Miss Astig 2

By cursingfaeri

1.6M 34.7K 13.5K

"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Nam... More

Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Quince
Dieciseis
Diecisiete
Dieciotso
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
~BONUS CHAPTER~
Veintidos
Veintitres
Veinticuatro
Veinticinco
Veintiseis
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve
Treinta
Treinta y dos
Treinta y tres
Treinta y cuatro
Treinta y cinco
Treinta y seis
Treinta y siete
Treinta y otso
Treinta y nueve
Cuarenta
Cuarenta y uno
Cuarenta y dos
Cuarenta y tres
Cuarenta y cuatro
Cuarenta y cinco
Cuarenta y seis
Cuarenta y siete
Cuarenta y otso
Cuarenta y nueve
Cincuenta
Cincuenta y uno
Cincuenta y dos
Cincuenta y tres
Cincuenta y cuatro
Cincuenta y cinco
Cincuenta y seis
Cincuenta y siete

Treinta y uno

18.6K 578 125
By cursingfaeri

~31~


"Galit ka pa rin ba sakin?"


Obvious ba?

Tsk. Ito ang mga klase ng tanong na nakakabobo eh. Pero pinili ko na lang ang hindi umimik at nagkunwang walang narinig. Patuloy lang ako sa kunwang pag-i-isketch sa pad kahit shading lang naman talaga ang ginagawa ko kasi tapos na naman ‘yon.


"Ilang beses ba dapat akong humingi ng tawad?"


Ano 'to, teleserye moment? Try mo nang one million times raise to the power of eternity.


"Louie Antoinette K—"


"Kaya kong magka-grade ng uno nang hindi sumasali sa kahit ano'ng org para lang mapadali ang buhay ko. Hindi mo kailangang..." I scoffed para pigilan ang sariling makapagsalita pa ng masama dito. Pinasya ko na ding tumayo para iwasan ang magkasala pa. Sayang lang ang pagkumpisal ko nitong Linggo kung agad na iyon mababahiran ng mortal sin.


Pero hindi pa nakuntento ang hinayupak at talagang pinigilan pa ang braso ko.

Gusto ba talaga nitong masaktan?

"Ano ba?!" saad ko pagkatapos ipiksi ang kamay kong hawak nito. Mabuti naman at binitawan nito agad-agad.


Napatingin na ang lahat ng tao sa klase kahit mangilan-ngilan pa lang ang mga iyon. Mga usual na mukha ng mga taong alam mong punctual. At mukhang nagulat din sila sa pagtaas ng boses ko. Alam kong nagtataka ang mga ito. Usually kasi naririnig lang nila ang boses ko during recitation o kapag tinatanong ng prof tuwing wala nang ibang matawag sa mga advance lessons na questions nito at natsa-tsambahang napasadahan ko ng basa kaya medyo pamilyar sakin. And all those times, kalmado lang talaga ako. Syempre wala namang recitation na pasigaw, di ba, hahahaha. Kaya if I'm not mistaken, ngayon lang nila ako nakaringgan sa ganitong tono ng pananalita. Pwera na lang kung andun din sila noong nag-one-on-one kami ni Jeremiah.


"I said I'm sorry."

Bagot na bagot na sinalubong ko ang mga titig nito pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. "So I heard. And the more you say it, the more it doesn't make sense anymore."


Nakita ko ang panlulumo sa mukha nito sa binitawan kong salita. "Ang hirap mo namang i-please."


Ngumiti talaga ako ng mapakla. Ang arte talaga nito. Hindi ka bagay magdrama, dude. So you better stop doing that.

"Actually? Mas mahirap akong makalimot."


Mas lalo lang nagmukhang ewan ang itsura nito pagkatapos kong sabihin iyon.

"Are you saying that there's no chance for us to be friends? Because of what happened before?"


Napaatras yata ang ulo ko sinabi niya.

So he wants us to be friends? That is news.


Pero hindi ko maiwasan ang saglit na mapaisip. Masyado na ba akong OA sa nararamdaman kong galit dito? Sa hindi ko makalimutan eh. Yung tipong kahit wala naman siyang ginagawa, just his mere presence is enough to ruin my day.


"Siguro..." halos pabulong kong sabi at tuluyan nang tinalikuran ito para lumabas muna. Hihintayin ko na lang munang pumasok ang prof namin saka na ko papasok ulit sa classroom.


Kaya nagulat talaga ako nang pumunta siya sa bahay namin kinagabihan para lang kausapin sina Mama at humingi ng tawad sa harap nito. Kasama na din doon ang grandparents ko. I don't know how he got my address. Hindi na din ako interesadong alamin pa iyon. Bandang alas otso nang ipatawag ako sa kwarto dahil may naghahanap daw sakin. Nagkataon namang wala sina Kuya K at Kuya J 'non. Kakaiba pa ang tingin ni Mama sakin noong una. Inakala niya kasing aakyat ng ligaw ang puno.


