His Queen

By JFstories

3.8M 134K 16.7K

The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa... More

SIMULA
HELIOS
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVII Part II
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Epilogo
HIS QUEEN
Now a free story!

Kabanata VIII

93K 3.9K 544
By JFstories

"badass kisser"

TULOG NA BA SIYA?

  Is he already asleep? My head was rested on his chest. Nasa loob ako ng bisig niya habang magkatabi kami sa ibabaw ng kama.  Kakatapos lang naming maghalikan ilang minuto palang ang nakararaan. Tumagal kasi kami ng thirty-minutes. Kung paano nangyari iyon, hindi ko rin alam.

  Nababaliw na talaga ako. Sa ginawa kong ito, may lamat na ang samahan namin ni Z bilang pasyente at nurse. At kung malalaman lang ito ng ibang co-nurses ko ay malamang na pandirihan o pagtawanan nila ako. At kung malalaman ito ng heads namin, malamang ay sesante na agad ako.

  Pero bakit ganito? Bakit ayaw kong magsisi?

  Natatakot ako, kinakabahan ako pero ayokong huminto. Habang nagpapalitan kami ng halik kanina, habang natutupok ako sa init ng mga labi niya, at habang halos maging isa na lang ang laway naming dalawa, parang wala akong kasing saya. Para akong adik na nalulong sa droga.

  Nagsumiksik ako sa matigas niyang dibdib. Sa pagkakalapit namin ay amoy na amoy ko siya. Naalala ko na naman tuloy ang halikan namin kanina. He tasted so good, so fucking good. Just like the way he smelled.

  Marahan akong bumangon para pagmasdan naman ang nakapikit na lalaki sa tabi ko. Daig niya pa ang vitamins ko sa mata. Kahit dim ang ilaw ay lumilinaw ang paligid dahil sa kanya.

  I couldn't take my eyes off him because damn it, he was too good-looking. Hindi talaga ako magsasawa sa pagmumukha ng lalaking ito. Like ever! Hindi ako makapaniwala, sa isang iglap, nahulog na agad ang panty ko—I mean, ang loob ko sa kanya.

  Sandali akong natigilan. Ano nga ba ang meron sa 'yo, Zelos Mondragon? Who are you really?

  And what's so special about you that I couldn't resist you?

♚♚♚

HINDI ako mapakali sa nurse station. Pati hindi ko report ay gusto na ring pakialaman para lang malibang. I yawned and rubbed my right cheek. Saglit lang ang tulog ko dahil tuwing napipikit ako ay bumabalik sa akin ang eksena namin ni Z kagabi.

  Imagine that, nasa ibabaw kami ng kama habang naghahalikan at pinipiga ang isat-isa.

  Kung maglampungan kami, dinaig pa namin ang mag-asawang bagong kasal. Nasaan ang professionalism ko ron? Mabuti sana kung matinong pasyente si Z at talagang may unawaan kaming dalawa. Ang kaso, ako lang ang nakakaunawa sa amin pero ako pa itong nanunggab.

  Ginusto ko. Ako iyong nag-insist ng last kiss namin.

  Hindi ko alam basta para akong sinaniban ng siyam na malanding demonyita at sinamantala ko ang sitwasyon. Basta ko na lang nilusob ng halik si Z at hindi ko na siya pinakawalan pa. Halos daganan ko na rin siya kagabi.

  OMG! I felt so pathetic!

  Kulang na lang ay isubsob ko ang sarili ko sa mesa. Nakakahiya. Walang kasing sagwa ang ginawa ko! Hiyang-hiya ako sa aking kadesperadahan!

Ganon ba talaga pag wala pang boyfriend at experience? Parang sabik at hindi makapag-control kapag may nakahain ng guwapo sa harapan mo? Lalo na kapag helpless ang guwapo? Iyong tipong walang kalaban-laban kahit molestiyahin mo? Inis na sinabunutan ko ang sarili ko. Kailan pa ba ako naging manyak?!

  "Huy, okay ka lang?"

  I winced. "Ha?"

  Napalingon ako kina Denise at Jenina na nagpapahinga sa long chair sa loob ng nurse station. Kanina pa sila dito pero hindi ko sila pinapansin dahil busy ako sa pagkastigo sa sarili ko.

