Late ud. Nabura kase yung ginawa kong una ehe. Btw this chapter is dedicated to all my readers out there kung meron man haha
Chapter 27 : He became my boyfriend
(Aero's Pov)
Tss sino ba ang mga unggoy na to! Sh*t ano kayang ginawa nila kay panget? Wala akong makita dahil nga nakablindfold ako. Inalis nila ang blindfold at bumungad sa akin ang dalawang unggoy. Isang lalakeng nakaupo sa may tapat ko at isang babaeng ang lapit sa akin.
"Hi Mr. Ashford. Musta ka naman? Ready ka na bang masira ang maganda mong mukha?" nakangising sabi ng babaeng unggoy sa harapan ko. She looks familiar parang nakita ko na sa..san ngayon..sa zoo. Tss.
"Tss Who are you? Anong ginawa nyo kay Razzle?" matalim na tanong ko sa kanya.
"Easy. Hiniram lang sya saglit ni kuya and I don't know anong gagawin sa kanya doon sa kwarto. But alam mo ba casanova si kuya ewan ko lang baka pati panget pinapatulan nun haha," nakangising tawa ng bwiset.
"Tss pakawalan nyo na sya. I heard ako lang may kasalan sayo na di ko alam kung ano..di ba?! Tss I don't even know you freak! "
"Haha yan ang gusto sayo ng mga babae eh..ang sungit image mo. At nagsisisi akong nagkagusto ako sa'yo. But that was before you shouted my mother asshole because of that ugly girl!" galit na sigaw nya sa akin.
"Tss anong sinasabi mo babae? I don't even know you."
"Tsk I'm Miyana. Isa sa mga nagkagusto sayo simula ng malipat ako sa exclusive school nyong yon at ipagpalit ang nanay ko sa daddy kong mayaman just to see always your d4mn face! na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Iniwan ko si mama at nagpretend na hindi ko sya kilala para hindi masira ang reputation ko as the CEO's daughter at patuloy na makapag-aral sa letseng school kung nasaan ka! And pinagsisisihan ko yon! Simula nung sigawan mo si mama because of that ugly d4mn girl nagalit na ako sa'yo ng sobra!"
Napaisip ako sa mga sinabi nya. So yung nurse na nasigawan ko sa canteen noong time na na clinic si panget ang sinasabi nya.
"Are you reffering to our school nurse? Sya ba ang mama mo?"
"Yes a**hole ! Sya nga ang mama ko na pinahiya mo sa canteen! Sobrang lungkot na nga nya dahil di ko sya maipakilala bilang ina tapos..papahiya mo pa sya!"
"Tss sinisisi mo ang kasalan mo sa akin. Kinakahiya mo ang mama mo na isang nurse lang? At nagagalit ka dahil nasigawan ko sya? Think again..galit ka sa sarili mo at naghahanap ka lang ng mapaglalabasan nito di ba? At ako ang sinisisi mo ngayon kung bakit malungkot ang mama mo. And it's not my fault if ganyan ang pinili mong desisyon. Sinabi ko bang mag-aral ka sa school na pinag-aaralan ko kapalit ng mama mo? Tss"
"Hoy gago ka ha! Huwag mo syang pagsalitaan ng ganyan!" sigaw nung lalaki sabay suntok sa akin. Tss
"Stop! Tama na Jilbert."
"But babe nasasaktan ka na dahil sa lunyetang to!"
"Ako ng bahala sa kanya. " pigil nya sa lalaking unggoy. Tss
"You It's all your fault! D4mn you! Di ka man lang ba magsosorry ha?"
"Sorry? Wala akong maalalang ginawa kong kasalanan sayo." Tss sinabi ko bang gawin nya mga katangahan nyang yun?
"D4mn you!" galit na sigaw nya sabay sampal sa kin. Sh*t! kung di lang ako nakatali papatulan ko na to.
"Gusto kitang patayin ngayon din Aero Arken Ashford.. napakasama talaga ng ugali mo..but..I can't..and i don't understand myself...kase gusto pa rin kita.."
"What?! Babe gusto mo pa rin sya?!" galit na sigaw ng lalaking unggoy. Tss.
"I'm sorry Jilbert..di ko rin maintindihan eh..galit na galit ako sa panget na yun..dahil nagseselos ako.." Tss speaking of panget..sh*t nag-aalala ako sa kanya. Ano na kayang nangyare dun? Gusto ko syang iligtas pero di ko magawa nakatali ang kamay at binti ko.
