HUNTING KENDRA(The Last Vampi...

Galing kay babz07aziole

5.7K 339 109

"The sweet taste of your blood makes my body ache for more..." -Timothy HUNTING KENDRA (The Last Vampire) PU... Higit pa

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FITHEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
EPILOGUE
BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA
THE WAIT IS OVER!!!

CHAPTER ELEVEN

161 12 1
Galing kay babz07aziole

NABALING ang atensyon ni Kendra sa kanyang Tita Trinity. Bigla ang pagsikdo ng kaba sa kanyang dib-dib ng tuluyan niyang marinig ang buong sinasabi nito patungkol kay Timothy.

Bigla siyang nakaramdam ng tensyon sa mga oras na iyon.

"...Ang nais ko lamang ay layuan mo ang lalaking iyon Kendra. Nakakasiguro akong ikakapahamak mo lamang ang hatid ng lalaking iyon mula sa buhay mo."marahan nitong utos sa kanya pero ramdam niya ang diin sa bawat salitang sinasabi nito sa kanya.

Tumango na lang siya upang tuluyan siyang tigilan nito, ngunit lalong ipinagpatuloy nito ang diskusyon tungkol sa lalaki.

"Sinasabi ko sa iyo Kendra 'wag mong basta isantabi ang lahat ng mga sinasabi ko, huwag mong ipagwalang-bahala ang lahat. Dahil para sa iyo at sa mga susunod na henerasyon ng lahing bampira ang nakasalalay sa labanang ito. Alam ko, nakikita kong ipinadala siya ng mga hari ng lobo para hanapin ka at kunin ang mahalagang bato ng imortalidad na isinalin sa ating lahi ng dyosa ng Acerria na si Herriena."mahaba nitong litanya, basang-basa talaga siya nito at kung anong tumatakbo sa kanyang isip.

"Maliwanag ba Kendra."muli nitong baling sa kanya ng hindi siya agad sumagot.

"O-oo Tita naiintindihan ko."sagot niya rito kahit may isang banda ng kanyang pagkatao ang labis na tumututol.

Pinakatitigan siya nito ng mabuti bago pa man ipinasya ni Trinity ang tumalikod na at maghanda sa gagawin niyang paglalakbay papunta sa mundo ng Acceria.

Tumigil ito ilang dipa nalang mula sa pintuan.

"Kendra, aalis ako at magtutungo sa mundo ng Acerria. Kaya sana'y magdoble ingat ka, lagi mong bantayan ang sarili mo maski ang iyong ina. Nasa paligid lang ang mga kalaban natin, naghahanda sa muli nilang pagsalakay. Kaya kung maari huwag na huwag kang magtitiwala sa kung kani-kanino lamang."patuloy na bilin pa sa kanya ni Trinity.

Biglang nakaramdam ng kaba at takot si Kendra, ito na ba ang sinasabi nito dati na muli silang hahabulin ng mga nilalang na iyon na tumapos sa kanyang ama at sa kanilang buong lahi.

Marahan niyang pinaglakbay sa suot na kuwintas ang kanyang mga daliri kung saan nakatali mula roon ang banal na bato na ipinagkaloob sa kanya ng ama niyang hari sa Acerria. Kabilin-bilinan sa kanya ng ina na sa kanya lamang nararapat ang batong iyon. Hindi maaring mapalayo sa kanya ito, dahil katapusan ng buhay niya ang mitsa nito sa kanya.

Mabilis siyang tumakbo palapit sa kaniyang Tita Trinity bago pa man ito makalagpas mula sa pintuan, pakiramdam niya hindi na niya ito makikita ulit.

"Tita mag-iingat ka huh, babalik ka diba? Babalikan mo kami ni Mama diba Tita?"dire-diretsong bigkas ng mga salita ni Kendra, kasabay ng pagmamalabis ng luha sa kaniyang magkabilang mata.

Nanatili namang nakatayo lamang si Trinity, hindi niya masasagot ang mga tanong nito. Natatanging mga bathala lamang ang nakakalam ng tunay na magaganap sa hinaharap nila.

Hindi naman kasi lahat ay kayang makita ng mga ito, kaya wala rin silang ideya sa lahat ng mangyayari. Kung sana ay meron lamang, siguro'y makakapaghanda sila at maiiba nila ang naitakda.

Mabilis na kinalas ni Trinity ang mga brasong nakayakap sa kanya.

Walang lingon-likod siyang napatakbo, habang habol siya ng pagtawag sa ngalan niya ng kanyang pamangkin na si Kendra. Mabilis siyang naglaho kasabay ng pangingipuspos sa isang tabi ni Kendra.

Agad siyang niyakap ng kanyang ina at inalo, maski ito'y naiiyak din. Ngunit kailangan niyang magpakatatag para sa buhay nilang mag-ina. Kung hindi ay masasayang ang lahat ng sakripisyong ginawa ng pinakamamahal niyang hari na si Marcus. Dahil kung hindi nito isinakripisyo ang sariling buhay ay matagal na siguro silang namatay na mag-ina, may ilang dekada na rin ang nakararaan. Nang mga panahon na tuluyang nasakop ng lahi ng mga lobo at zombie ang kaharian ng lahing bampira.

