" Saan tayo? " - Trisha
" Sea side tayo!! " - Jenice
CHRIS POV
Papunta na kami ng Sea side.
Ayon nga sa kagustuhan ni Jenice.
Ewan ko. Pero magulo pa rin utak ko ngayon.
Hindi naman kasi ganun kadali yung gustong mangyari ni Pierre eh.
Kapag natupad lahat ng signs sa loob ng four months, Bibitawan ko na talaga siya.
Bibitawan ko na talaga si Bea.
I'll move on after it.
" Boyfie! Tikman mo to. Binake ni Mommy :) " Sabi ni Jenice habang nakangiti tapos nakatapat sa akin yung cookies.
" Nah, I'm full " sagot ko.
TRISHA'S POV
" Nah, I'm full " sagot ni Chris kay Jenice.
Cold tone yun.
Napatingin naman ako kay Jenice.
Biglang nag-iba yung mukha niya.
Parang nalungkot.
Kung ako gaganunin, masasaktan din ako.
Syempre, pinabake pa ni Jenice yun sa mommy niya eh. :(
" Ako nalang titikim Jenice! " sabi ng epal na si Pierre.
" Oh. " Sabi ni Jenice sabay abot ng cookies kay Pierre.
" Masaraaaaap! *u* " - Pierre
" ...... " - Ako
" >_> " -Chris
" ^___^ " Jenice
" O_o" yung ibang kasama namin.
" Gusto mo Trisha? " Tanong niya.
" Ayoko. Okay na ako na nakikita kang kumakain. " - Ako
Weh? Sinabi ko talaga yun? XD Hahahaha!
May epekto rin pala sa akin yung sinat ko.
PIERRE'S POV
" Ayoko. Okay na ako na nakikita kang kumakain. " - Trisha na hindi nakatingin sa akin.
Kumain nalang ulit ako tapos ngumiti.
" Dre, Nilalagnat ka ba? " Tanong sa akin ni Alec.
" Ha? " - ako
" Namumula ka kasi eh. Nilalagnat ka ba? " - Alec
Hala? Namumula na pala ako.
Tae, Kinikilig lang ako. xD
" Oo nga Pierre, Namumula ka " Bulong naman ni Alexa.
" Wala to. baka nga nilalagnat lang ako. " Sabi ko naman.
" Patingin nga. " - Alexa
Nagtataka ba kayo? kung pano kami nakakapag-usap?
Ganto yan, nasa Van kasi kami. tapos si Trisha nasa harap namin.
Kanina nakadungaw siya dito sa likod.
Tapos kami nila Alec, Ako, Alexa at Jed yung magkakatabi.
Bali katabi niya yung dalawa. Si Chris at Jenice.
Gets na?
" Di ka naman nilalagnat eh. " - Sabi ni Alexa.
" Alam ko na. Kinikilig ka nu? " sabi naman ni Jed na may pang-asar na ngiti.
" Hindi ako kinikilig okay? " sagot ko naman.
" Pre, kalalaking tao mo tapos nagblublush ka. HAHAHAHAHAHAHA! " Sabi niya. tapos yung tawa niya napalakas.
" Ang ingay niyo. " Sabi ni Trisha tapos dumungaw ulit siya sa amin.
Patay.
Napatingin siya sa akin tapos biglang ngumiti.
" Bakit ka namumula? HAHAHAHA! Mukha kang tomato XD Pffft XD " - Trisha.
" Stop it. " Sabi ko.
Nakakahiya eh.
" Okay xD " - Siya.
" Nako Trisha, Wag kang masyadong magalaw anak. mamaya biglang preno ko, mapunta ka dito sa harap. " sabi ni Manong Driver .
" Sorry po " Sagot naman ni Trisha.
" Ang kulit ng mukha mo Pierre. Priceless. " sabi ni Alexa sabay picture sa akin.
=_______=
" Delete mo yan. " ako
" Ayoko. " Alexa.
" Guys! Open niyo bluetooth niyo! May ipapasa ako sainyo. Scandal to! XD " Dagdag pa niya.
Naglabasan naman lahat ng cellphone.
This girl. +___+
I glared at Alexa.
Sumilip ako sa may butas. I saw Trisha smiling.
If i know, nagwagwapuhan lang to sa akin =____= >:DDD<
" Why are you smiling? " Pabulong kong sabi sakanya.
Nakasandal kasi siya sa may window.
" Pakealam mo ba? " - siya.
" Tss. Nagwagwapuhan ka ba sa Picture ko? " tanong ko sakanya sabay smirk.
" Asa. don't assume too much. I'm just smiling 'coz you look stupid. " - Siya sabay smirk.
O_o
T_____T Eeeh. Pahiya na naman ako.
" Sus. " Sagot ko nalang.
Mukha kaming tanga
Buti nga hindi nila pansin na nag-uusap kami eh. tawa kasi sila ng tawa.
Except lang kay Trisha na hanggang ngiti lang at si Chris na kala mo binagsakan ng langit at lupa. =____=
TRISHA'S POV
Assuming =_____= I just smiled 'coz he really looks stupid.
