BY THE WAY, IT'S NOW JACK DAR...

By mimhytot

2.4M 91.5K 45.5K

Will Summer Pascua still consider Jack Frost nothing but a nuisance now that their paths have crossed again a... More

Prologue
[1] The New or Still the Old Jack Frost?
[2] Resignation Letter
[3] Know Your Place
[4] Still the Same Old Stubborn Summer
[5] STOP AND STARE
[6] Jack and Eleanor's First Encounter
[7] Engaged for Eight Years
[8] The Only Exception
[9] Borrowed Time
[10] If I Lay Here, If I Just Lay Here
[11] Yakapin Mo Ako, Kahit Hindi na Totoo
[12] Will You or Would You?
[13] Turning Point
[15] Need You More Today
[16] Forget About Me
[17] What's Left Unsaid, Says it All
[18] I'd Come for You
[19] In the Midst of Rainy Night

[14] Guardian

57.6K 2K 1.1K
By mimhytot

What would life be if we had no courage to attempt anything? - Van Gogh

***

"Why go all the trouble when you could've honestly admitted you were there to pick Summer up?" Saad ni Sam habang naka-angkas sa likuran ni Jack. "But I must say that was pretty convincing act." Dagdag pa niya.

Hindi sumagot si Jack sa kanya at patuloy lamang sa pagmamaneho. Napakunot na lang ang noo niya nang mapansing tila pamilyar kung saan sila papunta.

Huminto si Jack sa tapat ng isang pampublikong paaralan. Ito ang paaralan ni Sam noong bata pa siya.

Nagtatakang tiningnan ni Sam si Jack. "Why did you bring me here?"

Bumaba sa motor si Jack at inalis ang sarili niyang helmet. Sapilitan rin niyang inalis ang helmet na suot ni Sam.

"Teka!" Mabilis na reklamo ni Sam at bumaba rin sa motor.

"I'm gonna enroll you back to Elementary 'cause obviously, I don't like how you've grown." Malamig na sagot ni Jack.

Saglit siyang natulala sa galit na mukha nito at saka unti-unting natawa. "What?" Natatawa at hindi makapaniwalang tanong niya. "You just didn't know where my new school is at." Sagot niya kay Jack.

"What do you study?" biglang tanong ni Jack sa kanya.

"Music," mabilis na sagot ni Sam.

Tumingin si Sam sa dati niyang paaralan. "I didn't realize I'd miss this place. Thanks for bringing me here." 

Sabay silang sumandal ni Jack sa motor habang parehas na nakapamulsa.

"Why did you take Music?" mahinang tanong ni Jack at saka nagsindi ng sigarilyo.

"Passion." Diretsong sagot ni Sam habang nakatingin pa rin sa paaralan na nasa harapan nila.

Seryoso niyang inilipat ang tingin kay Jack. "How 'bout you?" tanong niya.

"Business." Matipid na sagot ni Jack sa kanya.

"I mean, what's your passion?"

Saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago tuluyang sumagot si Jack.

"Art." Tipid na sagot niya.

"You paint?" Muling tanong ni Sam.

Tumango si Jack bilang sagot at saka ibinuga ang usok mula sa sigarilyo niya.

"What do you usually paint?"

"Her face." Diretsong sagot niya. "Her mad expressions." Dagdag niya at saka natawa nang pilit.

Tahimik lang si Sam habang nakatitig sa mukha ni Jack. He was there smiling but somehow, his smile hurts.

"Wow, mad expressions?" Natatawang tanong ni Sam sa tangka niyang pag-iiba ng seryosong atmosphere.

Matagal bago muling sumagot si Jack.

"I tried every fvcking day, for too many fvcking years, not to forget her face." Tumingala si Jack at tiningnan ang mga ulap. "I tried to remember every single day I was with her. Every fvcking times she was inches away from me. Every fvcking moment I was holding her..." He paused and looked back to Sam. "And for all those times... she never smiled."

Muling natahimik si Sam. He didn't know their conversation would lead to a serious one. Nanatili silang tahimik habang pinagmamasdan ang paaralan sa harapan nila.

Nagulat na lamang sila nang may dumating na police car at isang towing truck.

Bumaba ang pulis sa sasakyan at lumapit sa kanila.

"Sir, illegal parking po tayo." Bungad nito sa kanila.

Mabilis na napatayo nang maayos ang dalawa. "What?!" sabay na hindi makapaniwalang tanong nila.

"This part of town is a tow-away area," pag-explain ng pulis.

Masamang tiningnan ni Jack si Sam. "Damn, they're towing my sexy bike." Inis na bulong niya.

"I didn't know about it!" Mabilis na pagtatanggol ni Sam sa sarili.

Parehas na wala silang nagawa habang pinapanuod na isinasakay ang mamahaling motor ni Jack sa towing truck.

"Medyo paki-ingatan lang po si Babe. Hihingin ko pa po 'yan sa may-ari!" Paki-usap ni Sam sa mga nagtotow.

Muli siyang tiningnan nang masama ni Jack.

"Diba ibibigay mo naman talaga 'yan sakin?" Kampanteng saad ni Sam.

Inis na lang na napa-iling si Jack.

"At isa pa, kailangan mong sumama sakin sa presinto." Saad ng pulis kay Jack.

Sabay na napatingin si Jack at Sam sa pulis.

"You've violated the Executive Order No. 26. Nationwide smoking ban order , Sir."

"What?!" Sabay na hindi muling makapaniwalang tanong ng dalawa.

Pinagbuksan ng pulis nang pintuan si Jack.

"Oh, hindi na ako ang may kasalanan niyan." Tila nang-aasar na saad ni Sam

Galit siyang tiningnan ni Jack bago sapilitang sumakay sa sasakyan.

Nagulat naman si Jack nang sumakay din si Sam sa police car.

"Tinatamad ako maglakad eh. Papababa na lang ako pag malapit na tayo sa sakayan papunta sa school." Dahilan nito.

"I can't believe you." Inis na saad ni Jack habang naniningkit ang mga mata niya sa galit. 

Galit siyang sumandal sa upuan. He crossed his arms and looked outside. "What's up with you Pascuas always throwing me to police cars and precincts?" inis na bulong niya nang maalala niya kung paano siya nakapunta sa unang pagkakataon sa isang presinto dahil kay Summer.

Dumating sila sa presinto pero hindi nakababa si Sam sa sakanyan papuntaa sa school niya dahil nakatulog ito.

Sinadya ni Jack na hindi ito gisingin. Nang bumaba na siya ay hindi niya pa rin ito ginising. Imbes ay isinara niya nang malakas ang pintuan nang sasakyan pagkababa niya upang magising ang bata sa gulat.

"Huy! Teka!" Sigaw ni Sam nang makita niyang naglalakad na si Jack papasok sa presinto kasabay nang pulis.

Hinabol niya ang mga ito at sumabay sa paglalakad. "Why aren't you leaving?" Nagtatakang tanong ni Jack sa kanya.

"Hintayin na kita matapos dito. Magbabayad ka lang naman ng penalty eh. Tapos sunduin na natin si Babe sa imbakan ng sasakyan?"

Jack rolled his eyes. He thought the kid he knew 8 years ago grew into a matured man.

Binigay niya ang susi ng motor kay Sam. "Don't tell Summer I brought you here."

Mabilis na kuminang ang mga mata ni Sam. "Hindi ko naman talaga sasabihin pero, maraming salamat sa isang napakagandang suhol!" tuwang tuwang ika nito.

The police men asked for Jack's ID. He was hesitant to give them his ID as this may reach the media and it is for sure that his face will be at every news papers' headline first thing in the morning.

"I want my lawyer." Biglang saad ni Jack.

Lahat ng mga pulis ay napatigil sa ginagawa nila at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.

"Why would you want a lawyer when you just need to pay for penalty?" bulong ni Sam.

"I can't expose my identity here, kiddo. Look at the trouble you put me into." Mabilis na sagot ni Jack sa kanya.

"Haaay. Isa nanamang pa-VIP. Sige, maghintay kayo doon sa sulok hanggang dumating lawyer mo." Saad ng Pulis. Mukhang pagod na itong makipagtalo sa iba't ibang klase ng tao. Siguro ay madalas itong nangyayare sa kanila. Pero iba ang sitwasyong ito kay Jack. Hindi lang siya basta-basta pasaway na mamayan na nagpapaka-VIP. He is indeed a VIP and a single mistake will throw all his hard work for 8 years to trash.

Naghintay sila nang mahigit isang oras bago dumating si Mr. Morgan. Pero di tulad nang inaasahan ni Jack ay hindi dumating ang matanda nang mag-isa. Kasama nito si Eleanor.

Inikot nang dalaga ang tingin sa presinto. Nang makita niya si Jack sa sulok ay mabilis itong lumapit sa kanila suot ang nag-aalalang mukha.

"Oh my God, Daryl. Are you alright?" Puno nang pag-aalalang tanong niya.

Puno pa ng pasa at band-aid ang mukha ni Jack kaya't labis siyang nag-aalala. Akala niya ay napa-away ito. Hinawakan niya ang mukha ng binata upang makitang maigi ang mga tama niya.

Si Sam naman ay naguguluhang pabalik-balik ang tingin kay Jack at Eleanor. Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Eleanor na nakahawak sa magkabilang pisngi ni Jack. Nakita niya ang kumikinang na sinsing sa daliri ni Eleanor.

Napatayo siya dahilan para mabaling ang tingin ni Eleanor sa kanya. 

"Please don't tell me she's your fiance." Tila nanlalambot na tanong ni Sam. Inis na napayuko si Jack.

Naguguluhan naman siyang tinitigan ni Eleanor. "Do you know him Daryl?" tanong ng dalaga.

Hindi sumagot si Jack at inalis lamang ang kamay ni Eleanor na nakahawak sa mukha niya.

"Sagutin mo 'ko." Seryosong tanong ni Sam. "Is she your fiance?" Sobrang hina ng boses niya at halos hindi na marinig ang tanong niya.

Dahan-dahang tumango si Jack.

Hindi makapaniwalang natawa si Sam at napasabunot sa sarili.

"Eh gag0 ka pala eh!" Galit na sigaw niya at agad na sinapak si Jack.

Nagulat ang mga tao sa presinto dahil sa nangyareng gulo. Agad na umaksyon ang mga pulis at inawat si Sam.

"Napakagag0 mo!" Sigaw ni Sam at pilit na inaalis ang kapit ng mga pulis.

"Hey! Watch it kid!" Galit na sigaw ni Eleanor at muling hinawakan ang mukha ni Jack upang tingnan ang parte kung saan tumama ang suntok ni Sam pero inalis muli ni Jack ang kamay niya.

Pinunasan ni Jack ang dugo sa labi niya at nanatiling nakayuko.

"How could you?!" Hindi pa rin tumitigil si Sam.

"Sandali lang hijo, baka nakakalimutan mong nasa presinto ka. Maari kang makasuhan ng physical injuries." Saad ng pulis.

"I won't file a complaint. Please let the kid go." Mabilis na pagkontra ni Jack.

Sarkastik namang natawa si Sam. "You're the biggest as$hole I've ever met, Jack!"

Inis na napahawak si Jack sa noo niya at tumayo. "Yes, I'm a fvcking as$hole. Is that it, Sam? Is that all you could do? C'mon, kick me everywhere, punch me everywhere, if that's what it takes to forgive this motherfvcking as$hole, then fvcking hurt me! But weren't doing that inside this fvcking precinct 'cause that's equal to ruining your life!"

Saglit na natigilan si Sam. Pilit niyang kinalma ang sarili at inalis ang kapit ng mga pulis sa kanya. Kinuha niya ang bag niyang nakapatong sa upuan kung saan siya nakaupo kanina sa tabi ni Jack at saka pumunta sa kabilang sulok ng presinto. 

Narinig ni Jack na kinausap nang mga pulis si Sam at hiningi ang contact # ng guardian niya.

Lumipas ang ilang minuto at malungkot na lumapit si Mr. Morgan sa kanya. "Naayos ko na ang mga papeles, Mr. Frost. Maari na tayong umalis kung nanaisin nyo." Saad nito.

"Let's go, Daryl. You know you can't stay here for so long," saad naman ni Eleanor.

Tiningnan naman ni Jack si Sam na nasa kabilang sulok at kunot noong nakayuko.

"Did you try to fix his papers too?" tanong ni Jack habang nakatingin kay Sam.

"The police won't let me. I heard his guardian is on his way." Mabilis na sagot ni Mr. Morgan.

"I won't leave 'til his parents are here. I need to apologize for the trouble."

"Seriously? He's the one who put himself to trouble. He assaulted you." Pagkontra ni Eleanor.

"And that's because I disappointed him, Eleanor. Can't you fvking tell who that kid is? It's fvcking Summer's little brother for pete's sake!"

Natigilan siya at muling tiningnan si Sam. Nakita niyang nagpunas ito ng pisngi habang nakayuko. Mabilis siyang nabalot ng lungkot. Binalik niya ang tingin kay Jack at napayuko.

"Just how many more people are we hurting here?" malungkot na tanong niya.

"Sam!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Napatayo si Jack. Paulit-ulit niyang nirerehearse sa isipan niya kung paano siya magpapaliwanag kapag dumating na ang mga magulang ni Sam pero agad na nanikip ang dibdib niya nang makita kung sinong guardian ang tinawagan ni Sam.

"Kuya Storm..." Tawag ni Sam sa lalaking dumating upang sunduin siya.

The thought of Sam considering him as his guardian breaks his heart. 

Napansin lamang ni Storm na nandoon din si Jack nang tuluyan na siyang nakalapit kay Sam.

Nanatiling nakatayo si Jack habang pinapanuod si Storm na kinakausap si Sam at ang mga pulis. Ilang minuto pa at nag-ayos na ng gamit si Sam at mukhang hinayaan na siyang umalis kasama si Storm.

Hindi pinansin ni Storm si Jack. Lalo na't kasama nito si Eleanor. At isa pa, mukhang gusto na rin ni Sam umalis at ayaw makausap si Jack.

Mabilis na sumunod si Jack sa kanila nang lumabas na sila. Bago pa sila tuluyang makarating sa sasakyan ay hinablot ni Jack ang braso ng kapatid ni Summer.

"Talk to me, Sam." Pigil ni Jack. His tone is full of desperation.

Hindi siya tiningnan ni Sam at inalis lamang kamay niyang nakakakapit sa kanya.

Pinanuod niyang kunin ni Sam ang susi ng motor sa kanyang bulsa at inabot sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi tahimik itong kunin. Walang salitang tinalikuran siya ni Sam pagkakuha niya ng susi. Nanatili siyang nakatitig sa likuran ng bata hanggang sa tuluyan itong sumakay sa sasakyan ni Storm.

Pinanuod niyang umalis ang sasakyan. 

Inis siyang napatingala at paulit-ulit na hinampas ang dibdib niya na kanina pa naninikip.

Nang makita niyang lumabas na rin si Eleanor at Mr. Morgan mula sa presinto ay walang salita siyang dumiretso sa sasakyan. Nanatili siyang tahimik sa buong byahe at ganoon din si Eleanor.

Ramdam ni Eleanor na ayaw munang makipag-usap ni Jack sa mga ganitong klaseng pagkakataon. He usually would drown himself to work and make himself busy just so he can stop thinking about what troubles him.

Tama nga si Eleanor nang dumiretso sila sa opisina ni Jack. Nanatili siyang nakabuntot sa binata papaakyat sa office nito habang si Mr. Morgan naman ay nanatili sa sasakyan.

She wants to apologize. None of it will happen if she didn't show up there.

Nang makarating na sila sa floor kung nasaan ang office ni Jack ay pinilit niya pa ring sundan ito hanggang sa loob ng office niya.

Nang makapasok na sila sa office ay isinara niya ang pintuan upang pribadong makausap ang binata.

"Look I'm sorr--" Natigilan siya nang makita si Jack na natigilan din sa paglakad patungo sa mesa niya.

Parehas napako ang tingin nilang dalawa sa babaeng mahimbing na natutulog habang nakaupo sa sofa ng office ni Jack. Mukhang nakatulog ito sa tagal niyang paghihintay. 

Napansin nila ang first aide kit na nakahanda na sa lamesa. Mukhang naghihintay siya doon upang gamutin ang mga sugat sa mukha ni Jack.

Nang mukhang unti-unting nagigising ang dalaga ay mabilis na inalis ni Eleanor ang singsing na suot-suot niya.

"Oh, I'm sorry..." saad ni Summer nang mapansing nasa harapan niya sina Jack at si Eleanor.

"Pasensya na.. Hindi ko sinasadyang makatulog." Muling paghingi niya ng pasensya at saka mabilis na iniligpit ang mga gamit na inihanda niya sa mesa upang ipanggamot sana kay Jack. "Mukhang may pag-uusapan ata kayo. Babalik na lang ako bukas."

Tahimik na pinanuod ni Jack si Summer habang natatarantang inaayos ang mga gamit niya. Napahawak siya sa dibdib niya dahil kumikirot nanaman ito habang pinapanuod ang dalaga sa harapan niya.

Tumayo ito at nagbow sa kanila para magpaalam. Nagsimula itong maglakad sa gilid nila upang umalis at iwan silang dalawa pero agad niyang hinawakan ang braso nito dahilan para matigilan ito sa pag-alis.

"Stay." Mahinang bulong niya. "I can't stand watching you walk away."






to be continued....

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 32.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
947K 32.5K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
146K 5.9K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...