Phoenix Series #7: My Sweetes...

By RosasVhiie

4.8M 131K 28.6K

MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#7: Clyde Hernandez "If only I could go back to the past and change every... More

SYNOPSIS
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44- The Final Chapter
Epilogue

Chapter 2

106K 3.1K 831
By RosasVhiie

CHAPTER 2

"IHATID MO na lang siya sa opisina ni Boss C for her interview. Tamang-tama na nandito si boss para kaagad ng makapag-umpisa ang kaibigan mo sa trabaho kung sakaling makapasa siya." Narinig kong sabi ng manager sa kaibigan kong si Juvy.

Nandito ako sa waiting area ng C'Club at kasalukuyang hinihintay ang kaibigan ko.

"Yes po, manager. Thank you." Sabi ng kaibigan ko at lumapit sa akin.

Kaagad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at hinarap ang matalik kong kaibigan.

"Tutal nandito na rin naman si Boss Pogi, mas mainam na magpa-interview ka na. Minsan lang kasing mahagilap si Boss Pogi 'yon kasi minsan lang napapapasyal dito sa club niya. Palibhasa busy sa girlfriend niya." Anito at hinawakan ako sa kamay.

"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo? Gusto mo talagang magtrabaho dito? I'm not forcing you to do this, Ny. Isipin mo pa rin ang mararamdaman mo lalo pa't ma-e-exposed ka sa mga kalalakihan dito. Mailap ka pa naman sa kanila. Alam nating lahat na halos lalaki ang mga customers sa loob ng club." Anito, nag-aalala.

Tumango ako. Buo na talaga ang desisyon ko.

"Para kay Claude." Sambit ko.

Napabuntong-hininga ito.

"Sige. Don't worry, hindi naman kita papabayaan dito. Mabait naman 'yong magiging boss mo. Malaki pang magpasahod." Anito at hinila ako.

"Ihahatid na kita sa opisina ni boss. For sure sinabi na ng manager na may interview siya ngayong gabi kaya hinihintay ka na no'n. Hindi na siya naghahanap ng resume kapag alam niyang kakilala ng mga empleyado niya 'yong ipapasok dito kaya diretso interview na siya." Sambit nito habang hila-hila ako.

Tumigil kami sa harap ng isang pinto.

"H-Hindi ba nakakatakot ang boss mo?" Alanganing tanong ko.

"Harmless 'yon pero mukhang matinik sa kama." Anito at humagikhik.

Tinignan ko ito ng masama na ikinatawa nito.

"Huwag kang matakot, mabait si boss. Pasok ka na. Dito lang ako sa labas, babantayan kita para hindi ka matakot." Anito at nginitian ako.

"Thank you, Juv." Usal ko at napangiti na rin kahit medyo nakakaramdam ng kaba.

Kumatok ako sa pinto.

"Come in." Bahagya akong napapitlag nang marinig ang baritonong boses na iyon mula sa loob.

Tinignan ko muna si Juvy. Nginitian ako nito at inginuso ang pinto, inuutusan ako na buksan na ang pinto para pumasok.

Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang door knob at binuksan iyon.

Nang makapasok ay nakita ko ang bulto ng isang matangkad na lalaking nakatalikod sa akin. Kahit nakatalikod ay halata ang magandang pangangatawan nito. At napapaisip ako kung gaano ba ito kaguwapo dahil mukhang guwapong-guwapo ang kaibigan kong si Juvy dito.

"Yes, I'll be there tomorrow, hon. I miss you." Sabi nito habang hawak-hawak ang cellphone na nasa tenga nito.

Ang isang kamay nito ay may hawak na wine glass.

"Okay. Bye for now. May aasikasuhin lang ako. Yes, I know." He chuckled. "I love you, hon." Napakalambing ng boses nito.

Binaba nito ang hawak na cellphone at ibinulsa. Pumihit ito paharap sa akin.

"I'm sorry. Mukhang pinaghintay kita ng mataga-" Natigil ito sa pagsasalita nang magtama ang mga mata namin.

Parang tumigil naman sa pagtibok ang puso ko nang mapagmasdan ko ang kabuuan ng mukha nito. Napakatangos ng ilong nito. Makakapal ang mga kilay na bumagay lang sa guwapong mukha nito. Ang mga mga nito ay itim na itim at ang labi ay medyo mamula-mula.

Natuon ang pansin ko sa tattoo nito sa leeg, sa bandang kanan. Umabot ang tattoo nito sa kanang braso nitong matipuno. Ang aura nito ay tila isang bad boy kaya bumagay lang ang tattoo na nakaukit sa balat nito.

Nabigla ako nang bigla nitong mabitawan ang  hawak na wine glass at bumagsak iyon sa tile na sahig. Nabasag iyon at kumalat ang likido sa sahig.

Bigla itong kumilos para pulutin ang wine glass pero kaagad din itong napatuwid ng tayo at napadaing habang sapo ang daliri nitong may dugo.

Awtomatiko akong naglakad patungo dito at kinuha ang panyo mula sa bulsa ko. Hinawakan ko ang daliri nito at nilapat ang hawak kong panyo sa sugatang daliri nito.

"Okay lang po ba kayo, Sir?" Tanong ko habang ang atensyon ay nasa daliri nito, hindi ko pinansin ang mumunting boltahe ng kuryente na naramdaman ko nang hawakan ko ang kamay nito.

Umangat ang tingin ko at nagsalubong ang mga mata namin. Napakurap ako nang mapatitig sa itim na itim na kulay ng mga mata nito.

Bigla nitong binawi ang daliri mula sa akin na tila ba napaso ito.

"I-I'm okay." He said and took a step backward.

Bigla kong na-realized ang ginawa ko. Hinawakan ko ito!

"Nako! Sorry po. H-Hindi ko po sinasadya." Hinging paumanhin ko at kinagat ang ibabang labi.

That was a stupid act! Hindi ko dapat ito hinawakan. Magiging boss ko ito at ang lakas ng loob kong hawakan ito!

At ito ang unang pagkakataon na ako ang unang humawak sa isang lalaki na hindi man lang ako nakaramdam ng anumang takot sa dibdib.

"Okay lang." Sambit nito at hinawakan nito ang panyo na nasa daliri ko. "Thank you for this." Anito sa panyo at tumingin sa akin.

"Please, sit down. Gagamutin ko lang 'to." Anito at kaagad na tumalikod.

May kinuha ito mula sa drawer ng wooden table nito at inumpisahang gamutin ang sugat nito.

Naglakad ako patungo sa mahabang sofa at umupo doon habang hinihintay itong matapos.

"What's your name?" Narinig kong tanong nito.

"P-Po?" Napatingin ako dito at nakita kong nakaupo na ito sa swivel chair, sa harap ng table nito.

Hinamig ko ang sarili. Hindi ko alam pero kanina pa tumitibok ng napakalakas ang puso ko. Dahil siguro kinakabahan ako kaya ganito ang tibok ng puso ko.

"Tinatanong kita kung ano ang pangalan mo." Sambit ng baritonong boses nito.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Mukhang nag-uumpisa na itong mag interview.

"Noime Ysabelle Cuballes po, Sir." Magalang na sagot ko.

"Ilang taon ka na?" Patuloy na tanong nito habang ang mga mata ay nakatutok sa laptop na nasa harapan nito.

"26 po ako, Sir." Muling sagot ko.

Umangat ang tingin nito sa akin.

"Are you sure kaya mong magtrabaho sa club ko?" Muling tanong nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"You're only 26 and you look so innocent. Hindi ka nababagay sa club na 'to. Maipapangako mo bang magagawa mo ng maayos ang trabaho mo?"

Ilang sandali akong natigilan at kapagkuwan ay tumango.

"Yes, Sir. Gagawin ko po ng maayos ang-"

"Sa club ay hindi maiiwasan na may mga bastos na customers, lalo na ang mga kabaro ko. You're tall and beautiful at isama pang maganda ang katawan mo. Agaw pansin ka sa mga kabaro ko. Paano kapag binastos ka? Anong gagawin mo?" Diretsong tanong nito, nakatitig sa mga mata ko na tila sinusubukan ako.

Hindi ako nakaimik at napalunok. Ilang sandali lang ay tinignan ko ito ng diretso sa mga mata.

"Hindi po sila hahayaang bastusin ako." Tugon ko.

Hindi ito umimik at tinignan lang ako. Muli nitong itinutok ang mga mata sa laptop nito.

"Do you have boyfriend?" He suddenly asked.

"W-Wala po akong boyfriend, Sir." Tugon ko.

Muli ay umangat ang tingin nito sa akin. Sa ekspresyon ng mukha nito ay tila satisfied ito sa naging sagot ko. Bawal bang magboyfriend ang mga babaeng empleyado nito?

"I heard you're Juvy's bestfriend. Why do you want to work here?"

Natigilan ako at napayuko.

"M-My brother needs financial support that's why I want to work here. Hindi po kasi sapat ang sinasahod ko sa trabaho ko. M-May sakit ang kapatid ko at kailangan niya ng-"

"Okay. You're hired." Napaangat ako ng tingin dito.

"Po?" Naguguluhang tanong ko.

Tumayo ito at namulsa.

"Puwede ka ng mag-umpisa bukas ng gabi. My manager will discuss your schedule, salary and the rules and regulations as an employee here." Anito habang diretsong nakatingin sa akin.

Tumango ako.

"Thank you po, Sir. Pangako magiging mabuti at masunuring empleyado ako." Sabi ko at ngumiti.

