Matthew POV
(Oras bago ang kasalan)
"Matthew!" Sigaw ni Psyche sa gitna ng dagat. Nagkalat ang ilang piraso ng eroplano sa paligid. Gabi na dito.
"Matthew! Nasan ka?!" Sigaw ulit nito at nilibot ang tingin ng buong dagat.
"Matthew!" Muli nyang sigaw.
"Psyche Nasan ka?!" sigaw ko.
"Matthew? Matthew nandito ako!" Sigaw nya. Nakita ko naman agad siya at agad akong lumangoy palapit sa kanyan at ng mag tagpo ang agwat namin ay niyakap ko siya at hinalikan..
"Matthew...." Sabi nya at niyakap ako.
"Ayus ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong ko. Umiling iling siya.
"Yung sugat mo?" Tanong nya. Ngumiti lang ako at niyakap siya.
"Ayus lang ako Psyche ko." Sabi ko habang yakap sya.
"Sir Vermone Wake up."
Dinilat ko ang mga mata ko at puting kisame ang nakita ko.
Napanaginipan ko si Psyche.
Tumingin ako sa orasan. 9 AM. Isang oras bago ang kasal namin ni Sharia.
Bumangon ako at sa pag bangon ako ang syang pag sakit ng ulo ko. Shit, parang hinahati ang ulo ko.
"You need to prepare, after 30 minutes we will go to the church." Sabi ng butler ni Sharia.
Lumabas ito sa pinto at iniwan ako.
Tumingin ako sa kisame at napa hawak sa ulo ko. Sobrang sakit talaga. Maya maya ay napag desisyonan ko na maligo na dahil ilang oras nalang ay kasal na namin ni Sharia.
Matapos ang ilang minuto ay ayus na, naka pag ayus na ako at papunta na kami ngayun sa Simbahan.
"Kailangan nating humingi ng tulong." Sabi niya.
"Walang makaka rinig satin kasi nasa gitna tayo ng dagat." Sabi ko kaya natawa sya.
"Tama, nasa gitna tayo ng dagat. Saang dagat ba to?" Tanong niya habang natatawa.
"Psyche ko." Tawag ko kaya napa tingin sya sa akin.
Ngumiti ako at niyakap ulit sya.
"Sobrang saya ko dahil bumalik na ang ala-ala mo." Sabi ko kaya napa ngiti sya.
"Ako din." Sagot niya.
"Alam kong hindi sobrang romantic to di gaya nong una pero.... Gagawin ko." Sabi ko kaya napa tingin sya sa akin.
"Naalala mo yung unang araw na nag kita tayo?" Tanong ko kaya tumango tango sya.
"Sa bahay na purple ni kuya Inigo." Sabi niya kaya natawa ako.
"Na love at first sight ako sayo non Psyche ko. Na curious ako kung bakit laging naka simangot ang mukha mo at di ka manlang ngumingiti." Sabi ko.
"We're here." Sinilip ko ang labas ng simbahan kung saan sa loob non ay madaming bisita.
Here we go. Hindi ko pwedeng takasan ito. Si Sharia ang Pinili ko so papanindigan ko.
Lumabas na ako ng sasakyan at agad na sumalubong sa akin ang coordinator ng kasal.
"Sir, mag hintay nalang po kayo don sa harap ng altar. Unting push nalang po ay darating na ang bride niyo." Sabi ng coordinator. Tumango lang ako at nag lakad papasok sa loob ng simbahan. Habang nag lalakad sa gitna ay madaming bumabati sa akin ng congrats, ngiti nalang ang sinasagot ko dahil hindi ko naman Feel ang kasalan.
"Naalala mo yung unang ngumiti ka?" Tanong ko.
"Yung ginawa mo kong personal body guard mo." Sagot nya.
"Sobrang saya ko non kasi feeling ko ako ang unang lalaking nakapag pangiti sayo." Sabi ko at ngumiti.
