No Money, No Honey

By chadkinis

1.4K 19 11

Ito ang istorya ng isang babaeng ambisyosa. Isang babae na gustong yumaman sa pamamagitan ng pag aasawa ng ma... More

Chapter 1

1.4K 19 11
By chadkinis

     P.O.V Tanya

  Madalim ang kalangitan. Nagngangalit ito at walang humpay ang pagkulog at pagkidlat. Sinabayan pa ito ng napakalakas na hangin at walang tigil na pagbuhos ng ulan. Nagliliparan ang mga yero, plywood at iba pang mga bagay na maaring tangayin ng napalakas na hangin. dinig na dinig mo ang paghuni ng malakas na hangin kasabay ng malakas na pag ugong ng langit.

                Sa isang masikip na eskinita ay abala ang mga tao sa pagsasalba ng kanilang mga gamit. Bumabaha na kasi sa labas. Lagpas bewang na ang tubig baha. Pinasok na nito ang mga tahanan ng mga residente. Mataas man ang tubig ay may makikitang may mga ilang tao na ini-enjoy ang tubig baha at ginawang parang Splash Island ang eskinita habang naglalangoy sa maduming tubig.

                Ang iba naman ay nakikisilong na sa mga kapit bahay sapagkat lubog na ang kanilang bahay sa baha. Maswerte ang iba dahil may mga ikalawang palapag ang mga ito na hindi inaabot ng mga baha. May mga minalas din dahil ang ibang bahay kung hindi nakalubog ay wasak na dahil mahuna ang mga ito sapagkat yari lamang sa mga pinagtagpi tagping mga kahoy.

                Ito ang eksena sa isang eskinita sa Sampaloc, Maynila. Dito rin nakatira ang isang malditang at ambisyosang babae na si Tanya. Iba ang ugali ng babaeng ito lalo na sa kaniyang mga kapitbahay. Mataray at mahigpit sa mga bagay bagay. Akala mo ay kung sinong senyorita ng lugar. Kung makaasta ay nagmamayaman yamanan. Maarte. Nagseselan selanan kahit laki din naman sa iskwaters area. Kung titignan mo ay akala mo kung sinong sosyal pero baon din naman sa utang.

                

                Sikat si Tanya sa kanilang lugar dahil siya ang nanalong Ms. Talipapa 2013. Sa madaling salita may angkin siyang ganda. At ito ang pinagmamalaki at iniingat ingatan niya. Iisa lang din ang kaniyang pinaniniwalaang motto, "Ang gandang ito ay hindi pang iskwater, dahil sa beauty ko nagkakagulo ang mga prime minister." 

                Si Tanya ang nagmamay-ari ng isang bahay sa masasabing matibay tibay din naman kung kaya't sa kanya nakisilong ang ibang mga kapitbahay. Sa bahay na ito ay mayroon maliliit na 4 na kwarto na hinati hati niya upang mapaupahan. Bagama't mataray marunong din naman siyang makisama sa ibang kapitbahay. 

                "Oy, punyeta kayo ha, yung mga tasa ng pinaginuman niyo ng kape hugasan niyo ah, nakikisilong na nakikape pa, palitan niyo yan ha. tuwing bumabagyo na lang andito kayo. Bakit di kasi kayo magpagawa ng matibay na bahay!" Mataray na talak nito sa mga kaibigang kapitbahay na nakikisilong sa kanya.

                Sanay na ang mga tao sa palingkera niyang ugali. Hindi na nila ito pinapansin dahil kapag sinumpong naman ng kabaitan itong si Tanya ay lahat naman sila nakikinabang. Sala sa init sala sa lamig ang ugali niya. Minsan maldita, minsan tila anghel, lalo na pag may kailangan o magpapatulong sa mga kapitbahay. Kaliwa't kanan din ang mga manliligaw niya sa lugar nila. Ngunit kahit isa ay wala siyang pinatos. 