Sandali itong napatitig sa akin na tila ba may nakita itong kakaiba sa mukha ko. Nag-iwas ito ng tingin.

"Puwede ka ng lumabas." Anito.

"Thank you again, Sir." Sambit ko at akmang hahakbang nang narinig kong tinawag ako nito.

Nilingon ko ito.

"Bakit po, Sir?" Tanong ko.

"Kumusta ang buhay mo? I mean, dito ka naninirahan sa Maynila? Matagal ka na ba dito?" Tanong nito.

Nagtataka man sa tanong nito ay tumango ako.

"Taga-probinsya po ako pero lumipat ako dito sa Maynila seven years ago, Sir." Sagot ko.

Tumango ito at umangat ang kamay para kamutin ang noo nito. Tila may gusto pa itong itanong pero mas pinili na lang tumahimik.

"Puwede na po ba akong lumabas, Sir?" Tanong ko.

Tumikhim ito at kapagkuwan ay tumango. Magalang akong nagpaalam at maingat na isinara ang pinto ng opisina nito nang makalabas ako.

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib. Nakalabas na ako at lahat-lahat pero ganoon pa rin ang tibok ng puso ko. Nakapakalakas.

"Anong balita? Tanggap ka na?" Kaagad na tanong ni Juvy.

Wala sa sariling tumango ako.

"Yehey!" Anito at niyakap ako.

Nang kumalas ito mula sa akin ay may nakakaloko itong ngiti sa mga labi.

"Natulala ka kay Boss Pogi, ano? Ang pogi, di' ba? 31 na si Sir Clyde pero mukhang 18 pa lang sa sobrang kinis ng balat. Sobrang pogi." Anito na parang kilig na kilig.

Clyde pala ang pangalan nito. Ang ganda sa pandinig.

Napailing na lang ako sa inaakto ng kaibigan at itinuon ang atensyon ko sa pagpapakalma ng puso ko.

"Mag-uumpisa na daw ako bukas." Sabi ko.

Tumango ito.

"Bukas ka na rin kakausapin ng manager ng club para ma-discuss sa'yo 'yong mga rules and regulations." Anito at ngumiti.

"Alis na ako, Juv. Pupuntahan ko pa si Claude." Paalam ko.

"Sige. Mag-iingat ka. Balitaan mo ako, ha?" Anito at hinalikan ako sa pisngi.

Naghiwalay kami at ako naman ay lumabas mula sa club. Naghintay ako ng masasakyang taxi patungo sa hospital.

"Walang masyadong dumadaang taxi dito kapag ganitong oras. Sa kabilang kanto ka mag-aabang pero malayo pa ang lalakarin mo papunta doon." Napalingon ako sa nagsalita.

"S-Sir Clyde." Gulat na sambit ko.

Tumingin ito sa akin habang nakapamulsa ang mga kamay.

"Pauwi ka na, hindi ba? Pauwi na rin ako, isasabay na kita." Alok nito.

Mabilis akong umiling.

"Huwag na po, Sir. Nakakahiya. Magtataxi na lang po ako. Ayokong maabala ka at-"

"I insist." Anito at tumalikod.

Naglakad ito patungo sa kotse nito at binuksan ang pinto sa passenger's seat.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko kaya lumingon ito sa akin.

"Sasakay ka o kailangan pa kitang hilain?" Seryosong tanong nito.

Napakurap ako at kapagkuwan ay tumango.

"Sasakay na po." Nagmamadaling sabi ko at naglakad patungo sa kotse nito.

"Thank you, Sir." Sambit ko nang makaupo sa kotse nito.

Tumango lang ito at walang imik na dumukwang na ikinabigla ko. Ikinabit nito ang seatbelt sa katawan ko at halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin.

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Napatitig ito sa akin at kapagkuwan ay kaagad ding lumayo na tila ngayon lang nito na-realized kung gaano kalapit ang mga mukha namin.

Naglakad ito at umikot patungo sa driver's seat. Nang nasa biyahe na kami ay tinanong ako nito kung saan ang address ko. Sinabi ko ang address ng hospital kung saan ko dinala si Claude kanina.

Habang nasa kahabaan ng biyahe ay pasimple kong hinahawakan ang dibdib ko. Nakakapagtaka na tila ayaw niyong kumalma sa lakas ng pagtibok niyon.

Bakit ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko?

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

27.2K 283 16
(THE COMPLETE VERSION OF THIS STORY IS AVAILABLE IN DREAME @GORGEOUSYOOO) Aviator's Series #02 Delaney Adair Monroeville is an airforce that has a ch...
1.7M 36.6K 49
Micheal and Lily story🖤 SELF PUB: visit my fb page maribelatenta for more details about sa book or kindly pm me for more details!