HUNTING KENDRA(The Last Vampi...

Autorstwa babz07aziole

5.7K 339 109

"The sweet taste of your blood makes my body ache for more..." -Timothy HUNTING KENDRA (The Last Vampire) PU... Więcej

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
EPILOGUE
BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA
THE WAIT IS OVER!!!

CHAPTER FITHEEN

146 10 0
Autorstwa babz07aziole


MULA sa malayo kitang-kita ni Kendra si Timothy. Nakatayo ito mula sa gilid ng baybayin, kung saan tanging ang bilog na buwan lang ang tumatanglaw sa payapang dagat sa gabing madilim.

Ang magaslaw na alpas ng alon ay nakakadagdag ng misteryo sa buong paligid. Nanatili lamang nakatanaw ang dalaga sa binata, hindi niya alam kung lalapitan ang lalaki o mananatili lamang siyang nakatanaw buhat sa malayo rito. Mababanaag sa napaka-guwapong mukha nito ang kalungkutan. Ramdam niyang may malalim itong pinagdadaanan ngayon.

Nag-umpisa siyang humakbang palapit kay Timothy, ngunit agad din siyang natigilan nang buhat sa malayo ay nagtama ang kanilang paningin. Tuluyan siyang nabatubalani sa titig nito mula sa mata nitong mala-asul.

"Come near baby, wanna join me?"tanong nito kay Kendra. Ang tinig nito ay nagbigay ng kakaibang damdamin kay Aliyah.

Hindi na niya namalayan na tuluyan na siyang tumabi rito, buhat sa pagkakatayo mula sa gilid ng baybayin. Kaunting dipa lamang ang layo nila sa isa't-isa, kung ang isa sa kanila ay gagalaw ng kaunti tiyak tuluyan ng darampi ang kanilang mga balat sa bawat isa.

Nanatili lamang silang nakatanaw sa dagat, ng ilang sandali. Walang nais bumasag sa katahimikan na nakapagitan sa kanila ng mga sandaling iyon.

"P-please d-don't go Tim, I-want you to stay with me..."hindi napigilang sumamo ni Kendra, buhat sa katabing si Timothy.

Humarap siya rito at marahan niyang hinawakan ang braso ng binata. Kitang-kita niya ang paggalawan ng panga nito. Maski ang pagkuyom ng mga kamao nito ay hindi rin nakaligtas sa mga mata ng dalaga.

"I'm sorry Kendra, but I have to leave before the first hour of sunrise."pinal na sagot ni Timothy rito. Nanatiling nasa madilim na dagat ang tingin nito, hindi man lang siya tinapunan ng pansin nito.

Pero hindi tuminag ang dalaga, nararamdaman niyang mag-iiba pa ang desisyon nito. Na siya ang pipiliin nito kaysa sa nauna nitong naging desisyon.

Huminga muna siya ng malalim bago niya tuluyang gawin ang nasa isipan. Unti-unti niyang idinikit ang katawan sa binata, sa unang tingin tila nakayakap na siya sa binata. Kitang-kita niya ang paghugot ng malalim na hininga nito.

Unti-unting kumurba ang matagumpay na ngiti sa labi ni Kendra, nararamdaman niya... malaki ang pag-asa niyang siya ang pipiliin nito.

Walang pag-atubiling idinampi niya ang kamay sa dib-dib ng binata mula sa nakabukas na polo nito. Naging mapungay ang mga mata ng binata, hanggang sa tuluyan niyang iniyakap ang sarili sa katawan nito.

Napasinghap si Timothy ng maramdaman niya ang marahang pagdampi-dampi ng labi ni Kendra sa dib-dib niya. Ewan niya ngunit nararamdaman niyang tuluyang magigiba ang lahat ng naipon niyang pagtitimpi sa mga sandaling iyon.

Nang umangat ang mukha ni Kendra ay tuluyang nagkatagpo ang mga mata nila. Agad hinuli ni Timothy ang labi nito. Tila sabik na sabik ito, habang patuloy na nagbibigay ng laya ang bawat kamay nila sa paghipo sa katawan ng bawat isa. Dahan-dahan siyang inihiga ng binata sa buhanginan, halos habulin pa ni Kendra ang labi nito ng humiwalay ito saglit sa halik niya. Nakita niyang mabilis nitong inalis ang suot na polo, halos hindi kumukurap ang dalaga habang inaalis nito ang lahat hanggang sa kahuli-hulihang saplot nito.

Napalunok siya ng mamalas niya mismo ang perpektong katawan ni Timothy. Napataas ang sulok ng labi ng binata ng makita niya ang ekspreksyon ng dalaga.

"K-kaya ko ba iyan?"tila may lakip ng takot ngunit mas laman pa rin ang excitement sa tinig ni Kendra.

"I assured it's fit on you baby."nakakaloko nitong sagot. Bago muling sinabisib ng halik ang dalaga. Nagpaubaya nalang si Kendra sa nais pang gawin ng binata sa kaniya. Siya man ay wala pang karanasan sa mga ganitong bagay, para sa dalaga panahon na para ibigay na niya sa binata ang lahat-lahat. He want's him badly, na kahit ang sariling katinuan ay wala na yata sa tamang pag-iisip.