  "Nababaliw na rin 'yan," nakangising sabi ni Jenina. "Biruin mo, laging straight duty 'yan. Wala pang off. Halos dito na tumira sa mental, malamang talaga nababaliw na rin 'yan."

  "Mag off ka naman, Riri," ani Denise. Nasa mukha niya ang concern. "Kahit wala kang kasama sa house niyo, umuwi ka pa rin. Magpahinga ka. Or mag-unwind."

  "Asa ka," sabat ni Jenina. "Ayaw niya kamong iwan si Fafa Z sa atin."

  Napabungisngis si Denise. "Crush namin siya pero hindi namin siya aagawin sa 'yo."

  Natawa si Jenina. "Kahit baliw iyon, mukhang choosy e."

  Inirapan ko silang dalawa. "Babalik na ako sa alaga ko." Tumayo na ako. "See you later."

  "Seriously, Ri. You need a rest," pahabol ni Denise sa akin. "Namumutla ka na."

  "Thanks but I'm fine, girls." Iniwan ko na sila.

  "Wag mong sayangin araw mo, mabuti sana kung bayad ka kahit off mo!"

  May point sila. Iyong ibang trabaho ko rito, no pay iyong iba. Kasi kahit off ko, nandito pa rin ako. Pero mas gusto ko rito kaysa umuwi ng Cainta. Kung ibang pagkakataon ay baka nagmumukmok ako dahil umalis na naman si Mama. Kaso hindi ako nagmumukmok. Paano ako magmumukmok e ubos ang oras ko sa pasyente ko na ngayon ay ginugulo ang sistema ko.

  Napatingin ako sa wall clock na nadaanan ko. Eight a.m. na. Gising na kaya siya?

♚♚♚

GISING NA GISING NA NGA.

  Hindi ako makatingin sa kanya nang balikan ko siya sa kuwarto. Pinadalhan ko lang siya ng food kanina sa ibang nurse, kasi nga nahihiya ako sa kanya. Kahit naman wala sa tamang pag-iisip ang poging ito, dyahe pa rin ako sa kanya.

  But I need to be professional. He's my patient and I am his nurse.

  Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatingin sa bintana. Naka-pajama pa rin siya, pero ang presko niyang tingnan. Kahit yata hindi maligo ng isang buwan ang lalaking ito at hindi ito mamamaho.

  Saka isa pang nakakapagtaka sa kanya, kahit bagong gising ay mabango ang hininga niya. Posible pala iyon?

  "Ehem." Tumikhim ako at lumapit sa kanya.

  Sa itsura niya na payapang-payapa, parang wala siyang kaproble-problema sa buhay, mukhang wala lang naman sa kanya iyong nangyari kagabi. Mabuti naman. Pero maalala niya kaya iyon kapag bumalik na siya sa dati?

  Idemanda niya kaya ako ng sexual harassment kapag gumaling na siya? Pero it will his words against mine. Walang CCTV itong kuwarto niya at isa pa, baliw siya, sino ang maniniwala sa kanya? Pwede kong lusutan ang kahit anong sasabihin niya laban sa akin. Baka nga pati mismo sarili niya, hindi niya mapaniwalaan. Hindi ako makokonsensiya dahil siya naman ang nagsimulang manlandi. Hindi ako.

  Marupok lang talaga ako.

  "Kumusta?" siniglahan ko ang boses ko. Saka ko na iisipin ang bukas. "Bat di ka kumain?"

  Nasa mesita pa rin ang tray na pinaglalagyan ng pagkain niya, ni hindi pa iyon nagagalaw. Pero iyong baso ng tubig ay ubos na ang laman.

  "Z, paano ka iinom ng gamot niyan?"

  Wala siyang kakibo-kibo.

  Isa sa mga napansin ko sa kanya ay malakas siya sa tubig. Saka matibay ang balat niya sa lamig. Palaging nakatodo ang aircon ng kuwarto niya at balewala lang iyon sa kanya.

  "Z, ayaw mo ba nitong pagkain mo?"

  Hindi pa rin siya kumikibo. Hangin na naman ako sa paningin niya.

  Napabuntong-hininga ako. Hello? Wala nga pala siya sa katinuan. Ano ba ang ini-expect ko? Na maghahanap siya sa akin ng fried chicken leg part?

  "Z..." Napasentido ako sa ayos niya.

  Tulala siya, baliw, nasa ibang dimension ang utak niya, kaya wala siyang paki sa akin. Tama nga ako, wala lang sa kanya ang nangyari kagabi. Pero bakit masakit isipin na wala lang sa kanya ang lahat ng nangyari sa amin?

  First kiss ko siya. Hindi naman pwedeng ganon-ganon na lang iyon! Hindi pwedeng balewala na lang iyong kiss namin. Mabuti sana kung simpleng bungguan ng nguso lang ang nangyari? E hindi naman. Halos lulunin na namin ang isat-isa kagabi kaya hindi dapat balewalain iyon!

  "Z!" Nilakasan ko ang boses ko.

  Doon siya tumingin sa akin. Sandali akong natulala sa magandang uri ng mga mata niya. Hay, hindi pa rin ako masanay-sanay.

  "Ahm, ano nga ba iyong sasabihin ko, Z?" Napangiwi ako.

  Shit, nawawala talaga ako sa huwisyo kapag ganitong tinititigan niya na ako.
My knees turned to jelly. Kinailangan ko pang maghanap ng makakapitan para hindi ako matumba. "Uhm, Z, alam ko na wala ka sa katinuan," simula ko.

  Nakatingin lang siya sa akin, wala siyang kare-reaksyon.

  "Alam ko na kaya ka nga nandito kasi nagpapagaling ka. Alam ko naman na may something-something ka dito." Itinuro ko ang sentido niya. "Alam ko naman iyon."

  Wala pa rin siyang reaksyon.

  "Pero it doesn't change the fact that I'm a woman and you are a man. That I am your nurse and you are my patient." Napapikit ako nang mariin. "Siguro nakalimutan mo na, o wala lang sa 'yo iyong nangyari kagabi. Pero sa akin, hindi iyon balewala lang."

  Nababaliw na talaga ako para ipush ko ito. Pero sa mga sinasabi ko ngayon ay lumuluwag ang dibdib ko, kaya push pa.

  Umupo ako sa tabi niya. Medyo malayo lang ng kaunti sa kinauupuan niya, just to be safe. Sumunod naman siya ng tingin sa akin.

  "Hindi ko maintindihan ang sarili ko..." Napayuko ako sa hiya. "Ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong atraksyon para sa isang lalaki sa buong buhay ko. And believe it or not, you're my first kiss."

  Halos mamuti na ang kamao ko sa pagkakatikom nito. Ang lahat ng tensyon ko sa katawan ay inipon ko sa kamay ko.

  "Z, alam ko na wala kang kasalanan. This is all my fault..."

  Napakurap ako nang bahagyang gumalaw ang kama na kinauupuan naming dalawa. Nang mag-angat ako ng mukha ay umusod pala siya papunta sa akin.

  "Z?" I was stunned and my whole body tensed.

  Kandalunok ako sa klase ng titig niya. Hindi na ito kagaya ng kanina na walang emosyon.

Z's eyes were now burning with desire and I couldn't look away. My heart started to beat wildly.

  "Z, n-naiintindihan m-mo ba ang mga sinasabi ko?" kandautal na ako sa pagkailang.

  His action surprised me. And just like that, my stomach was on fire again.

  Napapikit ako nang mariin. Ilang segundo lang ng maramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin.

  "Z..." sambit ko sa hirap na tinig.

  Nang maramdaman ko ang paglapat ng mainit niyang labi sa akin ay sinunggaban ko na siya agad. Pumulupot ang mga braso ko sa leeg niya at ang mga kamay naman niya sa bewang ko.

  We both wanted each other, malinaw na malinaw.

  Z growled against my mouth as he claimed my lips fully. He sucked my bottom lip and seek for entrance. My trembling lips parted allowing him to slid his tongue into my mouth.  Hindi ko na alam kung ilang minuto na wala kaming kapaguran at kasawaan sa paghalik sa isat-isa. Basta huminto na lang kami na parehong hinihingal at pawisan.

  "Z, why are we doing this?"

  He kissed me again. Pero mabilis lang. Parang sinabi niya lang na wala naman akong dapat ipag-alala.

  But that was not enough para matahimik ako. "Z, mali iyon. Mali ito."

  He touched my cheek again with his left palm. Napatingin ako sa kulay luntian niyang mga mata.

  Napayuko ako. "Hindi kita boyfriend."

  Ako ang nakakaunawa sa aming dalawa pero heto at sa akin pa nagmumula ang mga kalokohang ito.

