Not A Fairytale✔

By penpayne

47K 929 49

She was raped by her future lover's brother. Neterini Maraese is such a fragile woman, how do you think coul... More

Not a Fairytale
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Denouement

Chapter 7

1.2K 31 1
By penpayne

Chapter 7

Pinanuod ko si Bradley habang naglalakad siya palayo, nagkagat ako ng labi upang pigilan ang isip na makipagtalo sa akin.

Natanaw ko sila Claire at Shaney, papalapit na sila ngayon. “Sundan mo na siya, kami na ang bahala rdito.” Claire said, habang tinitignan ang papalayong si Brandon.

Matagal bago ako nakapagdesisyon na sundan siya. Nagawa ko pang lingunin ang lalaki bago ako naglakad upang sundan si Brandon. I am still guilty, for an unknown reason. Ano ba kasi ang dapat kong ikakonsensya?

Mas bumilis ang lakad ko nang malapit ko na siyang naabutan. I half-ran just to reach for him, and so I did.

“Bradley..” Mahina ngunit sapat na upang marinig niya iyong tawag ko.

Huminto siya ngunit nakatalikod pa rin siya.

Humugot ako ng malalim na hininga. Humigpit ang hawak ko sa sling ng aking shoulder bag, dito ibinubuhos ang kabang nararamdaman ko.

Humarap siya sa akin, pinanuod niya ako, naninimbang ang tingin.

Ang malalim na parte sa ibaba ng kanyang labi ay mas lumalaim dahil maging ang kanyang labi ay walang bahid ng kahit anong reaksyon.

“He apologized, and admitted his fault.” I explained, maging ang sarili kong boses ay hindi ko mailarawan.

“Tapos nanlambot ka na agad?” Nanunuya niyang tanong.

Agad akong nagsalita pagkatapos niya, “Hindi ako nanlambot, Bradley…” I started. Nakipagtitigan ako sa kanya, “napagtanto ko kasi na, iyong kagaya niya na mas maliit ang kasalanan, nakuhang humingi ng tawad sa akin..samantalang iyong taong nagkasala sa akin ng malaki ay hindi iyon ginawa.” Paliwanag ko sa kanya ng buong tapang.

“I forced that asshole to say sorry to you.” He said as a matter of fact. “Ano ang gusto mong palabasin? Na nagsorry siya sa’yo kasi inaamin niya iyong mali niya?” Mahina ang kanyang boses ngunit para sa akin ay isang sigaw iyon.

Nakakasakit.

“Still. He apologized, regardless sa ginawa mong pagpilit o pagkukumbinsi, nagsorry pa rin siya.” Paliwanag ko sa kanya.

I saw his eyes became sharp as he look away for a bit, mukha siyang nahihirapang intindihin ang mga sinasabi ko.

“And what made him different from my brother, then?” He asked, naghahamon.

“He mended the wound he created, right after. That boy, he did something that your brother never did.” I explained slowly.

Nakita kong umigting ang kanyang panga, isang palatandaan na hindi ko pa nababawasan ang kanyang pagkainis sa akin. Bagkus ay mas ininis ko pa siya lalo.

“I longed for an apology, Bradley. I was happy when he said sorry. To think that ginawa niya iyon sa harap ng maraming tao, at hindi niya inisip ang kanyang sariling dignidad, humingi pa rin siya ng tawad.”

Nagtaas siya ng kilay sa akin. “That’s bullshit.” He muttered at tumingin muli sa akin, “is that really all you’ve been caring about?” Huminga siya ng bigo at nag-iwas ng tingin.

Hindi ako nakasagot sa kanya, naubusan na ng sasabihin. I guess hindi niya na ako maiintindihan, dahil mukhang magkasalungat ang punto naming dalawa.

Baka mas paguluhin lang namin ang usapan kung patuloy lang kaming magsasalita pa.

“Neterini!”

Napalingon ako sa aking likuran, nakita ko rito si Leona. Mukhang kagagaling niya lang sa kanyang klase, lumapit siya agad sa akin.

“Are you okay? I heard about what happened.” He said softly.

Tumango ako ng marahan sa kanya, “I am now fine.” Sagot ko sa kanya.