Tss.
Habang tumatawa yung mga kasama namin, napansin ko naman si Chris na nakasimangot.
Tsk. ano bang nangyayari dito sa isang to?
Nung nakababa na kami sa sasakyan, hinila ko agad si Chris habang hindi napapansin nung iba naming kasama .
" What? " tanong niya.
" Let's talk. anong problema? You're acting like you're someone else. " sabi ko sakanya.
" Walang problema. " Sagot niya.
" Really? thn bakit ka ganun kay Jenice? Look Chris, pinaghirapan ng Mommy ni Jenice na i-bake yun for you. Tapos i-dudump mo lang? You're telling her na you are already full? You know what, dapat tinikman mo nalang eh. kahit na busog ka. Cookies lang naman yun eh " - Ako
" Tss. Sorry okay? Wala lang talaga ako sa mood tikman yung binake ng mom niya. " - siya.
" Haaay. Chris, I don't know you anymore. " sabi ko sakanya.
" I'm sorry. Sorry kung ganito yung inaasal ko. Hindi pa talaga ako handang magkwento kung anong nangyayari. " sabi niya sabay yuko.
" *sigh* Can you do me a favor? " tanong ko.
" Sure, ano yun? "
" Humingi ka ng sorry kay Jenice about dun sa nangyari o ginawa mo kanina. nasaktan siya sa sinabi mo Chris. I know Jenice. She may look strong physically pero she's fragile. Last thing, kapag handa ka ng ikwento sa akin kung ano ba talaga yung nangyayari, Call me. Hindi mo dapat sinasarili kung ano man yan. " sabi ko sakanya.
Tumango tango naman siya.
Chris, What's happening?
Nainibago lang ba ako sa atmosphere ng barkada o sadyang nagbabago na talaga si Chris?
Lumakad na palayo si Chris.
Hindi pala lakad. Takbo. Takbo para mahabol niya si Jenice.
Lumakad na din ako.
" BOO "
" Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah Kalabaw na aswang T____T "
" HAHAHAHAHAHAHAHA! Hindi Hahahaha! hindi ako.. Pfft. Hindi ako kalabaw na aswang nu. ang Pogi ko tapos. Hahahahaha! " Okay. +_____+ Ang hangin lang.
" Cut it out. " Inis na sabi ko sakanya.
Sh*t.
" Okay. Yung mukha mo Priceless. Pfft. " Sabi niya habang nagpipigili ng tawa.
PIERRE'S POV
" Okay. Yung mukha mo Priceless. Pfft. " Sabi ko habang nagpipigil ako ng tawa.
Lumakad na siya palayo tapos hinabol ko siya then inakbayan
Nagtataka ba kayo kung paano ko siya nasundan?
Simple lang, nakita ko kasing hinatak niya si Chris palayo eh.
Well ako lang nakapansin kaya sinabi ko na magc-cr lang ako.
kaya ayun. sinundan ko sila at nagtago.
Rinig ko lahat ng pinag-usapan nila hanggang sa pagbuntunghiniga ni Chris.
Kahit kailan, Relationship saver talaga to. gagawin niya talaga lahat, maging okay lang yung relationship between sa dalawang taong mahalaga sakanya.
Naalala ko tuloy nung Second year. May nangligaw sakanya. MC guy I think? Hindi ko matandaan yung name niya pero MC yung initials niya eh. Niligawan niya si Trisha. Trisha Entertained him pero hindi as suitor. She entertained that MC guy as a friend. That time kasi kami .
1st year, crush niya daw yun. Pero dahil nga kami na, friends nalang. Natandaan ko sinabi ni Trisha sa akin yung sinabi niya sa guy. " NO. Stalker ba kita? I like you as a friend. Isa pa, I think, mahal ka pa ng Ex mo. Even if she push you away from her, gusto ka pa rin niya. We can still be friends. ". Tapos nung tinanong ko kung bakit niya sinabe yun sinagot niya ako ng " Eh anong gusto mo? Yes? Tayo na nga tapos yes pa? Pinapamigay mo na ba ako? ". Doon ko lang naisip na, Oo nga, parang pinapamigay ko siya. Pero Tss. Di ko ipapamigay si Trisha. Hindi naman siya laruan eh. Girls are not toys. Di sila laruan na pinapamigay nalang basta basta pag ayaw mo na. Come to think of it. Hindi tayo mabubuhay kung wala ang Girls.
Nabalik lang ako sa reality nung nagsalita na ulit siya.
" Tanggalin mo yang pagkakaakbay mo sa akin ha =_____= "
" Ayaw. " sabi ko.
Hanggang makarating kami sa barkada.
" Awwieee! Ang sweet! nilalanggam kami. " Panimula ni Jenice.
" Hahaha! Namumula ka Trisha. Ang cute lang. " Sabi naman ni Alexa.
Napatingin naman ako sakanya.
Tapos nagform ng smile yung lips ko.
Namumula nga siya.
TRISHA'S POV
Tsk. Ang init ng mukha ko =_________=
Nakakahiya naman to. nagblush pa ako sa harap nila.
" Tama na nga yan. " sabi ko.
" Pero may chance talaga na maging kayo ulit? " tanong nila.
Etong mokong na to di pa tinatanggal yung pagkakaakbay niya sa akin eh.
Pero sige. hayaan niyo muna. kinikilig kasi talaga ako eh *u*
" Siguro? Ewan. baka? " sagot ko.
" That means yes. " Sabi ni Chris.
" K. " maikli kong sabi.
Nag-act naman si Pierre na akala mo hihimatayin sa kilig. +_____+
" Yieeeeeeeeee! Si Blue couple babalik na ulit! Ayieee! " sabi ni Jed.
Mukhang bading talaga to. If I know, Crush niya yung kaibigan namin na kapangalan ni Pierre. Pero double lang yung N nung kaibigan namin.
" Janna+ JED= JEANNA " Pang-aasar ko sakanya.
Now, It's his turn to blush.
Pero back to what they've said.
Meron pa nga bang chance maging kami?
PIERRE'S POV
" Siguro? Ewan. baka? " sagot ni Trisha.
" That means yes. " Sabi ni Chris.
" K. " maikli niyang sagot.
Nagsimula na yung pang-aasar.
Ako naman nag-act. hoho.
Yes na din yun.
Sa tingin niyo? Meron pa nga bang chance maging kami ulit?
Sana meron?
Kasi kung meron, okay lang sa akin kahit hanggang end ng year na'to.
kasi meron pa akong 11 and a half months para makasama siya.
7 months para gumawa ng masasayang memories kasama siya.
and 4 months para mag-move on.
Eto na siguro yung year na kailangan kong mag-effort para makasama siya.
Kung magiging kami man, payag ako na hindi na namin paabutin ng January yung relationship namin. Kahit naman siguro siya eh. Then after that, I'll move on. Ayokong iwanan siya na may committment pa kami sa isa't isa. Kahit siya, ganun din yung sinabi niya. Mas mabuti nang magbreak daw kami ng maaga kaysa naman mahirapan kami sa LDR..
JENICE'S POV
Kinikilig naman ako kay Pierre at Trisha.
Kahit hindi sila ang sweet nilang tignan. :"">
Sana ganun din kami ni Chris :(
Pero ayos lang. nga pala, nagsorry siya sa akin kanina ^_______^
Ayeee! Kilig ako. Malapit na kami mag 2 years.
Sila Trisha and Pierre din sana.
Kaso yung dalawang yun, kahit hindi na sila, cinecelebrate nila.
I mean cinecelebrate nila in terms of greeting each other.
Tuwing 16 kaya ang daming bumabati sa mga yan =______=
Minsan nga sabog inbox ni Trisha and Pierre eh.
Nakakatuwa lang isipin na kahit ganun na wala na sila, they celebrate it.
Sweet pa rin sila kahit hindi halata.
Mukha lang nag-aaway yan pero ang sweet niyan sa phone =_____=
Baliw yang dalawang yan eh.
" Trisha, " Tawag ko kay Trisha.
" Oh? " sabi niya.
" Seryosong sagot gusto ko dito sa itatanong ko. " sabi ko sakanya.
" Sige, ano ba yun? "
" May chance ba na maging kayo ulit ni Pierre? " tanong ko.
" Ha? Syempre meron. Sino bang nagsabi na wala? Meron pero hindi ko alam kung hanggang kelan kami tatagal. Alam mo naman na aalis na siya next year. " she said habang nakatingin sa may dagat.
Bumili kasi ng foods yung iba. kami ni Trisha, nagpaiwan nalang.
" Ay, alam mo, ang cute niyong tignan dalawa. " sabi ko.
" Haha, adik. kayo din naman ni Chris huh? " sabi niya.
" Hindi din. " halos pabulong kong sabi sakanya.
" Eh? Bakit naman? " nagtatakang tanong niya.
" I dunno? " Sagot ko.
Trisha hugged me. Ang lambing niya talaga.
One of the things na nagustuhan ni Pierre to sa kanya. Yung pagiging malambing niya.
She's not insensitive like the other girl na na-link sa ex niya/future niya ^___^
" Yaaah. Ang emo mo. You know what nice( my nickname) ? He loves you. He loves you so much. " sabi ni Trisha.
" I know. I know he love me. Pero I don't know if he love me that much. " sagot ko.
Hindi ko alam, pero naninibago kasi ako kay Chris.
After nung sagutan incident nila ni Pierre sa hospital.
Okay naman na silang magpinsan eh.
Okay naman na ang lahat.
Ako na nga lang ata yung hindi okay eh.
" Paranoid ka lang. " Sabi ni Trisha sabay tawa.
humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin.
" Thanks sis. " sabi ko.
" anything for you. "
I envy Trisha since then. She's strong physically and emotionally.
napansin ko yung nung mga times na nag-aaway sila ni Pierre.
Laging siya yung nagmamatigas. Minsan yung away nila umaabot ng linggo.
Hays. I wish, magkabalikan na sila. then sana din, bumalik na yung dating chris. :(