                "Mahirap na ako, mahirap ka din! Anong mangyayari sa atin! Magbanat ka ng buto pag milyonaryo ka na saka mo ako ligawan, leche!" Ito ang linyang naririnig ng mga sumubok na ligawan siya.

                Isa lang naman ang pangarap ni Tanya. Ang yumaman o di kaya ay makapag asawa ng mayaman. Yun lang naman ang tangi niyang hiling.

                Nakalipas na ang magdamag at dahan dahan na humupa na ang bagyo at unti unti na din nawala ang baha makalipas ang buong magdamag. Ang iba ay nagsipagbalikan na sa kanilang tahanan mula sa pagkakasilong sa mga kapitbahay na hindi inabot ng taas ng tubig baha.

                Wala naman lumikas sa mga evacuation area mula sa lugar nina Tanya. Hindi naman dahil sa matigas ang ulo ng mga tao dito kundi normal na sa kanila ang mga ganitong kaganapan, kahit kontin ulan nga lang ay binabaha sila kaya alam na nila ang gagawin kapag may bagyo. Masisira ang mga tahanan, matapos ay pagtatagpi tapiin ulit.

                Ang mataray na si Tanya ay bumangon sa kanyang pagkakaidlip. Natulog na lang siya ng kampante habang pinapalipas ang ulan. Mula sa kanyang maliit at masikip na kwarto na ang tanging laman lamang ay isang elctric fan, isang kutson at isang orocan na lagayan ng kanyan mga damit ay lumabas na siya, suot ang manipis na pantulog na kulay puti kung saan naman ay bakat ang ang malulusog na dibdib at seksing katawan.

                

                Nadatnan niya pa rin ang mga kaibigan na naroroon pa rin at hindi pa rin umuuwi sa kanilang mga bahay kahit tapos na ang bagyo. Nanlaki ang mga mata niya at binulyawan ang mga ito sapagkat nahuli niya ang mga ito na naglalaro ng tong-its bilang libangan habang pinapalipas ang bagyo.                

                "Hoy! Ano ito?" malakas na boses ni tanya na tila isang tigre na nanlilisik ang mga mata habang nakapamewang, "Ginawa niyo naman sugalan itong bahay ko, walang patay dito! kung gusto niyo mag sugal doon kayo sa lamay! Sugal kayo ng sugal mamaya malasin pa ang bahay ko! Lintek na mga ito! Hala uwi na! wala ng ulan oh! maglimas na kayo ng tubig sa mga bahay ninyo!" mataas na tono na habang pinapagalitan ang mga kaibigan na naglalaro ng tong-its.

                "Taning naman," tinawag ng siya ng isa sa kanyang mga kaibigan na naglalaro sa kanyang palayaw, "isang hits na lang ito at uuwi na din kami."

                "Leche huwag niyo na tapusin yan! Umuwi na kayo, isinali niyo pa si Marietta! hindi na nga nakakabayad ng upa ng kwarto yan! At ikaw naman Yeta, inuna mo pa talaga maglaro! pag naubos naman pera mo hihingi ka na naman ng pasensya, aba! Kulang ka pa ng isang buwan sa renta mo! Magbayad ka muna bago mag sugal!" talak ni Tanya sa kanyang isang border na si Marietta.

                Si Marietta ay ang pinakamatagal na border ni Tanya. Isa siyang G.R.O sa isang mumurahing club. Mabenta lamang siya sa mga lasing na lasing na customer o hindi kaya'y sa mga desperadong customer. Ito ay sa kadahilang hindi naman talaga siya maganda. Kaya naman kadalasan ay zero siya sa kanyang trabaho. Minsan uuwi na kendi lamang ang dala at hiningi pa ito sa kanyang kasamahan. Gutom ang inaabot niya.

                        "Ito namang si taning KJ! kung kailan ako nananalo oh! dito ko nga kukunin ang pambayad sa iyo" sagot ni Marietta habang nakasalampak sa sahig at nakabukaka na kita na ang maitim itim na kuyukot.