"Eh yung araw na kumain ka ng sandwich tapos may lason pala." Sabi ko natawa siya.
"Oo, yun yung unang beses na nahospital ako." Sagot niya.
"Ang dami nating napag daanan Psyche, lumaban sa gera, na comma ka sa loob ng ilang taon, nawalan ka ng ala-ala, dumating ang baliw mong ex, nilayo ka sakin, nakipag patayan don sa eroplano at ito ngayun. Nasa gitna ng dagat kasama ka habang nasa taas ang bilog na buwan." Sabi ko kaya napa ngiti sya.
Iniangat ko ang hawak ko at nanlaki ang mga mata niya ng makita niya iyon.
"Nong araw na inaway mo ko kasi siniraan ako sayo ni Michael, dapat yun yung araw na mag propropose ako sayo."sabi ko saka tumingin sa kanya.
" ngayung ayus na ang lahat..... Dito mismo sa gitna ng dagat ako mag propropose sayo."sabi ko at ngumiti.
"Nanjan na ang bride." Sabi ng coordinator. Sumara ang pinto ng simbahan at nag simula ang kasalan. Biruin mong may mga flower girl pa sa kasalan namin.
Napa yuko ako at napa pikit ng sumakit ulit ang ulo ko.
May mga panibagong imahe nanaman ang nag pop up sa ulo ko.
"Ano natawagan mo na ba?" Tanong ko kay Inigo na inaayus yung table na gagamitin namin.
"Oo, 30 minutes nandito na daw siya." Sagot niya. Huminga ako ng malalim saka nilibot ng tingin ang buong lugar.
Ilaw, check. Roses, check. Nag kalat na rose petals, check. Dalawang upuan para samin ni Psyche, check. Mga pagkain, check.
"Inigo yung fireworks?"tanong ko.
" hoy Jello yung Fireworks? "Tanong ni Inigo.
" ayus na, ako na bahala don."sabi niya saka inakbayan ako.
"Ayus na din yung romantic music." Sabi naman ni Jorgie. Huminga ako ng malalim.
"Nako, kabado ang manok natin." Sabi ni Jello at tinapik tapik ang braso ko.
"Relax men, parang tae lang yan na kailangan mong ilabas." Sabi niya kaya binatukan ko siya.
"Paiyakin mo muna si Psyche bago ka lumabas." Sabi naman ni Jorgie.
"Anong paiyakin. Pakyu boi di ko kayang makitang umiiyak si Psyche." Sabi ko.
"Bro, mas may thrill kung papaiyakin mo muna siya bago ka mag propose." Sabi naman ni Inigo.
Tama, mag propropose na ko kay Psyche ng kasal at sobrang kinakabahan na ako ngayun.
Bakit pag sa telenovela parang cool parin ng mga lalaking nag propropose sa taong gusto nila. Pero bakit pag real life parang gusto kong matae na ewan.
Ayoko ng pakawalan pa si Psyche, alam kong masyado pang komplekado ang lahat dahil sa di pa niya na aalala ang lahat. Pero gusto kong ikasal kami kahit na wala siyang naaalala.
"Guys nanjan na siya!" Napa tingin kami kay Neon na nag mamadaling pumunta dito.
Nanlaki ang mga mata naming lahat saka umayus.
Tinapik nila ang balikat ko bago nila ako iwan. Huminga ako ng malalim saka pinunasan ang pawis na tumutulo mula sa ulo ko.
Kaya mo yan Matthew.
Hindi ko namalayan na nag bukas na pala ang pinto ng simbahan at malapit na sa akin si Sharia. Napa tingin ako sa labas ng simbahan at kumabog ang puso ko ng makita ko si Psyche na naka tayo sa labas ng simbahan at halatang umiiyak siya. Napa lunok ako.
I'm sorry.
"Hey Vermone are you okay?" Tumingin ako kay Sharia na naka ngiti. Tumango lang ako saka siya inalalayan papunta sa harap ng altar.