Duh. Ang puno kaya ang inaakyatan, hahaha. Medyo korny, k bye.


"Ke gwapong bata naman nitong kaklase ni Louie," narinig kong bulong ni Lola habang nakatingin sa puno na kausap si Mama sa sala. Nagkasabay pa kasi kami ng grandparents ko sa paglakad patungo sa living room.


"Manliligaw ka sa apo namin, hijo?" tanong ni Lolo nang makalapit ito nang tuluyan at umupo sa couch.


Utang na loob naman 'lo.


"Hindi daw 'Ma, 'Pa. Hihingi daw ng tawad sa apo niyo. Akala ko nga din kanina aakyat ng ligaw," eksplika dito ni Mama habang nakangiti pero parang nanunudyo pa rin ang mga mata habang nakatingin sakin.


Push mo yan mother. Ewan ko lang kung matuwa ka pa sa punong 'yan 'pag nalaman mo kung paano ako alipustahin 'non.


Pero seriously, bahagyang kinabahan din ako kahit papaano sa pagsulpot ng puno. Baka kasi mabanggit niya ang sa pustahan, patay talaga kaming tatlo nina Kuya. Nagpadala na nga ako ng mensahe sa mga 'to na nandito ang kapatid ng karibal ni Kuya J pero parang ang busy nila ngayon, hmp.


"Nakapagsalita po kasi ako ng masama kay Louie noong nagquiz bee kami last year sa Ateneo. Sobrang nagsisisi po talaga ako sa mga binitawan kong salita. I just got carried away by my emotions," he stated while throwing glances at my side.


Lihim akong napaikot ng mga mata. Emotions your face. Ikaw kaya sabihan na compensatory mechanism lang ang pagiging matalino dahil broken family ka lang, at ipamukha pang wala kang tatay sa harap ng kaklase mo. Gaaago. Balian kita ng sanga diyan, eh.


"Ano ba ang sinabi mo sa apo ko, hijo?"


Kinakabahang napatingin ako kay Lolo. 'Wag 'lo. Baka hindi niyo matantiya 'yan.


"Masama po eh. Below the belt po talaga," nakayukong saad nito na tila hiyang-hiya nga sa sarili.


"Ano ba 'yong below the belt na 'yon?" tanong naman ni Lola dito.


Tumikhim muna ito. "Na... Compensatory mechanism lang po ng pagiging matalino niya ang kawalan niya ng..."


"Ng?" naghihintay na tanong ni Mama.


Makailang ulit na lumunok ang puno.

May nalalaman pang delaying tactics ha.


"Compensatory mechanism huh? You don't have a complete family that you wanted to excel so much in academics," I mimicked the exact words that he told me then.

Nakita ko kung paanong namula ang mukha nito sa pagkapahiya at biglang... Namutla? Ayos ah. May talent! Hahahaha.


"I'm... sorry, Louie. I really am."


"There you go again," natatawang saad ko at napatayo na. "I'm sorry po. But I have to go upstairs na. Mag-aaral pa po ako."

Wala nang nagawa ang mga ito nang dali-dali kong inakyat ang hagdan nang hindi man lang tinapunan ng tingin ang buwisita. I don't care anymore kung sabihin nito kina Mama ang tungkol sa pustahan. Naaalibadbaran na ako sa presensiya niya at ayoko nang magpaka-plastic pa.

But it turns out na hindi niya naman nabanggit ang tungkol sa kinatatakutan ko. Kinausap lang daw ito saglit nila Lolo at pinagsabihan then umuwi na. My grandparents, even my mother, was impressed of what he did. Bihira lang daw ang mga lalaking talagang haharap sa pamilya para aminin ang kasalanan at humingi ng tawad.

Eh, di siya na ang bayani. Sana pinalitan niya na din si Rizal, kahiya naman sa kanya.

Thursday…


"Louie, okay lang ba?"

Agad na napahugot ako ng malalim na hininga. Pwede bang magmura? Ano na naman ang kailangan ng— naman eh! Bakit ba kasi ni-rearrange nga ng prof namin ang seating arrangement, hindi naman naiba ang katabi ko sa kanan? Magkaiba din tuloy kami ng grupo ni Sand. Kung sana siya na lang ang naiwan na katabi ko instead of the tree beside me now, tsk.


"We'll have a long quiz next meeting. Class dismissed."