He sighed heavily by that, bahagya pa siyang napahawak sa kanyang dibdib at napangiti. “I really thought umiiyak ka pa rin sa isang tabi, don’t worry, ate Shania already reported him to our Dean.” Aniya pa, nagkamot ng batok matapos magsalita.

Hindi ako nakasagot sa kanya kaya nangiti na lang ako, iyon ang nagsilbing sagot ko sa kanya.

Lumingon ako sa likod ko upang kumpirmahin kung nandito pa rin si Bradley ngunit nagulat ako nang nakita ko siyang naglalakad na paalis habang nakabulsa pa rin ang kanyang dalawang kamay.

Bumagsak ang mga balikat ko, I’m feeling bad about our conversation, dahil hindi maganda ang kinalabasan nito.

“Did I interrupted something?” Leona asked awkwardly habang sinusundan ang tingin ko sa gawi ni Bradley.

“You didn’t.” Wala sa sarili kong sagot.

“Well..I heard he saved you,” he said, careful with each word he is trying to say. “are you two close?” He added.

Nang lumingon ako sa kanya ay nag-iwas siya ng tingin, “uh I mean, okay lang kahit huwag mo nang sagutin.” He said sounding a bit different from his voice just a while ago.

“We are not close.” Sagot ko sa kanya at tuluyan nang humarap sa kanya.

“That sounds weird.” He smiled at me.

Nagsalubong ang kmga kilay ko sa kanya, “what do you mean?”

Agad itong umiling.

“Nothing, can I walk you home, them?” He asked, still smiling.

“No, thank you. Hihintayin ko na lang si Shaney at Claire, we still have snacks to eat.” Sabay taas ko ng mga drinks na paniguardo’y hindi na malamig ngayon.

“Oh, I see. Take care, okay?”

Tumango ako sa kanya at ngumiti, and with that he went away while smiling. Nang nasa malayo na siya ay nagawa niya pang lumingon at kumaway, umiling-iling ako at kumaway pabalik sa kanya.

Naupo ako sa pinakamalapit na bench at agad inilabas ang aking cellphone para sana tawagan si Claire ngunit, nang nailabas ko ito’y agarang tumawag si Mama.

“Hello, Ma?” Bungad ko pagkasagot.

“I heard about what happened, where are you?” She asked immediately.

Napasimangot ako, “did Claire told you?” I plainly asked. Of course, who else will?

Napailing ako, if this will reach Papa, I am sure he will threaten the school. I know that. At ngayon pa lamang ay nangangasim na ang aking mukha.

“Of course, Naterini. Are you okay?” Ni hindi ko pa nga nasasagot iyong unang tanong niya ay nagtatanong na naman siya ng bago.

I sighed, “I am fine Ma. Besides, the boy said sorry to me right after. He said it is not his intent to harass, but I told him to delete the tweet immediately.” Mahinahon kong paliwanag habang pinapanuod ang mga estudyanteng naglalakad.

“Did you asked his name?” She asked, again.

“Hindi, Ma.”

“You should get his name, and ground him off the school, one week is fine, Neterini.” She said.

“Ma! Hindi na kailangan, I told you he already apologized.” Wika ko, pinipilit maging kalmado.

“They’ll think you’re too kind at diyan nila sisimulang abusuhin iyon! The next day, hindi mo alam may mangyayari na naman.” She hissed, “my point here is, Neterini, every knife can harm you, kahit pa sabihin mong mapurol iyan, bakit? Hindi ba nakakasaksak ang kutsilyo?”

“I am fine now, Ma. Lumuhod na siya sa harapan ko, to apologize, at sapat na iyon.” I said, sticking to myself.

“Bukas, pupunta kami ng Papa mo diyan, we will check your dorm and that also, you can’t change our minds, Neterini.” Pagmamatigas ni Mama.

Natahimik na lamang ako, hindi alam ang sasabihin. I just think that it’s too much for today, sa tingin ko’y napagod na rin ako kaya naman ay hindi na ako nakipagtalo pa kay Mama.

“I love you, my unica hija. Please, let us do our part, okay? We just want what’s best for you. Bye.”

