sa closet niya.

  "Jeske... anong klaseng size 'yan?" Pawisan ang noo na umahon ako. Malabarko ang paa ni Z. Iyong tipong pag natapakan niya ako, comatose agad ako.

  Nang matapos ko na siyang iready ay ako naman ang naghilamos at nagmumog. Hinila ko na siya palabas ng kuwarto. Nag tag-isang basong gatas lang kami at saka ko na siya pinatakbo sa hardin.

  Dahil masyado pang maaga, medyo madilim pa ang langit, wala pang katao-tao sa paligid maliban sa aming dalawa. Sakto ito dahil solo namin ang hardin.

  "Z, takbo!" utos ko sa kanya. "Tumakbo ka sa lumang fountain, paikot, limang balik!"

  Hindi siya kumilos kaya itinulak ko siya. Sa huli ay tumatakbo na rin ako.

  "Run, Z!" Pumuwesto ako sa likuran niya at itinulak siya habang tumatakbo kami pareho.

  May pagkakataon na sabay kaming tumatakbo, patigil-tigil, holding-hands while running, 'tapos magtutulakan at maghihilahan.

  "Z, habol naman!" Inunahan ko siyang tumakbo, at ganoon na lang ang tuwa ko nang sundan niya ako.

  Nahawakan niya ako sa kamay, kaya heto, magkahawak-kamay na naman kami habang nanakbo. Mas mukha kaming naglalampungan kaysa nagj-jogging.

  Nahinto lang kami nang sumabog na sa kalangitan ang mapusyaw na liwanag ng bagong silang na araw.

  Humigpit ang pagkakahawak ng kamay ni Z sa palad ko. Tiningala ko siya.

  Nasa background niya ang kulay kahel na liwanag na unti-unting nagiging dilaw at maaliwalas na asul. Hindi ko alam kung bakit biglang nanubig ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya. "Sana palagi kitang makasama sa bawat bukang-liwayway ng buhay ko..."

  Bumaba ang paningin niya sa mukha ko. Walang salitang binibigkas ang mga labi niya pero nangungusap ang kanyang kulay luntiang mga mata.

  I WANNA SPEND ALL MY DAYBREAKS WITH YOU...

  "Z..." Natulala ako sa kanya.

  He talked!

  Narinig ko ang boses niya, hindi ako pwedeng magkamali! I heard him! Nagsalita siya sa isip ko!  Napaurong ako, pero hindi ko na nagawang umatras ng pangalawang hakbang dahil pumigil na agad sa bewang ko ang mainit niyang mga palad. Pagtingala ko ay nakalapit na sa akin si Z.

  At sa isang iglap, magkalapat na ang aming mga labi. He groaned, his hands running through my hair. Nang bahagya siyang lumayo ay tulala at nakaawang ang bibig na napatitig ako sa kanya. At matapang niyang sinalubong ang nagtatanong kong mga mata.

  "Z..." Nanghihinang napakapit ako sa kanyang mga braso.

  Staring into my eyes, he lightly slid his tongue inside my parted lips. And just like that, my brain stopped thinking as I moaned, losing myself to Z.

JF

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 53.7K 30
Rejecting Iya's confessions is Jacob's norm. After sharing three kisses that Jacob claimed as meaningless, will Iya finally give up--or will she keep...
2.2M 38.2K 72
Alyx owns a pair of eyes that can see things not normally seen by other mortals, and this has doomed her to live the life of a loner. But what if thi...
2.1M 54.2K 57
To transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the idea of love aside. But upon meeting the m...
19.6M 578K 81
On her 18th birthday, Claret finds out that her destiny is to be a healer in Nemetio Spiran, a vampire world where all is not as it seems. ...