Nang marinig ko ang sinabing iyon ng prof ay tumayo ako agad at mabilis na naglakad palabas ng classroom. Sinenyasan ko si Sand na mauuna na ako dito. Nasa bandang AS building na ako nang makaramdam na naman ako ng ibang presensiya sa tabi ko at halos alam ko na kung sino. Sa pabango pa lang na suot niya parang ang sarap nang magkaroon ng super powers na teleportation.

"In-invite ako ng family mo over dinner tonight."

Napatigil ako sa paglakad sa sinabi nito.

Waaaaaaw. Sila na talaga ang close.


Pano niya kaya nabilog ang ulo ng pamilya ko?

"Nahihiya akong tumanggi," dagdag pa nito habang hinihintay ang reaksyon ko.


Himala, meron ka 'non?! Muntik ko nang ibulyaw dito pero sa huli ay napabuntong-hininga na lang ako. "Nakikikain lang din ako sa bahay. So suit yourself."

Akala ko hindi na ako nito susundan nang magsimula na akong maglakad, pero makulit talaga eh. Hindi lang siguro puno 'to, miyembro din yata ng saprophytic and parasitic spore-producing eukaryotic kingdom of fungi. Para kasing molds eh. At mushroom din. Magkapamilya lang naman ang mga iyon.

"Gusto mo sabay na tayo mama—"

"Wuy Maaaase!" Hulog ka ng langit!

Mas gugustuhin ko pang maging garapal kay Mason kaysa pagtiisan ang presensya ng puno. Kahit pa nakakahiya ako noong birthday niya. Eh ano naman? Charge to experience na lang 'yon, hahaha.


"Uy, Louie," halatang nagulat ito sa klase ng ngiti niya sakin.


Mas ngumiti pa ako dito kahit feeling ko mukha na akong ewan. Nasa tamang formation pa kaya ang mukha ko habang— Napansin ko ang hawak-hawak nitong cellphone. "Naks! Naka-iPhone! Tsk, tsk, tsk."

Tipid lang itong ngumiti. "Dala ko pala si Lark."

Lark... "Yung ibo— ah yung... beagle... Oh, kamusta? Close na ba kayo?" enthusiastic na tanong ko dito na talagang patalikod na sa puno. Gusto na yatang totohanin nito ang pagiging puno dahil parang wala pa ring balak umalis ang gago. Ugatan ka sana.


"Medyo. Hindi pa naman niya ako kinakagat," sagot naman ni Mase sakin.


Bahala na nga.

"Ay oo nga pala," saad ko kay Mason at muling ngumiti. "Ngayon ba 'yon? Sorry ha. Nakalimutan ko kasi. Nagtext ka nga pala. My bad."

"Oo...? Yata...?"

Halos matawa ako nang sakyan nito ang sinabi ko. Hindi ko in-expect iyon, pero thank you Mase. Nakakatawa lang talaga ang pagiging clueless mo. Ang cu— epic, hehe.

"Oh asan na siya? Tara na. Masamang pinaghihintay si Lark. Baka kagatin ka niya," sabi ko at ako pa mismo ang humawak sa braso nito. Halos kaladkarin ko na yata siya palayo doon. Walang lingon-lingon ang paglalakad ko habang minumura pa rin sa isipan ang puno.

Duh. De kumain siyang mag-isa kasama ang pamilya ko! Feeling close. Akala niya naman makikisabay akong kumain kasama siya? Ano, ito-torture ko ang sarili kong hindi matunawan mamaya? Ano'ng akala niya, dahil close na sila nina Mama, magiging okay din kami? Duh. Hindi ako uuwi 'no!


Bumalik lang yata ako sa reyalidad nang makarinig ako ng mga kahol. Nakita ko ang chinitang babae na nasa bandang gitna ng AS steps na tila pinagkakaguluhan pa yata ng mga tao habang hawak ang tali ng beagle. Nagtama ang mga mata naming dalawa na dahilan din nang biglang pagbitaw ko sa braso ni Mason. Bigla yata akong napaso na ewan.

"Hi! You again," nakangiting bati nito na ginantihan ko lang din ng isang tipid na ngiti at mabilis na napabaling kay Mason.

"Ah, Mase. Thank you ha? Next time na lang pala. May ano... May... Text text na lang tayo."

"Ah... Sige."

Hindi ko na pinansin ang pagtataka nito sa inakto ko dahil tuloy-tuloy na ako sa paglalakad at nag-abang ng taxi. I've decided na sa condo ako ngayon matutulog. Magluluto na lang ako ng pancit canton at maglalaga ng itlog. Then apple juice. Okay na 'yon. Pwede nang pantawid-gutom.

Pero hindi ko pa rin mapigilan ang paglatak. Kainis. Kasalanan talaga ng puno na 'yon kung bakit magtitiis ako sa— tsk, 'di bale.