Ni hindi ko pa man nasasagot ang kanyang sinabi’y ibinababa na niya agad ang tawag. Napasimangot ako at bumagsak ang balikat habang nagbubuntong hininga.

If I rest my case, does that mean ako lang talaga? What I mean is, ako iyong biktima, kaya dapat lang na sa akin manggaling ang lahat ng desisyon ‘di ba?

I just realized kasi na, hindi naman ganoon kalaki ang kasalanan niyong lalaki na iyon. Hindi ako naman talaga ako nagalit sa kanya, pero nagalit ako lalo kay Jackson. He reminds me of him a lot, by what he did. And I think for normal people, mas matutuwa pa sa ginawa niya, pero sa akin, iba. Kasi iba iyong pinagdaanan ko sa kanila, so obviously, I am very sensitive.

And Bradley knew about that. Kaya siguro’y ganoon na lamang ang ginawa niya.

I opened my cellphone, I tapped twitter at hinanap iyong post pero wala na ito. See, he is really guilty. And kung gusto niya talagang insultuhin ako o bastusin ako, ay hindi niya pa rin sana iyon binura.

Clearly, ako lang ang nakakaintindi sa sarili kong issue.

Kaya ang hirap magpaliwanag kila Mama at Papa kung sakali, dahil hindi pa naman nila alam iyong nangyari noong fourteen pa lang ako, they might think I’m frustrated because I was never harassed before, yeah that’s possible.

The next day, nagpunta nga sila Mama at Papa dito sa dorm nang maaga. We were about to go to walk to school when Papa and Mama showed up.
“Hoy are you?” Tanong ni mama habang nakikipagbeso sa akin, pagtapos niya ay nagtungo naman ako kay Papa upang humalik sa pisngi niya.

“Do you feel comfortable here?” Asked Papa while his eyes are roaming around the dorm.

“Yes, of course Papa. I am fine with everything.” Sagot ko naman sa kanya.

“We just came to check the dorm, hindi na kami magtatagal. We will pass by the Principal, then we’ll go.” Said Papa.

I sighed, “Papa hindi na kailangan.” Iritado ngunit malumanag kong sinabi.

“Good for you, Tito. Para maturuan ng leksyon iyong gumawa sa kanya noon.” Singit naman ni Claire.

Tumingin ako sa kanya ng masama, kumindat naman ito bilang pagsagot sa akin.

“By the way, Tito and Tita, gusto niyo bang kumain muna or coffee?” Claire tried to entertain them.

“No, thanks hija. We’ll go now.” Ngiti ni Mama sa kanya.

Pagtapos libutin nang bahagya ang loob ng dorm namin, maging ang aming refrigerator ay pinakialaman ni Mama. Nakita niyang wala pa itong laman at agad niya na namang ibinida ang kanyang grocery skills dahil matagal na raw siyang di naggrogrocery ay nadgdagan na naman ang kwento niya kay Claire na gustong-gusto naman ni Claire.

She is wearing her casual white slacks and white polo tucked in inside na paniguradong matatabunan din ng white coat mamaya. Habang si Papa naman ay typical business attire ang suot.

“Take care, Claire. Please look for Neterini.” Sabay halik ni Mama kay Claire, at bumaling naman ito sa akin. “And you, next time mag-iingat ka na okay? Walang masama sa mga isinusuot mo, kailangan mo lang pauorin ang mga tao sa paligid mo.” Paalala niya at ‘saka ako hinalikan sa pisngi.

“Bye, Neterini. Claire.” Paalam ni Papa at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Kumaway ako nang nakalayo na ang sasakyan nila, mukhang hindi pa papalampasin ang school.

Nag-umpisa na rin kaming maglakad ni Claire dahil kailangan pa rin naming pumasok sa aming unang klase.

“So how was your talk with Brad?” She suddenly asked.

“Hindi maganda.” Sagot ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin, waiting for an explanation.

“Hindi niya nagustuhan iyong ginawa kong pagpapatawad agad doon sa lalaki.” Paliwanag ko, dahil iyon naman ang totoo. But that’s not what I think he is mad about.

“Why did you even let the guy passed that easily?” Naningkit ang mga mata ni Claire sa akin.

