Sana

By YuppyYukari

143 0 0

Umaasa pa rin akong sana, pwede pa din. Sana... More

---

****

85 0 0
By YuppyYukari

Hi.

 

It’s been 4 months, 8 days, and 3 hours noong huli tayong mag-usap. Ang weird ko ba? Because I’m still counting? Hindi ko rin alam e. Hindi ko alam kung bakit kahit ilang taon pa ang ibigay mo sa akin, hindi ko magawang mag-move on sayo. Hindi ko magawang kalimutan ka.

 

Gustuhin at pilitin ko man, hindi ko kaya.

 

When we talked that day, it felt like you put an end to us. It’s like you said goodbye, leaving. You completely drifted away from me. We tried to talk about our past, we try to patch everything. We tried to draw back our past and think.

 

Fourth year high school tayo noong nagkagusto ako sayo. Ikaw yung kauna-unahang lalaki na para bang kada makikita ko, pakiramdam ko sasabog yung puso ko sa sobrang kaba at excitement. You’re the only person who let me feel somersault and ecstatic. Ikaw yung kaisa-isahang nagbago sa ‘kin.

 

I hate seeing people in love. Naiinis ako kada makakakita ng couple na ang sweet-sweet sa isa’t isa. Hindi ko mapigilang magpaikot ng mata kapag may nakakasabay akong couple sa jeep na magka-akbay o di naman kaya’y magka-holding hands. Yung tipong maglalandian na lang, sa harapan ko pa. Iritang-irita ako noon. I couldn’t withstand the idea of people feeling in love. Sabi ko noon, ayokong mangyari sa akin ‘yon. Ayoko. Kasi nakokornihan ako. Naiinis. Basta—ayoko.

 

Pero kinain ko lahat ng sinabi ko.

 

Unang araw pa lang ng klase, ikaw kaagad yung napansin ko. Ang tahimik mo kasi. Pakiramdam ko, ang unique ng personality mo. Nakakahanga pa kapag nagso-solve ka ng math kasi ang galing-galing mo. Ang cute-cute mong ngumiti. Palagi akong nagnanakaw ng tingin sayo. Nangingiti ng di oras. Kinikilig. Nagmamahal ng palihim. Paulit-ulit na nahuhulog.

 

Hala. Pasensya ka na ha. Sabi mo mag-move on na ako. Sabi mo, kalimutan na kita. Pero heto na naman ako, binabalik-balikan yung nakaraan natin.

 

Hayaan mo. Last na naman ‘to e. Kaya, pagbigyan mo na ako.

 

Nagsimula ako sa crush. Pagkatapos ay nagustuhan kita. Hanggang sa dumating na lang doon sa point na hindi ko na napigilan ang sarili kong mahulog sayo ng tuluyan. Alam mo, kapag tinatanong ako ng mga kaibigan ko dati kung bakit ikaw daw yung nagustuhan ko, hindi ko mapigilang ngumiti. Kahit sabihin nilang hindi ka naman daw ganoon ka-espesyal. Para sa akin, ang perfect mo kasi. Na kahit marami kang flaws, hindi ko yun makita.

 

Mahal kasi kita, Jigs.

 

Do you remember that day? Yung activity natin sa P.E. Ang lungkot ko nun kasi absent ka. Pilian kasi ng partner noon kung sino ang magiging kasayaw mo. Sabi ko sa sarili ko, bakit ka absent? Ikaw yung gusto kong partner e. Chance ko na yun para malapitan ka, makausap, mahawakan ang kamay mo. Chance ko na yun e, nabitin pa. Iba tuloy yung naging partner ko. Pero tila naawa ata sa akin ang tadhana.

 

Nung pumasok ka kinabukasan, naghahanap ka ng partner. Gusto ko sana mag-volunteer. Kaso, kawawa naman yung partner ko. Pero alam mo, sobrang saya ko nung hinila ako ng mga kaibigan ko, noong sinabi nila sa akin na sinabi mong gusto mo akong maging partner. Na nanghihinayang ka kasi may iba na akong partner, sa halip na sana ay ikaw.

