Clash of Clans Series - Prima...

By DianeJeremiah

525K 27.4K 8.3K

Fresh from a devastating breakup with Gabrielle, Kreme Tiffany Montalban went far away and left everything be... More

Author's Note
Introduction
Chapter 1 Girl Next Door
Chapter 2 Illustration
Chapter 3 Disturbed
Chapter 4 Someone You Loved
Chapter 5 Searching...
Chapter 6 Hope After the Pain
Chapter 7 Where Are You?
Chapter 8 Photograph
Chapter 9 Code: The Subject
Chapter 10 Unsolved Mystery
Chapter 11 Home
Chapter 12 Suddenly
Chapter 14 Are You Ready?
Chapter 15 It's The Only Way
Chapter 16 See You Again
Chapter 17 You're Here
Chapter 18 From A Distance
Chapter 19 Is This Goodbye?
Chapter 20 The Devil's Kiss
Chapter 21 Baby's Day Out
Chapter 22 The Registered PI
Chapter 23 Dealt With
Chapter 24 Before Me
Chapter 25 Find the Courage
Chapter 26 Override
Chapter 27 I'm All About You
Chapter 28 Speak, My Love. Speak.
Chapter 29 Loving You Is Like...
Chapter 30 On the Wings of Love
Chapter 31 What I Want
Chapter 32 Clash
Chapter 33 Point of No Return
Chapter 34 Love is Tragic
Chapter 35 Walk Me Home
Chapter 36 Judgement Day
Chapter 37 Until Such Time
Chapter 38 Running in Circles
Chapter 39 Ask Me Not
Chapter 40 After All
Bonus Chapter: A Happy Ending

Chapter 13 Missing You

10.6K 689 336
By DianeJeremiah

"Some old wounds never truly heal and bleed again at the slightest word."


Kreme POV


"Pwede bang maupo ka muna?" Nawiwindang ng sabi ni Princess sa akin. "Nahihilo na ako sayo e!" Sabay eksaheradang napahawak sa kanyang ulo.

"She's here, Princess!" Hindi malaman ang gagawing bulalas ko. "She's here!"

"Oo, oo. Narinig ko!" Sagot niya. "Kanina mo pa 'yan sinasabi."

"What is she doing here?" Naguguluhang tanong ko habang nagpapalakad-lakad sa harapan ni Princess na noon ay nakaupo sa harapan ng center island at ako naman ay nakatayong kanina pa napaparoo't parito. "Is she with Finn or Krum?"

"Malay ko!" Malakas ang boses na sagot niya. Natigilan ako at napatingin sa kanya ng makahulugan. "Maupo ka nga muna kasi! Hilong-hilo na ako sayo, Krema Kondensada!" Sabay maarteng napa-eye roll at napangalumbaba sa ibabaw ng countertop.

Napahugot ako ng malalim na hininga tsaka naupo sa kanyang tabi. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." Bagsak ang mga balikat na saad ko.

Malungkot na napabuntong-hininga siya tsaka ipinatong ang kamay niya sa kamay kong nasa aking mga hita at marahan itong pinisil. "Naiintindihan kita, Kreme. Pero siguro panahon na para bumalik ka sa inyo at harapin ang problema mo."

"I thought I saw them yesterday." Saad ko habang nakatingin sa kawalan.

"Baka namamalik-mata ka lang?" Tanong niya.

"I don't know." Wala sa sariling sagot ko.

Napapalatak siya. "Alam mo?" Sabay napatayo mula sa kinauupuang sambit niya. "Isa lang ang solusyon diyan."

Matamlay na nagbaling ako ng tingin sa kanya. "Ano?"

"Tawagan natin si Gabrielle." Tsaka kinuha ang cellphone niya pagkatapos.

"May cellphone number ka niya?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala!" Sagot niya ngunit sa cellphone niya ito nakatingin. "May Facebook namang tinatawag, di ba? Tawagan natin sa messenger. O di kaya Skype. Anong ginagawa ng social media? Haller?!" Maarteng dugtong niya.

Kung hindi lang ako nalulungkot ngayon ay baka nabatukan ko na siya.

"Heto na, nagri-ring." Excited na sabi niya kapagkuwan na dahilan ng muli kong pagbaling ng tingin sa kanya. "Naka-online siya, bes!"

Dinig na dinig ko ang pagri-ring ng account na tinatawagan ni Princess. Nakatingin lang ako sa kanya habang kapwa namin hinihintay na sagutin ni Gabrielle ang tawag.

"Gabrielle!" Sigaw ni Princess.

Gulat na napatayo ako mula sa aking kinauupuan. Napasenyas ako kay Princess kung siya na nga 'yon.

"Joke lang, 'to naman! Hindi naman halatang excited ka rin 'no?" Biro niya.

Nabuga ako ng hangin. Ang sarap niyang sakalin ng mga sandaling iyon.

"Princess!"

Nanlaki ang mga mata ko at parang literal na tumalon ang puso ko pagkarinig ko sa tinig na iyon.

"Gabrielle!" Tuwang-tuwang bigkas ni Princess. "Ikaw nga!" Sigaw pa nito.

Dinig na dinig ko ang pagtawa ng babaeng kausap ngayon ni Princess. Napalunok ako at para bang napako na sa aking kinatatayuan. Ni paghinga yata ay hindi ko na ginagawa.

"Baliw!" Nakatawang tugon ni Gabrielle.

Magkausap sila ngayon through video call. Hindi naman ako pwedeng magpakita. At sa totoo lang ay ngayon ko na lang ulit narinig ang kanyang boses. Ang kanyang tinig na dalawang taon ko ng gustong marinig. Ang kanyang pagtawa na ilang beses kong inasam na marinig at masaksihan ang saya sa kanyang mukha.

Pero kakayanin ko ba? Kakayanin ko ba siyang makitang masaya, nakatawa na hindi naman ako ang dahilan? Na maaaring naibaling na sa pinsan ko ang kanyang pagmamahal na minsan ay naging akin?

"Nakakatawa ka pa rin hanggang ngayon." Narinig kong sabi ni Gabrielle kay Princess.

Napatingin sa gawi ko si Princess na para bang tahimik na nagtatanong ito sa kung ano ang gusto kong malaman.

"Ikaw naman, hindi ka na nasanay sa akin." Sagot dito ni Princess. "Kumusta ka naman diyan sa Paris? Malamig ba diyan ngayon?" Kunwaring walang alam na tanong niya.

"Wala ako ngayon sa Paris!" Sagot ni Gabrielle. "Nandito ako ngayon sa Pilipinas."

Napalunok ako sa narinig. So posible ngang sila ang nakita ko kahapon? Nanlumo ako sa isiping iyon.

"Talaga?!" Ang galing umarte ni Princess. Parang genuine ang gulat sa kanyang mukha. "So, nasaan ka ngayon? Sa Narvacan ka ba?"

"Hindi." Tugon ni Gab.

Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag sa kanyang sagot o mas lalong kakabahan. Confirmed, namalik-mata lang ako kahapon. Hindi siya o sila ang nakita ko sa store.

"Nandito kami ngayon sa bahay nina mama Hailey." Dagdag na sabi pa niya.

Muli akong napatingin kay Princess. Sinenyasan ko siyang tanungin kung sino ang kasama niya. Na-quote ko kasi ang sinabi niyang 'kami'.

"Sinong kasama mong umuwi?" Tanong ni Princess sa kanya.

"Si Finn at tsaka si Krum."

Krum is here! Mas lalo ng napuno ng kaba ang puso ko. Nandito ang anak ko...

"Kasama mo si Krum? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita." Mabilis na sabi ni Princess. I mouthed thank you to her.

Dinig ko ang pagbuntong-hininga ni Gabrielle mula sa aking kinatatayuan. "Ipinasyal ni Harper." Sabi niya. "Kahapon pa kasi nagmamaktol."

"Baka hindi sanay sa weather dito sa Pilipinas." Saad ni Princess.

"S-siguro." Alanganing sagot ni Gabrielle. "Hinahanap kasi niya si..." Kababanaagan ng pag-aatubili ang kanyang tinig. "Si K-kreme."

Nagkatinginan kami ni Princess sa huling sinabi ni Gab.

Kilala ako ni Krum? Kilala ako ng bata?

"Si Kreme?" Kunwaring tanong ni Princess dito.