"Saksi ang Buwan at mga bituin sa gagawin ko ngayun, kaya Psyche Ty Zakura, will you marry me?" Tanong ko kaya agad syang tumango tango at niyakap ako.
"Yes..." Sagot nya at hinalikan ako.
Sobrang saya ko ng isuot ko sakanya ang singsing. Napa ngiti ako habang naka tingin sa singsing na ngayun ay nasa kamay ko nya na.
"Kung sino'man sa loob ng simbahan na ito ang tutol sa kasalan ng dalawang ito, maaring tumayo at mag salita kung bakit." Dinig kong sabi ng pari.
Dahan dahan kong nilingon ang labasan ng pinto pero papasara na yun at wala na doon si Psyche. Binalik ko ang tingin ko sa pari.
"Pinapangarap ko lang to dati, ngayun natupad na."
"Matthew ayus ka lang ba?" Tanong niya.
Ngumiti ako at tumango tango. Ang sakit ng sugat ko.
"Ipangako mo sakin na makaka alis tayo sa dagat na to ng sabay." Sabi niya kaya ngumiti ako.
"Napanuod mo yung Titanic?" Tanong ko kaya natawa sya.
"Oo naman." Sagot nya.
"Parang ako si Jack tapos ikaw si Rose." Sabi ko kaya napa tigil sya.
"Nasa gitna tayo ng dagat kasama ang ilang parte ng eroplano. Napanuod mo ba yung part na sinabi ni Jack na... Winning that ticket was the best thing that ever happened to me, it brought me to you. And I'm thankful for that Rose, I'm thankful. " tanong ko.
"Matthew ano bang--"
"Ganon din sasabihin ko sayo kaso ibang lines naman. Ang i hired ka bilang bodyguard ko ang pinaka magandang pang yayare sakin at hindi ko iyon makakalimutan, dahil yun ang naging daan para maging akin ka at nag papasalamat ako don." Sabi ko at hinalikan ang kamay kung saan nakasuot ang singsing.
"Matthew ano bang sinasabi mo?"
"Alam mo yung part don na... Nasa gitna ng dagat si Jack at Rose? Yung part na nag i love you si Rose kay Jack pero ang sabi ni Jack ' no... Don't say your goodbye Rose, don't you give up, don't do it. ' " sabi ko.
"Matthew umayus ka nga tinatakot mo ko."
"Hindi ko sasabihin ang I love you kasi hindi pa ko mawawala..." Naka ngiti kong sabi. "Pero kung sakaling di na ako umabot ng umaga dahil--"
"MATTHEW ANO BA?!" sigaw nya.
"Dahil baka maubusan na ko ng dugo, eh lagi mong tatandaan. Ikaw lang ang babaeng sineryoso ko at minahal ko ng todo, na dumating na sa point na mabaliw na ako pag di ka nakikita ng ilang minuto o sigundo." Pag papatuloy ko.
"Matthew mag papakasal pa tayo kaya wag na wag mong sasabihin yan naiintindihan mo ba?"
"Gaya ng sinabi ni Jack sa Titanic, wag na wag kang susuko. Makaka alis ka sa lugar na ito at mag kakaruon ng asawa, mag kakaruon ng maraming anak at sa kama sa pag tanda mo doon ka hihiga at mawawalan ng buhay. hindi dito Psyche hindi dito."
"Tama, magiging asawa pa kita at mag kakaruon tayo ng maraming maraming anak tapos sa kama doon tayo sabay na hihiga at mawawalan ng buhay, hindi dito Matthew." Sabi niya habang yakap ako.
Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin kay Sharia na katabi ko.
I remember anything.
Ngumiti sa akin si Sharia.
Malaki ang utang na loob ko dito pero kay Psyche lang ako kakalampag.
"Kung ganon aking sinisimulan ang--"
"Itigil ang kasal!" Sigaw ko dahilan para mapatingin sila sa akin.
I'm sorry pero kay Psyche lang ako itinakdang ikasal at sa kanya lang din ako kakalembang.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper