Violin Tears (Edited)

Par Direk_Whamba

106K 2K 218

Paano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo... Plus

Preface
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Final Note!

Chapter 25

1.9K 39 0
Par Direk_Whamba

Chapter 25

Krisha:

"Aki..." I mouthed breathlessly. Nagkusot-kusot pa ako ng mga mata ko bago ako muling tumitig sa kanya. He smiled back at me when I looked again. It was real. Not just another imagination.

"Lucrezia…" he uttered. Mukhang siyang kung sino na kagagaling lang mula sa isang malalang sakit. There're dark circles under his eyes, humpak ang mga pisngi, and his skin is pale. Skinhead na siya ngayon at nakasuot ng bonnet. He was wearing a plain white sweater and a cargo pants.

Marami akong tanong para sa kanya; and I should be angry for the years he left me hanging. But seeing him again pulled all the years like it was only yesterday since we last saw each other. I can't make myself be mad at him. I loved him. And I'm a fool to admit that I still love him. I want to run to him; pero may humawak sa kamay ko. I glanced at Rho who was tightly holding my hand.

Hindi siya sa’kin nakatingin kundi kay Aki. "Nagbalik ka na pala. Ano’ng ginagawa mo dito?" He asked him sternly.

"I am a benefactor here so I have the right reason to be here; and my other reason was because I want to greet Lucrezia."

I was mazed; fazed at the same time. "A-alam mong pupunta ako dito?"

Marahan siyang tumango. "Nagsabi ako kanila mamita na pupunta ako dito. Happy birthday."

"Thank you," tipid kong sagot. Things started to get a bit awkward when we all fell out of words to say. Mabuti na lamang at pinuntahan kami ng head nun para sabihing dumating na ang mga kasamahan namin. Agad akong hinila ni Rho palabas ng main hall. Wala na si Aki pagbalik namin kasama ng aming mga blockmates. I just heard a car's engine from the window.

Tulong-tulong naming nilinis, inayos, at dinecorate ang hall bago namin pinapasok ang mga kids. Most of them ay naka-face mask at karamihan din ay nakawheelchair. They were still young but they were already stricken by cancer. Sinimulan namin ang event with prayers. Ang emcee ng program ay ang blockmate kong bading. Napuno ng tawanan ang hall dahil sa kanya. Then we have games and food. Kinantahan nila ako ng birthday song bago ko hipan ang 18 candles sa cake. Pagkatapos nu’n, it's present time! Pero imbes na ako ang bibigyan ng gift, ako ang nagpaka-santa claus. Plus, I gave a check to the head of the institution para makatulong sa pagpapagamot ng mga kids dito.

Ang dami naming picture picture moments. Masaya ako. But I don't know. I feel hollow inside.

I wish—

"Ms. Bear, ayos ka lang ba?" tanong sa’kin ni Rho. We're currently inside his car, jammed on a heavy traffic in EDSA. Pauwi na kami mula sa institution. Tumingin ako sa kanya. Ayoko siyang saktan. Siya kasi ‘yung nagtyagang bumuo sa’kin nu’ng nabasag ako.

But I really don't know what to do now. Nababagabag ang puso ko. I should be happy dahil kasama ko ‘yung taong hindi ako kayang saktan. I can't falter now…

Huminga ako nang malalim. Shocked lang siguro ako sa biglaang pagsulpot ni Aki. Namissed ko lang siya. ‘yun lang ‘yun! Bukas paggising ko, wala na ‘to. "Napagod lang siguro ako. Maaga akong matutulog ngayon," I finally said.

Hinawakan ako ni Mr. Beak sa pisngi. "Icancel natin ang date natin bukas. Let's make it on Saturday na lang. Papasok na lang ako bukas habang nagpapahinga ka."

Off ko talaga sa school every Monday at siya ay may pasok; pero willing siyang umabsent whenever we have plans. Alam kong labag sa loob niya ang pagcacancel ng dateday bukas but I badly need a rest. I'll probably be okay on Tuesday.

"Sige," sagot ko. Tahimik lang kami hanggang naihatid niya ako sa’min. Hindi namin pinag-usapan ang tungkol sa biglaang pagsulpot ni Aki like it never happened at all. I know both of us will get hurt. Once sinimulan na naming pag-usapan, alam kong magtutuloy tuloy na ‘yun hanggang sa umabot sa misunderstandings. I went straight to my room and slumped to my bed.

Drat. Kahit nakakaramdam ako ng exhaustion, hindi ako makatulog! Pabiling-biling ako sa kama. I turned on the lights and picked up one of my textbooks. Maybe reading can help me sleep.

I tried to read the next topic. Sige ako sa pagbabasa pero hindi ko maintindihan ang binabasa ko. May umo-occupy talaga sa malaking bahagi ng utak ko. Inilapag ko sa bedside table ang libro. I opened one of my draweres and reached for my earphone. Baka makatulong sa’kin ang soundtrip…

Napatingin ako sa eskaparate kung saan ko itinago ang violin ko. Ini-slide ko ang glass at kinuha ang violin case. It's been two years. I opened the case. Hinimas ko ang violin. Kinuha ko ‘yun at inilagay sa pagitan ng shoulder at chin ko. I drew out the bow and tried to play.

 

Creaak... Creaak...

Oh, no. Ang pangit na ng tunog na narinig ko! I don't know if it was in the strings or maybe my talent already abandoned me. If it was, I've got to put it back again.

Ugh... Bigla akong naconcious about my violin skills!

Is it because the piano sound I used to hear came back? Am I hoping for that piano's accompaniment again?

****

Rho:

Hindi ako dumiretso sa bahay pagkahatid ko kay Lukring. Tinext ko sina Santi at Clive. Inaya ko silang uminom. Nagkasundo kaming magkita sa bar na tambayan namin. Nauna akong dumating. Nakakailang shot na ako nang maspot-an ako ni Clive.

Inagaw niya ang shotglass na iinumin ko pa lang sana. Siya ang uminom ng laman nu’n. "Master, ang lakas mo yatang tumoma ngayon, ah? Lunes pa man din bukas."

Binawi ko sakanya ang shotglass bago nilagyan ng laman. "Fuck Monday. Kailangan kong magcelebrate ngayon. Hindi ako papasok bukas."

"Magaling, master. May problema ba kayo ng GF mo?"

Nadale din niya! Pero hindi rin. Wala 'kaming' problema. Ako lang ang mayroon. Problema ko ang Chi Yamada na ‘yun.

Mayamaya dumating na din si Santing ugok. "Mga ser, sorry, ah? Heavy traffic, eh," paliwanag niya sabay upo at tagay na rin. "Ano ba’ng meron?"

Nagkibit-balikat si Clive. "Itong si master, gustong magcelebrate daw, pero ‘di ko alam kung—"

"Nagpropose na ako kay Lukring!" bigla kong sigaw na ikinagulat nilang dalawa.

"Oh, eh ano’ng sabi?" Dahan-dahang tanong ni Santi.

"Oo, pumayag siya! Magpapakasal na kami pagkagraduate niya!" I tried to sound as happy as possible.

Ngumiti ang dalawa tapos nag-apir pa. "Ayos naman pala, master, eh. Akala ko ano nang bad news ang ipinaglalaklak mo."

"Kayong dalawa ang best men ko, ah?"

Nagtawanan ang dalawang ugok. "Puwede bang dalawa ang best man, master?" Ani Santi.

"Puwede ‘yan! Si master pa!" Ani Clive.

Gumaan ang loob ko ngayong kasama ng old friends. Gusto kong sabihin sa kanila ang mga pag-aalinlangan ko pati ang mga kinatatakutan kong bagay. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko maibrought up sa kanila.

Siguro ay para sa’kin na lang muna itong nararamdaman kong insecurities. Ako na ang present ni Lukring. Ang dapat ko na lang gawin ay i-maintain ang relationship namin. Hindi ako papayag na may umagaw sa kanya.

Dahil sa positive thought, itinigil ko na ang pagtoma. Nagpalipas lang ako ng lasing bago nagdrive pauwi. Naabutan ko si kuya sa carpark. Kauuwi lang din niya.

"Uminom ka ba, Rho?"

Tumango ako. Lakas ng pang-amoy niya. "Pero kaunti lang." binirahan ko siya ng layas para hindi na niya ako kulitin. Nakatulong din sa’kin kahit papaano ang pag-inom ko dahil paghiga ko ng kama, nakatulog agad ako.

****

Aki:

May two months ko nang itinigil ang paggagamot kahit may mga chemo sessions pa akong natitira. Hindi ko na kaya. Alam ko ang limitasyon ng katawan ko. Ayokong maging gulay for the rest of my remaining time. Inabot na ako ng dalawang taon sa pagpapagamot pero hindi pa rin ako gumagaling.

Ang pros lang siguro ng pagpapagamot ko ay ‘yung umabot ako ng two years and counting.

Noong nasa Japan ako, may nakilala akong Pinoy Catholic Priest. Sa kanya ako nagcoconfide. Iba ang level of secrecy nang magsimula akong magkuwento sa kanya. Sinasabi ko sa kanya ang mga iniisip ko pati na ang mga nararamdaman ko. Isa siya sa mga naging counsellors ko bukod sa mga doktor.

Sa pinakahuli kong pagkukuwento sa kanya, binanggit ko sa kanya ang tungkol sa taong mahal ko pero iniwan ko nang wala iyong kahit na anong idea tungkol sa pinagdadaanan ko.

Inadvice niya sa’king puntahan ko ang taong ‘yun at magsorry. Kahit gaano kasakit o kahirap tanggapin, kailangan niyang malaman ang lahat lahat.

"—Sa iyo dapat manggaling ang katotohanan at hindi sa ibang tao, Chiaki. ‘Wag kang matakot kung magalit siya. Karapatan niya ‘yun. Subalit ang mahalaga ay ‘yung may piece of mind ka bago dumating ang takdang oras..." naaalala kong sabi sa’kin ni Father.

Nakapagdecide na ako kung saan ko gustong humimlay. Nagpaalam ako nang maayos kay oto-sama bago lumipad pauwi ng Pilipinas. Kasama ko pa rin si oka-san. Dahil sa’kin, napabayaan na niya ang sarili niya. Wala na siyang oras mag-ayos o magbihis ng maganda. Lagi din siyang sumasabak sa puyatan.

Ang gusto niya sana ay ipagpatuloy ko pa rin ang chemotherapy pero iginalang rin niya nang sabihin kong itigil na. Since idinischarge na ako mula sa hospital, sinasamahan na niya ako pati sa pagtulog na parang batang six years old. Hinahayaan ko na lang siya sa mga gusto niya. ‘Yun ang paraan ko para magpaalam sa kanya.

Dumating kami ng Manila sa araw na birthday ni Lucrezia. Tinawagan namin si mamita at doon ko nalaman ‘yung tungkol sa charity event. Sinabi ko kay mamita na ‘wag munang ipaalam kay Lucrezia ang tungkol sa pagdating ko. Nagkataong ‘yung institution na pinili niya ay ‘yung institution din na sinusuportahan ko. Pumunta ako doon kahit pa exhausted ako mula sa flight ko. Hindi ako nabigo dahil nakita ko ang mahal ko. Iyoun nga lang, hindi ko ini-expect na makita ang lalakeng nagsabi sa’kin na hindi ko na muling mababawi si Lucrezia.

Nailang sila sa isa’t isa dahil sa’kin. Nang dumating ‘yung mga kasamahan nila, sinamantala ko ‘yun para umalis. Sayang, dahil umalis ako nang hindi man lang kami nakakapag-usap ni Lucrezia.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

80.3K 4.4K 33
What if I can give you a once-in-a-lifetime opportunity to be the person you wish to be? To go back to the time before you were damaged? To exist in...
She Died at 18 Par Justinegeez

Mystère / Thriller

10.4M 30.9K 4
No one wants to die. Even people who want to go to heaven don't want to die to get there. And yet death is the destination we all share. No one has e...
2.7M 11 1
Nagsimula lahat sa dyipni. Dun din nagtapos. Parang yung nararamdaman ko para sayo - humihinto, bumibilis, nasisiraan pero patuloy na tumatakbo. Gust...
105K 5K 29
Saan galing ang mga kuwento? Paano pumili ng pamagat? Anu-ano ang mga story elements? Gaano kalaki ang plot? Ilan ang dapat na tauhan sa kuwento? Bak...