Hindi na rin namalayan ni kendra na naalis na ang lahat ng kaniyang kasuotan. Damang-dama niya ang marahas na paggapang ng palad ni Timothy sa kaniyang dib-dib ang patuloy nitong paglamas at pagpapala ng mga palad ng binata sa dalaga ay nagbibigay ng kakaibang init sa kaniyang katawan.

Tila tinutupok siya ng sariling pagnanasa sa mga oras na iyon. Impit siyang napaungol ng tuluyan angkinin at laruin ng labi at dila nito ang dalawang korona niya sa dib-dib. Tila siya sinisihilan sa mga sandaling iyon. Parang may sisidlan ng apoy sa labi ng binata ng mag-umpisa na ngang gumapang ang labi nito pababa sa kaniyang tiyan. Halos napapahiyaw siya sa labis na luwal-hating ipinararanas sa kaniya ng binata. Hanggang sa tuluyang matumbok nito ang pinakabribadong parte niya. Nanginig ang magkabila niyang binti ng unti-unting paghiwalayin ni Timothy ang mga ito mula sa pagkakadikit. Marahan siyang napapikit ng tuluyang naibuka na ng binata ang hita niya. Halos lamunin siya ng sariling kahihiyan, dahil ramdam na ramdam niya ang mata ng binata mula sa kaselanan niya.

Napakagat-labi ang dalaga, habang marahan niyang hawak ang ulo ng binata na nag-umpisa ng sisirin ang kaniyang pagkababae. Ramdam niya ang pagpasok ng pinatulis at ang pinatigas na dila ni Timothy mula sa makipot niyang pagkababae. Halos idiin na ng dalaga ang ulo nito mula roon, dahil sa kakaibang karanasan na ipinaparanas nito sa kaniya ngayon. Kumiwal-kiwal na ang kaniyang ulo, hindi na niya alam kung saan ibabaling ito. Isang mahabang ungol ang pinakawalan ni Kendra kasabay ng pagtirik ng kaniyang mga mata, hudyat na narating na nito ang kasukdulan.

Hindi pa nakahuma ang dalaga ng muli siyang siilin ng halik ni Timothy, ramdam na ramdam na niya ang pagnanais nitong maangkin na siya ng tuluyan. Dahan-dahan ang ginawang pagpatong ni Timothy sa katawan ni Kendra.

Alam niyang wala pang karanasan si Kendra, kaya maingat niyang ipwenesto ang kahabahan niya sa bungad ng kuweba nito. Marahan niyang ikinikiskis ang ulo ng kaniyang pagkalalaki, tinatantiya niya ang pamamasa ng pagkababae nito. Sa tuwimg ginagawa niya iyon ay lalo lang siyang nababaliw sa isipin na gusto na niya itong maangkin. Grabeng pagpipigil na ang ginagawa niya, ayaw niya itong biglain kaya hangga't maari ay sarili na muna niya ang pinaparusahan niya. Ganito niya ito kamahal...

Mabilis niyang idinampi ang labi niya sa nakabukang bibig ng dalaga, naglumikot mula roon ang dila niya. Maski ang dalaga ay sumabay na rin sa magaslaw na galaw ng dila niya. Patuloy silang nag-espadahan gamit ang kani-kanilang mga dila.

Sinamantala ni Timothy iyon, unti-unti niyang ibinaon sa pagkakababae ni Kendra ang kahabahan niya. Halos mapugto ang hininga ng dalaga ng maramdaman niya ang tila napunit mula sa loob ng kaniyang pagkababae, pikit-mata at kagat-labing hinayaan niyang umulos ang binata sa ibabaw niya. Nagdahan-dahan ito sa paghugot sa pagkalalaki nito, ngunit ramdam pa rin ng dalaga ang sakit ng ginawa nitong pagkuha sa pagkabirhen niya.

"I-I'm sorry b-baby if I've hurt... hindi ko na kasi mapigilan. I'm fucking want you now... ugh! Your so wet and tight."anas ni Timothy mula sa gilid ng taenga ng dalaga. Naramdaman niya ang maingat ngunit patuloy na paglabas-masok ng pagkalalaki ni Timothy sa kaniya.

Ramdam na ni Timothy ang unti-unting pagdulas pang lalo ng lagusan ni Kendra. Hanggang sa naramdaman niyang parang sinasakal ang kaniyang kahabaan mula sa loob ng pagkababae nito. Kasabay niyon ang mahigpit at mariing pagyakap nga ng dalaga sa kaniya.

Mabilis niyang hinuli ang labi nito, kasabay ng mas pinabilis niyang pag-indatog sa ibabaw nito. Sa ilang segundong nagdaan, unti-unti na rin narating ni Timothy ang kasukdulan mula sa piling ng babaeng minamahal.

NAGISING si Kendra sa lamig na kaniyang naramdaman. Dahan-dahan niyang ipinulupot sa katawan ang bestida niyang natanggal kaninang inangkin siya ni Timothy. Marahan niyang iginala ang paningin, sapagkat nagisnan niyang wala ang binata sa kaniyang tabi.