                        "Aba, at sa sugal ka pa pala suwerte, buti pa diyan at panalo ka! Eh sa gabi gabi na ipinasok mo sa pipitsugin mong club eh NGANGA ka lagi! Hala, itigil mo na yan at baka matalo kapa! akin na yang napanalunan mo at ibabawas ko sa utang mo!" mabalasik na sagot ni Tanya.

                        "Huwag muna ito, bibili ako ng damit eh may big night kami." pagmamakaawang sagot ni Marietta.

                        "Magitigil ka sa big night big night na yan ha! Gutom na naman aabutin mo niyan, alam mo naman na hindi ka maganda di ba? ipagawa mo muna iyang ngipin mong fly away at iyang ilong mong parang kalahati ng biniyak na bawang at baka jumakpat ka ng mayaman customer! sinabihan na kita noon, pag ganyan itsura doon ka magtrabaho sa hardware! alam mo naman matigas ang mukha mo!" pang iinsulto nito kay Marietta.

                "Grabe siya oh ang hard!" pagmamaktol na ni Marietta.

                "Huy! ako ang hard? O ang mukha mo? Ako nga itong dyosa wala pa din nabibingwit na malaking isda, ikaw pa ba na HARD EVANGELISTA ang mukha! Hala, sige tigil na yan! Magbigay ka na lang ng tong, panalo ka naman pala eh, tapos ibayad mo na sa akin ang iba." utos ni Tanya habang itinataboy ang mga kaibigan at pinatitigil sa paglalaro ang border niya.

                Tumigil sa paglalaro ng tong-its ang mga kaibigan at si Marietta, Tumayo sila mula sa pagkakaupo sa sahig habang nagkakamot lahat ng ulo dahil sa pagkainis at pagkadismaya kay Tanya. Ngunit wala silang magawa kundi sundin ang antipatikang si Tanya.

                "Akin na ang pera, makabili na lang ng hapunan mamaya, sumabay ka na at alam kong wala ka din naman kakainin, wala tayong pasok ngayon, sure naman ako pinasok ng baha ang club mo, ako din anamn ay walang pasok sa bar." medyo mahinahon na sabi ni Tanya kay Marietta noong makalikas na ang mga kaibigan na sumilong, nakikape at nakilaro sa bahay niya.

                Inabot ni Marietta ang pera. Kahit na mataray si Tanya ay mahal din naman siya ng mga kaibigan at border niya, dahil sa konsiderasyon at taglay nitong kakarampot na kabaitan. Dahil sa lahat ng kasama niya sa bahay na umupa sa kaniya ay siya ang nagpapakain kapag walang kita ang mga ito. Hindi naman siya pabayang land lady dahil dinadamay niya ang kanyang mga border sa kainan lalo na kapag may sobra siyang kita.

                Singer sa isang maliit na bar si Tanya. ito ang taglay niyang taleto. ang pag kanta. kahit naghahanap ng matatansong mayaman na mapapangasawa, hindi sinubukan ni Tanya maging G.R.O sa mga bar o maging isang bayarang babae. Nais niyang Gamitin ang kanyang talento at ganda upang makabighani ng isang taong makakaahon sa kanya sa kahirapan.

                Limang daang piso ang sahod ni Tanya kada gabi sa kanyang pag kanta kanta. Minsan ay may sobrang kita dahil sa mga tip na inaabot sa kanya ng mga customer na natutuwa sa kaniya. Ibang iba kasi si Tanya sa loob ng bahay at sa labas. Kung sa kanila ay mala-demonya ang kaniyang pagtataray, sa labas naman ay waring isa siyang matimtimang anghel, sa sobrang kalambingan sa mga tao at ibang mga customer ay maraming bumabalik balik upang panuorin siya sa kanyang set.

                Iyan si Tanya. Ang mala-anghel na singer at social climber ng lugar nilang iskwater.

Continue Reading