  "Hindi mo ako girlfriend—" Z kissed me again.

  Natulala ako sa kanya. Anong ibig sabihin niya ron?  Gusto niya ba akong maging girlfriend?

  "Alam kong kabaliwan ito," nangangapal ang mukhang sambit ko. "Pero kung crush mo ako, ikiss mo ako ulit."

  Yeah I know, lakas maka Babysitting the Billionaire haha. Ganito kasi iyong sa nabasa kong novel. May saltik din iyong guy na inaalagaan ng bidang girl kaya ito, matry nga kay Z if effective.  

  He stared at me for a long moment before he touched my cheek again. Hindi bumilang ang minuto na magkadikit na muli ang mga labi namin.

  Itinulak ko siya. "C-crush mo ako?"

  Hindi ako makapaniwala. Effective!

  But it's too early to celebrate. Tumikhim ako. "Okay, kung para sa 'yo, trip lang ito, wag mo na akong hahalikan."

  Nanatili siya sa pwesto niya. Kabado ako na baka halikan niya ako pero hindi na siya umusod para halikan ako ulit. Posible ba talagang naiintindihan niya ako?

  "Z, halikan mo ako kung hindi ka seryoso sa akin." Lakas-loob akong lumapit sa kanya.

  Umusod ako para ihain sa kanya ang mga labi ko, pero hindi siya nag-abala na halikan ako. Pinagpapawisan ako sa kaba at excitement. Balewala ang aircon sa tensyon.

  "OMG! OMG!" Mga ilang minutong ganoon bago ako magtititili.

  Walang halik na nangyari kahit kulang na lang ay ingudngod ko ang nguso ko sa kanya.

  "Shit Shit!" Para na akong baliw na napahalakhak. "Seryoso ka?! Seryoso ka, Z?!"

  Napatayo ako at ginamit na pamaypay ang mga palad ko sa aking leeg. Baliw na ako. Baliw na rin ako!

  Matapos kong magpalakad-lakad sa harapan ni Z ay muli ko siyang tinabihan. "So, you're really serious?"

  Wala siyang kakurap-kurap habang nakatingin sa akin.

  "Ok. Still not enough." Huminga ako nang malalim, pero ngiting-ngiti pa rin. I just can't help it.

  Still not enough pero nagdidiwang na ako. OMG, I'm really crazy!

  I faced him again. "If you really like me, dapat ako lang. So kaya mo bang maging loyal sa akin? Mahirap na, ha. Kahit baliw ka, guwapo ka pa rin. Ang daming mga lukring dito na kahit wala sa katinuan ay may pagnanasa sa 'yo. Lalo na iyong mga co-nurses ko."

  Humalukipkip ako at tinitigan siya nang matagal. Pilit kong inaarok sa kulay green niyang mga mata ang sincerity niya.

  'Kaloka, pati taong wala sa matinong pag-iisip ay hinahanapan ko ng sincerity.

  "Okay, Z." Muli akong tumayo at lumayo sa kanya.

  Nakaupo pa rin siya sa gilid ng kama ngunit ang mga mata niya ay humabol sa akin. Namaywang ako at sinalubong ang mainit niyang titig.

  "If you want me to be your girl, can you kiss me again?"

  Kabado ako dahil matagal siyang nakatingin sa akin, kaya ganoon na lang ang pagririgodon ng dibdib ko nang bigla siyang tumayo ay humakbang palapit sa kinatatayuan ako

  "Z..."

  Huminto siya sa harapan ko habang nakatingin sa aking mga labi.

  "Z... k-kung gusto mo akong maging girlfriend, halikan mo—"

  Z didn't let me finish my sentence. His lips attacked mine in a hot and wild kiss that was full of love and longing. And for me, this is more than enough!

  OMG, I finally have a boyfriend! And my boyfriend is a badass kisser!

JF

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
9.3K 771 43
I'll bring back his smile. TRUST ME. Xtreme Series#2: Frost Kierre Stanfield and Sayanara Xien Yu.
41.8K 1.7K 46
Forced into a loveless marriage with a billionaire heir, Eva Alcaraz does everything she can to help her father's presidential campaign and save her...
1.3M 43.2K 34
THE WATTY AWARDS 2021 WINNER: ROMANCE Due to an unexpected pregnancy, ex-lovers Ryo and Frankie are forced to live under the same roof. They can't st...