Boogsh!
sh*t! Sinuntok ako bigla nung unggoy na lalaki sabay hablot sa kwelyo ko. Tss pasalamat sya nakatali ako kung hindi buburahin ko ang unggoy nyang mukha.
"D4mn you asshole! Patayin na kaya kita!"galit na sigaw nya. Tss childish.
"Jillbert tama na yan! Ano ba!"-girl unggoy
"Ano pinagliligtas mo pa to? Akala ko ba paghihigantihan mo sya? Sisirain mo mukha nya? Bakit ngayon sinasabi mong gusto mo pa ang lalaking to!"
Boogsh!
"Jilbert pwede ba tama na!" awat ni Girl unggoy.
Sh*t sinutok na naman ako ng boy unggoy sa mukha. Humanda talaga ang unggoy na to sa akin pag nakawala ako dito. Hanggang san ba ang drama nila! Nakakairita na sila dinaig pa ang panget na yun.
"Sisirain ko na lang ang mukha ng lalaking to para hindi mo na sya magustuhan!"
Hinihintay ko nalang na tumama ang ikatlong suntok nya sa mukha pero pinigilan sya ni girl unggoy. Tss magdadrama na lang sila sinali pa ko.
"Jilbert sabing tama na eh!"
"Bakit Kaidam? Bakit mo pinagliligtas ang bwiset na lalaking yan?"
Tss napakadrama. Habang busy sila sa dramahan nila sinusubukan kong alisin ang tali. kailangan kong makawala dito at iligtas si panget.
"I'm sorry Jilbert. Akala ko gusto ko syang saktan pero di ko pala kaya ..ang gusto kong saktan ang panget na yun..sana nagawa na yun ni kuya."
"Sh*t you're hurting me inside Kaidam!"
No. Di nila pwedeng saktan ang panget na yun. Pinagbutihan ko ang pagkalag sa tali na nararamdaman ko malapit na syang matanggal.
"I'm sorry Jilbert..I really like Aero. Hayaan mo na kami.."
Tss she's crazy. Sa tingin nya gusto ko sya? I like panget than her. Wait. May sinabi ba kong may gusto ako sa panget na yun? Tss stop thinking Aero focus sa pagkalag sa tali..
"I can't believe it! Gusto mo pa rin ang lalaking to?" duro nya sa akin pero wala akong pakialam sa kanya because I'm busy untying this d4mn knot.
"Itong lalaking to na wala namang pakialam sayo mas gusto mo pa sya sa akin na mahal na mahal ka?!"
"Sorry Jilbert .. I don't know.."
"Stop saying sorry! You!" duro nya ulit sa akin sabay hawak sa kwelyo ng shirt ko. Tss crazy pathethic asshole. Humanda ka. Tinignan ko lang sya ng masama while untying the knot.
"Sabing tama na Jilbert eh!"
"No! I'll kill this d4mn man first!"
"Jilbert no!"
Sinuntok ulit ako sa mukha ng unggoy pero this time nasuntok ko na din sya dahil naalis ko na ang tali sa kamay ko. Bumalandra sya sa isang suntok ko lang. Tss weak.
"Jilbert!" sigaw ni girl monkey at dinaluhan sya.
Sunod na tinanggal ko ang tali sa paa ko.
Boogsh! Sh*t sinuntok nya ako bigla ng makabawi sya habang inaalis ko pa yung tali. Syempre gumanti din ako lang amg mga kamay ko hinampas ko sa kanya yung nahagip na walis ng mata ko sa malapit.
"Tama na please!"
"Guys tigil nyo muna yan!"
Napalingon kami sa isang lalaking nanggaling sa kung saan.
"O ano kuya tapos ka na ba sa mangkukulam look alike na yun? Nalaman mo na ba ang dahilan kung bakit naggayuma nya si Aero? I hope you hurted her
" nakangising sabi ng unggoy na babae. Teka sya ba yung kumuha kay panget! D4mn her! Galit na lumapit ako sa lalaki at hinablot sya sa kwelyo. Ang mukha nya parang gulat na may nakitang kung anong nakakagulat. Tss
"D4mn you! Where is Razzle!"