Malapit na akong bumaba ng taxi sa tapat ng condo nang mabasa ko ang text ni Mama. Hindi ko pala nasagot ang dalawang tawag nito. Hindi ko kasi napansin.

Best Mom:

Saan ka anak? Bakit hindi

mo sinasagot mga tawag ko?

Magpapasundo ka ba kay

Mang Tonyo?

Tiningnan ko ang oras. Past 6PM na pala. Pinasya kong tawagan na ito.

"Ma, sa condo muna ako tonight ah. Uwi na lang ako bukas ng umaga. Wala naman akong pasok sa PE. May naiwan kasi akong notes na kailangan kong pag-aralan over the weekend. I'm almost here. I'm sorry hindi ko nasagot ang tawag mo. Hindi ko po napansin."

Narinig ko ang mahinang tawa nito. "Ang sabihin mo, may iniiwasan ka lang. Batang 'to talaga. Sige ako na bahalang magsabi kina lolo mo. But be sure na makauwi ka bukas. You have to fit your dress sa business launch this Saturday."

"Ha? Di ba nakabili na tayo last time? Na-fit ko na 'yon ah," nagtatakang tanong ko dito.

"May pinagawa akong bago. Basta i-fit mo lang. May plus one ka na ba sa Sabado? Huwag mong sabihing ang kapatid mo dahil baka merong girlfriend 'yon. Hayaan mo namang magdala ng sarili niyang date ang kapatid mo."

"Walang girlfriend si Hiro," agad na saad ko sa sinabi nito. Iyon ang naalala kong sabi niya last time at naniniwala ako ‘don.

Ayoko ngang i-entertain sa utak ang brat na babaeng 'yon. Kung yun din lang ang magiging girlfriend ni Hiro, 'wag na siyang maggirlfriend. Puwera na lang kung masasalba pa ang masamang pag-uugali niya. But judging from her behavior, parang ang hirap nang baliin ng sungay nito. Baka ang susunod na pagkikita namin hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang lutong pa namang maka-'Bitch' ng babaeng 'yon.

"Malay mo ayaw lang sabihin sayo. Hindi naman magpapahuli sa kagwapuhan ang kapatid mo kaya hindi nakapagtataka iyon," depensa naman ni Mama.

"De wag niyang sabihin, hahaha. Bahala siya kung maggirlfriend siya." Wag lang talaga si Caela.

Natawa ito sa sagot ko. "Nak, pwede ko bang malaman kung sino ang plus one mo?"

A realization suddenly hits me kaya napatuwid ako ng upo. Hindi magiging ganito ka-interesadong magtanong si Mama nang wala lang.

"Kaya niyo ba in-invite ng dinner si Montemayor dahil gusto niyong maging plus one ko siya?"

"Answer me first, Louie Antoinette. Namimihasa ka na sa pagsagot ng tanong ng isa pang tanong ah."

"Meron akong plus one, Ma," I informed her pero bakit pakiramdam ko ayaw nitong maniwala?

"Binata?"

"Binata, Ma. Grabe ka naman. Pramis, meron. Sige na po, bye."

Pinagalitan ako nito sa pagbaba ko agad-agad ng phone. Pero tinawanan ko lang ang text niya na nagtatanong kung kilala daw ba niya ang plus one ko. Ayoko ngang sabihin. Alam kong it will only take minutes at uulanin ako ng tukso ng mga pinsan ko. Bahala silang mag-isip.

Naglalakad na ako sa hallway patungo sa unit ko nang makatanggap naman ako ng MMS ng ni-regalo kong aso kay Mason. Prenteng nakaupo ang tuta sa semento na tila malungkot talaga ang anyo. Hindi ko tuloy maiwasang maawa kahit papaano.

From Mason:
Namimiss ka na ni Lark.
Ayaw tumigil sa pagkahol kanina.
Baka kagatin na 'ko pag di ka niya
nakita ulit. :)

Namimiss ka na... 

Ni Lark.


Bakit parang...

Agad akong napailing. Pagod ka lang, Louie.

Makapagluto na nga lang muna. Bwisit kasi ang punong 'yon eh. Bwisit talaga 'yon!

___

AN:

Si Dale Anthony aka Puno ang sa multimedia. :)

See you this November 16, Sunday, Precious Pages Bookstore, SM North Branch around 1-4PM. C2 Red Party will be more epic with you guys! :)

Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 1.9K 63
KF BOOK 2: SEMI EPISTOLARY Date Ended: November 16, 2022
97.2K 8.2K 40
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
63K 4.9K 25
Jazmine Allison and Sofiera
203K 4.7K 101
SS#2 an epistolary