 

Halos magtatatalon ako nun sa sobrang saya at kilig. Kasi pakiramdam ko, gusto mo din ako. Pakiramdam ko, ang swerte-swerte ko kasi nakikita ako ng taong gusto ko.

 

Tapos, sinabi sa akin ng partner ko na okay lang daw. Palibhasa’y alam ng buong klase na may gusto ako sayo. Ang obvious ko ata.

 

Hindi ko makalimutan noong unang beses ng rehearsal natin. Yung ibang ka-grupo kasi natin, nagsisimula ng sumayaw samantalang tayo, nasa pinakalikuran lang. Halos hindi nagsasalita. Nanonood lang. Pinagtawanan tayo nun, e. Kasi ang weird nating dalawa.

 

Tapos…nung lumapit yung kaibigan ko para tuksuhin tayong dalawa, kinuha niya ang pareho nating kamay at pinagdikit iyon. Hindi ko makalimutan yun, kasi parehong malamig yung kamay natin. Pagkatapos ng araw na yun, hindi na ako makatulog kakaisip. Gusto mo din ba ako? Kinakabahan ka din ba kapag malapit ako? Just the mere thought of it makes my heart go eccentric.

 

Pagkatapos nga lang nun, back to normal na naman tayo. Bumalik na naman ako sa pagnanakaw-sulyap sayo.

 

May mga araw na umiiyak ako. May mga araw na nakakatulog ako kakaiyak kakaisip sayo. Kasi nalaman ko sa best friend mong may nililigawan ka daw. Ang sakit pala. Naghahalo-halo kasi ang lahat. Umasa ako. Nag-assume.

 

Nagpaka-manhid.

 

Pero ang pinaka-pinagsisihan ko? Yung araw na sinabi kong hindi na kita gusto.

 

Nung araw ng graduation natin, halos lahat ng kaklase natin binati at kinausap ako, kasi magkakahiwalay na. Iba-iba ng kolehiyong papasukan. Iba-iba ng kursong kukunin. Panay ang sulyap ko sayo noon. Naghihintay na kausapin mo ako. Nagbabakasaling sa huling araw na yun, ikaw naman yung mangungunang mag-effort. Ikaw naman yung maglalakas ng loob. Ikaw ang unang lalapit.

 

Kaso hindi.

 

Kahit bye o congrats, wala. Kahit ngiti, wala. Yun yung sign na hiningi ko, sign na hiniling ko kung dapat ko na bang ihinto yung feelings ko para sayo. Sign na hiniling kong mangyari, kung tutuldukan ko na ba yung nararamdaman ko sayo.

 

Things were left unsaid and unknown.

 

There’s really a dangerous feeling when you’re in love. It’s giving your heart to someone else and giving them the guarantee to either make you happy, or otherwise, hurt you. And you did the latter.

 

Nakakapagod din pala yung ikaw lang ang nagmamahal. Kahit isipin mong okay lang, makikita at makikita mo pa rin ang sarili mong umiiyak. I always feel that. I always tried to be fine, to say everything’s completely fine. I always try to smile—I always fake a smile. Until there comes the point that I feel so pathetic for keeping myself near to you and always end up wasted.

 

It’s hard to broke your heart a lot of times and fix them every single time.

 

Napagod lang din siguro ako.

 

That’s why when you told me you love me, and you regret taking me for granted back then, I didn’t respond. I turned you down.

 

It’s just that—it’s too late.

 

I wanted to hate you. I wanted to forget everything about you. I wanted to stop myself for still falling for you kasi ang sakit-sakit na. Gusto kong sumaya ng hindi ikaw yung nagiging dahilan. Gusto kong magkagusto din sa iba na nakikita ako, na hindi ko na kinakailangan pang habulin sila. Nagbakasali akong kapag nalipat ko yung atensyon ko sa iba, makakalimutan kita.

Pero hindi ko kaya. Ni-tumingin sa iba, hindi ko rin kayang gawin dahil ikaw yung naiisip ko. Ikinukumpara kita sa kanila. Ganoon at ganoon pa rin kalakas ang impact mo sa akin na tipong katiting na status mo lang sa facebook na mababasa ko, nanlalamig na ako. Bumibilis pa rin yung tibok ng puso ko.

Bakit Jigs? Bakit hindi ko magawang mainis o magalit sayo?

Why is it always has to be you?

Pero alam mo ba? Kahit anong pilit ko sa sarili kong magalit sayo, hindi ko magawang tuluyan kang burahin sa sistema ko. That when you say you felt the same way about me even before, deep inside, umaasa akong kahit na humindi ako sayo, hindi ka hihinto. Kasi, mahal mo ako. Kasi, mahalaga ako sayo.

 

But you never did. Sumuko ka kaagad. Tumalikod ka kaagad sa akin.

 

And when you did that, ako naman itong humabol sayo. Ang gulo ko lang. Pero kasi, doon ko lang na-realize na huwag ng isipin ang sarili ko. Na kahit sinaktan mo at binalewala mo ako dati, okay lang. Kinalimutan ko na ang pride ko. Kinalimutan ko na ang sarili ko. Na kahit pa masaktan ako ng paulit-ulit, sasabihin ko sa sariling okay lang. Baka kasi this time, right time na para sa ating dalawa. Ito na yung perfect timing natin.

 

So I chase you back.

 

Tinigilan ko na ang pagpapaka-bitter ko sayo. I stopped being cold to you. I replied to all of your text messages. I did everything to make you realize that the old me was back. I stopped pretending that I don’t like you any longer. I stopped lying.

 

Until that day came.

 

We’ve talk. We brought our past back. That time, sinabi ko lahat ng nararamdaman ko sayo. I reach you out and said I was just hurt. I regret that day when I said no. I regret it every single day. Kahit pa ramdam ko ng araw na yun na para bang ang manhid-manhid ko na, I let myself opened to you. Siguro kasi ilang beses na rin akong nasaktan kaya namanhid na ako. So it doesn't matter to me that day if I looked pathetic for reaching you out and for making the first move. That day, we hear each sides and, you said that maybe I should just move on.

 

You’ve said I should just let go.

 

That broke my heart. Paulit-ulit akong umiiyak. Na pakiramdam ko, wala ng pagkakataon para itama yung pagkakamali ko dati. Wala ng panahon para kahit papaano, sumaya ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong mag-take risks, kung bakit hindi mo na ako naintindihan. Kung bakit, hanggang doon na lang tayong dalawa.

 

Wala na ba talagang second chance?

 

Promise, hanggang dito na lang ‘to. Pipilitin ko ng kalimutan ka. Pipilitin kong mag-move on. Katulad ng sinabi mo. And someday, we’ll talk again and I’ll smile to you genuinely. And I will tell you I find that someone who fix me and brought my broken pieces together.

 

Sorry. Sorry for one last time. Yung mga panahong hindi ko namamalayang nasasaktan din kita dahil nasasaktan ako, sorry. Sana, kahit hanggang dito lang tayo, hindi mo 'ko makalimutan ng tuluyan. I don't want to lose you completely. Kahit yung mga ala-ala na lang natin ang mayroon ako ngayon, okay lang. Pipilitin ko pa ring ngumiti at maging masaya. Kasi, yun na lang naman ang meron tayo. Ala-ala.

Sana nga lang makaya ko. Sana nga lang maka-move on ako. 

 

Sana.

Continue Reading

You'll Also Like

319K 14.5K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
2.4K 195 1
Sa dami nang ating pinagkapareho, dito rin ba, magka-tugma tayo?
545K 19.6K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
273K 3.4K 21
Gaia Leyn Velasco is a sweet and beautiful girl. She has everything. Looks, money, brain, and more. But there's one thing she can't get. Love. She's...