“I just think that masama ang nagtatanim ng galit sa mga tao.” Kibit-balikat ko sa kanya.

Umiling-iling siya sa akin, parang dumadagdag pa sa mga nadidismaya dahil sa pagpapatawad ko doon sa lalaki.

“That guy must be very blessed for doing something horrible without suffering in the end.” Aniya sa akin.

“It’s not that. Wala naman kasing magagawa kung magtatampo, magagalit o ano ako sa kanya. I mean, yes he did wrong to me, pero nagsorry na siya, and that’s enough. He already admitted his wrong, lumuhod pa siya sa harapan ng maraming tao, I think that’s an enough suffering.” I explained, “at nasuntok na siya ni Bradley, kaya sapat na iyon. Nakakaawa naman siya.”

Tinitigan ako ni Claire, hindi natitinag. “Ewan ko sa’yo, ‘yang linyang ganyan ay kadalasan nanggagaling sa mga taong sobrang bait, hindi ko alam kung isasama na ba kita doon.” Irap niya sa akin.

Nginitian ko na lang siya at hindi na nakipagtalo, she is like my parents, walang kaalam-alam sa lahat.

But I do wonder, kung may alam ba siya sa nangyari sa akin noon, will she react the same way around? Kasi I found out na hindi pala lahat ng tao ay pare-pareho ng pananaw sa buhay. If Claire knew about it, siguro’y mas magdedemand siya na magsuffer pa ang gumawa noon sa akin, same as well to my Mama and Papa, ngayon pa nga lang na wala pa silang alam ay nagdedemand na sila, paano pa kaya kapag alam na nila.

Although I feel like, the moment I open up my story, maraming mangyayari, may mag-aaway, may mapapahiya, may samahang masisira at may magagalit. Kung ako ang tatanungin, I’d choose not to open my mouth anymore. Kaysa gumawa pa ng gulo.

“Goodbye class!”

Iniligpit ko na ang isang ballpen at notebook na ginamit ko upang magnotes kanina habang nagdidiscuss ang aming professor. Napatingin ako sa gawi ni Claire at Shaney na ngayon ay hindi pa rin napuputol ang daldalan sa isa’t-isa.

“Wala akong time bukas, mamayang hapon na lang.” Shaney bragged dahil kanina pa ito kinukulit ni Claire about sa gucci bag.

“Fine! Pero paano si Neterini?” Sabay baling ni Claire sa akin. “Sama ka sa amin.” She suggested.

Umiling ako sa kanya, “ayaw ko, you know I don’t shop.”

“Sasamahan mo lang siya, Neterini.” Taas ng kilay ni Shaney sa akin.

“I don’t like to be tempted, though.” Pagdadahilan ko na lang.

“Bahala ka, Neterini. Kakain na rin sana tayong tatlo sa labas, in case.” Ani Claire nang nakanguso.

Ngumiti ako sa kanya, “the whole semester is still long enough to do that.” Wika ko sa kanya.

Isinukbit ko na ang shoulder bag ko at nag-umpisa nang maglakad palabas ng aming classroom, ganoon din ang ginawa ng dalawa na may panibagong topic na naman tungkol sa mga brands ng bag na gusto nila.

“Siya ba iyon?” I heard a woman asked her friend, while pointing at me.

“Yeah, siya iyon.” Sagot naman ng kanyang kaibigan.

“What is your problem?” Napatigil ako nang sitahin sila ni Shaney.

“What? We just think she’s prettier in person. Anong masama doon?” Parang batang paliwanag noong babae na hindi ko kilala.

Hinayaan iyon ni Shaney at pinagsabihan na lang silang masama ang pagchichismis sa buhay ng ibang tao kahit hindi naman iyon ang ginagawa ng dalawang babae. Napatawa ako sa inakto nito.

“What will we eat? Let’s try the snacks at the cafeteria?” Claire finally spoke up.

“Sure.” Sagot ko naman at lumiko kami agad dahil doon ang daan papuntang cafeteria.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 564 43
HIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang makisig at kahanga-hangang binata ay isa...
996K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
1.7M 72.4K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
6.4K 237 40
To what extent can you do in order to forget someone?