"Razzle? Tsk great pretender. Alam mo nakakainis ka answerte mo napa sayo pala sya!' Sagot nya bigla na ikinapagtaka ko. Great Pretender? And anong swerte don kanina nilalait nila si witch. Tsaka hindi naman sa akin ang witch na yun.
"Tss anong pinagsasabi mo ha? Where is she? Anong ginawa mo sa witch na yun?" Naiirita ko nang sabi sa kanya. Sh*t ano kayang ginawa nila kay panget.
"Kuya nasan yung panget na yun? Don't tell me. You killed her after you "try" her and bakit swerte si Aero sa panget na yun?"
Killed? Try?
"You a**hole! Where is Razzle?!! Tell me now or I'll kill you!" mahigpit na hinigit ko ang kwelyo nya para masakal ang asshole na to!
"S-She's inside the room. And you know alam ko na ang tinatago nyo."
"Tinatago? Anong pinagsasabi mo ha?"
"Wow. Talaga mag pepretend ka pa na wala kayong tinataging dalawa sa school."
"Kuya what are you talking about?"
Tss anong pinagsasabi ng lalaking to na tinatago namin ni Razzle.
"Anong sinasabi mong tinatago namin ha?"
"Princess listen magugulat ka sa sasabihin ko dahil ang babaeng-"
"Helloooo Guys!!"
Napatingin kami sa sumigaw mula sa likuran ng lalaking to na gusto ko ng patayin ng lumitaw si witch. Base sa hitsura nya panget pa rin sya at nakangiti pa so I guess ok naman sya. Papalapit sya ngayon sa amin. Kaya binitawan ko na bwisit na lalaking to.
"Kuya bakit mo sya pinakawalan?!"
"Ni-Ni-Nisha.."
Nagtaka ako sa inasal ng bwisit na lalaki ng humarap kay Razzle at bakit tinatawag nyang Nisha?
"Kuya bakit mo sya tintawag na Nisha?"
"Oo nga pre hindi naman si Nisha yan. Whoah! Don't tell me mangkukulam talaga yan at ginayuma ka na?" -Jilbert
"Manahimik kayo! Dahil sya-"
"Hindi nya ako tinatawag na Nisha noh! Nalaman nya lang kaseng kaibigan ko si Nisha!" Sabat ni panget. Tss sabi ko na eh magkakilala sila at sya yung nagpapunta dito noong sa party for kids. But pano naman nya nakilala si Nisha? Gahd I suddenly missed her.
"Wow. Ambisyosa ka rin noh. Kuya naniwala ka dyan? Walang kaibigan na panget ang idol ko!"
"But sya nga si-"
"Maniwala ka na nga! Kaibigan ko si Nisha. Pakawalan nyo na kami promise yayain ko pa yung makipagdate sayo kapag pinakawalan mo kami dito."
Tss baliw ba tong panget na to. Ibebenta nya si Nisha. Tss as if papayag yun hindi na nga yun nagpapakita.
"Talaga? Makikipagdate sya sa akin?" Sabi ng bwisit na lalaki. Asa sya. Geh witch magsinungaling ka pa ng hindi ka na nila buhayin talaga. And what is this damn feeling that i don't like that idea na mamatay si witch? Aah maybe naawa lang ako at wmawawalan ng panget sa school.
"Kuya huwag ka nga maniwala sa kanya! Di totoong magkakilala sila!"
"Shut up Princess. Pakawalan na natin sila dahil mali tong ginagawa natin. And besides I know you love this d4mn Aero and you can't hurt her so what's the point of this di ba?"
Natahimik naman si monkey girl. Tss i hate dramas.
"Fine. But kuya how about mama?"
"I think she's fine. Talk to her Princess ayusin mo ang sa inyo ng mama mo at hwag ka na manisi ng iba ok."
"Tss pwede na ba kaming umalis ha? Kase nakakairita kayong panuorin?" Asar na sabat ko.
"Aero I'm sorry nagalit lang ako kaya ko nagawa to," hinging paumanhin ni girl unggoy.
"Tss nasira mo na ang araw ko wala na kong magagawa dun. Where is my car?"
"Outside.."
"Razzle let's go." Tawag ko na kay witch ng makaalis nakami sa letseng lugar na to.
"No Nisha! I mean Ms. Rodrillo ako ng maghahatid sayo para makabawi sa kagaguhan ko."
Tss what did he just said?!