BUMUKAS-SARA ang malaking pinto kung saan naroroon ang bulwagan ni haring Hanzul.

Ilang araw na rin si Timothy sa mundo ng mga Acerria sa ilang araw na iyon ay lagi siyang kasa-kasama ng kanilang bagong hari na si Hanzul.

Hindi niya maunawaan ang sarili, bagamat ito ang pumaslang sa kaniyang ama ay hindi niya makuhang magalit dito ng lubusan.

Sa pagdaan ng mga araw unti-unti niyang nakikita ang tunay na ugali ng bago nilang hari. Hindi ito kasing sama ng inaakala niya, naratnan niya itong nakatayo mula sa terasa kung saan nakatunghay ang mala-asul nitong mga mata sa malawak na palibot ng kanilang kaharian.

Mula sa hinintuang banda ay namalas ni Timothy ang nakabadhang kalungkutan sa mga mata ng haring Hanzul. Hindi siya agad nakalapit dito sapagkat unti-unti siyang binalot ng kakaibang puwersa, kung saan tinangay siya ng mga alaalang nagsilambayan sa isip ni Hanzul.

Hindi aakalain ni Hanzul na sa araw na makikipagkita siya kay Trinity ay doon naman nalaman ng kaniyang Amang Hari na si Vitrux, ang pagkakaroon niya ng relasyon sa Prinsesa ng bampira na labis nitong ikinagalit at ikinasama ng loob. Kulang nalang ay isumpa siya nito sa labis na poot dahil para sa lahi ng mga lobo ay walang kapatawaran ang ginawa niya.

Patakas na siya ng silid ng mabilis siyang hinarang ng mga tagasunod ng kaniyang ama.

"Pabayaan niyo ako, umalis kayo sa aking daraanan! Ako ang inyong prinsipe kaya padaanin niyo ako."mariin niyang utos sa mga ito, mababanaag ang pagtitimpi sa kanya ng mga sandaling iyon.

Sobrang naatraso na siya sa usapan nila ni Trinity, pinakaayaw niyang pinaghihintay niya ito. Ganoon ka-espesyal si Trinity sa kanya, ibibigay niya ang lahat ng meron at makakapagpasaya rito. Ayaw na ayaw niyang nakikitang malungkot ito.

Una niya itong makita noong tumakas siya sa kanilng kaharian may ilang taon na ang nakararaan.

Nais niyang makapunta sa isang kasiyahan na kailanman ay hindi niya maaring mapuntahan, sapagkat isa siyang lobo.

Walong taon palang siya noon ngunit kinahiligan na niya ang takasan ang mga bantay niyang tagasunod ng kanyang ama. Halos walang pagsidlan ng kagalakan ang nararamdaman ni Hanzul sa tuwing natatakasan niya ang mga ito.

Mabilis niyang naiwawala sa kagubatan ang mga itomula sa kagubatan na sakop ng kanilang teritoryo. Dahil sa labis na pagkaaliw ni Hanzul ay hindi na niya namalayang nakalagpas na pala siya sa kanilang pag-aaring lupa.

Unti-unti siyang nagpalit ng anyo--- sa pagiging lobo'y nag-anyo siyang tao. Marahan niyang itinapak ang walang sapin na paa sa mabatong daan, rinig na rinig niya mula sa 'di kalayuan ang mga tunog ng musika at nagkakasiyahang mamayan.

Wala sa sariling nag-umpisa siyang maglakad sakmal ang kakaba-kabang damdamin na bumabalot sa kaniyang kainosentihan.

Agad siyang nagsumiksik sa mga kumpol ng tao, upang magkaroon siya ng puwang para makita ang dahilan ng pagsasaya ng mga ito.

Nang makalagpas siya sa dikit-dikit na mamayan ay tuluyan niyang natanaw ang harapan niyon, mula sa itaas ng entablado'y kitang-kita niya ang pagpupugay at ang marahan pagsasalita ng lalaking kaedad ng kanyang amang hari na katabi lamang nito ang reyna nito.

Nasabi niya iyon dahil sa uri na rin ng estilo ng mga kasuotan ng dalawa. Ibang-iba sa mga mamayan na kasama niya mula sa ibaba ng entablado.

Nakita niyang itinaas ng lalaki ang isang sanggol na babae.

"Magbigay pugay sa bagong silang kong anak na si Trinity, ang siyang susunod sa akin bilang inyong prinsesa sa hinaharap!"malakas nitong anunsiyo sa lahat na sinabayan na ng pagkalalas-lakas na palakpak at hiyawan.

Mababakas sa bawat isa ang labis na kasiyahan, itinaas nito ang sanggol na si Trinity unti-unti itong nagmulat ng mga mata. Kitang-kita ng batang si Hanzul ang pulang pares na mata nito na sa mga bampira lamang matatagpuan.

Bigla ang pagkislap ng mga mata ni Trinity sa kanya, tila ba'y nasiyahan ito sa kanyang pakikipagsaya sa kaniyang pagkasilang. Hindi ito nagkakamali sapagkat unang kita pa lamang niya sa sanggol ay nagkaroon na siya ng kakaibang damdamin dito. Tila ito ang dahilan kung bakit nakarating ang kanyang mga paa sa ipinagbabawal na lupain sa Acerria na pagmamay-ari ng mortal nilang kalaban.

Bigla siyang sinalakay ng kaba sa mga sandaling iyon, nang bigla na lamang siyang makarinig ng sigaw mula sa hari ng mga bampira. Suminghot-singhot pa ito na parang may naamoy na kakaiba.

"Sandali lang may naamoy akong lobo..."mariing bigkas nito. Kasabay ng mabilis na pagmamasid ng mga mata nito sa paligid.

Hanggang sa dumako nga ang mapupula nitong mata sa kanya.

"Isa siya sa mga lahi ng lobo, dakpin ang batang iyan at pugutan ng ulo para magsilbing aral sa mga ibang kalahi nito ang pagparito sa ating teritoryo!"mabilis at marahas na dikta ng hari ng mga bampira.

Tuluyan na siyang naestatwa sa mga sandaling iyon, napapikit na lamang siya ng makita niyang sabay-sabay na linusob siya ng mga bampira. Napapikit na lang siya dahil sa napipintong kamatayan niya sa mga kamay ng kaaway.

Ngunit ilang segundo na siyang nakapikit ng wala man lang siyang maramdamang ano.

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata, pagkabigla at pagkamangha'y kitang-kita niya ang biglang pagtigil ng lahat. Maski ang hari ng mga bampira ay nakabitin sa ere nasa mukha pa rin nito ang labis na galit, labas ang matutulis nitong pangil.

Sa nanglalambot na pakiramdam ay dahan-dahan siyang naglakad paalis, napaupo siya sa labis na takot. Nang muli niyang ibaling ang mata habang nakasadlak siya sa maduming lupa ay nakaharap niya ang sanggol na gumagapang palapit sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkalito sa mga sandaling iyon, bagong panganak ito ngunit nakakagapang na ito?

Ganito ba kagaling ang kakayahan ng lahi ng mga bampira. Kaya labis-labis ang pagkainggit ng mga lahing lobo sa lahi ng mga ito dahil sa kagandahan ng kakayahan ng mga ito.

Kitang-kita niya kung paano siya nito titigan na tila menemorya nito ang lahat ng parte ng kaniyang mukha, naramdaman niya ang marahan na pagdantay ng maliit nitong palad sa kaniyang noo.

Unti-unting nakaramdam ng pamimigat ng talukap ng mga mata si Hanzul, bago siya panawan ng ulirat ay nakita pa niya ang magandang ngiting ipinagkaloob sa kaniya ng sanggol na si Trinity na nagbigay ng kakaibang lukso ng tibok ng kanyang puso.

Magmula noon lagi na niyang hinihiling na sana muling magkatagpo ang kanilang landas ni Trinity. Hindi dahil sa malaki ang utang na loob niya rito, dahil ito ang tumulong sa kanyang makaligtas sa tangkang pagpatay sa kanya ng mga kalahi nito.

Sapagkat nagising na lang si Hanzul na nasa sariling silid. Akala niya'y panaginip lang ang lahat, ngunit ang maduming mga paa ang nagpapatunay na nangyari ang lahat ng iyon at hindi basta panaginip lamang.

Sa araw-araw na dumadaan ninais niyang magkatatagpo silang muli nito, dahil simula ng masilayan niya ang maganda at maamong mukha nito ay hindi na iyon nawaglit sa kanyang isipan.

Sa murang edad tuluyan siyang nahulog rito...

Kaya labis ang kasiyahan niyang naramdaman na ang mismong tadhana na rin ang gumawa ng pagkikita nilang muli. Tinupad ng mga bathala ang kanyang nag-iisang hiling: ang makita at makausap ito.

Ngunit higit pa roon ang ipinagkaloob sa kanya, sapagkat nasumpungan na lang niyang unti-unti na ring nahulog sa kanya si Trinity.

Ngunit sadyang mapagbiro yata ang tadhana. Itinakda talaga yatang hindi maaring maging isa at maligaya ang katulad nilang magkaiba ang lahi, tuluyan silang pinaglayo hanggang sa tuluyan na nga silang 'di nagkita ng babaing mamahalin niya hanggang sa kanyang kamatayan...

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

57.1K 2.4K 48
AMAZON SERIES (COMPLETED) Prince Ezekiel Cuerido promised to marry Princess Equija Ivanovich when they were young. After 10 years, their marriage i...
15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
506K 11.8K 40
Virginia Marie G. Romero, a successful 25-year-old lady boss. Never been kissed, never been touched, and no boyfriend since birth. Eh paano kung isan...
3.8M 135K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...