"Oo. Nangako kasi si Finn sa kanyang makikita niya ang mommy Kreme niya. Kaya ayon kahapon pa nagmamaktol. Ni hindi namin mapakain ng maayos. Gusto niyang makita 'yong isa." Parang problemadong saad niya.

Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking luha. Hinahanap ako ng anak ko. Nao-overwhelm ako sa nalaman. Gusto akong makita ni Krum.

Ang tanong, gusto ka rin kayang makita ni Gabrielle? Ani ng aking isipan.

Halos wala na akong naririnig pa sa pinag-uusapan nilang dalawa. Nakatayo lang ako doon at hindi na malaman kung ano ang mararamdaman. Samo't saring pakiramdam ang dumadagsa sa loob ko ngayon.

Overwhelmed, longing, pain... at the same time may konting saya akong nararamdaman dahil hindi nila ako ipinagkait sa bata. Hindi nila ipinagkait na makilala ako nito.

"Kreme." Puno ng simpatyang lumapit sa akin si Princess. Hinawakan niya ako sa braso.

"Kilala ako ni Krum." Umaagos ang luhang bigkas ko. "At gusto niya akong makita..."

Naiiyak na napatango si Princess. "Oo, gusto ka daw niyang makita, Kreme." Malungkot na sabi niya bagama't may ngiti sa kanyang labi.

Napayakap ako kay Princess at umiyak ng umiyak sa kanyang balikat. Ginantihan din niya ako ng yakap at hinahagod-hagod ako sa likod.

*****

Tulalang nakatanga ako sa kisame paggising ko kinabukasan. Kanina pa ako gising pero parang wala ako sa mood para bumangon. Para bang isa-isang bumabalik sa isip ko ang mga nangyari noon. Ang muling pagkikita namin ni Gabrielle sa Paris, ng malaman kong siya ang babaeng pakakasalan sana ni Finn na ang bagsak e sa akin, ang mga nangyari sa aming dalawa, ang hindi magandang paghihiwalay ng aming landas, ang pagpapawalang-bisa sa kasal namin...

Napabuntong-hininga ako bago tinatamad na bumangon na sa kama. Parang robot na bumaba ng kama at inayos ang hinigaan bago nagtungo sa loob ng banyo. Wala din sa sariling tinapat ko ang katawan sa shower para maligo. Napasinghap pa ako ng tumama sa balat ko ang malamig na tubig.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong-hininga habang naliligo at kalaunan ay nagbihis na para sa pagpasok sa trabaho. Matamlay na lumabas ako ng kuwarto.

Patuloy lang sa buhay ko
Limutin ang pag-ibig mo
'Di na babalik
Hindi na babalik
Pilitin mang ayusin 'to
Ayoko na sa piling mo
'Di na babalik
Hindi na babalik

Ang naabutan kong kantang pinapatugtog ni Princess sa pamamagitan ng kanyang bluetooth speaker habang nagluluto ng agahan. Sumasabay pa ito sa pagkanta.

Kay tagal na tiniis
Kapiling ka kahit na masakit
Ngayon malinaw na kung bakit ka umalis
Nang makalaya na sa pait at hinagpis
Alaala na tumatatak
Luha na pumapatak
Kailangan nang punasan
Ito lang ang paraan

Napapabuntong-hininga na naman ako habang nagtitimpla ng kape. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa buhay ko tapos dadagdag pa ang kantang 'to.

Pilitin mang ayusin 'to
Ayoko na sa piling mo
'Di na babalik
Hindi na babalik

Hindi na babalik... Haist...

"Patayin mo nga 'yan." Naiiritang sabi ko kay Princess. "Nakakabwisit!"

"O?" Nagtatakang nagbaling siya sa akin ng tingin. "Ang aga-aga nakasimangot ka na naman diyan."

Nakasimangot na napangalumbaba ako sa ibabaw ng countertop habang hinahalo ang natimplang kape.

In-off naman niya ang pinapatugtog bago hinago ang niluluto niyang sinangag. Inilapag niya ito sa harapan ko.

"Hindi pa ba enough ang sinangag ko para sumaya ka?" Pabiro niyang tanong. "Ako lang ang makakapagpangiti sayo gamit ang aking sinangag na kanin." She even wiggled her eyebrows in a playful way.

Unti-unti ng gumuhit ang ngiti sa labi ko. Haist... mababaliw na siguro ako sa lungkot at pangungulila kung wala si Princess.

"Alam mo, ikain mo na lang 'yan!" Sabi niya. Nilagyan pa niya ang plato ko ng dalawang sunny-side up na itlog at hotdog na para bang nakangiti.

Ginawa pa niya akong bata!

"Huwag ka na malungkot." Sabi niya. "Isipin mo na lang, may other life pa." Sabay napakindat sa akin. "Si Gab ang iyong TOTGA."

"The One That Got Away?" Kunot-noong tanong ko.

Tumango siya na ikina-buntong hininga ko na naman. Siguro nga ay hindi kami para ni Gabrielle sa isa't isa sa mundong ito. Maybe in another life...

Tahimik kaming kumain ng agahan. Pinakain ko muna si Fangs habang naliligo at naghahanda na para sa pagpasok sa trabaho si Princess. Ilang minuto pa ay natapos na rin ito. Pasado alas otso na ng umaga ng lumabas kami ng bahay.

Magtutungo na sana kami sa sasakyan pero natigilan kami pareho sa paglalakad ng may pumaradang itim na SUV sa harapan. Tatak pa lang ng kotse ay paniguradong mahal na ito.

"May inaasahan ka bang bisita sa ganito kaaga?" Tanong ko kay Princess habang nakatingin sa sasakyan. Tinted ang windshield nito kaya hindi ko aninag ang sakay ng naturang sasakyan.

"Wala." Nagtatakang sagot ni Princess habang nakatingin din ito sa sasakyang nakaparada sa labas ng gate. "Baka ikaw?"

"Ako?" Sabay turo sa sarili ng magbaling ako ng tingin sa kanya. "Sino naman ang nakakakilala sa akin dito para bisitahin ako ng ganito kaaga?"

"Si Ramjen?" Sagot niya.

Muntik na akong matawa sa isinagot niya. "Si Ramjen?" Napapailing-iling na bigkas ko. "May ganyan ba siyang sasakyan?" Kulang na lang ay insultuhin ko 'yong tao. "Isa pa, mas mabuti ng umalis na tayo baka masira pa ang araw ko." At nagpatuloy na sa paglalakad habang inilalabas ang susi ng kotse sa loob ng dala kong shoulder bag.

"Holy Mother of God, pray for us!" Bulalas ni Princess kasabay ng narinig kong tunog ng sumarang pinto ng sasakyan.

Kunot-noong napatingin ako sa kanya only to find out na nakanganga na siya at nanlalaki ang mga matang nakatingin ng diretso sa harapan. Nagtatakang sinundan ko ang direksyon ng kanyang tinitignan, pero para lang din mapako sa kinatatayuan.

"Kreme Tiffany Montalban!" Nakaangat ang gilid ng labing bigkas ni Lauren pagkatapos maisara ang pinto sa driver's side. "Long time no see."

Napaawang ang labi ko ng sunod-sunod na bumaba ang sakay ng sasakyan. Ang mga pinsan ko, kasama ang kapatid kong si Harper!

"Diyos ko, nasa langit na po ba ako?" Parang kinikilig na bigkas ng katabi ko. "Bakit ang daming diyosa?"

Parang hindi ko na naririnig ang mga sinasabi ni Princess dahil napako na ang tingin ko sa apat na babaeng naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko.

"Kreme." Nakangiti ng tipid na bigkas ni Asher.

"W-what are you doing here?" Shocked na tanong ko.

"We're here to take you home." Sagot ni Brooklyn.

"W-what?" Hindi makapaniwalang bigkas ko.

"You heard it right, ate." Sabi ni Harper. "Nandito kami para sunduin ka. It's time for you to come home."



-Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 141K 34
Paano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siy...
348K 7.3K 54
Summer Rain Canda the youngest daughter of the famous family of Canda. The richest in town, and Ranked 2nd richest family in the philippines. She's t...
289K 9.3K 28
Demi Lei Payne - First daughter of Reynaldo Payne. Mula ng mamatay yung nanay ni Demi dahil sa panganganak, nag-asawa ulit yung daddy niya. Kaya nama...