"Sira ulo ka ba? Sa tingin mo sasama sya sayo matapos nyo kaming kidnapin? Use your brain idiot and itago mo na lang yang konsensya mo until mamatay ka. Tss. Let's go Razzle."
Naglalakad na ko na ko at linampasan na siya but tumigil ako ng wala akong maramdamang nakasunod sa akin.
"Hey bakit di ka pa sumusunod? Let's go." At hinila ko na sya sa kamay pero binawi nya agad.
"Why? May masakit ba sayo?" Nagtataka kong tanong imbes na mainis. Hindi kaya sinaktan sya ng g#gong yun!
"Aah hindi ok lang ako Aero but una ka na."
Nagtatakang tinignan ko sya.
"Why? Don't tell me sasama ka talaga sa idiot na yan?" Tukoy ko sa unggoy.
"Oo."
"What? Are you out of your mind? They kidnapped us then now you wanna go with that a**hole?"
"Ok lang yun. Dahil sa kanya hindi tayo nagawan ng masama ng.." she said then lumapit sya sa tenga ko which brought me uncomfortable feeling. "psychotic nyang kapatid," pagpapatuloy na bulong nya.
"So? Ano yan utang mo ang buhay mo sa kanya na ginawan ka ng masama. Maybe ikaw ang psychotic witch."
"Aero sasabay lang naman ako sa kanya. Kakausapin ko din sila about dito sa nangyari I need to know their reasons so iwan mo na ako. I'm fine. ok?"
"Tss. Panget bahala ka!" Naiinis na sabi ko tsaka umalis na. Bahala sya. Bahala sya kung anong gawin nila sa kanya wala na akong pakialam. Tss she's really crazy.
--------
(Oni's Pov)
"Hey Babe.." Tss ang aga-aga naman nandito sya.
"Why are you here?" Walang ganang tanong ko sa kanya.
"Ofcourse to fetch my beautiful girlfriend." Ngiting-ngiting sagot nya. Kahit gwapo sya naiinis ako sa kanya.
"Tss what do you mean? Sabay tayong papasok?"
"Yeah ofcourse babe. You're my girlfriend now so it's my responsibility na paglingkuran ka.So let's go sabay na tayong pumasok. "
"What? Sabay? Di ka naman nag-aaral sa school ko ha? Don't tell me pumasok ka ng guard don?"
"Ofcourse not ang gwapo ko naman. But kung magiging personal guard mo syempre buong puso kong tatanggapin," he says sabay wink.
"Tss then bakit pa tayo sabay?"
"Syempre same school na tayo. Lumipat ako para sayo kung saan ang girlfriend ko dapat nandun din ako para bantayan ka-"
"What?! Bakit ka lumipat?! They don't need to know our relationship it's just-"
"Let's go babe malelate na tayo." Hila nya sa akin bago pa ako makapalag.
"Bitawan mo ko hindi ako sasabay sayo may driver ako and please stop calling me babe!" Napataas ang boses na sigaw ko sa kanya.
"An kulet mo babe. Tara na late na tayo tsaka sinira ko gulong ng kotse nyo so you have no choice kung hindi sumabay sa akin."
Bago pa ako makapalag ulit nasakay na nya ko sa kotse nya.
"You're crazy bakit mo sinira ha?" Naiinis na tanong ko sa kanya habang pinapaandar na nya ang kotse.
"Para sure na sumabay ka syempre. So let's go babe!" Nakangiting sabi nya bago pinaharurot ang sasakyan.
"Gahd nakakainis ka na alam alam mo?! Kung hindi lang-"
"Girlfriend stop shouting. You're voice is too precious so take care of it."
"Tss ewan ko sayo." Asar na sabi ko sa kanya habang sya ngiting-ngiting nagdadrive at nakatingin sa akin. He's still scary and I can't believe he suddenly became my boyfriend.. At habang papalapit kami sa school kinakabahan ako. I know masha-shock ang lahat..lalo na si Mr. Sunget na nakakaalam kung pano ko nakilala ang lalaking nagke-claim na boyfriend ko ngayon..haaaay...
-------------
ANNYEONG! ^__^ Sareh shirt ud yan lng nakayan ni brain haha
Btw belated MERRY XMAS and advance HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT! :) love u all!
~~~~~> ♥♥♥ Pherple Xekyhel ^_^