Kahit masakit pa ang pagkababae, minabuti nalang niyang isuot ang nahubad na damit.

"Tim nasaan ka?"tawag niya sa pangalan ng binata. Ngunit walang-sagot mula rito. Marahan niyang tinapunan ng sulyap ang buwan na nakatanglaw sa madilim na langit. Tila may kakaiba sa paligid sa mga oras na iyon.

Mabilis niyang inalis ang pagkakahugpong ng mga mata niya sa buwan, kasabay ng mabilis niyang paggala sa kapaligiran. Bigla siyang nakaramdam ng panganib sa mga sandaling iyon, hanggang sa magtagpo nga ang paningin nila ng nilalang na iyon na lumabas mula sa likod ng niyog.

Isang malaking aso na may balahibong sing-itim ng gabi, may matutulis na pangil sa magkabilang nguso. Umaangil ito sa kaniya na tila siya ang nakahandang pagkain para rito. Tumayo siya ng tuwid at inihanda ang sarili sa pakikibuno, ngunit natigilan siya ng unti-unting nagbago ang anyo ng kaharap.

Hanggang sa makita ng dalawang mata niya na ang malaking aso at si Timothy ay iisa.

"Sa ayaw at sa gusto mo Kendra, sasama ka mundo ko. Kung mananatili kang nagmamatigas, wala akong magagawa. Kung hindi ang patayin ka!"marahas nitong sabi.

Biglang nakaramdam siya ng pinong kirot sa dib-dib mula sa mga salitang narinig niya sa binata. Tila ibang tao ito sa kaniyang harapan.

Mariin niyang ikinuyom ang kamao kasabay ng biglang pagpapalit ng kulay ng kaniyang mga mata. Ang itim na mata niya dati'y napalitan na ngayon ng kulay pula. Katulad ng kulay ng dugo.

Mabilis siyang tumakbo at sumugod, kasabay ng pagtalon niya sa ere ay ang pag-uumpisang pagtulo ng kaniyang masaganang luha sa mata.

Hindi niya aakalain na kahit ibinigay na niya ang lahat-lahat kay Timothy ay nanatili pa rin siyang isang kasangkapan para sa makasarili nitong layunin sa mundong pinagmulan nito... dugo niya kapalit ang kaligtasan ng mundong iniwan nito para siya'y dakipin at ihandog sa ama nitong hari ng Zowol--- hari ng mga lobo at Zombie sa mundo ng Acerria.

BIGLA niyang iminulat ang mga mata mula sa pagkakapikit, hindi niya namalayang nakatulog pala siya.

Unti-unting namasa ang kanyang mga mata, kasabay ng pangingilid ng butil ng luha.

Unti-unti siyang napabangon, tuluyan siyang umupo at iniyupyop sa mga kamay ang mukha. Sobrang bigat ng pakiramdam niya sa mga oras na iyon. Ang kala niya mawawala ang tila nakadagan na mabigat na pakiramdam sa kanyang dibdib.

Nakatulog nga siya ngunit hanggang sa panaginip ay sinusundan siya ng kanyang tinatakasang realidad.

Senyales ba talaga iyon na peke ang lahat ng ipinakita sa kanya ni Timothy, maari kaya na ang napaginipan niya ay babala para sa kasalukuyang magaganap kapag ipinagpatuloy pa niyang mahalin ang binata.

Nasa ganoon siyang ayos ng pumasok sa kanyang silid si Aliyah. Nanatili siyang nakayupyop, dahan-dahan namang tumabi ang ina niya at marahang hinaplos nito ang kaniyang likuran.

Sa ginawa nito'y naibsan ng kaunti ang nararamdamang bigat sa dib-dib ni Kendra. Patuloy siyang umiyak naramdaman nalang niyang niyakap na pala siya ng kanyang ina.

"Tahan na Kendra a-alam kong mahirap. P-pero iyon ang tama alam kung darating sa puntong ganito ang mangyayari. Kung sana may lakas lang ako ng loob na sabihin sa iyo noong una pa lang ang tungkol sa lalaking estranghero ay 'di ka sana magkakaganyan."may pag-aalalang sabi ni Aliyah. Agad ang paglipad ng tingin ni Kendra rito. Tila may laman ang mga salitang binigkas ng kanyang ina na si Aliyah.

"A-ano po ang ibig niyong sabihin Mama?"walang anu-ano'y tanong niya sa ina. Marahan siyang hinaplos sa pisngi ng tuluyan siyang lumayo sa pagkakayakap dito.

"Kilala ko si Timothy Kendra, bata pa lamang siya noon ng una ko siyang makita sa mundo ng Acerria."tuluyang amin ni Aliyah sa anak na nagpakunot-noo kay Kendra.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

3.8M 135K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
180K 2K 25
I don't care if ayaw nila sa akin ang gusto ko lang siya kuntento na ako sa kanya but things got worse the only person who care about me is hating me...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
4.3K 274 34
How would you feel if you lost everything in just a simple encounter? The conservative woman happen to feel low because of the incident she did not c...